You are on page 1of 18

9

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 6:
Epiko
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikatlong Markahan – Sariling Linangan Kit 6: Epiko
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling
Linangan Kit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI
Regional Director: Evelyn R. Fetalvero
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Paghahanda ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Avelino T. Gapol/ Emily G. Bayla/ Juneva Ardepolla


Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan/Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Evelyn R. Fetalvero Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI

Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao

Office Address: Daang E. Quirino Lungsod ng Davao

Telefax: (082) 2274726

E-mail Address: davaocitydivision@deped.gov.ph


9

Filipino
Ikatlong Markahan
Sariling Linangan Kit 6:
Epiko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-
aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang
wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang bawat
pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan ng mga
kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang mga
gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako sa
susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos ng
mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito nahihirapan ka sa pagsagot,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy. Tandaan
na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa pamamagitan
ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang makabuluhan, masining at
malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga kasanayang pampagkatuto.
Kaya mo yan!

1
Alamin Natin

Sa pag-aaral mo ng SLK na ito, matutunghayan ang isang halimbawa


ng epiko mula sa bansang India na kung saan masasalamin ang kanilang
paniniwala at kultura. Mananaig sa akdang ito ang kagandahan,
katotohanan at kabutihan ng mga pangunahing tauhan.
Sa pagtatapos ng SLK na ito, inaasahang maisakatuparan mo ang
sumusunod:

1. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang


pangyayaring napakinggan (F9PN-IIIg-h-54);
2. Nailalarawan ang natatanging kulturang Asyano na
masasalamin sa epiko (F9PB-IIIg-h-54);
3. Nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing na bayani ng
alinmang bansa sa Kanlurang Asya (F9PT-IIIg-h-54);
4. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang
Asyano at bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56).

Subukin Natin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
____ 1. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___.
A. nakikiusap C. nag-uutos
B. nagmamakaawa D. nagpapaunawa

____ 2. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at


demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang
hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang ________.
A. natatakot
B. mahal niya ang kaniyang asawa
C. hindi si Ravana ang kaniyang gusto
D. naniniwala sa milagro

____ 3. Ano ang tatlong katangian o bagay ang pinaniniwalaan ng bansang


India?
A. Kagandahan, latalinuhan at kasipagan
B. kagandahan, katotohanan, at kabutihan.
C. katalinuhan, katotohanan at kagandahan
D. kabutihan, kasipagan at katotohanan

2
____ 4. Anong uri ito ng panitikan na galing sa salitang Griyego na epos,
nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan?
A. parabula C. epiko
B. tula D. pabula
____ 5. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan
ng salitang “bihagin”?
A. ikulong C. hulihin
B. bitagin D. akitin

Aralin Natin

Mayaman ang India sa kultura at paniniwala. Pinaniniwalaan ng


bansang ito ang kagandahan, katotohanan, at kabutihan. Naniniwala sila na
pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang ayon sa
kanilang lipunan. Napakarami rin nilang mga tradisyon. Halos sa loob ng
apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng
mga Hindu. Ang mga ito ang pumukaw sa interes ng mga dayuhang
manlalakbay. Malimit na nababasa ang mga kultura nila sa kanilang epiko.
(Hango sa modyul 9 (pahina 209) Panitikang Asyano

Rama At Sita (Isang kabanata)


Epiko - Hindu (India)
(Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva)

Sa gubat tumira sina Rama, Sita at Lakshamanan nang ipatapon sila


mula sa kaharian ng Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila.
Hindi nila alam, nagpapanggap lamang ang babae. Siya ay si Surpanaka,
ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang
maging asawa”, sabi nito kay Rama. “Hindi maaari sabi ni Rama, “may
asawa na ako” Narinig ni Sita ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni
Rama si Sita sa harap ni Surpanaka. Nagselos nang husto si Surpanaka.Sa
galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita para patayin. Pero
mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay
Surpanaka, siya namang pagdating ni Lakshamanan.
“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang
kanyang espada at nahagip niya ang tenga at ilong ng higante. “Sino ang
may gawa nito?”, sigaw ni Ravana nang makita ang ayos ng kapatid.
Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama.
Sinabi niyang nakakita siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok

3
niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang babae. Nang pilitin
daw niya, tinagpas ng isang prinsipe ang kanyang ilong at tenga.“Tulungan
mo ako, Ravana,” sabi pa nito.”Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.”
Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng kapatid.
Pumayag siyang ipaghiganti ito.
Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili
sa kahit anong anyo at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at
Lakshamanan ang magkakalaban, tumanggi itong tumulong. “Kakampi nila
ang mga Diyos.”, Sabi ni Maritsa.
“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita
nang hindi masasaktan sina Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya
nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang
gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin
ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.” Baka higante rin iyan,”
paalala ni Lakshamanan.Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama
ang kaniyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang
mangyari,” bilin ni Rama sa kapatid. Parang narinig ng usa ang sinabi ni
Rama.Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin mo ang
gintong usa!”
Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si
Rama. Pinilit ni Sita si Lakshamanan na sumunod sa gubat. « Hindi,
kailangan kitang bantayan,” sabi nito. Ilang oras pa silang naghintay nang
bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot
pero ayaw pa ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita.” Siguro
gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang maging hari.” sabi nito kay
Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para
patunayang mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala
silang kamalay-malay na sa labas ay naghihintay si Ravana.
Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa.
Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin.
Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig kay Sita. Hindi
nakapagpigil si Ravana.“ bibigyang kita ng limang libong alipin at gagawin
kitang reyna ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang
hawak na banga!
Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa anyong higante si Ravana.
Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karwaheng
hila ng mga kabayong may malalapad na pakpak. Nagsisigaw at nanlaban si
Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kanyang buhok.
Nagdasal siya na sana ay makita iyon ni Rama para masundan siya at
mailigtas.
Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni

