You are on page 1of 16

TUNGGALIAN AT MGA URI NITO

(Virtual na Pagtuturo)

  NANG MINSANG NALIGAW SI ADRIAN


(MAIKLING KUWENTO)
(MARSO 8, 2022, 8 NG UMAGA)
BAITANG 9 - FILIPINO
(VIA ZOOM)
Nakaraang dapat balikan…
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang hinihingi ng Hanay A. Banggitin ang letra ng wastong
sagot.

HANAY A HANAY B
1. Akdang hango sa Bibliya at nagtataglay a. kaharian ng Diyos
ito ng talinhaga.
2. Kabayarang pinagkasunduang ibabayad b. Diyos
sa manggagawa ng ubasan.
3. Huling oras na lumalabas ang may-ari ng c. parabula
ubasan upang maghanap ng manggagawa.
4. Ang malalim na kahulugan ng “may-ari ng d. ika-5:00 ng hapon
ubasan” base sa parabula.
5. Base sa binasa, ang malalim na kahulugan e. pilak
ng “ubasan”.
Mag-isip-isip pag may time…

Masayang Pamilya
Nang Minsang Naligaw si Adrian

(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang
pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.)
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang
dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang
doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa
rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang
kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital.
Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw
ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring
iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya
maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga
kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang
mangibangbayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.
Nang Minsang Naligaw si Adrian

Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng
babaeng makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag
mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang
kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw
ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at
isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Nang Minsang Naligaw si Adrian
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni
Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay
tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na
sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
“Wala po, Dad.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam
niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga
at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.
“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na rito tayo dumaan, para sa
pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at
natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.
Hinding-hindi na.
Adrian

Magandang katangian Negatibong katangian


Ama

Magandang katangian Negatibong katangian


Aral mula sa kuwento
TUNGGALIAN
Isang elemento ng maikling kuwento na tumutukoy sa mga isyu at problema
na hinaharap ng mga pangunahing tauhan.
URI NG TUNGGALIAN
 Tao laban sa tao - ang tunggaliang ito ay nagpapakita ng laban ng tauhan at iba
pang tauhan.
 Tao laban sa sarili – ito’y uri ng tunggalian na nangyayari sa loob mismo ng
tauhan. Ang kanyang pangunahing kalaban ay ang kanyang sarili at ang mga
problemang internal. Ito’y kadalasan na makikita kapag ang mga tauhan ay may
“internal conflict” o kaya’y nahihirapan sa mga desisyon.
 Tao laban sa lipunan – ang mga pangunahing tauhan ay lumalaban sa lipunan.
 Taolaban sa kalikasan – ang pangunahing tauhan ay naapektuhan ng mga
pwersa ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol at iba pa.
GAWAIN
Panuto:Tukuyin kung Tao laban sa tao, Tao laban sa sarili, Tao laban sa lipunan, Tao laban sa kalikasan ang
tunggalian sa bawat bilang.
______ 1. “Alam kong nais mo’y iligaw ako sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na rito tayo dumaan,
para sa pagbalik mo’y hindi ka maligaw”.
______ 2. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang kaniyang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng
kanyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin.
______ 3. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay
ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala”.
______ 4. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero ang natira sa kanilang nailigtas ay nagsalo-salo silang
tulad sa isang piging na alam nilang di na mararanasang muli. ( Ang Ama )
______ 5. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang babae, lalo’t kailangang lumabas ng bahay araw-araw
para pumasok sa eskwela. (Stella zeehandellar )
Dagdag-kaalaman…

 Transitional Devices -ang tawag sa mga kataga na nag- uugnay sa pagkasunod-sunod ng mga pangyayaring
pasalaysay at paglilista ng mga ideya, pangyayari, at sa paglalahad.
1. Sa wakas, sa lahat ng ito- panapos
Halimbawa:
 Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
 Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila`y mahal na mahal ng kanilang ama
2. Kung gayon- panlinaw
Halimbawa:
 Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan niyang pagbutihin ang pag-aaral.
 Tapos na ang ating proyekto, kung gayon dapat na tayong umuwi upang magpahinga
Dagdag-kaalaman…

 Pang-ugnay- ay mga salita, parirala at sugnay na nag- uugnay at nagpapakita ng


relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap.
 May mga pang-ugnay na hudyat sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari gaya ng
pagkatapos, sa/nang sumunod na araw, sa dakong huli, saka, una, sunod,
bilang pagtatapos, sa wakas at iba pa.
Halimbawa:
 Sa wakas, nabigyang-solusyon na rin ang pangunahing suliranin ng
organisasyon.
 Bilang pagtatapos, ang pagkakaroon ng mga responsableng mamamayan ay isa
sa mga paraan upang makamit ang kaunlaran ng bayan.
PERFORMANCE TASK
Magkuwento (naka-video habang nagkukuwento) tungkol
sa isang magandang lugar na iyong napuntahan (higit na mainam kung
dito sa bansa natin pero puwede rin sa ibang bansa). Nasa iyo ang
kapamahalaan kung paano mo mapagaganda ang iyong presentasyon sa
pamamagitan ng “video”.
Gumamit ng mga pang-ugnay na naghuhudyat ng pagkakasunod-
sunod ng pangyayari. (kinagabihan, kinaumagahan, isang araw,
bandang tanghali, pagkatapos, sa/nang sumunod na araw, sa dakong
huli, saka, una, sunod, bilang pagtatapos, sa wakas at iba pa.
Inihanda ni:

Alex C. Marcellano
Guro – Filipino 9
Koordineytor ng Filipino

MARAMING SALAMAT!

 
MAIKLING PAGSUSULIT # 3

Magbibigay ako sa lahat nang makapagpapasa ng “Performance


Task” ng “quiz certificate” na may katumbas na 10 puntos. Hindi na
kayo kailangang kumuha ng maikling pagsusulit kung nakapagpasa
kayo ng PT natin.

You might also like