You are on page 1of 23

MODULES IN

GRADE 9
QUARTER 4 – WEEK 2
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ika-apat na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Unang Araw

LAYUNIN: Nabibigyang patunay na may pagkakatulad/ pagkakaiba ang binasang akda sa ilang
napanuod na telenobela. (F9PD-IVa-b-55)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:

Patunayang may pagkakatulad/ pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanuod na telenobela.

PANIMULA
B. TUKLASIN
Malaking palaisipan sa mga mananaliksik ang pagbilis ng paglitaw ng mga Soap Opera o kilala
sa ating bansa na "Telenobela". Ang telenobela ay isang melodramatic fiction na palabas na
kadalasang ineere sa Latino-Amerikano na mga bansa noong unang panahon. Ang mga palabas
na ito ay ineere sa gabi, anim na araw sa isang linggo at nakakaanyaya ng maraming manonood,
iba't iba man ang edad at kasarian. Ito ay tumatagal ng tatlo hanggang anim na buwan .

Hinding-hindi mawawala sa mga tahanan ng mga Pilipino ang mga telebisyon. Para kasing
mababaliw ka sa kalungkutan kung wala ang mga telebisyon para magbigay saya at aliw sa atin.
At isa na nga sa mga kinaaaliwan natin ay ang pagsubaybay sa mga telenobela at mga
koreanobela. Para ngang kulang ang ating mga araw kung hindi natin napanood ang paborito
nating programa.

Mara Clara, Esperanza, Marimar, Full House, Cofee Prince, Meteor Garden, Endless Love,
Rosalinda, Annakarenina at iba pa ay siyang mga palabas na lubusan nating sinuportahan at
sinubaybayan. Nakiiyak, nakiramay at nakitawa tayo sa mga bida. Namuhi, nainis at nagalit tayo
sa mga kontrabida. Kinilig din tayo sa mga programang sadyang hatid naman talaga ay ang
mapa-ibig tayo at kiligin.

Bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay ang panonood ng mga ito. Ang pagdating
nila ay tulad ng isang napakalakas na bagyo. Napakalakas ng dating at nakakagulat. At isa pa,
sinasalamin ng mga korea/telenobela ang tunay na drama at aksyon sa totoong buhay ng bawat
isa sa atin.

At iyan ang ating susubuking suriin sa aralin na ito. Ang mapatunayang may pagkakatulad/
pagkakaiba ang binasang akda sa ilang napanuod na telenobela.

Bago simulan ang pagbasa ay pagtuunan muna ng pansin ang mga salita at kahulugan ng bawat
isa sa ibaba. Ang mga salitang ito ay ginamit sa kabanata na iyong babasahin kaya’t
makatutulong na alam mo na ang kasingkahulugan ng bawat isa para sa mas malalim o
mabisang pang-unawa.

Kabanata VII

asotea- ito ay tumutukoy sa balkonahe ng isang bahay. Kadalasan ito ay yari sa bato o
konkreto. Ito ay kadalasang pinag-iipunan kapag mayroong maraming bisita at may kailangang
pag-usapang mahalaga. Dito din karaniwang dumudungaw ang isang dilag kapag hinaharana
ng manliligaw.

sumasasal- nagiging matindi o mabilis

Page 1 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

beateryo- bahay o tirahan ng mga madre o kumbento.

padre kompesor- kalihim, ka-tapatan ( confessor- from the word CONFESS )

patron- ay isang uri ng santo sa simbahan.

.
Basahin at unawaing mabuti ang kabanata.

KABANATA VII
SUYUAN SA ASOTEA
Kinabukasan, maagang-maaga pa ay nagsimba na sina Maria at Tiya Isabel. Pagkatapos ng misa,
nagyayang umuwi na si Maria. Pagkaagahan, nanahi si Maria upang hindi mainip sa paghihintay. Si
Isabel ay nagwalis ng mga kalat ng sinundang gabi. Binuklat naman ni Kapitan Tiago ang mga
itinatagaong kasulatan. Sumasasal sa kaba ang dibdib ni Maria tuwing may nagdaraang mga
sasakyan. Sapagkat medyo namumutla siya, ipinayo ni Kapitan Tiago na magbakasyon siya sa
Malabon o sa San Diego. Iminungkahi ni Isabel na sa San Diego na gawin ang bakasyon sapagkat
bukod sa Malaki ang bahay roon ay malapit na ring ganapin ang piyesta. Pinagbilinan ni Kapitan
Tiago si Maria na, sa pagkuha niya ng kanyang mga damit, magpaalam na siya sa mga kaibigan
sapagkat hindi na siya babalik sa beateryo. Nanlamig si Maria at biglang nabitiwan niya ang tinatahi
nang may biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat.
Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, karaka-rakang pumasok sa silid si Maria. Tinulungan siya
ni Tiya Isabel na mag-ayos ng sarili bago harapin si Ibarra. Pumasok na sa bulwagan ang dalawa.
Nagtama ang kanilang paningin. Ang pagkakatama ng kanilang paningin ay nagdulot ng kaligayahan
sa kanilang puso. Pamaya- maya, lumipat sila sa asotea upang iwasan ang alikabok na nililikha ni
Isabel. Tinanong ni Maria si Ibarra kung hindi siya nalimutan nito sa pangingibang bansa dahil sa
maraming magagandang dalaga roon. Sinabi ni Ibarra na siya ay hindi nakalilimot. Katunayan, anya,
si Maria ay lagging nasa kanyang alaala. Binigyang diin pa ni Ibarra ang isinumpa niya sa harap ng
bangkay ng ina na wala siyang iibigin at paliligayahin kundi si Maria lamang. Sinabi naman ni Maria na
hindi siya nakalilimot kahit pinayuhan na siya ng kanyang padre kompesor na limutin na si Ibarra.
Binakas pa ni Maria ang kanilang kamusmusan, ang kanilang paglalaro, pagtatampuhan at muling
pagbabati, at ang pagtawa ni Maria nang tawaging mangmang ng kanyang ina si Ibarra. Dahil dito si
Ibarra ay nagtampo kay Maria. Nawala lamang ang kanyang tampo nang lagyan ni Maria ng sambong
ang loob ng kanyang sombrero upang hindi maitiman. Ang pag-alaalang iyon ng nakaraan ay
ikinagalak ni Ibarra. Kinuha niya sa kanyang kalupi ang isang papel at ipinakita ang ilang tuyong
dahoon ng sambong na nangingitim na. Pero, mabango pa rin. Inilabas naman ni Maria ang isang
liham na ibinigay sa kanya ni Ibarra bago tumulak ito patungo sa ibang bansa. Binasa ito ni Maria nang
pantay sa mata upang di makita ang kanyang mukha. Nakasaad sa sulat kung bakit nais ni Don Rafael
na papag-aralin si Ibarra sa ibang bansa. Siya anya ay isang lalaki at kailangan niyang matutuhan ang
tungkol sa mga buhay-buhay upang mapaglingkuran niya ang kanyang sinilangan. Na, bagamat
matanda na si Don Rafael at kailangan ni Ibarra, siya ay handing magtiis na ipaubaya ang pansariling
interes alang- alang sa kapakanang pambayan. Sa bahaging iyon ng sulat ay napatayo si Ibarra.
Namutla siya. Napatigil sa pagbasa si Maria. Tinanong ni Maria ang binata. Sumagot siya “Dahil sa iyo
nalimutan ko ang aking tungkulin. Kailangan nap ala akong umuwi dahil bukas ay undas na.” Kumuha
ng ilang bulaklak si Maria at iniabot iyon kay Ibarra. Pinagbilinan ni Kapitan Tiago si Ibarra na pakisabi
kay Anding na ayusin nito ang bahay nila sa San Diego sapagkat magbabakasyon ang mag0ale.
Tumango si Ibarra at umalis na ito. Pumasok sa silid si Maria at umiyak. Sinundan siya ni Kapitan Tiago
at inutusan na magtulos ng dalawang kandila para sa mga patron ng mga manlalakbay na sina San
Roque at San Rafael.

