You are on page 1of 18

9

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Tanka at Haiku
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikalawang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Tanka at Haiku
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Avelino T. Gapol, Juneva P. Ardepolla at Emily Bayla


Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari/Jemar D. Alinabo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala: Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Sangay ng Lungsod ng Davao
Daang E. Quirino, Lungsod Davao
Telepono Bilang (082) 227-4726
9

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Tanka at Haiku
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Ang SLK na ito ay nakatuon sa Tanka at Haiku. Ang bansang Japan
ang isa sa mga kilala at nangunguna sa larangan ng ekonomiya at
teknolohiya hindi lamang sa Asya kundi maging sa buong daigdig. Bagama’t
makabago na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao roon, napananatili pa
rin nila ang kanilang sinaunang kultura at pagpapahalaga sa panitikan.
Patuloy nila itong ginagamit at pinagyayaman tulad na lamang ng Tanka at
Haiku.

Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, maisakatuparan mo ang sumusunod:

1. nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka


at haiku;
2. nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang mahahalagang salitang
ginamit sa tanka at haiku; at
3. naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat.

Subukin Natin
Magandang araw sa iyo. Sa bahaging ito, masusubukan ang dati mong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain. Marapat lamang na
basahin ang panuto bago ka magsimula. Kung mayroon kang hindi
naunawaan sa gawaing ito, huwag mag-atubili na magtanong sa iyong guro.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo sa sagutang papel ang


titik ng tamang sagot.

1. Ito ay binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan.


a. haiku c. tanka
b. tanaga d. soneto

2. Kahawig ito ng sesura sa ating panulaan.


a. Kana c. Hiram
b. Kiru d. Manyoshu

3. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag


at inaawit ng nakararami.
a. antolohiya c. dalit
b. soneto d. diona

3
4. Ang ibig sabihin ng tanka ay _____________ng isang kuwento.
a. matandang panitikang patula
b. sinaunang panitikang nagsasalaysay
c. mahabang awitin na madamdamin
d. maikling awitin na tigib ng damdamin

5. Ang haiku ay binubuo ng _______ pantig


a. 12 c. 10
b. 17 d. 14

Aralin Natin

Binabati kita at natapos mo ang bahaging Subukin Natin, Ngayon,


sasabayan kita sa pagbasa sa kaligirang pangkasaysayan ng Tanka at Haiku.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Tanka at Haiku


Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson

Ang tanka at haiku ay anyo ng tula na pinahahalagahan ng


panitikang Hapon. Ginawa ang tanka noong ika-8 siglo at ang haiku noong
ika-15 siglo. Sa mga tulang ito layong pagsasama-samahin ang mga ideya sa
pamamagitan ng kakaunting salita lamang.

Ang pinakaunang tanka ay kasama sa kalipunan ng mga tula na


tinawag na Manyoshu o Collection of Ten Thousand Leaves. Antolohiya ito na
naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang ipinahahayag at
inaawit ng nakararami.

Sa panahong lumabas ang Manyoshu, kumawala sa


makapangyarihang impluwensiya ng sinaunang panitikang Tsino ang mga
manunulat na Hapon. Ang mga unang makatang Hapon ay sumusulat sa
wikang Tsino sapagkat eksklusibo lamang ang wikang Hapon sa pagsasalita
at wala pang sistema ng pagsulat. Sa pagitan ng ika-5 hanggang ika-8 siglo,
isang sistema ng pagsulat ng Hapon ang nilinang mula sa karakter ng
pagsulat sa China upang ilarawan ang tunog ng Hapon. Tinawag na Kana
ang ponemikong karakter na ito na ang ibig sabihin ay “hiram na mga
pangalan.”

Noong panahong nakumpleto na ang Manyoshu, nagsimulang


pahalagahan ng mga makataong Hapon ang wika nila sa pamamagitan ng
madamdaming pagpapahayag. Kung historikal ang pagbabatayan,

4
ipinahahayag ng mga Hapon na ang Manyoshu ang simula ng panitikan
nilang nakasulat na matatawag nilang sariling-sarili nila.

