You are on page 1of 25

99

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Interaksyon ng Demand at Supply

i
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Interaksyon ng Demand at Supply
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Riza B. Vailoces
Editor: Rosalina V. Ejercito, Felix M. Montero, Vida T. Cabristante
Tagasuri: Gemma F. Depositario, Ed.D.
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Vanesa R. Deleña
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed. D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 5
Interaksyon ng Demand at
Supply

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Interaksyon ng Demand at Supply!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang
pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

iii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling Interaksyon ng Demand at Supply!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


Subukin na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay upang
Pagyamanin mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi
sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iv
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian: Ito ang talaan ng lahatng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

v
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang- unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!

vi
Alamin

Isang maligayang araw sa iyo!


Kumusta ang iyong araw?
Sa nakaraang pag-aaral ay nalaman mo ang tungkol sa kahulugan at
kahalagahan ng demand at supply sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Matatandaang may inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo at demand.
Ang dami ng demand ay mababa kung ang presyo nito ay mataas; at tataas ang
dami ng demand kung ang presyo nito ay mababa. Sa kabilang banda, maalalang
may positibong ugnayan ang presyo at supply. Ang pagtaas ng presyo ay
nakahihimok sa mga prodyuser na magdagdag ng dami ng supply; at ang pagbaba
ng presyo ay nangangahulugan din ng pagbaba ng dami ng produkto at serbisyo
na handing gawin ng mga ito.
Sa panibagong paksa ay mas lalo mo pang matutunan ang ugnayan ng
demand at suplay. Mahalagang maiugnay mo ang iyong natutunan sa nakaraang
aralin upang ganap na maunawaan ang paksang talakayin sa araling ito. Maari ka
ng magsimula.

Most Essential Learning Competency:


Naipapaliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa
kalagayan ng presyo at ng pamilihan. (AP9MYK-IIe-9)

Sa pagtatapos ng modyul, dapat mong:

1. Naipapaliwanag ang interaksiyon ng demand at supply


sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan.

2. Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng


kalakal at paglilingkod sa pamilihan.

3. Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon / kalutasan sa suliraning


dulot ng shortage at surplus.

1
Subukin
Direksiyon:
A. Basahing mabuti ang bawat item o aytem at gamitin ang iyong notebook o kuwaderno upang
isulat ang iyong mga sagot. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.
1. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o
serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo
ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
A. ekwilibriyong presyo C. ekwilibriyo
B. ekwilibriyong dami D. disekwilibriyo
2. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded
at quantity supplied sa isang takdang presyo.
A. Ekwilibriyo C. disekwilibriyo
B. ekwilibriyong dami D. ekwilibriyong presyo

3. Ito ang napagkasunduang bilang ng produkto na nais ipagbili ng prodyuser at bilhin ng


konsyumer.
A. ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami

4. Ang tawag sa presyong napagkasunduan ng konsyumer at prodyuser.


A. Ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami

5. Ito ay kaganapan sa pamilihan kapag mas mababa ang ekwilibriyon presyo sa


umiiral na presyo.
A. surplus C. quantity demand
B. shortage D. quantity supply

6. Ito ang kaganapan sa pamilihan kapag mas mataas ang ekwilibriyong presyo
sa umiiral na presyo.
A. surplus C. quantity demand
B. shortage D. quantity supply

7. Bakit ang labis na suplay ay mag-uudyok sa mga bahay-kalakal nababaan ang presyo ng
produkto?
A. upang maingganyo ang mamimili na bumili ng kanilang produkto
B. upang maabot ang ekwilibriyong presyo
C. upang hindi masira ang produkto
D. upang magkaroon ng malaking tubo

2
8. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng
quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng
pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser
sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais
ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, mas labis na supply sa pagkat maaring magtaas ng
presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat
tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na demand ay
hindi napupunan ng labis na supply.
9. Kapag nagkasundo ang mamimili at prodyuser. Ano ang tawag dito?
A. Ekwilibriyo sa pamilihan C. Ekwilibriyong presyo
B. Ekwilibriyong presyo D. Ekwilibriyo
10. Equilibrium Price ay;
A. Qd < Qs B. Qd > Qs C. Qd = Qs D. Qd > P

Balikan

Ngayon ay muli mo munang balikan ang iyong natutunan sa nakaraang aralin. Ito ay
pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Piliin sa loob ng kahon ang salitang tinutukoy sa bawat aytem sa ibaba. Isulat ang sagot sa
inyong kwaderno.