Sipi Mula sa Ang Batikan

Page 2 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

C. Gawain 1
Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit gustong-gusto ni Maria na makauwi kaagad?

_____________________________________________________________________

2. Ano ang dahilan at ayaw ni Kapitan Tiago na mag-aral si Maria Clara sa beateryo?

______________________________________________________________________

3. Ano ang ipinahihiwatig ng pagbibintang ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra? Paano sinagot
ni Crisostomo Ibarra ang bintang na iyon?

______________________________________________________________________

4. Ano-ano ang naging alaala ni Maria Clara kay Crisostomo Ibarra? Si Crisostomo Ibarra kay
Maria Clara?
______________________________________________________________________

5.Totoo bang may forever? Kailan masasabing wagas ang isang pag-ibig?
_______________________________________________________________________

D. PAGLALAHAT
BUOD NG ARALIN
Madarama mo sa kabanatang ito ang tunay at wagas na pagmamahalan nina Crisostomo
Ibarra at Maria Clara. Kanilang napatunayang ang pitong taong kanilang paglalayo ay hindi
maaaring makahadlang sa kanilang dalisay na pagmamahalan. Magkahalong pananabik at
kaba ang naranasan ni Maria Clara nang muli niyang makita ang kasintahan. Sa balkonahe
ng tahanan ni Kapitan Tiago ay nagana pang kanilang pagsusuyuan kung saan muli nilang
binalikan ang kanilang matatamis na alaala at wagas na sumpaan bago sila ganap na
magkahiwalay. Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay sinunod
niya ang kanyang ama na siya ay tumungo sa Europa upang mag-aral nang sa gayon sa
kanyang muling pagbabalik ay higit niyang mapaglingkuran ang kanyang Inang Bayan.
Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay agad na iniwan ni
Crisostomo Ibarra ang dalaga dahil bigla niyang naalalang kailangan niyang umuwi sa
kanyang bayan. Sakay ng karwahe ay binagtas ng binata ang San Gabriel kung saan sa
kanyang paglalakbay ay muling nagbalik sa kanyang alaala ang baying kanyang nilisan
pitong taon na ang nakararaan.

Ang mga Soap Opera o Telenobela ay nagsimula sa radyo at hindi naglaon ay binuksan sa
telebisyon noong 1960's. Ang unang Filipino Soap Opera na pinalabas ay pinamagatang
"Hiwaga sa Buhay na Bata" noong 1963 na inihandog ng ABS-CBN. Ang mga telenobela
noong unang panahon ay pinalalabas sa araw. Ilan sa mga popular na telenobela noon ay
ang Gulong ng Palad, Flor de Luna, Aguila at Valiente. Ngunit noong 1996, ang mga
programang ito ay nalipat sa gabi dahil sa pagdating ng dayuhang palabas na "MariMar" sa
RPN 9 at dito na nagsimula ang pagkahumaling nga mga Pilipino sa mga telenobela.

Page 3 of 20

E. PAGTATAYA
Gawain 1:
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

E. PAGTATAYA
A. PANUTO: Sumulat ng naiisip mong kaparehong pangyayaring naganap sa nabasang
kabanata sa mga sumusunod na halimbawa ng telenobela.