Maikling awitin na puno ng damdamin ang ibig sabihin ng tanka.


Bawat tanka ay nagpapahayag ng emosyon o kaisipan. Karaniwang paksa
naman ang pagbabago, pag-iisa, o pag-ibig. Tatlumpu’t isa ang tiyak na bilang
ng pantig na may limang taludtod ang tradisyunal na tanka. Tatlo sa mga
taludtod ay may tig-pitong bilang ng pantig samantalang tig-limang pantig
naman ang dalawang taludtod. Nagiging daan ang tanka upang magpahayag
ng damdamin sa isa’t isa ang nagmamahalan (lalaki at babae). Ginagamit din
sa paglalaro ng aristocrats ang tanka, kung saan lilikha ng tatlong taludtod
at dudugtungan naman ng ibang tao ng dalawang taludtod upang mabuo ang
isang tanka.

Gaya nga nang naipahayag na sa unang bahagi ng tekstong ito,


noong ika-15 siglo, isinilang ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng mga
Hapon. Ang bagong anyo ng tula ay tinawag na haiku.

Noong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas


lumaganap nang lubos ang haiku. Binubuo ng labimpitong pantig na
nahahati sa tatlong taludturan.

Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may


wastong antala o paghinto. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting. Ang kiru
ay kahawig ng sesura sa ating panulaan. Ang Kireji naman ang salitang
paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa dulo ng isa
sa huling tatlong parirala ng bawat berso. Ang kinalalagyan ng salitang
pinaghintuan ay maaaring makapagbigay-daan na mapag-isipan ang
kaugnayan ng naunang berso sa sinundang berso. Maaari din namang
makapagbigay daan ito sa marangal na pagwawakas.

Ang mga salita na ginagamit ay maaaring sagisag ng isang kaisipan.


Halimbawa ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng tagsibol.
Ang shigure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig.” Mahalagang
maunawaan ng babasa ng haiku at tanka ang kultura at paniniwala ng mga
Hapon upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula.

Estilo ng Pagkakasulat ng Tanka at Haiku

Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Hapon. Maikling


awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na may limang
taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7
o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig ay tatlumpu’t
isang pantig pa rin.

5
Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong
bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa
mga taludtod ay 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng
pantig ay labimpito pa rin.

Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. Ang


paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.
Parehong nagpapahayag ng masidhing damdamin ang tanka at haiku.
Pinagkunan: Panitikang Asyano Modyul ng mga Mag-aaral sa Filipino 9

Gawin Natin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang tamang sagot.

Isulat ang titik sa sagutang papel.

_____1. Paano mo malalaman na haiku ang isang tula?


A. may tatlong taludtod na binubuo ng 17 pantig na may pardon na
5-7-5 o 5-5-7 o 7-5-5
B. may tatlong taludtod na binubuo ng 18 pantig na may pardon na
10-4-4 o 5-5-8 o 8-4-6
C. may tatlong taludtod na binubuo ng 12 pantig na may pardon na
4-4-4 o 8-2-2 o 2-8-2
D. may tatlong taludtod na binubuo ng 14 pantig na may pardon na
5-4-5 o 4-5-5 o 5-5-4

_____2. Ano ang kadalasang pinapaksa ng haiku?


A. kalikasan at pag-ibig
B. pagbabago, pag-ibig at pag-iisa
C. pagdiriwang at pag-aalsa
D. pag-ibig at himaksikan

_____3. Ano ang paksa ng haiku?

Iyong galangin
Ang asawa’y yakapin
Huwag bugbugin.

Huwag nang buksan,


Lahat ng nakaraan
Walang sumbatan.

