You are on page 1of 16

Filipino 9

Ikatlong Markahan – Modyul 2:


Panitikan: Elehiya ng Bhutan
“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”
Gramatika: Pagpapasidhi ng Damdamin
Filipino – Baitang 9
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Panitikang Asyano – Elehiya ng Bhutan

Isinasaad sa Batas republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot ng kagawaran.

School Digitized Task Force in Filipino 9

Manunulat:
Dona P. Tactaquin
Rachel E. Onza
Erika Camille S. Ocampo
Mhelvin A. Abarabar

Tagasuri:
Manilyn M. Conte
Dona P. Tactaquin
Maria U. Cruz
Marissa M. Mamaril, EdD
Maria Sylvia M. Garcia, PhD
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Panitikan: Elehiya ng Bhutan
“Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”
Gramatika: Pagpapasidhi ng Damdamin
Alamin
Natapos na nating suriin ang parabula na May-Ari ng Ubasan na talaga namang tumatak
sa ating isipan. Ngayon naman ay sisipatin natin ang isang akdang panitikan ng bansang Bhutan.
Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na mga Kasanayan sa Pampagkatuto sa
pagtatapos ng pag-aaral ng modyul na ito.
1. Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa: Tema, Mga tauhan, Tagpuan, Mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, Wikang ginamit, Pahiwatig o simbolo, Damdamin
F9PB-IIIb-c-51
2. Nabibigyang-puna ang nakitang paraan ng pagbigkas ng elehiya o awit F9PD-IIIb-c-50
3. Nagagamit ang mga angkop na pang-uri na nagpapasidhi ng damdamin F9WG-IIIb-c-53
Handa na ba kayo?

Subukin Mo
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa ala-ala ng isang mahal sa buhay.
a. Soneto b. Awit c. Elehiya d. Oda

2. Kung ang tula ay binubuo ng mga saknong, ano naman ang bumubuo sa saknong?
a. Tugma b. Taludtod c. Yugto d. Kabanata

3. Sa mga katangiang taglay ng tulang Elehiya, alin sa sumusunod ang di nabibilang?


a. Makulay b. Pananangis c. Pag-alala d. Pagpaparangal

4. Anong uri ng tula ang Elehiya?


a. Tulang Patnigan b. Tulang Dula c. Tulang Pasalaysay d.Tulang Liriko

5. Kadalasan ang tulang Elehiya ay pumapaksa sa _____?


a. kabayanihan b. pagpapakasakit c. alaala ng mahal sa buhay d. pag-ibig

1
Aralin A. Panitikan: Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
Elehiya ng Bhutan

2 B. Gramatika: Pagpapasidhi ng Damdamin

Panimula
Magaling!
Ngayong araw ay paglakbayin ang iyong diwa sa pag-aaral mo sa bagong aralin. Nababatid
kong muli kang masisiyahan sa mga matutuklasan mo. Simulan mo nang alamin kung paano
naiiba ang elehiya sa iba pang akdang patula.

Balikan
Gawain 1. Naaalala Mo Ba?
Panuto: Batay sa parabulang “Ang Talinhaga ng May-ari ng Ubasan” maglahad ng tatlong
mahahalagang kaisipan na mapupulot dito.
1. ______________________________________________________________________.
2. ______________________________________________________________________.
3. ______________________________________________________________________.

Tuklasin
Magaling! Nagagalak ako’t naaalala mo pa ang mga mahahalagang kaisipan sa ating
tinalakay noong nakaraan.
Ihanda mo na ang iyong sarili para sa kasunod na mga gawain.

Gawain 2: Mahal Ko, Pinapahalagahan Ko


Panuto: Sumulat ng maikling paglalarawan tungkol sa mahal mo sa buhay na labis mong
pinapahalagahan.
Sino ang taong ito? Ano ang nagawa niya sa buhay mo para pahalagahan mo siya? Isulat
ang kaniyang pangalan sa loob ng puso.

Mga Nagawa Mga Nagawa

2
Gawain 3: Tanong Ko, Sagot Mo
1. Nasubukan mo na bang mawalan ng mahal sa buhay?
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

2. Gaano ito kasakit para sa iyo?


________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.

3. Anong mga ginawa mo para maibsan ang pagdadalamhati?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

4. Ano ang gagawin mo sakaling mawalan ka ng mahal sa buhay?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

Ang pagpanaw ng mahal sa buhay ang itinuturing na pinakamabigat na damdamin


sapagkat hindi lamang nito sakop ang ating puso kundi sakop din nito ang kabuuan ng ating
pagkatao.
Maraming mga kaparaanan kung paano maipararating ang ganitong saloobin, maaaring
sa pamamagitan ng pag-awit na may himig o gaya ng pagsulat na lamang ng elehiya.

Alam mo ba…

Ang elehiya ay isang tulang liriko na nagpapahayag ng damdamin, paggunita, at


pagpaparangal sa isang nilalang na sumakabilang-buhay. Ito ay isang tulang liriko na
naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng masidhing damdamin
patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
May katangian ang elehiya. Ito’y tula ng pananangis, pag-aalala at pagpaparangal sa
mahal sa buhay na ang himig ay matimpi, mapagmuni-muni at di-masintahin.