1.
https://images.app.goo.gl/NaDw7gsACpmSREB57

2.
http://johnlloydandbeafilmography.blogspot.com/2007/05/it-might-be-you.html

3.
https://en.wikipedia.org/wiki/Kadenang_Ginto

Page 4 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D1

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

B. Ang buhay nina Maria Clara at Crisostomo Ibarra ay mistulang isang telenobela. Ito ay
puno ng mga hamon, pagsubok at maging ng mga masasayang alaala bilang magsing-irog. Sa
kabila ng mahabang panahon ng kanilang pagkakalayo ay napanatili nilang maalab ang
kanilang pag-ibig sa isa’t isa.
Bilang karagdagang gawain ay mag-isip ka ng isang telenobelang iyong napanood kung saan
maaari mong ihambing ang mga naging karanasan nina Maria Clara at Ibarra sa mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan ng nasabing palabras. Itala ang iyong sagot sa
graphic organizer na makikita sa iba.
Pamantayan

5 3 1
Pamantayan Mahusay Katamtaman Di-
gaanong
mahusay
1. Pagiging masining at makatotohanan
2. Malikhain ang pagkakabuo o
presentasyon
3.Maayos ang pagkakasalaysay at
maliwanag ang aral
Kabuuang Puntos

Ang Pag-iibigan nina Maria Clara at

Pamagat ng Telenobela
Crisostomo Ibarra

PAGKAKAIBA PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

Inihanda ni:
ZHYRINE A. PALADO
TI, PCCCANHS

Sanggunian:
http://angmundongtelenobela.blogspot.com/2008/03/ang-mundo-ng-telenobela.html
http://en.wikipedia.org/wiki/Teleserye
Pinagyamang Pluma 9
Ang Batikan Noli Me Tangere

Page 5 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikalawang Araw

LAYUNIN: Nagagamit ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian (F9WG-IVc-59)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:

Gamitin ang tamang pang-uri sa pagbibigay katangian

PANIMULA
KILALA MO BA?
Narito ang mga PANGUNAHING TAUHAN SA NOLI ME TANGERE

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

-Siya ang anak ni Don Crisostomo Ibarra. Kasintahan ni Maria Clara. Sa
Europa nagtapos ng pag-aaral at at nanirahan ng pitong taon. May malayang
pag-iisip, tapat magsalita, matiyaga at seryoso ngunit marahas at mapusok
kapag ginalit.
-Siya ang nagsilbing halimbawa ng bisyon ni Gat Jose Rizal para sa kaniyang
nais para sa mga Pilipinong kabataan noong kanyang panahon.

Maria Clara de los Santos y Alba

-Ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong
anak ng kaniyang in ana si Donya Pia Alba kay Padre Damaso. Itinakdang
ipakasal sa kastilang si Linares na pamangkin ni Don Tiburcio.
-Siya ay maihahalintulad sa kababatang kasintahan ni Jose Rizal na si
Leonora Rivera na isang tapat na kasintahan, mabuting kaibigan at
masunuring anak.
Padre Damaso Verdulagas
-isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos
maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego; tunay na ama ni Maria
Clara. Natagpuan siyang patay sa malayong bayan kung saan siya hinirang.
-Sinisimbolo niya ang mga paring kastila noong panahon ni Rizal. Ito’y
nagsilbing puna sa pagkontrol ng Espanya sa Pilipinas.

Elias
-isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang
kanyang bayan at ang mga suliranin nito. Siya ang nagligtas kay Ibarra sa
kapahamakan. Mas pinili ang rebolusyon kesa sa reporma.
-Sinisimbolo siya ng mga Pilipinong hindi alam ang kawalan katarungan na
ginawa sa kanilang kababayan. Kinatawan niya si Bonifacio sa nobela.

Mga Sanggunian:
1. https://prezi.com/suqmwk7xzf24/mga-pangunahing-tauhan-ng-noli-me-tangere/
2. Imahe mula sa google.com
3. Kayumanggi sa Noli Me Tangere(Unang bahagi)

Page 6 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

.
Don Anastacio o Pilosopo Tasyo – Naghahanap ng reporma mula sa
gobyerno. Inihahayag ang kaniyang mg ideya sa paraan ng pagsusulat gamit
ang cryptography. Pantas kung ituring ng marami, baliw naman ng iba. Siya
mula sa mayaman pamilya, hindi siya naniniwala sa relihiyosong pananaw.
-Siya ay mahahalintulad sa kapatid ni Rizal na si Paciano Mercado

Gawain 1: Sagutan natin:

1. Sino sa mga inilarawang tauhan ay ang sa palagay mo ay kahanga-hanga? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. May tauhan ka bang agad na hindi nagustuhan? Ihayag ang iyong dahilan kung bakit hindi mo
siya nagustuhan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Kung bibigyan niya ng pagkakataon magdagdag ng tauhan sa nobela, bigyang pangalan ang
tauhang nais mo, ilarawan mo rin ang magiging gampanin nito sa nobela.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

B. TUKLASIN

Ang Pang-uri (Adjective) – ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing o naglalarawan sa

pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).

Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin

-Siya ang anak ni Don Crisostomo Ibarra. Kasintahan ni Maria Clara. Sa Europa
nagtapos ng pag-aaral at at nanirahan ng pitong taon. May malayang pag-iisip,
tapat magsalita, matiyaga at seryoso ngunit marahas at mapusok kapag ginalit.

Pansinin ang mga salitang nakasalungguhit. Ang mga salitang ito ay halimbawa ng Pang-uri.
Inilalarawan nito ang pangngalan(noun) na si Crisostomo Ibarra, gayundin ang panghalip
(pronoun) na “siya”.

C. MGA GAWAIN

Gawain 1
PANUTO: Itala sa talahanayan ang mga pang-uring ginamit upang ilarawan ang iba pang
pangunahing tauhan sa Obra Maestrang Noli Me Tangere ni Gat Jose P. Rizal.