DEMAND BATAS NG DEMAND


SUPLAY BATAS NG SUPLAY
PAMILIHAN QUANTITY DEMANDED
PRESYO QUANTITY SUPPLIED
SUPPLY CURVE DEMAND CURVE

1. Ito ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang bahay-kalakal o prodyuser na


magbenta ng produkto o serbisyo.
2. Tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang taong bumili ng isang produkto at serbisyo.
3. Ito ay batas na nagsasaad na may salungat na relasyon o ugnayan ang presyo ng produkto
at ang dami na kayang bilhin ng konsyumer o mamimili.

3
4. Tumutukoy sa batas na nagsasaad na mayroong direktang relasyon o ugnayan ang presyo
sa quantity supplied.
5. Ang lugar o mekanismo kung saan ang konsyumer at prodyuser ay nagkaroon ng
transaksiyon upang magkaroon ng bentahan.
6. Tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga bahay-
kalakal sa iba’t ibang presyo.
7. Ang dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang
presyo.
8. Ang nakatakdang halaga ng isang kalakal o paglilingkod. Ito ang nag- sisilbing tagapag-ugnay
upang maging ganap ang palitan sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.
9. Tumutukoy sa kurba na nagpapakita ng direktang relasyon sa pagitan ng presyo at quantity
supplied.
10. Grapikong paglalarawan na nagpapakita ng magkasalungat na relasyon sa pagitan ng presyo
ng produkto at quantity demanded.

Tuklasin
SAGUTIN ANG MGA SUMUSUNOD: (Jumbled Words)
Panuto: Isaayos ang mga salita na nagsasaad at tumutukoy sa larawan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. OYIRBILIWKE
Sagot: ____________

Pinagkukunan:https://www.google.com/search?q=DEMAND+NG+GULAY+AY+KATUMBAS+SA+SUPLAY+NG+
GULAY&sxsrf= ALeKk01ImH3f9I2B6fj9JTXnUV5EPpDrNw:1593182497849&tbm=isch&

4
2. OYIRBILIWKESID SHORTAGE SURPLUS
Sagot: ___________
V
S

https://www.google.com/search?q=kalabisan+ng https://www.philstar.com/business/2020/03/1
+suplay+ng+isang+produkto+sa+panahon+ng+c 4/2000868/govt-bidding-dropped-testing-
ovid&sxsrf=ALeKk01oJF- kits-tissue- quarantine-sites
VvecO56lH0QzSvOlaRtkoDQ:1593185477706&s
ource=lnms&tbm=i

3. GETAORSH
Sagot: __________

https://vdocuments.site/ aralin-4 interaksiyon-ng-


demand-at-supply

:
4. RUSSULP
Sagot:_____________

https://quizizz.com/admin/quiz/5caf541c8ef8bd001bc
d60c6/economy

5. NGOYIRBILIWKE
OYSERP
Sagot:

https://www.philstar.cm/headlines/2018/04/03/18024
40/palace-no-need pank-over-reports-nfa-has-run-
out-rice

5
Suriin

Interaksyon ng Demand at Supply

Ayon kay Nicholas Gregory Mankiw (2012) sa kanyang aklat na Essentials


of Economics, kapag nagaganap ang ekwilibriyo ay nagtatamo ng kasiyahan ang
parehong konsyumer at prodyuser. Ang konsyumer ay nabibili ang kanilang nais
at ang mga prodyuser naman ay nakapagbebenta ng kanilang mga produkto.
Ang ekwilibriyo (equilibrium) ay isang kalagayan sa pamilihan na ang
dami ng handa at kayang bilhing produkto o serbisyo ng mga konsyumer (Qd) at
ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo ng mga prodyuser (Qs) ay
pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan. Ekwilibriyong presyo
(equilibrium price) ang tawag sa pinagkasunduang presyo ng konsyumer at
prodyuser at ekwilibriyong dami (equilibrium quantity) naman ang tawag sa
napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo.

