You are on page 1of 18

10

Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Tula mula sa Uganda
(Panitikan ng Africa at Persia)

Inihanda ni:

MARIECHU ASENCIO
Guro I, Pangasinan National High School

1
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Panitikan ng Africa at Persia!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng


mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, gurong tagapagdaloy at upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahang maiuugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang hinihingi ng ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita


ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estr atehiyang magagamit sa
paggabay sa mag -aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman


ang mga mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan
ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

2
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Panitikan ng Africa at Persia!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksiyon at


layunin. Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto,
lumikha at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay
sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-
akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong


maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha
mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o
isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

3
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang


kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anomang marka o sulat ang anomang bahagi ng modyul. Gumamit ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang iyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

4
Tula mula sa Uganda
MODYUL 3 Panitikan: Hele ng Ina sa Kaniyang
Panganay

Alamin
Ang Modyul 3 ay inaasahang maipamamalas mo ang pag-unawa at
pagpapahalaga sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay na isinalin sa
Filipino ni Mary Grace A. Tabora mula sa salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
na A Song of a Mother to Her Firstborn. Matututuhan mo rin ang
kahalagahan ng paggamit ng simbolismo at matatalinghagang pananalita sa
pagiging masining sa pagbuo ng tula.

Sa lumipas na dantaon, ang kababaihan ng Africa ay lumikha ng mga


tula na kanilang inaawit. Hitik ito sa matatamis at magigiliw na pananalita
at oyaying inuulit-ulit upang ipahayag ang pagmamahal ng ina na nagsisilbi
ring pang-aliw at pampaamo sa anak. Ito’y isa sa nakaugalian ng tribong
Lango o Didinga ng Uganda na naniniwalang ang kanilang mga supling ay
tila imortalidad ng kanilang magulang. Kaya naman ipakikita sa tulang
tatalakayin ang maingat na pagpili ng ina sa pangalan ng anak, mga
pangarap ng ina para sa kaniyang anak, panghuhula ng ina sa magandang
kinabukasan ng anak at ang positibong pagbabagong hatid nila sa kanilang
magulang.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.( F10PN-
IIIc-78)
2. Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinghagang
pahayag sa tula.( F10PB-IIIc-82)
3. Naiaantas ang mga salita ayon sa damdaming ipinahahayag ng bawat isa.
(F10PT-IIIc-78)

Subukin
Handa ka na bang tunguhin ang bansang Uganda at malaman ang isa sa
mga kanilang tula? Alam kong nananabik ka na, ngunit bago tayo
magpatuoy, tingnan muna natin kung hanggang saan ang iyong kakayahan
sa pamamagitan ng pagsagot sa mgasumusunod na pagsubok.
Paunang Pagtataya
A. Suriin at paghambingin ang dalawang tula sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong. Isulat ang pagsusuri sa sagutang papel.

5
Ako ang Daigdig Gabi
ni Alejandro Abadilla ni Ildefonso Santos

I Habang nagduruyan ang buwang ninikat


ako sa lundo ng kanyang sutlang liwanag,
ang daigdig isakay mo ako. Gabing mapamihag,
sa mga pakpak mong humahalimuyak!
ako
ang tula Ilipad mo ako sa masalimsim
na puntod ng iyong mga panganorin;
ako doon ang luha ko ay padadaluyin
ang daigdig saka iwiwisik sa simoy ng hangin!
ng tula
ang tula Iakyat mo ako sa pinagtipunan
ng daigdig ng mga bitui’t mga bulalakaw,
at sa sarong pilak na nag-uumapaw,
ako palagusan mo ako ng kaluwalhatian!
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako Sa gayon, ang aking pusong nagsatala’y
ang tula ng daigdig makatatanglaw din sa pisngi ng lupa;
samantala namang ang hamog kong luha
II sa sangkalikasa’y magpapasariwa!
ako
ang daigdig ng tula At ano kung bukas ang ating silahis
ay papamusyawin ng araw ang langit?
ako Hindi ba’t bukas din tayo ay sisisid
ang tula ng daigdig Sa dagat ng iyong mga panaginip?
ako ang malayang ako
matapat sa sarili Kaya ilipad mo, Gabing walang maliw,
sa aking daigdig ang ilaw at hamog ng aking paggiliw;
ng tula ilipad mo habang gising ang damdamin
sa banal na tugtog ng bawat bituin!
ako
ang tula
ng daigdig