4
Sita. Hinabol ng ibon ang karwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravana ang
agila at duguan itong bumagsak sa lupa.
Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang
naghihingalong agila. “Dinala ni Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito
bago mamatay. Sinunog ng magkapatid ang bangkay ng agila. Pagkatapos
ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka.Dinala
ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo.
“Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kayamanan.” Sabi
ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.
Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin
ang Lanka. Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay
pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni
Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni


Rama ang hari ng mga higante. Tumakas ang iba pang mga higante nang
makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo si Sita sa
asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Pinagkunan: modyul 9 (pahina 195-197) Panitikang Asyano

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng


pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan
sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.
(https://www.tagaloglang.com/epiko/)

Mga Katangian ng Epiko


1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng
bayani.
2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan.
3. May malawak na tagpuan.
4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga tauhan.
5. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga mortal na tao.
6. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita
( https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/ )

Pag-unawa sa Binasa

5
Panuto: Piliin ang wastong sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.
1. Sino si Surpanaka?
A. siya ang irog ni Rama C. kapatid ni Sita
B. kapatid siya ni Ravana D. diyosa
2. Anong pagpapanggap ang ginawa ni Surpanaka nang siya ay
nagpakita kay Rama?
A. isang matanda C. isang babae
B. isang usa D. isang halimaw

3. Sino ang nagligtas kay Rama sa kamay ni Surpanaka?


A. Sita C. Lakshamanan
B. Ravana D. Maritsa
4. Ano ang kapangyarihang taglay ni Maritsa?
A. ang pagpapalit ng iba’t ibang anyo C. lumipad
B. pagiging malakas D. hindi nakikita
5. Ano ang ginawa ni Ravana upang mabihag si Sita?
A. nagpanggap siya bilang isang matandang paring Brahmin
B. nagpanggap siya bilang isang pulubi
C. nilason niya si Sita
D. dinukot niya si Sita habang ito ay tulog

Mga Salitang Naglalarawan


Ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan ay
nakapagpapatingkad sa mga pahayag na bumubuo sa pagbibigay ng
komentaryo, blog, o sa mga taludturan.

May mga salitang naglalarawan na maaaring gamitin sa tao na hindi


naman maaari sa bagay. May mga pangyayari rin naman na kapag ginamit
na ang salita sa pagbuo ng taludtod ay nababago ang kahulugan o hindi
gaanong napalilitaw ang nais ipakahulugan at hindi nagiging matimyas ang
salita. Halimbawa na lamang ay sa salitang matangkad na bagamat ito ay
tumutukoy sa taas (height) ay hindi maaaring gamitin sa paglalarawan sa
taas ng gusali.

Mga Halimbawa:

1. Nakatatakot ang magpatayo ng mga matatayog na gusali sa lugar na may


malambot na lupa tulad ng sa Baguio.

2. Matangkad ang aking panganay na anak sa kaniyang edad na labing apat

6
na taong gulang.

Mapapansin na ang salitang “matatayog” at “matangkad” ay parehong


tumutukoy sa taas (height) ngunit hindi maaaring mapagpalit ang gamit
sapagkat hindi aakma ang nais na iparating. Hindi maaaring maging
matangkad na gusali at matayog na anak. Kapag ginamit ang matayog sa
anak upang ilarawan ang taas nito makapagbibigay ng ibang paglalarawan
sa anak.
Pinagkunan: modyul 9 (pahina 54)Panitikang Asyano

Gawin Natin

Panuto: Ibigay ang maaaring maganap sa sumusunod na pangyayari.

1. Pang-aakit ni Surpanaka kay Rama


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Nagpanggap naman si Ravana na isang matandang paring Brahmin.


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng


isang gintong usa.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin


ang Lanka.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

7
Sanayin Natin

Panuto: Pumili ng dalawang tauhan mula sa epikong “Rama at Sita” na sa


palagay mo ay naging bayani, ibigay ang kani-mga katangian. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

Napiling Bayani Mga Katangian


1.

2.

Tandaan Natin
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang ‘awit’
ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan. Ang paksa
ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma.
Samantala, upang maging matingkad ang mga pahayag na bumubuo
sa pagbibigay ng komentaryo, blog o sa mga taludturan kinakalinagan ang
wastong gamit ng mga salitang naglalarawan. May mga salitang
naglalarawan na pareho ang tinutukoy na kahulugan, halimbawa nag
salitang “matatayog” at “matangkad” ay parehong tumutukoy sa taas
(height) ngunit hindi maaaring mapagpalit ang gamit sapagkat hindi aakma
ang nais na iparating.