Gamitin natin ang tatlong pamamaraan ng pagpapakita ng presyo, (P), quantity


supplied (Qs) at quantity demanded (Qd) gamit ang; A. Supply Curve at Demand
Curve, B. Market Schedule.

A. SUPPLY CURVE at DEMAND


CURVE
Price

Ekwilibriyo
ng presyo

P* EKWILIBRIY
O

Q* Quantity
Ekwilibriyo ng
dami

6
Napapansin natin sa Supplied Curve at Demand Curve na ang vertical axis ay
nagpapakita ng presyo at sa horizontal axis naman ay nagpapakita ng dami. Napapansin
din natin na may dalawang linya, ang una ay para sa demand at ang pangalawa ay ang
supplied. Ano ang naobserbahan mo sa ating dalawang linya? Mayroong naganap na
ekwilibriyo, ibig sabihin nagkasundo ang konsyumer at prodyuser sa iisang presyo. Ang
tawag nito ay ang ekwilibriyong presyo (equilibrium price), ito ang tawag sa
pinagkasunduang presyo ng konsyumer at prodyuser at ang ekwilibriyong dami
(equilibrium quantity) ang tawag sa napagkasunduang bilang ng mga produkto o serbisyo
ng konsyumer at prodyuser.

B. MARKET SCHEDULE
Quantity Presyo Quantity
Demanded (P) Supplied (Qs) A Sa presyong tatlong piso, ang
quantity supplied at quantity
(Qd) demanded ay pantay (Qd = Qs)

10 5 50

20 4 40 B Sa presyong mas mataas sa


tatlong piso mas maliit ang
30 3 30 quantity demanded kaysa sa
quantity supplied (Qs < Qs)
40 2 20
Sa presyong mas mababa sa
50 1 10 C tatlong piso, mas malaki ang
quantity demanded kaysa sa
60 0 0 quantity supplied (Qd >Qs)

Ano ang napapansin mo sa ating market schedule? Dito sa market schedule


maipapakita natin ang relasyon ng presyo, quantity demanded at quantity supplied.
Mapapansin natin na mayroon ding naganap na ekwilibriyo sa ating market schedule.
Ang quantity demanded ay 30 at ang quantity supplied naman ay 30, at ang
napagkasunduang nilang presyo ay 3 pesos. Pero kung 30 ang quantity demanded at
30 ang quantity supplied, paano naman ang ibang mga numero na mayroon sa quantity
demanded? Paano rin naman ang sa quantity supplied?

Maari ding makuha ang ekwilibriyo sa pamamagitan ng demand function at


supply function. Matatandaan na ang demand function ay matematikong
paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity demanded, at ang supply function
naman ay matematikong paglalarawan sa ugnayan ng presyo at quantity supplied.
Tandaan na ang quantity demanded (Qd) ay isang dependent variable at ang
presyo (P) ay isang independent variable, ibig sabihin nakabatay ang quantity
demanded sa pagbabago ng ating presyo dahil ang presyo ang nakakapagbabago
sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili.

7
Ang kompyutasyon na nasa talahanayan sa ibaba ay nagpapakita kung
paano makukuha ang Ewkwilibriyong Presyo at Ekwilibriyong Dami. Gamit ang
mathematical equation na;
Qd = 60 – 10P at Qs = 0 + 10P
Dapat tandaan sa puntong ekwilibriyo ang Qd = Qs

TALAHANAYAN NG EKWILIBRIYONG PRESYO AT


EKWILIBRIYONG DAMI
Qd = 60 – 10P Qs = 0 + 10P
Qs = Qd Qd = 60 – 10P Qs = 0 + 10P
0 + 10P = 60 – 10P = 60 – 10(3) = 0 + 10(3)
10P + 10P = 60 – 0 = 60 – 30 = 0 + 30
20P = 60 = 30 = 30
20 20
P=3
Ekwilibriyong Presyo (P*) = 3 Ekwilibriyong Dami (Q*) = 30
(equilibrium price) (equilibrium quantity)