ako
ang daigdig
ng tula
ako

III
ako
ang damdaming
malaya
ako
ang larawang
Buhay

ako
ang buhay
na walang hanggan

ako
ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
ako
ang daigdig
sa tula
6
ako
ang tula
sa daigdig
TANONG:
1. Ano ang sukat at tugma ng mga tula?
2. Paano naging marikit ang mga tulang binasa?
3. Ano ang talinghaga ng mga tulang binasa? Ipaliwanag.
4. Nasalamin ba sa dalawang tula ang kultura ng bansang pinagmulan nito?
Patunayan.

B. Panuto: Magbigay ng limang (5) matatalinghagang pananalita at simbolismo sa


salitang nasa puso. Isulat ito sa sagutang papel at sumulat ng tulang may isang
saknong gamit ang simbolismo at matatalinghagang salitang ibinigay

Matatalinghagang pananalita/simbolismo
1.________________
2.________________
3.________________ INA
4.________________
5.________________

Mahusay! Nakapagbigay ka ng matatalinghagang


pananalita/simbolismo at nakapagsulat ka ng isang saknong ng tula.
Magpatuloy ka pa.

Balikan
Bago ka tuluyang maglayag, magbaliktanaw ka muna kaugnay sa
kahulugan ng anekdota at ang Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik
saPagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota. Subukan nga natin! Ano ang
anekdota? Naalala mo pa ba ang halimbawa ng mga anekdota na pinag-
aralan mo? Ang tungkol kay Mullah Nasrreddin? Magaling! Ngayon, batid
kong kayang-kaya mong gawin ang susunod na gawain.
Gawin mo na!

Gawain 1: Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari


Panuto:Sa pamamagitan ng grapikong pantulong, ibuod ang mga
pangyayaring naganap sa anekdotang Mullah Nassreddin.

Pagpapadaloy ng mga Pangyayari

Pagpapatuloy

Pagwawakas

7
Pagsisimula

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Magpatuloy ka


lang at magagawa pang mapalago ang iyong kaalaman.

Tuklasin

Unibersal na kaalaman na ang bawat magulang ay naghahangad ng magandang


kinabukasan sa kaniyang anak. Ito ang pinapaksa ng tula ng isang inang taga-
Uganda para sa kaniyang sanggol sa akdang, Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay


A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.


Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y
munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na
matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo
apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa
akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.

8
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.

Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,


Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.

Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.


At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?


Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.


Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.


Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,

9
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.

GAWAIN 2: Paglinang sa Talasalitaan


Panuto: Isaayos mula bilang 1-5 ang mga salita batay sa sidhi ng damdaming
ipinahahayag ng bawat isa, ang 5 ang pinakamataas na antas. Gamitin ang tsart at
gawin ito sa sagutang papel.

Batayang mga Salita Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng


Damdamin
kagalakan 5.
katuwaan 4.
kaluwalhatian 3.
kaligayahan 2.
kasiyahan 1.
Paliwanag sa
Pag-aantas

Ayos ng mga Salita Batay sa Sidhi ng


Batayang mga Salita Damdamin

lungkot 5.
lumbay 4.
dalamhati 3.
pighati 2.
pagdurusa 1.
Paliwanag sa
Pag-aantas

GAWAIN 3:Tarukin Mo!


Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong sa isang sagutang papel.

1. Sino ang persona sa tula? Ano ang kaniyang pangarap?


2. Masining ba ang tulang tinalakay? Patunayan ang sagot.
3. Sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa
paglalarawan sa katangiang taglay niya?
4. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda ang lumutang sa tula? Ibigay
ang iyong pananaw ukol dito?

10
5. Alin sa mga kaugaliang ito ang naiiba sa kaugalian ng mga Pilipino? Sang-ayon
ka ba rito? Bakit?
6.Makatuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa
kaniyang ama? Sa poon?
7. Anong bisang pangkaisipan at bisang pandamdamin ang natutuhan pagkatapos
basahin ang akda? Ipaliwanag.