TAUHAN SA NOBELA KATANGIAN

Maria Clara

Padre Damaso

Elias

Pilosopo Tasyo
Page 7 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Ang iba pang mga tauhan sa Noli Me Tangere:

•Santiago de los Santos o Kapitan Tiyago – Pilipinong negosyante tiga-Binondo at kabesa
de barangay ng bayan ng San Diego. Kinikilalang ama ni Maria Clara. Mabuting katoliko,
mabuting kaibigan at kinikilalang kastila ng mananakop. Siya ay pangkaraniwang tauhan noong
panahon ni Rizal. Sinisimbolo niya ang mga mayayamang Pilipino na humahamak sa kaniyang
mga kababayan sa paghahangad na makamit ang impluwensya at kayamanan.
•Donya Victorina de los Reyes de Espadaña – Nagpapanggap na mestisang kastila na
mahilig maglagay ng kolerete sa mukha. Sinisimbolo niya ang baluktot na pananaw ng kanilang
pagkakakilanlan o colonial mentality.
•Donya Victorina de los Reyes de Espadaña – isang pilay at bungal na Kastilang napadpad
sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Sumisimbolo sa mangmang na kastila na nagbibigay ng kapahamakan sa mga probinsya
noong mga panahon ng kastila na hinayaan na lamang ng kapwa kastila pagkat pasakit lang ito
sa kanila.
•Narcisa o Sisa – isang masintahing ina nina Basilio at Crsipin na ang tanging kasalanan ay
ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit na si Pedro. Nagsilbing larawan ng mga inang
nagdusa dahil sa pagkawala ng anak. Ang mga trahedya sa kaniyagn buhay ang sumisimbol
sa pang-aabuso ng mga kastila sa Pilipinong Ina.
•Basilio at Crispin – Panganay na anak ni Sisa si Basilio na sampung taong gulang; isang
sakristan na nakatuon sa pagpapatunong ng kampana bago mag-Angelus. Si Crispin ay pitong
taong gulang na pinagbintangan ng sakristang mayor na nagnakaw ng dalawang onsa(32
pesos) Huli siyang Nakita na kinakaladkad mula sa kaniyang kapatid matapos magpatunog ng
kampana. Sila ang magkapatid na kumakatawan sa kabataang biktima ng kahirapan ng buhay.
•Donya Pia Alba – butihing asawa ni Kapitan Tiyago na namatay matapos ipanganak si Maria
Clara. Kumakatawan sa kababayang madaling mangayupa sa kapangyarihan ng dayuhan.
•Tiya Isabel – pinsan ni Kapitan Tiyago at nagsilbing pangalawang ina ni Maria Clara.
Sumisimbolo sa konserbatibong Pilipina na palaging nagpapaalala.
•Padre Salvi – Pumalit na kura paroko ng San Diego na may lihim na pagtatangi kay Maria
Clara. May mahinang pangangatawan at sakitin. Kinatawan niya si Padre Piermauleja na
kinamumuhiang paring Agustino na napatay sa Cavite ng mga rebolusyonaryo.
•Alperes – pinuno ng guardya sibil at kaaway ni Pari Salvi at iba pang pari sa Sand Diego.
Asawa ni Donya Consolacion.Kinatawan niya ang kapulisan na dapat mangalaga sa kaligtasan
at katahimikan.
•Donya Consolacion – Isang matanda at mapamintas na pilipina, dati siyang labandera na
naksal kay Alperes.Kinatawan niya ang babaeng ambisyosa na nagtataglay ng maruming pag-
iisip at pag-uulgali bunga ng kasawiaan sa buhay.
•Sinang – matapat at mapagkakatiwalaang kaibigan ni Maria Clara.
•Salome – kasintahan ni Elias na naulila
•Tinyente Guevarra- Kaibigan ng namayapang Don Rafael Ibarra na nagtapat kay Crisostomo
sa tunay na sinapit ng ama nito.
•Linares – pamangkin ni Don Tiburcio at napili ni Padre Damaso na maging asawa ni Maria
Clara.
•Bruno at Tabio- magkapatid na naghihimagsik upang maipaghiganti ang kamatayan ng ama
sa kamay ng mga Espanyol.
•Kapitan Pablo – pinuno ng mga tulisan. Nakaranas ng pang-aapi at kamatayan ng anak ang
ipinaghihiganti.
•Lukas – lalaking madilaw na ginamit ng mga may lihim na galit kay Crisostomo.
•Padre De la Sibyla– pareng dominikado na mabait, isang propesor at kura sa Binondo
•Nol Juan– namahala sa pagpapatayo ng paaralan.
•Kapitan Heneral – pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas.
•Don Filipo – nasangkot sa paghihimagsik na ibinintang kay Ibarra.
•Kapitana Maria – kapanalig ni Ibarra
•Kapitan Tinong – naparusahan sa pakikipagkaibigan kay Ibarra
•Balat – isang tulisan
•Ermana Rufa – kapanalig ni Padre Damaso
•Don Pedro Eibarramendia– ama ni Don Saturnio, nuno ni Crisostomo
Page 8 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 2:
PANUTO: Gamit ang estratehiyang “Time Travel Interview”. Sino sa mga tauhan ang nais
mong kausapin batay sa paglalarawan sa tauhan? Bakit?

NAIS
KAUSAPIN

Gawain 3:
PANUTO: Basahin nang tahimik ang mga pahayag mula sa tauhan. Talakayin ito sa
pamamagitan ng paglalarawan sa mga katangian nila.

Mga Pahayag Mga katangian

“Ang isang tao ay di makakaiwas sa mga

pangyayaring likha ng panahon, ang
kasawian ang nag-alis sa akin ng piring” –
Crisostomo Ibarra

“Dapat ko bang unahin dahil sa aking pag-

ibig ang dangal ng amang turing o ang banal
na pangalan ng amang tunay?”- Maria Clara

“Mamamatay akong di man Nakita ang

maningning na pagbubukang-liwayway sa
aking bayan” -Elias

“Di mo batid anak ko ang hiwagang

nangyayari sa likod ng mga pader ng
kumbento” – Padre Damaso

“Ang bayan ay di pa dumadaing sapagka’t

siya’y piping tagasunod, hindi kumikilos
sapagka’t nahihimlay”. -Pilisopo Tasyo

Page 9 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D2

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

D. PAGLALAHAT

Ang Pang-uri (Adjective) – ay bahagi ng pananalita na nagbibigay-turing o

naglalarawan sa pangngalan (noun) o panghalip (pronoun).