Kung mayroon tayong tinatawag na ekwilibriyo, mayroon din


tayong tinatawag na disekwilibriyo. Ang disekwilibriyo ay nagaganap
sa kahit anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity
demanded at quantity supplied sa isang takdang presyo.
Ang disekwilibriyo ay may dalawang uri, ito ay ang shortage at
ang surplus. Ang shortage o kakulangan ay hindi sapat ang suplay
upang matugunan ang demand, ibig sabihin mataas ang demand
ngunit kakaunti o iilan lamang ang suplay. Samantala ang surplus o
kalabisan ay mas malaki ang suplay kompara sa demand, ibig sabihin
sobra sobra ang mga produktong nilikha ng mga prodyusers ngunit
hindi naman mataas ang demand para rito.

8
Makikita natin sa ating market schedule na mayroon tayong tinatawag na
surplus, dahil sa ating quantity demanded na 10 at 20, at ang quantity supplied
naman na 50 at 40 ay nagpapakita lamang na mas maliit ang demand kompara sa
suplay o may labis na produkto na hindi kayang bilhin nga mga konsyumer. Kung
ang gusto lamang ng ating konsyumer ay 10 at ang suplay ng produkto na mayroon
ang prodyuser ay 50 ibig sabihin ay mayroon tayong
40 na labis na produkto. At kung ang gustong bilhin lamang ng konsyumer ay 20 at
mayroong suplay ang prodyuser na 40 nangangahulugan lamang na mayroong
matitira o labis na produkto na 20 piraso.
At sa bandang baba ng ating market schedule ay matatagpuan ang
shortage. Paano naging shortage ang quantity demanded na 40, 50 at 60 at ang
quantity supplied na mayroong 20, 10 at 0?

Kaya shortage ang tawag natin dito, dahil mas mataas ang demand kung
ekokompara natin sa suplay. Halimbawa, kung ang gustong bilhin ng ating
konsyumer ay 40 subalit mayroon lamang 20 pirasong produkto ang ating
prodyuser hindi kayang tugunan ng prodyuser ang demand ng ating konsyumer.
Isa pang halimbawa, kung 60 naman ang gusting bilhin ng konsyumer ngunit wala
ng maibenta ang ating suplayer o ang ating prodyuser ibig sabihin mayroon
talagang nagaganap na shortage sa isang produkto.

Ang graph sa ibaba ay lubos na magpapaunawa sayo sa ekwilibriyo, shortage


at surplus na nasa talahanayan ng C. Market Schedule

9
Pagyamanin
Gawain A
Nakahanay sa ibaba ang iba’t ibang larawan na may kinalaman sa interaksyon ng demand at
suplay na nararanasan sa panahon ng pandemya na sanhi ng COVID19. Suriin at tukuyin ang
mga ito. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. 2.
https://philnews.ph/2020/03/11/grocery-stores-running-out- of-alcohol-hand- https://twitter.com/gmanews/status/1245306745741668352/photo/4
sanitizers-supply/

3. 4.
https://twitter.com/gmanews/status/1245306745741668352/photo/4 https://twitter.com/gmanews/status/1245306745741668352/photo/4

Gawain B.

Panuto: Suriing mabuti ang pahayag sa ibaba. Tukuyin kung nagsasaad ba ito ng surplus,
shortage at ekwilibriyo. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Kailangan ni Fatima ng isang dosenang rosas para sa kaarawan ng kanyang ina ngunit siyam
na rosas lamang ang natitira sa flower shop.
2. Nagkasundo ang prodyuser at konsyumer sa halagang ₱50 at sa dami na ₱30.
3. May 100 sako ng palay si Oscar ngunit 70 sako lamang ang handing bilhin ng bumibili nito.
4. May 36 na panindang payong si Joy. Dahil sa biglang pagbuhos ng ulan, naubos lahat ang
kaniyang paninda.
5. Napanis lamang ang mga nilutong ulam ni Aling Luz dahil sa suspensiyon ng klase kaninang
umaga

10
Gawain C

Panuto: Suriin ang market schedule sa 1 gallon na hand sanitizer gel na nasa talahanayan sa
ibaba at tukuyin kung ang sitwasyon ay shortage, surplus o ekwilibriyo. Pagkatapos, ipakita sa
pamamagitan ng graph ang nilalaman nito. Isulat sa kwaderno ang sagot.