3
Basahin/ Panoorin natin ang isang halimbawa ng elehiya mula sa Kanlurang Asya ng
bansang Bhutan na pinamagatang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya na isinalin sa Filipino ni Pat V.
Villafuerte.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


Bhutan
Isinalin sa Filipino ni Pat V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!

Ano ang naiwan!


Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.

Walang katapusang pagdarasal


Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala

Pema, ang imortal na pangalan


Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

4
Suriin
Magaling! Ngayon naman ay suriin natin ang bawat saknong ng tula.
Gawain 4: Pag-unawa sa Akda
1. Unang Saknong
Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawpu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kanyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di- mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________.
2. Pangalawang Saknong
Ano ang naiwan!
Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan,
Aklat, talaarawan at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak
At ang ligayang di- malilimutan.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

3. Pangatlong Saknong
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha at pighati
Bilang paggalang sa kanyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap,
Ang buhay ay saglit na nawala
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

5
4. Pang-apat na Saknong
Pema, ang imortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 5:
Pag-aralan at unawain mo ang mga linya ng tula at isulat sa katapat na kahon ang kahulugan.
Sikapin mong magamit sa sarili mong pangungusap ang mga binigyang-kahulugan na pahayag.
Isulat sa sagutang papel.

1. Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay.


___________________________________________________________________________

2. Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga.


___________________________________________________________________________

3. Walang katapusang pagdarasal.


___________________________________________________________________________

4. Mga mata’y nawalan ng luha.


___________________________________________________________________________

5. Malungkot na lumisan ang araw.


___________________________________________________________________________

6
Pagyamanin
Pagyamanin

Alam mo ba ...
na may iba’t iba pang uri ng tulang pandamdamin o tulang liriko na tinatawag natin?
Isa na rito ang DALIT. Ang DALIT (o dalisamba) ay isang maikling awit na pumupuri sa Diyos.
Ito ay isang maikling tulang liriko na nilikhang may aliw-iw ng awit subalit hindi ito kinakanta.
Kalimitan itong wawaluhing pantig na may dalawa, tatlo o kaya’y apat na taludturang may
apat na taludtod bawat isa.

Basahin natin ang isang dalit “Ang mga Dalit kay Maria”.

Ang mga Dalit kay Maria


Mula sa unang himno:
Matamis na Virgeng pinaghandugan,
cami nangangaco naman pong mag-alay
nang isang guirnalda bawat isang araw
at ang magdudulot yaring murang camay.
Coro: Tuhog na bulaclac sadyang salit-salit
sa mahal mong noo’y aming icacapit,
lubos ang pag-asa’t sa iyo’y pananalig
na tatanggapin mo handog nap ag-ibig

Mula sa ikalawang himno:


Halina at magsidulog
cay Mariang Ina ni Jesus
at ina ng tanang tinubos
nitong Poong Mananacop;
sintahin nati’t igalang
yamang siya’y ating Ina.

Coro: Halina’t tayo’y mag-alay


Nang bulaclac cay Maria.

Mula sa “Dalit”
O Mariang sacdal dilag
dalagang lubhang mapalad,
tanging pinili sa lahat
nang Dios Haring mataas

Coro: Itong bulaclac na alay


nang aming pagsintang tunay
palitan mo Virgeng mahal
nang toua sa calangitan.

7
B. Gramatika
Alam niyo ba na sa pagpapahayag maging sa pagsulat ng mga tula, mahalagang maipakita
ang damdaming nais bigyang-diin o pangibabawin upang higit na maipahayag ang kaisipan o
bagay na nais iparating?
Sa ganitong sitwasyon ay mahalagang matutuhan kung paano mapasisidhi ang
pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng kataga o pahayag.
Narito ang ilang paraan kung paano maipapahayag ang masidhing damdamin:
1. Sa pamamagitan ng pag-uulit ng pang-uri
Mga Halimbawa:
a. Magandang-maganda ang tinig ng mga Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika.
b. Mainit na mainit ang damdamin ng dalawang nagtatalo kanina.

2. Sa pamamagitan ng paggamit ng panlaping napaka-, nag-an, pagka- at kay-, pinaka, ka-


an upang mapasidhi o maipakita ang pasukdol na katangian ng pang-uri
Mga Halimbawa:
a. Napakaganda ang wika nating mga Pilipino.
b. Nagtatangkaran ang mga dayuhan sa pagtitipon.

3. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang gaya ng ubod, hari, sakdal, tunay,


lubhang at ang pinagsamang walang at kasing upang mapasidhi o maipakita ang
pasukdol na katangian ng pang-uri.
Mga Halimbawa:
a. Walang kasingsarap sa pandinig ang wikang Filipino.
b. Sakdal husay ang galing ng mga Pilipino sa pagbigkas ng tula.