E.PAGTATAYA

PANUTO: Ipagpalagay mo na isa ka sa mga kinikilalang influencer ngayon at sikat sa

social media. Ikaw ay naatasang mag-post sa iyong mga social media account patungkol
na iyong naging reaksiyon sa mga tauhan ng Noli Me Tangere na
makakapagbigay ng inspirasyon sa mga kabataang tulad mo.

PAMANTAYAN:
A. Nakahihikayat ang nilalaman o mensahe 5 puntos
B. Wastong paggamit ng pang-uri sa nabuong 5 puntos
pangungusap/talata.
C. Nakasunod na nakasaad na panuto 5 puntos

KABUUAN 15 puntos

Inihanda ni :
MARGIELYN D. SUERTE
TI, Pasay City National High School

Page 10 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikatlong Araw

LAYUNIN: Natutukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela. (F9PN-IVc-57)

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:

Matukoy ang kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela.

PANIMULA
B. TUKLASIN
Tiyak na buhay ang daloy ng mga pangyayari at liksyong nais iparating ng anumang akdang
nagsasalaysay kaung nagtataglay ito ng elemento ng tauhan. Taglay dapat nito ang mga
tauhang nagbibigay-buhay sa bawat diyalogo, kasuotan at eksenang ginagampanan.

Mayroon tayong kinalulugdan at kinaiinisang mga tauhan.

Mahalagang makilala ang mga tauhang ginamit sa nobelang Noli Me Tangere na naglalarawan
ng katayuan ng lipunang Pilipino noong panahon ng Espanyol. Higit na madaling maunawaan
ang kabuuan ng akda sa mga pangyayaring naisalaysay sa tunay na buhay ng Pilipino lalo na
ang kabataan.

MAHAHALAGANG TAUHAN SA NOBELA

DON CRISOSTOMO IBARRA- Binatang nag-aral sa Europa na

nangarap makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng kabataan ng San Diego. Siya ay kababata at
kasintahan ni Maria Clara. Siya ay sagisag ng mga Pilipinong nakapag-
aral na maituturing na may maunlad at makabagong kaisipan.
https://twitter.com/crispinsane

MARIA CLARA- Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra na

kumakatawan sa isang uri ng Pilipinang lumaki sa kumbento at
nagkaroon ng edukasyong nakasalig sa doktrina ng relihiyon. Siya ay
maganda, relihiyosa, masunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may
metatag na kalooban.
https://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Maria_Clara

ELIAS- Siya ay isang piloto/ bangkero at magsasakang tumulong kay

Crisostomo Ibarra para makilala ang kanyang bayan at gayundin ang
mga suliranin nito. Siya ay isang tunay na maginoo, hindi
mapaghiganti, ang iniisip ay ang kapakanan ng nakararami at may
pambihirang tibay ng loob.
https://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Elias

Page 11 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

PILOSOPONG TASYO- Siya ay isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng

marurunong na mamamayan ng San Diego. Taglay niya ang katangian ni
Rizal na mapagpuna sa mga pangyayari sa paligid. May mga kaisipan
siyang una kaysa sa kanyang panahon kaya’t hindi siya maunawaan ng
marami.
. https://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Pilosopo_Tasio

PADRE DAMASO- Isang kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego

at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa
libingan ng mga Intsik. Halimbawa siya ng isang taong madaling mauto at
marupok ang kalooban sa mga papering hindi sadyang nagmumula sa
puso ng nagpaparangal.
https://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Padre_Damaso

DON SANTIAGO “KAPITAN TIAGO”- Isang mayamang mangangalakal na

taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at ama ni Maria Clara. Siya ay isang
taong mapagpanggap at lagging masunurin sa nakatataas sa kanya ngunit
sakim at walang pinapanginoon kundi ang salapi.
https://noli-me-tangere.fandom.com/wiki/Capitan_Tiago

DON RAFAEL IBARRA- Ama ni Crisostomo Ibarra na namatay sa

bilangguan. Siya ay labis na kinainggitan ni Padre Damaso dahilan sa
yamang kanyang tinataglay. Ito ang dahilan kung bakit siya ay
pinaratangang erehe ng pamahalaan. Kinakatawan niya ang mga taong
naghahangad ng katarungan para sa kapwa. Kahanga-hanga ang kanyang
paggalang at pagtitiwala sa batas at ang pagkamuhi sa mga paglabag dito.
https://twitter.com/donrfaelibarra/status/1229764353219416065

SISA- Ang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin na may asawang

pabaya at malupit. Isang inang walang nalalaman kundi ang umibig at
umiyak na lamang. Pinopoon niya ang asawa at nagpapakasakit alang-
alang sa mga minamahal na anak.
https://www.artstation.com/artwork/486myY

IBA PANG MGA TAUHAN:

PADRE BERNARDO SALVI- Kurang pumalit kay Padre Damaso sa San Diego.
PADRE HERNANDO SIBYLA- Isang paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa bawat
kilos ni Crisostomo Ibarra.
BASILIO- Nakatatandang anak ni Sisa na isang sacristan at tagatugtog ng kampana sa
kumbento. Sinasagisag niya ang mga walang malay at inosente sa lipunan.
CRISPIN- Bunsong kapatod ni Basilio na isa ring sacristan at kasama ring tumutugtog ng
kampana sa simbahan ng San Diego.
ALPERES- Siya ang puno ng mga guwardiya sibil at siya ring mahigpit na kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego.
DONYA CONSOLACION- Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging
asawa ng alperes.
ALFONSO LINARES- Binatang napili ni Padre Damaso sa maging asawa ni Maria Clara. Siya
ay malayong pamangkin ni Don Tiburcio.