MARKET SCHEDULE PARA SA 1 GALLON HAND SANITIZER GEL

A.

Presyo (P) Dami ng Dami ng Sitwasyon


Demand Suplay
100 80 20
200 70 30
300 60 40
400 50 50
500 40 60
600 30 70
700 20 80

B.

1. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng 1 gallon na hand sanitiser gel


kapag ang presyo ay ₱200?
2. Ano ang kalagayan ng pamilihan ng 1 gallon na hand sanitizer gel
kapag ang presyo ay ₱600?
3. Ano ang ipinahihiwatig ng punto ng ekwilibriyo?

11
Isaisip

A. Buuin ang graphic organizer batay sa isinasad sa aralin. Upang higit na


maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesong tanong na susukat sa antas
ng iyong kaalaman at pag-unawa. Isulat sa kwaderno ang sagot.

Ekwilibriyo

?
Interaksyon ng
Demand at Supply

Disekwilibriyo

1. Ano ang dalawang uri ng disekwilibriyo sa pamilihan?


2. Kailan masasabing mayroong ekwilibriyo sa pamilihan?
3. Paano nagkaroon ng gampanin ang presyo upang magkaroon ng
ekwilibriyo sa pamilihan?

12
Isagawa
Sa kasalukuyan ang ating bansa at ang buong mundo ay nakakaranas ng pandemya na sanhi
ng COVID19. Magbigay ng mungkahi sa paraan ng pagtugon o kalutasan sa mga suliraning
dulot ng kakulangan at kalabisan.

Ekonomiya

Pamumuhay

Pamilya

13
Tayahin

Direksiyon:
I. Basahing mabuti ang bawat item o aytem at gamitin ang iyong notebook o kuwaderno
upang isulat ang iyong mga sagot. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot.

1. Isang kalagayan sa pamilihan na ang dami ng handa at kayang bilhing produkto o


serbisyo ng mga konsyumer at ang handa at kayang ipagbiling produkto at serbisyo
ng mga prodyuser ay pareho ayon sa presyong kanilang pinagkasunduan.
A. ekwilibriyong presyo C. ekwilibriyo
B. ekwilibriyong dami D. disekwilibriyo
2. Ang anumang sitwasyon o kalagayan na hindi pareho ang quantity demanded at
quantity supplied sa isang takdang presyo.
A. ekwilibriyo C. disekwilibriyo
B. ekwilibriyong dami D. ekwilibriyong presyo
3. Ito ang napagkasunduang bilang ng produkto na nais ipagbili ng prodyuser at bilhin
ng konsyumer.
A. ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami
4. Ang tawag sa presyong napagkasunduan ng konsyumer at prodyuser.
A. ekwilibriyo C. ekwilibriyong presyo
B. disekwilibriyo D. ekwilibriyong dami
5. Ito ay kaganapan sa pamilihan kapag mas mababa ang ekwilibriyon presyo sa umiiral
na presyo.
A. surplus C. quantity demand
B. shortage D. quantity supply
6. Ito ang kaganapan sa pamilihan kapag mas mataas ang ekwilibriyong presyo sa
umiiral na presyo.
A. surplus C. quantity demand
B. shortage D. quantity supply
7. Bakit ang labis na suplay ay mag-uudyok sa mga bahay-kalakal na babaan ang presyo
ng produkto?
A. upang mainganyo ang mamimili na bumili ng kanilang produkto
B. upang maabot ang ekwilibriyong presyo
C. upang hindi masira ang produkto
D. upang magkaroon ng malaking tubo

