You are on page 1of 7

BULACAN STATE UNIVERSITY

Kolehiyo ng Edukasyon
Lungsod ng Malolos

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino 9


Ikatlong Markahan
Taong Pampanuruan 2017-2018

Ikatlong Markahan: Parabula A. Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Bilang ng Sesyon/Araw: 1


Ubasan

ANTAS 1
PAMANTAYANG NILALAMAN PAMANTAYANG PAGGANAP

 Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa parabula  Naisusulat ng mga mag-aaral ang isang paglalahad tungkol sa isang
sa tulong ng pagpapakahulugang semantika upang maisabuhay ang mga karaniwang bagay na maaaring hugutan ng magandang aral o
aral/mahahalagang kaisipang nakapaloob dito. mahahalagang kaisipan.

Kakailanganing Pag-unawa Mahalagang Tanong

 Ang parabula ay isang uri ng akdang pampanitikan na kinapapalooban ng  Paano naiiba ang parabula sa iba pang akdang pampanitikan?
mga talinghagang nagmula sa banal na kasulatan.
ANTAS 2

INAASAHANG PAGGANAP PAGPAPATIBAY SA ANTAS NG PAG-UNAWA SA ANTAS NG PAGGANAP

 Naibibigay ng mga mag-aaral ang nilalaman  Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa


ng akda sa pamamagitan ng pangkatang paksa sa pamamagitan ng mga sumusunod: 5 Ubas – maayos at malinaw na naisagawa
gawain na malinaw na tatalakayin sa harap ng ang gawain. Naunawaan ng lubos.
klase.
 Natutukoy ang nilalaman ng bawat
pangyayari sa parabulang tinalakay.
 Naipahahayag ang aral na makikintal sa
isip matapos talakayin ang parabula. 3 Ubas – maayos na naisagawa ang gawain
ngunit may mga ilang detalyeng hindi malinaw.

Kraytirya: Malinaw at hindi lumalayo sa paksang


tatalakayin.
2 Ubas – naisagawa ang gawain ngunit
maraming detalye ang kulang at hindi malinaw na
nailahad.
ANTAS 3

Panimulang Gawain
a) Panalangin
b) Pagbati
c) Pagsisiyasat sa kapaligiran
d) Pagtatala ng liban

Balik-Aral

Yugto I- Tuklasin
A. PAGTUKLAS
Ang mga mag-aaral ay:
 Nakapagbibigay ng reaksyon o opinyon hinggil sa Video clip na
napanood.

TALASALITAAN
 Naibibigay ang literal at simbolikal na kahulugan ng mga
sumusunod na salita. Panuto: Ibigay ang literal at simbolikal na kahulugan ng mga sumusunod na
salita at gamitin sa isang makabuluhang pangungusap.
Literal na kahulugan: taniman ng ubas
Ubasan Simbolikal na kahulugan: kaharian ng Diyos

Literal na kahulugan: manggagawa sa ubasan


Manggagawa
Simbolikal na kahulugan: tayong mga tao

Literal na kahulugan: upa sa mga manggagawa


Salaping pilak
Simbolikal na kahulugan: biyayang mula sa Diyos
Literal na kahulugan: Oras ng paggawa
Oras( ika-
9,12,3,5)
Simbolikal na kahulugan: Di pagkakapantay ng paglilingkod sa Diyos.

Yugto II- Linangin


B. PAGLINANG
Ang mga mag-aaral ay: Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan
 Ihahanda ang sarili sa pakikinig at pakikilahok sa parabula na Modyul ng mag-aaral sa Filipino 9
tatalakayin.

 Naitatanghal at naipaliliwanag ang bawat pangyayari sa parabula


na tinalakay.

PANGKATANG GAWAIN
Ang klase ay hahatiin sa apat upang magtanghal ng iba’t ibang gawain sa loob
ng limang minuto.