Page 12 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DONYA VICTORINA DE ESPADAÑA- Isang babaeng punung-puno ng kolorete sa

mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang
magsalita ng Kastila bagama’t ito ay lagging mali.
DON TIBURCIO DE ESPADAÑA- Siya ay pilay at bungal na Kastilang nakarating sa
Pilipinas dahil sa kanyang paghahanap ng magandang kapalaran. Naging asawa siya ni Donya
Victorina. Siya ay maituturing na sagisag ng taong walang paninindigan at prinsipyo.
TIYA ISABEL- Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-aalaga kay Maria Clara simula
nang siya ay sanggol pa lamang.
DONYA PIA ALBA – Siya ang ina ni Maria Clara na sa loob ng anim na taon ng kanilang
pagsasama ng kanyang kabiyak na si Kapitan Tiago ay hindi nagkaanak. Siya ay namatay
matapos maisilang si Maria Clara.
TENYENTE GUEVARRA- Isa sa matatapat na kaibigan ni Don Rafael Ibarra. Siya rin ang
tenyente ng guardia civil na nagkuwento kay Crisostomo Ibarra ng totoong sinapit ng kanyang
ama.
KAPITAN-HENERAL- Ang pinakamakapangyarihang opisyal at kinatawan ng Hari ng
Espanya sa Pilipinas. Siya rin ang tumulong kay Crisostomo Ibarra para maalis siya sa pagka-
ekskomulgado.
KAPITAN BASILIO- Isa sa mga naging kapitan ng bayan ng San Diego na naging kalaban
ni Don Rafael sa isang usapin sa lupa. Siya rin ang ama ni Sinang.
DON FILIPINO LINO- Siya ay isang tenyente mayor na kaibigan ni Pilosopo Tasyo at
asawa ni Donya Teodora Vina. Siya ay mahilig magbasa ng Latin.
LUCAS- Isang Indio na kapatid ng tauhang namatay sa pagbagsak ng kabriya sa
ipinatatayong gusali ng paaralan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay humingi ng danyos sa nangyari
ngunit dahil sa pagtataboy sa kanyang malinis na hangarin ay pinili na lamang niyang sumapi sa
mga tulisan.
DON SATURNINO IBARRA- Nuno ni Crisostomo Ibarra na kinikilalang naging dahilan ng
pagkasawi ng nuno ni Elias.
DON PEDRO IBARRA- Nuno ni Crisostomo Ibarra.
KAPITANA MARIA- Tanging babaeng makabayang pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra
sa alaala ng ama.
MAESTRO NOL JUAN- Siya ang tagapamahala ni Crisostomo Ibarra sa pagpapagawa
ng paaralan.
KAPITAN PABLO- Siya ang puno ng mga tulisan at itinuturing na ama ni Elias.
SALOME- Siya ay simpleng dalagang naninirahan sa isang kubong matatagpuan sa loob
ng kagubatan. Siya ang babaeng natatangi sa puso ni Elias.

C. Gawain 1
PANUTO: Tukuyin ang mga katangian ng mga pagunahing tauhan batay sa mga
nakatalang deskripsiyon ng bawat isa sa unahang bahagi ng araling ito at gayondin
tukuyin mo ang kahalagahan ng papel na gagampanan ng bawat isa sa nobela. Ginawa
na ang unang bilang para sa iyo.
TAUHAN MGA KATANGIAN KAHALAGAN NG PAPEL
NA GAGAMPANAN
1. Maria Clara Siya ay larawan ng isang Mahalaga ang kanyang
mayuming Pilipinang gagampanang papel
nagtataglay ng mabubuting sapagkat siya ang
kaasalan. magsisilbing larawan o
imahe ng ating Inang
Bayan sa nobela.
2. Crisostomo Ibarra

Page 13 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

3. Elias

4. Kapitan Tiago

5. Sisa

D. PAGLALAHAT
Tandaan:

Ang isang manunulat ay lumilikha ng mga tauhang siyang nagbibigay buhay sa

pangyayaring
Gawaininilalahad sa akda. Sa pagtatamo ng isang makabuluhang pagpapakilala ng
2:
tauhan,Panuto:
nararapat maging makatotohanan at parang
iyongmga buhay na tao ang tauhang lilikhain
Pumili ng isa sa mga parabulang nabasa o napakinggan na nasa ibaba ng
at
manunulat. Ang tauhan ay nararapat magkaroon ng kredibilidad at ito ay matatamo sa
magbahagi ng mga kahalintulad na pangyayari sa iyong buhay na nakapaloob sa
kaniyang matapat na pagkilos, pagsasalita, paniniwala, gawi at iba pang bagay na
kwento.
kasasalaminan ng makatotohanang pagsasatao.

Upang masabing makatotohanan ang isang tauhan, dapat na ito ay kumilos hindi ayon
sa kagustuhan ng manunulat kundi ayon sa kagustuhan ng kaniyang katauhan.

Sa pagbuo ng kaniyang tauhan, dalawang

Page 4 ofparaan
20 ang ginagamit ng isang manunulat sa
paglalarawan. Sa tuwirang paglalarawan, ang manunulat mismo ang maglalarawan ng mga
katangian ng kaniyang tauhan. Ang masining na paglalarawan naman ay lumulutang sanhi ng
kaniyang paniniwala, kilos at galaw.

Dalawa ang uri ng tauhan. Ito ay ang tauhang bilog at tauhang lapad. Nasa uring
tauhang lapad ang mag tauhang hindi nagbabago mula simula hanggang sa wakas ng
kuwento o nobela. Samantalang bilog ang tauhan kung kakikitaan ng pagbabago.

E. PAGTATAYA

A. PANUTO: Isulat ang mga tauhang di malilimutan batay sa sumusunod.

Di Malilimutang Tauhan

Kinalulugdan Kinaiinisan

BIBLIYA

FLORANTE AT LAURA

E. PAGTATAYA
Gawain 1:
IBONG ADARNA
Panuto: Sumulat ng naiisip mong kaparehong pangyayaring naganap o nagaganap sa
kasalukuyan kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong nasaksihan o isang
pangyayaring iyong nabalitaan, nabasa o napanood.