8
Suriin Natin

A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa


sagutang papel.
____ 1. “Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Ang pahayag ay ___.
A. nakikiusap C. nag-uutos
B. nagmamakaawa D. nagpapaunawa
____ 2. Anong uri ito ng panitikan na galing sa salitang Griyego na epos,
nangangahulugang ‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa
pasalaysay na kabayanihan?
A. parabula C. epiko
B. tula D. pabula
____ 3. Dinala ni Ravana si Sita sa Lanka, ang kaharian ng mga higante at
demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat ng
kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita. Ang
hindi pagsuko ni Sita kay Ravana ay nangangahulugang ________.
A. natatakot
B. mahal niya ang kaniyang asawa
C. hindi si Ravana ang kaniyang gusto
D. naniniwala sa milagro

____ 4. Ano ang tatlong katangian o bagay ang pinaniniwalaan ng bansang


India?
A. Kagandahan, katalinuhan at kasipagan
B. kagandahan, katotohanan, at kabutihan.
C. katalinuhan, katotohanan at kagandahan
D. kabutihan, kasipagan at katotohanan
____ 5. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan
ng salitang “bihagin”?
A. ikulong C. hulihin
B. bitagin D. akitin

B. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa sagutang


papel ang iyong sagot.

1. Sino sa mga tauhan sa parabula ang sa palagay mo ay may taglay na


katangiang maihahalintulad mo sa iyong sarili? Bakit? (5 puntos)

2. Anong kultura ng Pilipinas ang masasalamin mo sa nabasang


parabula? Ipaliwanag. (5 puntos)

9
Payabungin Natin

A. Panuto: Sa pamamagitan ng wastong pagkakasunod-sunod, hulaan


ang maaaring mangyari sa akdang binasa batay sa ilang pangyayaring
napakinggan o nabasa. Isulat lamang ang bilang 1-5 sa iyong
sagutang papel.
____1. Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang makita nila ang
naghihingalong agila.
____2. Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago
ang sarili sa kahit anong anyo at hugis.
____3. Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin
ang Lanka.
____4. Binunot ni Lakshamanan ang kanyang espada at nahagip niya ang
tenga at ilong ng higante.
____5. Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng
isang gintong usa. Tinawag agad niya sina Rama at Lakshamanan
para hulihin ang usa na puno ng mamahaling bato ang sungay.

B. Panuto: Ilarawan ang natatanging kultura ng India na masasalamin


sa binasang epiko. isulat sa sautang papel ang iyong sagot. (5 puntos)

India

10
C. Panuto: Sa epikong binasa maituturing ding bayani ang hari ng mga
unggoy at mga kawal nito. Ibigay ang mga katangian nila kung bakit
maituturing silang bayani.

Katangian

Katangian Katangian
Haring unggoy
at mga kawal

Katangian Katangian

D. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na salitang


naglalarawan upang mabuo ang diwa ng mga pahayag. Isulat sa
sagutang papel ang iyong sagot.

1. Ang (kintab, liwanag) ng buwan ngayong gabi.


2. (Malamig, Maginaw) ang simoy ng hangin kapag buwan ng
disyembre.
3. Hindi naman (huminto, humupa) ang pag-inog ng kultura natin.
4. (matatayog, matataas) ang pangarap ng magkapatid.
5. (Kumikinang, Nakasisilaw) ang mga benta niyang alahas.
6. Nanalo siya sa paligsahan dahil sa sobra niyang (bilis, tulin) sa
pagtakbo.
7. (Mainit, Maalinsangan) ang simoy ng hangin.
8. Hindi naging (malamyos, mabagal) ang pagkilos Ni Rama kung kaya’t
natalo niya si Ravana sa labanan.
9. (Matingkad, maliwanag) ang kulay ng mga bulaklak ni Sita sa
hardin.
10.(Maitim, Makulimlim) ang kalangitan, nagbabayad ng pag-ulan.

11
Pagnilayan Natin

Panuto: Mamili ng isang bansa sa Timog Kanlurang Asya, gamit ang mga
angkop na salita bumuo ng talata na naglalarawan sa kultura nito.

Pamatayan:

Kaisahan 30%
Kalinawan 35%
Mga salitang naglalarawan 15%
Wastong Gramatika 20%

Kabuoan 100%

12
Susi sa Pagwawasto

13
Sanggunian

Peralta, Romulo N. et.al. para sa Ikasiyam na Baitang Panitikang


Asyano. (2014) 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex Meralco
Avenue, Pasig City Philippines 1600.

Rivera, Ryan C. at ng Innovative Education Materials, Inc.


Ikasiyam na Baitang Gantimpala (2015) IEMI Building, 2356 Revellin St.
Sta. Ana, Manila

(https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-epiko/)

(https://www.tagaloglang.com/epiko/)

14

You might also like