14
8. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng
quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng
pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser
sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais
ibenta ng mga prodyuser.
B. Sa presyong ito, mas labis na supply sapagkat maaring magtaas ng presyo
ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.
C. Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat
tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na demand ay
hindi napupunan ng labis na supply.
9. Kapag nagkasundo ang mamimili at prodyuser.
A. Ekwilibriyo sa pamilihan C. Ekwilibriyong presyo
B. Ekwilibriyong presyo D. Ekwilibriyo
10. Equilibrium Price ay;
A. Qd < Qs B. Qd > Qs C. Qd = Qs D. Qd > P

Karagdagang Gawain
Panuto: Gumawa ng isang pagguhit na nasa anyong poster na naglalarawan ng iyong sagot sa
Isagawa. Pumili lamang ng isa. Gawain ito sa isang bond paper long. Ang pagbabatayan ng
pagbigay ng puntos ay ang Rubriks.

Rubrik para sa Poster


Natamong
Pamantayan Indicator Puntos
Puntos
Naipakita at naipaliwanagnang maayos
Nilalaman ang ugnayan ng lahat ng konsepto sa 5
paggawa ng poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe sa
5
Konsepto paglalarawan ng konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa paggawa
5
(Originality) ng poster
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
5
presentasyon presentasyon
Gumamit ng tamang kombinasyon
Pagkamalikhain
ng kulay upang maipahayag ang 5
(Creativity)
nilalaman, konsepto, at mensahe
Kabuuan: 25

15
16
Pagyamanin Subukin at Tayahin
1. C
Gawain A 2. C
1. Shortage 3. D
2. Shortage 4. C
3. Shortage 5. A
4. Shortage 6. B
7. A
8. A
Gawain B 9. A
1. Shortage 10. C
2. Ekwilibriyo
3. Surplus Balikan
4. Ekwilibriyo 1. Supply
5. Surplus 2. Demand
3. Batas ng Demand
Gawain C 4. Batas ng Suplay
A. 5. Pamilihan
Surplus 6. Quantity Supplied
Surplus 7. Quantity Demand
Surplus 8. Presyo
Ekwilibriyo 9. Supply Curve
Shortage 10. Demand Curve
Shortage
Shortage Tuklasin
B. (Graph) 1. Ekwilibriyo
1. 2. Disekwilibriyo
2. 3. Shortage
3. 4. Surplus
5. Ekwilibriyong presyo
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat

Dr. Jose V. Camancho, Jr. et al EKONOMIKS Araling Panlipunan Modyul para sa Mag-
aaral, Unang Edisyon 2015, Muling Limbag 2017

Websites

https://clipartstation.com/wp-content/uploads/2017/11/child-thinking-clipart-11.jpg
https://www.clipartkey.com/view/iRbJiR_thinking-child-clip-art-images- black-and-white/

https://www.pinclipart.com/maxpin/bxmRTR/

https://www.google.com/search?q=DEMAND+NG+GULAY+AY+KATUMBAS+
SA+SUPLAY+NG+GULAY&sxsrf=ALeKk01ImH3f9I2B6fj9JTXnUV5EPpDrNw:
1593182497849&tbm=isch&
https://www.philstar.com/business/2020/03/14/2000868/govt-bidding- dropped-testing-kits-
tissue-quarantine-sites
https://www.google.com/search?q=kalabisan+ng+suplay+ng+isang+produk
to+sa+panahon+ng+covid&sxsrf=ALeKk01OjfVvecO56lH0QzSvOlaRtkoDQ:159318547770
6&source=lnms&tbm=i
https://vdocuments.site/ aralin-4 interaksiyon-ng-demand-at-supply https://quizizz.com/
admin/quiz/5caf541c8ef8bd001bcd 60c6/economy
https://www.philstar.com/headlines/2018/04/03/1802440/palace-no-needpank-over-
reports-nfa-has-run-out-rice
https://philnews.ph/2020/03/11/grocery-stores-running-out-of-alcohol- hand-sanitizers-
supply/
https://twitter.com/gmanews/status/1245306745741668352/photo/4
https://bit.ly/377Cz0o
https://bit.ly/3m5t3AX

17
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like