6
Planong pamilya
Ay dapat ginagawa
Ng mag-asawa.

A. buhay may asawa C. pagplano ng pamilya


B. ang pag-aasawa D. pag-aaruga ng pamilya

_____4. Ang tanka ay may kabuoang pantig na 31 na maaaring magkakapalit


din at may karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod na ____.
A. 8-6-8-6-5, 6-8-5-6-8 C. 11-5-5-5-5, 5-11-5-5-5
B. 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 D. 7-6-8-5-5, 5-7-5-6-8

_____5. Ano ang karaniwang paksa ng tanka?


A. kalikasan at pag-ibig
B. pagbabago, pag-ibig at pag-iisa
C. pagdiriwang at pag-aalsa
D. pag-ibig at himagsikan

Sanayin Natin

Panuto: Piliin ang angkop na larawan na nagpapakita ng tamang kahulugan


sa saknong ng tula. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

A. B. C.

D. E.

7
_____1. Pakikisama ____2. May kaibigan,
Sa iyong mga kapwa Nasa tabi mo lamang,
Dulot ay saya Kung kasayahan.

______3. Ililigtas ko, _____4. Baság na bungo


Mabihag man ng mundo, Ang bumabangong buwan
Aking katoto. Sa puntod-ulap.
Alaala! Ako ay
Isang sepulturero.
_____5. Kaybilis ng panahon
Nang tayo’y nagkalayo
Nag-iisa sa dilim
Walang magawa,
Di pinapansin.

Tandaan Natin

Maikling awitin ang tanka na binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na


may limang taludtod. Karaniwang hati ng pantig sa mga taludtod ay 7-7-7-5-
5, 5-7-5-7-7 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng pantig ay
tatlumpu’t isang pantig pa rin.

Samantala, ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. May labimpitong


bilang ang pantig na may tatlong taludtod. Maaaring ang hati ng pantig sa
mga taludtod ay 5-7-5 o maaaring magkapalit-palit din na ang kabuoan ng
pantig ay labimpito pa rin.

Karaniwang paksa ng tanka ay pagbabago, pag-ibig at pag-iisa. Ang


paksang ginagamit naman sa haiku ay tungkol sa kalikasan at pag-ibig.

8
Suriin Natin

A. Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung tanka
o haiku. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Katapusan ng Aking 2. Tutubi


Paglalakbay ni Gonzalo K. Flores
ni Oshikochi Mitsune
Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson Hila mo’y tabak
Ang bulaklak nanginig
Napakalayo pa nga Sa paglapit mo.
Wakas ng paglalakbay
Sa ilalim ng puno
Tag-init noon
Gulo ang isip.

___________________ _________________

3. Anyaya 4. Naghihintay Ako


ni Gonzalo K. Flores Ni Prinsesa Nukada
IsinalinsaFilipino ni M.O. Jocson
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog Naghintay ako, oo
Halika, sinta Nanabik ako sa’yo
.Pikit-mata nga ako
_______________ Gulo sa dampi
Nitong taglagas

____________________

5. HUWAG BALASUBAS

Dapat bayaran,
Utang sa kaibigan,
‘Wag kalimutan.

____________________________

9
B. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat mo sa sagutang papel ang
tamang sagot.

1. Ito ay binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong


taludturan.
a. haiku c. tanka
b. tanaga d. soneto

2. Kahawig ito ng sesura sa ating panulaan.


a. Kana c. Hiram
b. Kiru d. Manyoshu

3. Ito ay naglalaman ng iba’t ibang anyo ng tula na karaniwang


ipinahahayag at inaawit ng nakararami.
a. antolohiya c. dalit
b. soneto d. diona

4. Ang ibig sabihin ng tanka ay ____________________ ng isang kuwento.


a. matandang panitikang patula
b. sinaunang panitikang nagsasalaysay
c. mahabang awitin na madamdamin
d. maikling awitin na tigib ng damdamin

5. Ang haiku ay binubuo ng _______ pantig


a. 12 c. 10
b. 17 d. 14

Payabungin Natin

A. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit


sa tula. Isulat mo sa sagutang papel ang titik ng inyong tamang sagot.

