You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
JOHN J. RUSSELL MEMORIAL HIGH SCHOOL
Sibul Springs, San Miguel, Bulacan

Banghay Aralin sa Pagtuturo sa Filipino 9

Ikalawang Markahan

Taong Panuruan 2018-2019

Ikalawang Markahan: Epiko –Hindu(India) “Rama at Sita (Isang Kabanata)” Bilang ng Sesyon/Araw: 1/Oktubre 1, 2018
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva

ANTAS 1

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: PAMANTAYANG PAGGANAP:


 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga  Ang mga mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng Kulturang
akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya. Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano
 Nailalarawan ng mga mag-aaral ang natatanging kulturang Asyano na  Natutukoy ang kahalagahan ng tauhan sa teksto.
masasalamin sa epiko.
 Nabibigyang-kahulugan ang mga salita batay sa kontekstong
pinaggamitan.

Kakailanganing Pag-unawa:
Mahalagang Tanong:  Ipinakita ang mga kabayanihan ni Rama para sa asawang si Sita sa
 Paano ipinakita ang mga kabayanihan ng pangunahing tauhan at pamamagitan ng pagsagip dito nang binihag ng hari ng mga demonyo
paglaban ng mag-asawa para sa kanilang pagmamahalan?
na si Ravana. Walang takot na hinarap at kinalaban sa isang sagupaan
ang hari upang patunayan para sa minamahal niyang si Sita ang kanyang
pagmamahal na handang gawin ang lahat para sa kaniya.

ANTAS 2

Inaasahang Pagganap Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa Sa Antas ng Pagganap


 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang  Naipamamalas ng mga mag-aaral ang PAMANTAYAN PUNTOS
mensahe ng epiko batay sa napanood at pang-unawa sa pamamagitan ng aktibong 1. Interpretasyon/kilos. 5
2. Malinaw na pagbigkas. 5
naipahahayag ito sa loob ng klase. partisipasyon sa pagtalakay ng guro sa 3. Madamdaming
 Nailalarawan ng mga mag-aaral ang klase emosyon sa pag-arte. 5
katangian ng mga pangunahing tauhan.  Naipapahayag ang sariling pananaw sa 4. Pamamahala sa oras. 5
5. Kabuuang
 Naipakikita ng mga mag-aaral ang isang paksang tinatalakay.
presentasyon. 5
pilosopiya ng India sa pagganap. KABUUANG MARKA: 25 PUNTOS
Kraytirya: Malinaw na
nakapagpapahayag at hindi lumalayo sa
paksang tinatalakay.

ANTAS 3
Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagsisiyasat sa kapaligiran
d. Pagtatala ng liban

Balik-Aral

1. PAGTUKLAS
Ang mga mag-aaral ay:

 Nakapagbibigay ng reaksyon hinggil sa isang video clip na ipinanood.


*malayang talakayan sa pagitan ng guro at mag-aaral*
Mula sa “Ang Probinsyano”

PAGMAMAHALAN

 Nakapaglalahad ng mga salita o pahayag kapag naririnig ang salitang


“PAGMAMAHALAN”sa pamamagitan ng pagtukoy ng iba’t ibang
larawang may kaugnayan sa salitang ito.
*malayang talakayan sa pagitan ng guro at mag-aaral*
 Nabibigyan ng mas malinaw na kahulugan ang mga salitang hindi
madaling maunawaan at nagagamit ito sa pagbuo ng sariling TALASALITAAN: (10 minuto)
pangungusap.

Panuto: Punan ng nawawalang letra ang bilog na walang nakasulat


upang mabuo ang kahulugan ng salitang naka-bold. Gamitin sa
makabuluhang pangungusap ang mga orihinal na salita.

1. Bihagin mo si Sita para maging asawa ko.

K U O

2. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita.

I L

3. Nagpanggap si Ravana bilang isang matandang paring Brahman.

G K W

4. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan.