Ang akdang “Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay” ay isang tulang malaya na


nagsalaysay ng nadarama at pagpapahalaga ng isang ina sa kaniyang anak.

Suriin

Alam mo ba na….
ang tula ay anyo ng panitikan na binubuo ng saknong o taludtod? Bawat saknong
naman ay binubuo ng mga taludtod o linya at ang bawat taludtod ay nahahati sa
mga pantig. Ang mga pantig ng taludtod o mga salita o paraan ng pagbuo ng
pahayag ay piling-pili, may mga tayutay o mayaman sa matatalinghagang
pananalita, at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin, at
maindayog kung bigkasin kaya’t maaari itong lapatan ng himig.

Sa pagsulat ng tula kailangang masusing isaalang-alang ang mga elemento


nito. Ito ay ang sumusunod:

1. Sukat- Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Hal.: Mula sa tanaga ni Ildefonso Santos
A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/ lu/pa/ -- nag/ka/bi/tak

Sukat-Pipituhing Pantig

2. Tugma- Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.


Hal.: Mula sa tulang Kundiman ni Jose Rizal
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso
Sinta’y umiilag, tuwa’y lumalayo.

Tugmang - Ganap

3. Kariktan- ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sa tula at ang


kabuuan nito.
Hal.: Mula sa tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen
Ito ba ang mundong hinila kung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?

Kariktan- lalabindalawahing Pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinghaga- ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan ng tula o
ang ipinahihiwatig ng may-akda.
Hal.: Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay

11
Talinghaga-Nararanasang gutom ng isang mahirap

Gawain 4:Tula’y Mahalaga


Panuto: Batay sa tinalakay na impormasyon hinggil sa tula, ibigay/isulat ang iyong
sariling pananaw tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral nito bilang akdang
pandaigdig. Gayahin ang pormat ng grapikong presentasyon sa sagutang papel.

TULA

Sa pagkakataong ito, pag-aralan mo ang isa pang tula na isinulat ni Rafael Palma,
“Ang Matanda at ang Batang Paruparo.” Basahin at alamin kung ito ba’y tulang
malaya o tulang tradisyonal.

12
GAWAIN 5: Ipaliwanag Mo!
Panuto: Isagawa ang pasaklaw na pagpapaliwanag sa sagutang papel gamit ang
Ang Matanda at ang Batang Paruparo
Rafael Palma

Isang paruparo na may katandaan, “Akala’y isa nang elepanteng ganid


Sa lakad sa mundo ay sanay na sanay; ang alin mang langaw na lubhang maliit,
Palibhasa’y di nasisilaw sa ilaw at kung ang paningin nila ang manaig
Binigyan ang anak ng ganitong aral: magiging higante ang unanong paslit.”

Ang ilaw na iyang maganda sa mata “Kung ako’y lumapit na nananagano


Na may liwanag nang kahali-halina ay ano ang sama ng mapapala ko?
Dapat mong layuan, iyo’y palamara, Kahit na nga niya murahin pa ako
Pinapatay bawat malapit sa kaniya. ay sa hindi naman hangal na totoo.”

“Ako na rin itong sa pagiging sabik! “Iyang mga iba’y bibigyan ng matwid
Pinangahasan kong sa kaniya’y lumapit, sa kanilang gawa ang aking paglapit,
ang aking napala’y palad ko pang tikis sa pananakali’y di magsisigasig
nasunog ang aking pakpak na lumiit.” sa nagniningningang ilaw na marikit.”