4. Sa pamamagitan ng pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa


a. Paggamit ng Panlaping magpaka-
Pandiwang Pinasidhing anyo
Pinaghanguan
Magsipag Magpakasipag
b. Paggamit ng Panlaping mag- at pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat
Pandiwang Pinasidhing anyo
Pinaghanguan
Magsalita magsasalita
c. Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping mag- at nagkakaroon ng pag-uulit sa unang
pantig
Pandiwang Pinasidhing anyo
Pinaghanguan
Bumili Magbibilihan
d. Pagpapalit ng panlaping-um sa panlaping magpaka-
Pandiwang Pinasidhing anyo
Pinaghanguan
Tumalino Magpakatalino
5. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangungusap na walang paksa gaya ng…
a. Padamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.
Halimbawa:
Sugod!
Kayhirap ng buhay!
Laban!
Ang tapang!

b. Sambitla- ang mga sambitlang tinutukoy ay mga iisahin o dadalawahing pantig na


nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa:
Naku!
Aray!
Grabe!
Ay!

Gawain 6:
Panuto: Bumuo ka ng mga pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin tungkol sa mga
larawang inyong makikita. (Ang mga larawang ginamit ay kinuha mula sa internet)

1. ________________________________
________________________________
________________________________
________________________

2. ________________________________
________________________________
________________________________
________________________

3. ________________________________
________________________________
________________________________
________________________

9
Isaisip

Tanging ang Diyos ang may hawak ng buhay ng tao. Bagama’t masakit ay kailangan
nating tanggapin na ang kamatayan ay bahagi ng buhay ng tao.
Sa pagsusulat ng elehiya at iba pang tulang pandamdamin ay ginagamitan natin ito ng
mga kataga o pahayag na nagpapasidhi ng emosyon ng tao.

Isagawa
Gawain 7:
Panuto: Sumulat ng isang elehiya tungkol sa mahal mo sa buhay na yumao na gamit ang mga
katagang nagpapasidhi ng damdamin.

Pamagat

10
Tayahin
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni na nagpapakita ng
masidhing damdamin patungkol sa alaala ng isang mahal sa buhay.
a. soneto b. awit c. elehiya d. oda
2. Kung ang tula ay binubuo ng mga saknong, ano naman ang bumubuo sa saknong?
a. Tugma b. Taludtod c.yugto d. Kabanata
3. Sa mga katangiang taglay ng tulang Elehiya, alin sa sumusunod ang di nabibilang?
a. Makulay b. Pananangis c. Pag-alala d. pagpaparangal
4. Alin sa mga sumusunod na tulang Elehiya ang nagmula sa bansang Bhutan?
a. Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan c. Ang mga Dalit Kay Maria
b. Elehiya sa Kamatayan ni Kuya d. Ang Pamana
5. Anong uri ng tula ang Elehiya?
a. Tulang Patnigan c. Tulang Pasalaysay
b. Tulang Dula d. Tulang Liriko
6. Saang Bansa nabibilang ang mga tulang elehiya na : Kung Tuyo na ang Luha mo Aking Bayan
at Ang Pamana?
a. Singapore b. Syria c. Bhutan d. Pilipinas
7. Alin sa mga sumusunod na pang-uri ang di naglalarawan sa tulang Elehiya?
a.Matagumpay b. Malungkot c. madamdamin d.mapagpuri
8. Kadalasan ang tulang Elehiya ay pumapaksa sa _____?
a. Kabayanihan c. Alaala ng mahal sa buhay
b. Pagpapakasakit d. Pag-ibig
9. Paano inilarawan ng may-akda ang kanyang kuya sa tulang Elehiya sa Kamatayan ni Kuya
a. mapagmahal c. masipag
b. may mataas na pangarap d. Lahat ng nabanggit
10. Bakit sa palagay mo lubhang dinamdam ang pagpanaw ng kaniyang kuya? Piliin ang
pinakamabigat niyang dahilan.
a. Wala na siyang magiging karamay c. Di natupad ang pangarap
b. di pa napapanahon d. Wala sa nabanggit

11
Karagdagang Gawain
Gawain 8
Panuto: Manood sa youtube ng iba pang video ng mga taong bumubigkas ng tula partikular na
ang awit at elehiya. Pagkatapos ay suriin ang paraan ng pagpapahayag, galaw, ekspresyon ng
mukha at mensaheng nakapaloob sa tulang binibigkas.

Pamagat ng Tula

Paraan ng Galaw at Ekspresyon Mensahe


Pagpapahayag ng Mukha

12
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1. C
2. B
3. A
4. D
5. C

Gawain 1 Iba-iba ang sagot


Gawain 2 Iba-iba ang sagot
Gawain 3 Iba-iba ang sagot
Gawain 4 Iba-iba ang sagot
Gawain 5 Iba-iba ang sagot
Gawain 6 Iba-iba ang sagot
Gawain 7Iba-iba ang sagot
Gawain 8 Iba-iba ang sagot

Tayahin
1. C
2. B
3. A
4. B
5. D
6. D
7. A
8. C
9. D
10.B

Sanggunian:
Panitikang Asyano, pahina 200-211
Pinagyamang Pluma 9 pp. 321-322

13

You might also like