A. panahon ng pagninilay-nilay
B. bugso ng tubig
C. maliwanag
D. pinaasa
E. malungkot na tunog

10
_________1. Minsan na kitang _________2. Payapa at tahimik
Na nais ngunit Ang araw ng tagsibol
Ako’y iyong nabigo Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway

_________3. Matandang sapa _________4. Sa kagubatan


Ang palaka’y tumalon Hangi’y umaalulong
Lumalagaslas Walang matangay.

____________5. Araw na mulat


Sa may gintong palayan
Ngayong taglagas
Di ko alam kung kelan
Puso ay titigil na.

B. Suriin at tukuyin ang mga saknong ng tula na nasa loob ng kahon kung
tanka o haiku. Isulat mo sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Ambong kaylamig 2. Hindi ko masasabi 3. Payapa at tahimik


Maging matsing ay Iniisip mo Ang araw ng
nais ng kapang O aking kaibigan tagsibol maaliwalas
damo. Sa dating lugar Bakit ang Cherry
__________________ Bakas pa ang ligaya. Blossoms naging
____________________ mabuway.
___________________

11
C. Sumulat ng isang haiku na ang paksa ay tungkol sa pag-ibig. Isulat mo
sa sagutang papel ang sagot. Sundin ang pamantayan na makikita sa
ibaba.

Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman - 10 puntos
Sukat at tugma - 10 puntos
Simbolisma - 5 puntos
Kabuoan - 25 puntos

12
Pagnilayan Natin

Panuto: Sumulat ng isang payak na tanka at haiku. Malaya kang pumili ng


paksa. Isulat mo sa sagutang papel ang sagot. Sundin ang pamantayan na
makikita sa ibaba.

TANKA HAIKU

________________ ________________
Pamagat Pamagat

13
Rubrik sa Pagbuo ng Tula
Pamantayan 1 2 3 4
Simbolo/ Walang Gumamit ng 1 Gumamit ng 2 Maraming
Pahiwatig ginamit na simbolismo sa hanggang 3 simbolismo
simbolismo sa tula na simbolismo sa ang ginamit
tula na nakapagpapa- tula na sa tula.
nakapagpapa- isip sa mga nakapagpapa-
isip sa mga mambabasa. isip sa mga
mambabasa. mambabasa.

Nilalaman/Ideya Walang Mababaw at Malalim at Sapat,


malalim at kaunti lamang kaunti lamang malalim at
makahulugang ang ang makahuluga
nilalaman o makahulu- makahulu- n ang
ideya ang tula. gang gang nilalaman at
nilalaman o nilalaman o ideya ng tula.
ideya ng tula. ideya ng tula.

Sukat Walang sukat May mga May mga Napanatili


ang lahat ng taludtod na taludtod na mula una
saknong sa kulang ang kulang at hanggang
bawat sukat ng tula. sobra ang huling
taludtod. sukat ng tula. saknong ang
sukat ng
tula.
Tugma Walang mga May mga May mga Napanatili
tugma ang taludtod na taludtod na ang tugmaan
tula mula una may konting may maraming mula una
hanggang tugmaan. tugmaan. hanggang
huling huling
saknong. saknong.

Salitang Hindi angkop Hindi gaanong Konti lamang Piling-pili ang


Ginamit/ ang mga pinili ang mga ang piniling mga salitang
Talinghaga salitang salitang salitang ginamit sa
ginamit sa ginamit sa ginamit sa tula.
tula. tula. tula.

Kabuoang
Puntos

14
Susi sa Pagwawasto

A 5. B 5. D 5.
B 4. B 4. A 4.
D 3. A 3. B 3.
B 2. A 2. C 2.
C 1. A 1. E 1.

Subukin Natin Gawin Natin Sanayin Natin

HAIKU 5. A 5.
TANKA 4. E 4.
HAIKU 3. B 3.
HAIKU 2. C 2.
TANKA 1. D 1.

Suriin Natin Payabungin Natin

Sanggunian

Peralta, R., et al, Panitikang Asyano –Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9,


2014, Department of Education: Bureau of Learning Resources (DepEd-
BLR), Pasig City, Philippines.

15
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like