You are on page 1of 4

Ang “The Wandering Jews (Ang Hudyong Lagalag)” at “Uncle Tom’s Cabin” ay

pumapaksa sa kasaysayan ng mga aliping Negro sa kamay ng mga Panginoong puting


Amerikano.

Dr. Ferdinand Blumentritt - ang dahilan kung bakit isinulat ni Rizal ang “Noli.”

Ang pamagat na “Noli Me Tangere” ay salitang Latin na ang ibig sabihin sa Tagalog ay
“Huwag Mo Akong Salingin” na hango sa Ebanghelyo ni San Juan Bautista,
Juan:20:13-17. Tumutukoy ito kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga
may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila.

Ang “Noli Me Tangere” ay mas madalas na tinatawag na “Noli” at ang salin sa Ingles ay
Social Cancer. Itinulad niya ito sa isang bulok sa lipunan na nagpapahirap sa buhay ng
isang tao.

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda - buong pangalan ni Dr. Jose Rizal.
Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya.

Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro - ama ni Dr. Jose Rizal


Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos - ina ni Dr. Jose Rizal

Hunyo 19 1861 sa Calamba, Laguna nakita ni Dr. Jose Rizal ang unang liwanag o
simpleng nabuhay siya sa panahon at sa lugar na iyan.

Saturnina, Paciano, Narcisa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa, Trinidad
at Soledad - mga anak nina Francisco at Teodora.

Jose Rizal Mercado y Alonso o simpleng Jose Rizal Mercado ang kanyang ginamit sa
kanyang buong kabataan. Sa payo ng kanyang kapatid na si Paciano Rizal Mercado,
pinalitan ni Rizal ang kanyang legal na pangalan upang hindi siya maiiugnay sa mga
aktibidad ng kanyang kapatid na kilala noon bilang aktibista at tagasuporta ng binitay na
paring si Jose Burgos.

Sa isang liham, sinulat ni Rizal na: “Hindi pinapansin ng aking pamilya [ang aming
ikalawang apelyidong Rizal], ngunit ngayo’y kailangan kong gamitin ito, kaya’t
lumalabas na ako’y parang isang anak sa labas!”

Segunda Katigbak - ang unang pag-ibig ni Rizal (puppy love). Siya ay 14 na taon
palang noon, ito ay kapatid sa kanyang kaklase na si Mariano Katigbak. Ginawan ni
Rizal si Segunda ng sketch at ang ipinalit ni Segunda ay isang puting rosas. Mag aalok
na sana si Rizal kay Segunda ng kasal ngunit may nobyo na ito na si Manuel Luz.

Miss L (Jacinta Ibarda Laza) - nakilala niya ito sa UST (Unibersidad ng Santo Tomas)
ngunit ang kanyang pag-ibig ay hindi natuloy dahil sa dalawang rason. Una, ang mga
magagandang ala-ala ni Segunda ay hindi pa nawawala. Pangalawa, hindi gusto ng
kanyang ama ang pamilya ni Miss L (hindi binanggit kung bakit).

Leonor Valenzuela - ay kilala sa tawag na “Orang”, siya ay 14 anyos at kapitbahay ni


Rizal sa Intramuros.

Leonor Rivera - ang unang totoong pag-ibig ni Rizal. Hindi niya alam na ito pala ay
malayong pinsan niya lang. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng karakter na si
Maria Clara sa Noli Me tangere at El Filibusterismo.

iba pang mga naging kasintahan ni Rizal:


● Consuelo Ortega y Rey
● Gertrude Beckett
● Nellie Bousted
● Seiku “O Sei San” Usui
● Suzanne Jacoby

Josephine Bracken - ang huling babae ng buhay ni Rizal. Siya ang maituturing na legal
na asawa ni Rizal.

Noong 1896, natuklasan ang lihim na organisasyon ng Katipunan, kaya bigla itong
naglunsad ng organisasyon. Pinayagan ng pamahalaan si Rizal na maglingkod sa Cuba
bilang manggagamot sa panig ng Kastila. Nang sumiklab ang himagsikan, agad siyang
dinakip sa barko at pinauwi sa Pilipinas. Inakusahan siya ng paghihimagsik at
pagtatangkang ibagsak ang pamahalaan at pagtatatag ng isang bawal na samahan.

Napatunayan siyang nagkasala at hinatulan ng bitay. Noong Disyembre 30 1896, binaril


siya sa Bagumbayan, na Liwasang Rizal na ngayon. Hiniling niyang huwag lagyan ng
piring sa mata at mabaril ng paharap, subalit pinayagan lamang na alisin ang piring sa
mata. Dahil dito, sa pagbaril sa kanya, siva'y pumihit paharap, habang bumabagsak,
bilang tanda na hindi siya taksil sa pamahalaan.