“At kung ako’y itong nahambing sa iba Nang unang sandaliy’ walang
na di nagkaisip na layuan siya, naramdaman
disin ako ngayo’y katulad na nila, kundi munting init na wari’y pambuhay,
nawalan ng buhay at isang patay na.” ito’y siyang nagpapabuyo pang tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
Ang pinangaralang anak ay natakot
at pinangako ang kaniyang pagsunod; Natutuwa pa nga’t habang naglalaro
ngunit sandali lang. Sa sariling loob ay lapit nang lapit na di nahihinto
ibinulong-bulong ang ganitong kutob; sa isang pag-iwas ay biglang nasulo
tuloy-tuloy siyang sa ningas nalikmo.
“Bakit gayon na lang kahigpit ang bilin
ng ina ko upang lumayo sa ningning? Nang unang sandali’y walang
Diwa’y ibig niyang ikait sa akin naramdaman
ang sa buong mundo’y ilaw na pang- kundi munting init na wari’y pambuhay,
aliw.” ito’y siya pa ngang nagpabuyong tunay
upang magtiwala’t lumapit sa ilaw.
“Anong pagkaganda ng kaliwanagan!
isang bagay na hindi dapat layuan, At siya’y hindi na muling makalipad
itong matanda ay totoo nga namang hanggang sa mamatay ang kahabag-
sukdulan ng lahat nitong karuwagan!” habag,
ang ganyang parusa’y siyang nararapat
sa hindi marunong sumunod na anak.

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

kasunod na
grapikong representasiyon.

ELEMENTO NG TULA PAGSUSURI


A. SUKAT
B. TUGAMA
C. KARIKTAN
D. TALINGHAGA
Paglalahat Batay sa Pagsusuri
Ito ba’y tulang tradisyonal o malaya? Patunayan
Nasalamin ba sa tula13ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Sa paanong
paraan? Patunayan.
Pagyamanin
Naririto ang karagdagang kaalaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo
upang mapatunayan na nakatutulong ang paggamit ng mga ito sa pagiging masining
sa pagbuo ng taludturan ng isang tula.

Alam mo ba na…
nakadaragdag sa kagandahan at kabisaan ng katha ang hindi karaniwang paggamit
ng mga salita? Kaya naman ang tula ay mayaman sa mga tayutay na nakatutulong
upang maging mabisa at kaakit-akit ang akda. Maliban sa tayutay, nagagamit din
sa pagkakaroon ng kariktan ng tula ang mga simbolismo at matatalinghagang
pananalita.
Ang matatalinghagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi lantad na
kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng
anumang wika.

Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag

Bakit kaya rito sa mundong ibabaw


Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma. Lilia Realubit)

Ang mga may salungguhit sa tula ay matatalinghagang pananalita sapagkat


ang una’y nangangahulugang pagiging mukhang pera ng tao samantalang ang
ikalawa’y tumutukoy sa mahirap.

Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa


pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal. Ito ay
ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.

Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig

Palay siyang matino,


Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)

Ang salitang palay sa tula ay sumisimbolo sa taong dumaan sa pagsubok na


kaniyang nilampasan at nagsilbing susi sa kaniyang pagtatagumpay

14
Gawain 6: Matalighagang Salita at Simbolismo

Panuto:Ibigay ang kasingkahulgan ng mga matatalinghagang pananalita at


simbolismo na kinuha sa tulang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay

1. Wangis-_____________________
2. Musmos-_____________________
3. Kapilas ng buhay-_____________________
4. Supling-_____________________
5. Halakhak-_____________________
6. Nahimlay-_____________________
7. Nagtamasa-_____________________
8. Daratal-_____________________
9. panambitan-_____________________
10. Pagliyag-_____________________

Isaisip
GAWAIN 7:Speech Balloon
Panuto:Sagutin ang tanong sa loob ng Speech Balloon sa iyong sagutang
papel.
Ano ang layunin ng tulang binasa? Anong uri ito ng teksto?
____________________________________________
_______________________________________________
Paano naiba ang unang tulang binasa sa ikalawang tula?
Magkatulad ba ang pagiging masining ng dalawang tula?
Patunayan.
_______________________________________________
_______________________________________________

Isagawa
GAWAIN 8:Kumatha ng Tula
Panuto:Sumulat ng tulang mayaman sa matatalinghagang pananalita at simbolismo
na tungkol sa kadakilaan ng ina, tiyaking hindi bababa sa tatlong saknong ang
tulang lilikhain. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: kayarian,
kasiningan, at kaangkupan.