N P W L

5. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

B T G
II. PAGLINANG

Ang mga mag-aaral ay: “Rama at Sita (Isang Kabanata)”


Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
 Naihahanda ang sarili sa pakikinig at pakikilahok sa akdang
(Modyul Baitang 9)
tatalakayin.
 Nailalarawan ang mga tauhan sa pamamagitan ng iba’t ibang
Panuto: Bawat pangkat ay aatasan ng gawain na kanilang bibigyan ng sariling
paraan. interpretasyon na gagawin sa harap ng klase. Bibigyan ng limang (5) minuto
 Naisasakatuparan ang pagbibigay buhay sa tauhan ng kwento. para sa paghahanda at tatlong (3) minuto sa pagtatanghal.

Unang Pangkat: Binibini at Ginoong San Miguel 2018 (Pangkat “Maganda”)

Gawain #1. Ipakilala ang mga pangunahing tauhan at ang kanilang mga
katangian sa pamamagitan ng isang pageant, ang “Binibini at Ginoong
San Miguel 2018.” Ipakita gamit ang mga kagamitan na inihanda ng guro.

Ikalawang Pangkat: Russellian’s Teatro (Pangkat “Mahusay”)

Gawain #2. Ipakita ang unang bahagi ng kwento kung saan makikita ang
unang pinagsimulan ng tunggalian ng mga tauhan sa pamamagitan ng
isang role playing, at pinamagatang “Russellian’s Teatro.” Ipakita gamit
ang mga kagamitan na inihanda ng guro.

Ikatlong Pangkat: Bigkas-Pinoy (Pangkat “Magaling”)

Gawain #3. Ipakita ang gitnang bahagi ng kwento kung saan makikita ang
pagbihag ng isa sa mga pangunahing tauhan sa pamamagitan ng isang
sabayang pagbigkas, at pinamagatang “Bigkas-Pinoy.” Ipakita gamit ang
mga kagamitan na inihanda ng guro.
Ikaapat na Pangkat: Ang Puppet na Malupit Show (Pangkat
“Mabait”)

Gawain #4. Ipakita ang huling bahagi ng kwento kung saan makikita kung
paano ipinamalas ang kabayanihan ng mga tauhan sa pamamagitan ng
III. SINTESIS
isang puppet show, at pinamagatang “Ang Puppet na Malupit Show.”
Ipakita gamit ang mga kagamitan na inihanda ng guro.
 Naibibigay nang malinaw at maayos ang konsepto ng epikong
ating tinalakay.

GABAY NA TANONG
1. Matapos matalakay ang ating paksa, ano ang konsepto ng epikong
“Rama at Sita”?

 Ang konsepto ng epikong tinalakay ay nagpapakita ng matibay na


pagmamahalan ng dalawang tao. Hindi nasubok ng pagsubok ang
2. Sa inyong palagay, ano ang kinalaman ng video clip na pinanood sa
paksang ating tinalakay? kanilang pag-iibigan.

A. PAGPAPALALIM
 Ang kinalaman ng video clip na pinanood sa paksang tinalakay ay
 Nakikilahok nang masigasig sa malayang talakayan sa tulong ng parehas na nagpapakita na handang gawin ang lahat ng isa para lamang
mga gabay na tanong.
mailigtas ang kaniyang minamahal kahit na ito’y humarap sa kamatayan.
GABAY NA TANONG:
1. Sa inyong palagay, kung ikaw si Rama na ginawa ang lahat para sa
kaniyang minamahal na si Sita, gagawin mo rin ba ito? Ipaliwanag.

 Opo, dahil kung nasa puso talaga ang pagmamahal para sa isang tao
magagawa nitong humarap sa kahit anumang pagsubok. Hindi matatakot
na sabay kaharapin ang dagok na sumusubok sa dalawang
nagmamahalan.
 Hindi po, dahil sa panahon ngayon mas nananaig na ang pagiging
makasarili at nakalilimot na sa pag-ibig. Kung mapapahamak lamang ako
ay bakit ko pa ito gagawin kung maaari namang magparaya.
B. PAGPAPALAWIG

 Naiuugnay ang mga pangyayari sa epiko sa kasalukuyang


panahon.