UNANG PANGKAT (Manggagawa)


Sa pamamagitan ng dula-dulaan ipakita ang paghahanap ng may-ari ng ubasan
ng mga manggagawa at kung paano sila nagkasundo sa upa. Isadula at
ipaliwanag sa harap ng klase.
IKALAWANG PANGKAT (May-ari ng ubasan)
Ipakita sa pamamagitan ng Tableau o mannequin challenge kung paano tinawag
ng may-ari ng ubasan ang kanyang katiwala upang utusan na bayaran ang mga
manggagawa.
IKATLONG PANGKAT (Ubasan)
Bumuo ng isang saknong ng tula mula sa sumunod na pangyayari sa kuwento.
Maaaring walang sukat ngunit sikaping may tugmaan.
IKAAPAT NA PANGKAT (Katiwala)
Sa pamamagitan ng modernong balagtasan o Fliptop Battle, ipakita kung paano
nagtalo ang may-ari ng ubasan at ang mga manggagawa.
C. SINTESIS
 Naipapaliwanag ang talinghaga tungkol sa may-ari ng ubasan.

GABAY NA TANONG

1. Sa pangkalahatan, ano ang mensaheng nais ipahatid ng akda?


Nais ipabatid sa atin ng akda na tayong lahat ay pantay-pantay sa paningin ng
Diyos at hindi nararapat tanungin ang pagpapala o biyayang ipinagkaloob niya
sa atin.

Yugto III- Pagnilayan at Unawain

D. PAGPAPALALIM

 Nakikilahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na


tanong.

GABAY NA TANONG

1. Kung isa ka sa manggagawang maghapong nagtrabaho sa


nakakapasong init ng araw ngunit ang tinanggap ay parehong upa
lamang sa isang oras lang nagtrabaho, magrereklamo ka rin ba? Bakit? Hindi po, wala po akong karapatang magreklamo dahil siya po ang kusang nag-
alok sa akin ng trabaho. Sa halip na magalit ay magpapasalamat po ako sa aking
natanggap na upa.

2. Kung isa ka naman sa manggagawang tumanggap ng parehong upa


kahit kulang ang oras mo sa paggawa, ano ang mararamdaman mo?
Tatanggapin mo ba ang binigay sa iyong upa? Pangatwiranan Magpapasalamat po ako sa kanya. Tatanggapin ko po ang kanyang ibinigay
dahil ito po ang kanyang kagustuhan at hindi ko po sasayangin ang kanyang
ibibigay na upa.
E. PAGPAPALAWIG
 Naiuugnay ang mga pangyayari sa kuwento sa kasalukuyang
panahon

GABAY NA TANONG
1. Sa panahon ngayon ay mayroon pa bang kagaya ng may-ari ng
ubasan na pantay lang ang pagtingin sa mga tao? Mayroon pa po, kagaya po ng aking mga magulang na kapwa walang
kinikilingan sa aming magkapatid.

Yugto IV- Ilipat

PAGTATAYA

 Naisusulat ang kahulugan ang isang pahayag mula sa parabulang


tinalakay.

Panuto: Isulat sa isa hanggang dalawang pangungusap ang kahulugan ng


pahayag na sinabi ni Hesus , “Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay
mahuhuli.”

TAKDANG-ARALIN
 Basahin ang sumunod na parabula na pinamagatang “Parabula ng Banga” sa
pahina 201 at sagutin ang Pagsasanay 1 sa pahina 202 sa Panitikang Asyano 9.

MGA KAKAILANGANING KAGAMITAN

1. Speaker 4. Kagamitang Biswal


2. Laptop
3. LCD Projector

Inihanda ni: Nabatid ni :

PATRICK S. BERNALES SUSANA G. DELA CRUZ


Gurong Nagsasanay Puno, Kagawaran ng Filipino

Binigyang pansin ni: Mungkahing Pagpapatibay:

RECCIE R. AUSTRIA DR. ROSAURO A. VILLANUEVA


Gurong Kaagapay Punong Guro IV, AFGBMTS

Pinagtibay ni:

DR. RENATO DL. GODOY


Tagapayo

You might also like