Tayahin
Pangwakas na Pagtataya

I. Panuto: Tukuyin kung ano ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod? Piliin ang
titik ng iyong sagot.:

____1. Ibig kong magsaka na ang aanihin ikabuhay ko ma’y sa pawis ko galing. -
Rogelio Sicat, Malaya

15
a. paghingi ng tulong sa ibang tao b. pagsisikap sa sariling paraan
c. gawing mag-isa ang isang gawain d. hindi paghingi ng tulong sa
iba
_____2. May isang bagay na malinaw na malinaw kong natatandaan tungkol kay
Tata More – hindi pa siya pumupunta sa amin nang hindi niya taglay ang ingay at
halakhak. - Genoveva E. Matute, Tata More
a. Masayahing tao si Tata More b. Maraming naiinis kay Tata
More
c. Mahirap kalimutan si Tata More d. Mahilig humalakhak si Tata
More
_____3. Sa matinding sikat ng araw, tila siya isang mandirigmang sugatan, ngunit
matatag na nakatindig sa pinagwagiang larangan.
- Rogelio Sicat, Impeng Negro
a. siya ay natalo b. patas lang ang labanan
c. nagtagumpay siya sa labanan d. hindi niya matanggap ang
pagkatalo
____4. Ang araw ay mahapdi sa balat at ang hangin ay tila hininga ng isang
nilalagnat. - Edgardo M. Reyes, Lugmok na ang Nayon
a. maysakit b. sobrang init ng panahon
c. sensitibong ang balat d. matinding sikat ng araw
____5. Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan, Dahon ko’y ginawang korona sa
hukay. - Jose Corazon de Jesus, Ang Punungkahoy
a. maysakit b. sobrang init ng panahon
c. sensitibong ang balat d. matinding sikat ng araw
II. Panuto: Tukuyin kung no ang isinisimbolo ng mga salitang may salungguhit.
Isulat ang titik ng iyong sagot.
____1. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, Dagiti’t dumagit saan man
sumuot… Ildefonso Santos, Ang Guryon
a. pagsubok sa buhay b. problema/suliranin
c. isang laruan d. pangarap
____2. At sa kubong butas-butas ay naglagos ang pangarap. - Teo T. Antonio, Kasal
ni Kikay
a. tahanan/bahay `b. pamilya c. kahirapan d. kayamanan.
____3. Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato. Ito’y
nagisnan na naming magkakapatid. - Edgardo M. Reyes, Ang
Gilingang Bato
a. katandaan b. panahon c. pamana d. kabuhayan
____4. Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluha ang kawawang
kapalaran ng lupain mong kawawa - Amado V. Hernandez, Kung Tuyo na ang Luha

16
Mo, Aking Bayan
a. damdamin b. mga pasakit/pagdurusa ng bayan
c. pag-ibig sa bayan d. pagliligtas sa baya
____5. May mga taong bukod sa hangad na tularan ang lalong walang habas na
ibon: ang Agila, ay may mga palatandaan pa rin ng buwitre, ng kuwago at ng
malaking bayakan na sumisipsip ng dugo ng tao. - Amado V. Hernandez, Mga Ibong
Mandaragit
a. katakawan b. kabulastugan c. gahaman sa yaman d. kasakiman

Susi sa Pagwawasto

Alin 1.1

Subukin

PAUNANG PAGTATAYA

A. Iba-iba ang sagot


B. Iba-iba ang sagot

Balikan Tuklasin Suriin


Gawain 1 Gawain 2 Gawain 4 & 5
Iba-iba ang sagot 5. kaluwalhatian Iba-iba ang sagot
4.Katuwaan
3. kagalakan
2.Kasiyahan
1. kaligayahan

5. lumbay
4. lungkot
3. dalamhati
2. pighati
1. pagdurusa

Gawain 3
Iba-iba ang sagot

Pagyamanin Isaisip Isagawa


Gawain 6 Gaawain 7 Gawain 8
Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot Iba-iba ang sagot

17
Tayahin
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. 1. B 2. A 3. C 4. D 5. D
B. 1. A 2. C 3. C 4. B 5. C

Sanggunian
Ambat, V.C., et al.(2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Vibal
Group, Inc., pa. 274-288
Mula sa Internet
https://www.slideshare.net/anayssim/filipino-major-isang-pagsasanay

18

You might also like