Page 14 of 20

Page 3 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D3

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Sagutin:

________________________________________________________
1. Bakit kinalulugdan at kinaiinisan ang mga tauhang napili?
_______________________________________________________________________
Pamagat ng iyong Parabula
2. Patunayang nakatulong sila ng malaki sa pagbibigay ng mensahe sa mambabasa.
______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
B.PANUTO: Pumili ng limang tauhan. Ilarawan ang mga nagustuhang katangian nila. Isulat din
___________________________________________________________________________________
ang kahalagahan ng piniling mga tauhan sa nobela.
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
Piniling mga Tauhan Katangiang Naibigan Kahalagahan

4.

5.

Kayumanggi sa Noli Me Tangere ( Unang Bahagi )
Pnagyamang Pluma ( Aklat 2 Noli Me Tanger )

Inihanda ni:
ZHYRINE A. PALADO
TI, PCCCANHS

Page 15 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION

SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 9
Ikaapat na Markahan/ Ikalawang Linggo/ Ikaapat na Araw

LAYUNIN: Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik. ( F9PU-Iva-b-58 )

A. ARALIN SA ARAW NA ITO:

Naitatala ang nalikom na datos sa pananaliksik.

PANIMULA
B. TUKLASIN
Bawat nilalang ay may kaniya-kaniyang paraan upang maipamalas ang pagpapahalaga at
pagmamahal sa tinubuang lupa.

Tulad ng ating pambansang bayani na inialay ang sandatang ginamit sa pagmulat sa

nahihimbing na kamalayan ng mga Pilipino.

Aniya, “Sa pagnanais ko ng inyong kagalingang kailangan naming lahat at sa paghahanap ng

lalong mabuting lunas ay gagawin ko sa inyo ang gaya rin ng ginawa sa kanilang mga
maysakit…upang makapaghatol ng isang kagamutan.”

Ang sumusunod na akda ay naglalahad ng kaligirang-kasaysayan ng klasikonh nobelang “Noli

Me Tangere” na isinulat ng isang dakilang Pilipino. Mahalagang maunawaan ito ng mga
kabataan.

Kaligirang Kasaysayan ng “Noli Me Tangere”

May apat na batayan sa pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng klasikong nobelang Noli Me
Tangere.

Una, ang pagbagsak ng Espanya bilang mananakop. Nakaranas ito ng pagkalugi sa

mga “Galleon Trade”. Nariyang lusubin ng mga pirate kaya’t sa patuloy na pagkalugi’y nawalan
ng panustos sa mga paglalayag na hudyat ng kawakasan ng pamamayagpag sa daigdig bilang
kolonisador. Nagsilbing batayan ito kay Rizal upang mailarawan ang mga maling bunga ng
kolonyalismong pamamahala.

Pangalawa, ang nasaksihang pang-aabuso ng mga prayle. Nariyan ang malawakang

pangangamkam ng mga lupain at pagpapairal ng mga mapaniil na batas.

Pangatlo, pagsibol ng kaalamang kaugnay sa prinsipyo ng kalayaan. Palibhasa’y saksi

siya ng mga pangyayaring batayan sa pagtatamo ng mga kaisipang hahango sa pagkaalipin ng
Pilipinas.

Ika-apat, ang impluwensiya ng pangkabataang karanasang nakapaloob sa mga isinulat

na akda.

* Sa Aking mga Kabata

Maikling tula na nagpapamalas ng pagpapahalaga sa sariling wika.

Page 16 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

* Ang Alamat Tungkol sa Tsinelas

Maikling kuwento hinggil sa pagtatamo ng kaisipang higit na malayo kaysa sa kaniyang

kagulang. Dahil sa halip na umiyak sa pagkahulog ng tsinelas sa ilog itinapon ang isa pa
upang magkaroon ng kapakinabangan sa makakakuha nito.

* Ang
. Batang Ganugamo
Isang pabula. Di dapat padalus-dalos sa pagdedesisyon ang pinaka-aral ng nasabing akda.

Kaya’t sa edad na 24, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang Noli Me Tangere noong 1884 at
natapos noong ika-21 ng Pebrero 1887. Isinulat ang unang bahagi sa Madrid, Espanya, ang
unang ika-apat na bahagi ay sa Paris, Pransya at ang natitirang ika-apat ay sa Wilhemsfield
Alemanya.

Bukod sa tinurang dahilan, nagsilbing inspirasyon ang mga aklat na:

* The Wondering Jew” ni Eugenio Sue- tungkol ito sa lalaking kumutya kay Jesus habang
siya ay patungo sa Golgota. Ang lalaking ito ay pinarusahang maglakad sa buong mundo ng
walang tigil.

* “Uncle Tom’s Cabin”- tungkol ito sa pagmamalupit ng mga putting Amerikano sa mga
Negro. Dahil dito tumindi ang pagnanais ni Rizal na makabuo ng aklat na tumatalakay sa
pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino.

Ang Noli Me Tangere ay pahayag na Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag Mo Akong Salingin”
Hango rin ito sa Ebanghelyo ni San Juan Kabanata 20, Talata 17 mula sa pahayag ni Hesus
na, “Huwag mo akong salingin pagkat di pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Ang pahayag ay
bahagi lamang ang kinuha.

Ipinalimbag ito sa Imprenta Lette sa Berlin at 2000 na sipi ang naipagawa sa halagang
ipinahiram ni Maximo Viola na P300 na kinailangan sa pagpapalimbag dahil nahuli ang
pagpapadala sa kaniya ng kapatid na si Ponciano.