Sipi mula sa kaniyang huling liham: “Prof. Fernando Blumentritt” - (Mahal na Kapatid,
wala na akong buhay sa oras na matanggap mo ang liham na ito. Bukas ng ala-siyete,
ako ay babarilin; subalit ako ay walang kinalaman sa salang rebelyon...)
Disvembre 29, 1896 - Bago dumating ang kanyang katapusan ay naisulat pa niya ang
tulang "Mi Ultimo Adios" o (Ang Huling Paalam), isang tulang kakikitaan ng magigiting
na kaisipan at damdamin.

MGA TAUHAN SA NOLI

Crisostomo Ibarra - Siya’y nag-aaral sa Europa. Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin ang
kanyang bong pangalan. Anak ng negosyanteng Pilipino na si Don Rafael Ibarra.
Nangarap siyang makapagtayo ng paaralan para sa magandang kinabukasan ng
kabataan ng San Diego.

Maria Clara - (Maria Clara de los Santos) ay ang pinakamamahal na babae ni


Crisostomo Ibarra. Siya ay tanyag sa San Diego bilang maganda at mayuming dalaga.
Tinakdang ipakasal sa isang kastilang si Linares, pamangkin ni Don Tiburcio.

Padre Damaso - (Damaso Verdolagas) ay ang kurang Pransiskano na masalita at


talagang magaspang kumilos at ang dating ministro ng San Diego. Kaaway siya ni Don
Rafael na ama ni Crisostomo. Napalipat siya ng ibang parokya matapos maglingkod ng
matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi - (Padre Bernardo Salvi) ay isang Espanyol na padre pero isang masamang
ugali na tao. Siya ay ang karibal ni Ibarra sa pagmamahal ni Maria Clara, pero ang
pagmamahal ni Padre Salvi at ang kanyang masamang ugali ay alam na ni Maria, kaya
siya ay parating naiinis kapag nakikita niya si Padre Salvi.

Kapitan Tiyago - (Don Santiago de los Santos) ay isang mangagalakal sa rehiyon ng


Binondo. Siya ang itinuring na ama ni Maria Clara, at ang kanyang asawa ay si Donya
Pia Alba. Tanyag
sa pagiging bukas-palad.

Tiya Isabel - Siya ay hipag ni Kapitan Tiyago. Siya ang tumutulong sa pagpapalaki kay
Maria Clara.

Donya Victorina - (Doña Victorina de los Reyes de Espadaña) ay isang Pilipinang


ambisyosa. Siya ang babaeng nagpapanggap na maging mestisang Kastila kung kaya
abut-abot angkolorete sa mukha at maling pangangastila.

Don Tiburcio - (Don Tiburcio de Espadaña) ay isang pilay at bungal na Kastilang


napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni
Donya Victorina.
Elias - Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at
ang mga suliranin nito. Ang kaibigan at kakampi ni Crisostomo Ibarra. Namatay dahil sa
pagliligtas kay Ibarra, alang-alang sa Inang Bayan. Nagtatago sa batas. Anak siya ng
angkang kaaway ng mga ninuno ni Crisostomo.

Tenyente Guevarra - Siya ang tenyente ng mga guwardiya Sibil. Siya ang nagtanggol at
nagsiwalat sa mga nangyayari kay Don Rafael Ibarra.

Pilosopo Tasyo - (Don Anastacio) ay isang talentadong estudyanteng nag-aaral ng


Pilosopiya. Siya ay maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan
ng San Diego.

Sisa - Narcisa o mas kilalanin bilang Sisa, ay ang ina ni Basilio at Crispin na baliw.
Siya ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng
asawang pabaya at malupit.

Donya Consolacion - napapangasawa ng Alperes; dating labandera na may malaswang


bibig at pag-uugali. Katawa-tawa siya kung manamit at ikinahihiyang isama ng Alperes.
Ipinapalagay niya na siya' y higit na maganda kay Maria Clara.

Alferes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan ng San Diego; Asawa niya si


Donya Consolacion.

Bruno at Tarsilo - ipinakilala sa kabanata bilang magkapatid. Sila ang mga kabataang
malakas. Noong panahong iyon sila ay may ama na namatay sa palo ng mga
guwardiya sibil at alam na walang balak maghigante.

Crispin at Basilio - ay mga anak ni Sisa. Pareho silang sakristan at tagatugtog ng


kampana sa simbahan ng San Diego. Si Basilio ang panganay at bunso naman si
Crispin. Si Crispin - Noong minsan ay pinagbintangan siya ng sakristan mayor na
nagnakaw ng dalawang onsa. Sa murang edad, hindi mawari ni Crispin ang halagang
dalawang onsa.

Padre Sibyla - (Padre Hernando De La Sibyla) ay paring Agustino na lihim na


sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Don Alfonso Linares - Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni


Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

You might also like