Ang Noli Me Tangere na isang panlipunang nobela ay inihandog ng pambansang bayani sa

Inang-bayan.
Sipi Mula sa Ang Kayumanggi Noli Me Tangere ( Unang Bahagi )

C. GAWAIN
Gawain 1
PANUTO: Itala ang mga layunin ng may-akda sa pagsulat ng nobela.

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Page 17 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

Gawain 2:
PANUTO: Ilarawan ang mga kondisyong sa panahong isinulat ang akda at ang epekto nito
pagkatapos maisulat hanggang sa kasalukuyan.

Mga Pagkatapos naisulat

Kondisyon ____________________________

___________________ ____________________________
___________________ ____________________________
___________________
___________________ ____________________________
___________________ Epekto
Kasalukuyan
___________________
___________________ ____________________________
___________________
____________________________
___________________
___________________ ____________________________

D. PAGLALAHAT
PANANALIKSIK- isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos,
pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng
prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
Ayon kay:

AQUINO- ito ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa

tiyak na paksang pag-aaralan.

MANUEL AT MEDEL- ito ay isang proseso ng paglilikom ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak
na paksang pag-aaralan.

PAREL- ito ay sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng
mananaliksik.

TREECE AT TREECE- ito ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin;
tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon

ATIENZA- ito ay pagbuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga,
maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay,
konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK

• SISTEMATIKO- ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso
• KONTROLADO- ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasin. Pinaplano itong
mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan kaya hindi pwedeng maghula ng resulta.
• EMPIRIKAL- Lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang
mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hiptesis sa upisa pa lamang ng
pagsisiyasat.
• PAGSUSURI- Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo.
>Kwantitatibo- nakatuon sa pagkalkula ng bilang
> Kwalitatibo- tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng
kuru-kuro

Page 18 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

• OBHETIBO, WALANG KINIKILINGAN AT LOHIKAL- ang anumang resulta sa pag-aaral ay

may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.
• GINAGAMITAN NG HIPOTESIS- ipinakikilala ng hipotesis ang kaisipan ng mananaliksik sa
simula pa lamang ng pag-aaral.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK

➢ PANIMULA- mababasa dito ang presentasyon o paglalahad ng suliranin.
➢ PAGLALAHAD NG SULIRANIN- makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang
pag-aaralan. Bukod dito, makikita rin ang mga tiyak na katanungan na kailangang
masagot sa sulating pananaliksik.
➢ LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL- tinatalakay sa bahaging ito ang
kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa
larangan ng edukasyon at siyensya.
➢ BATAYANG KONSEPTWAL/ TEORETIKAL- Ipinaliwanag ni Kerlinger na ang
teoretikal/ konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay
tumutukoy sa set ng magkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na
nagpapakita sa sistematikong pananaw ng phenomena sa pamamagitan ng pagtukoy
sa relasyon ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.
➢ SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL- Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging
Gawain 2:
ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kalian ito
Panuto: Pumili ng isa sa mga parabulang iyong nabasa o napakinggan na nasa ibaba at
gagawin. Ipinaliwanag ni Sevilla na ang limitasyon ay isang bahagi o aspekto ng
magbahagi ng mga kahalintulad na pangyayari sa iyong buhay na nakapaloob sa
pagsisiyasat na makaiimpluwensiya sa resulta ng pag-aaral na maaaring makasama
kwento.
subalit di na ito kontrolado ng mananaliksik.
➢ KAHULUGAN NG MGA KATAWAGAN- may dalawang paraan.
* Konseptwal na Pagpapakahulugan- matatagpuan sa mga
diksyunaryo. Ito ay isang akademiko at unibersal na kahulugan ng salita na nauunawaan
ng maraming tao.
* OperasyunalPagena4 Pagpapakahulugan-
of 20 eksperimental at nasusukat.

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK

1. Pagpili at paglimita ng paksa

2. Paggamit ng iba’t ibang Sistema ng dokumentasyon
3. Gamit ng Dokumentasyon
4. Pagsulat ng Burador
5. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

E. PAGTATAYA

PANUTO:
Upang lalong madagdagan ang iyong kaalaman batay sa paksang natalakay sa araling
ito, ikaw ay magsasagawa ng karagdagang pananaliksik tungkol sa kaligirang pangkasaysayn ng Noli
Me Tangere partikular na sa buhay ni Dr. Jose Rizal nang kanyang isulat at ipalathala ang nasabing
nobela. Magsaliksik tungkol sa kanyang pakikibaka, karanasan, at maging ang naging buhay at
karanasan ng mga taong naging instrumento upang mabasa natin sa kasalukuyan ang Noli Me
E. PAGTATAYA
Tangere. Gawan ng paglalagom ang iyong nasaliksik.
Gawain 1:
Ang gagawing
Panuto: Sumulat pananaliksik
ng naiisip mong atkaparehong
paglalagom ay dapat makasunod
pangyayaring sa ribric
naganap o sa ibaba.
nagaganap sa
kasalukuyan kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong nasaksihan o isang
pangyayaring iyong nabalitaan, nabasa o napanood.

Page 19 of 20

Page 3 of 20
MODULE CODE: PASAY-FILIPINO 9-Q4-W2-D4

Pangalan: ________________________________________________ Petsa: ______________________

Pangalan ng Guro: _______________________________________ Pangkat : ___________________

5 3 1
Pamantayan Mahusay Katamtaman Di-
gaanong
mahusay
1. Nakapagsaliksik ng iba pang impormasyon tungkol
sa kaligirang pangkasaysayn ng Noli Me Tangere
2. Nakapagsaliksik ng bago at karagdagang
impormasyon tungkol sa buhay ni Rizal nang isulat niya
ang nobela
3. Nakagawa ng maayos at komprehensibong
paglalagom batay sa pananaliksik

Kabuuang Puntos

__________________________________________________________________________________________

https://www.slideshare.net/ReilourdMiranda/pananaliksik-17313402?next_slideshow=1
https://en.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal
Pinagyamang Pluma 9
Kayumanggin Noli Me Tangere ( Unang Bahagi )

Page 20 of 20

You might also like