GABAY NA TANONG:

1. Sa kasalukuyang panahon, mayroon pa bang mga taong


nagmamahalan na humarap sa isang pagsubok at naging
matagumpay sa ngalan ng kanilang pag-ibig? Patunayan.  Opo, ang aking mga magulang. Hindi mawawala ang problema sa buhay
dahil magkaakibat na ang dalawang ito, ang pag-ibig at pagsubok. Hindi
mapatutunayan ang kanilang pagmamahalan kung ngayon sa
kasalukuyan ay hindi kami magkakasama at isang buong pamilya.

IV. PAGTATAYA
Ang mga mag-aaral ay:
MAIKLING PAGSUSULIT
1. Nasasagutan nang may kahusayan ang objective type na  Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at sagutin nang may kahusayan.
Bilugan ang titik ng tamang sagot. Ipinagbabawal ang anumang uri ng bura. (10
maiksing pagsusulit. Puntos)

1) Ito ang kasingkahulugan ng salitang “bihagin.”


a. Ikulong
b. Itago
c. Isilid
d. Ikahon
2) Ito ang kasingkahulugan ng salitang “hinablot.”
a. Hinila
b. Sinabunutan
c. Ginupitan
d. Pinutol
3) Ito ang kasingkahulugan ng salitang “nagpanggap.”
a. Nagbiro
b. Nagkunwari
c. Nagbihis
d. Nagtago
4) Ito ang kasingkahulugan ng salitang “nakumbinsi.”
a. Nagpursigi
b. Nagpumilit
c. Napaniwala
d. Nadala
5) Ano ang katangian ni Rama na nagpapakita ng kabayanihan?
a. Nang sinundan ni Rama ang gintong usa para kay Sita
b. Nang handang ibuwis ang buhay sa pakikipaglaban para kay Sita
c. Nang humingi ng tulong si Rama sa mga unggoy
d. Nang ipinatapon sina Rama, Sita, at Lakshamanan mula sa
kaharian ng Ayodha
6) Tama ba ang ginawang pagpilit kay Sita na siya ang gawing asawa ni
Ravana?
a. Hindi, dahil maling pilitin ang isang babae kung hindi naman ito
mahal.
b. Oo, para sa kayamanan at pagiging reyna ng kaniyang kaharian.
c. Maaari, dahil ipinatapon na sila mula sa Ayodha at magkakaroon
siya ng mga alipin mula kay Ravana
d. Hindi, dahil walang masamang kung pilitin si Sita.
7) Sa paanong paraan masasalamin tungkol sa epikong tinalakay, ang
pilosopiya ng mga Indyano na hindi paglaban?
a. Ang pagdakip kay Sita na hindi naman mahal si Ravana
b. Ang pagpapanggap ni Ravana bilang isang paring Brahman
c. Ang hindi paglaban sa mga kakampi ng Diyos
d. Ang pagpapalit ng anyo ni Maritsa
8) Pinatunayan ba nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?
a. Hindi, dahil namatay si Rama
b. Oo, ngunit hindi nailigtas ni Rama si Sita
c. Oo, dahil handang gawin ang lahat at kahit kamatayan ay
susuungin para sa kanilang pagmamahalan
d. Hindi, dahil hindi sila naging masaya sa wakas ng epiko
9) Alin ang pangayayaring nagpapakita ng kababalaghan?
a. Nakapagsalita ang isang agila at naituro kung nasaan si Sita
b. Nakapagpapalit ng iba’t ibang anyo si Maritsa
c. Nagkaroon ng tunggalian sa pagitan ng mga unggoy at higante
d. Lahat ng nabanggit
10) Siya ang nagsalin ng epikong “Rama at Sita.”
a. Vilma C. Ambat
b. Shiela C. Molina
c. Liu Heng
2. Makikipanayam sa kanilang mga magulang at iuulat sa loob ng d. Rene O. Villanueva
klase ang kanilang mga kinaharap na pagsubok sa buhay at
kung paano ito nalampasan.
KASUNDUAN
 Tanungin ang inyong mga magulang tungkol sa pagsubok na
napagtagumpayan nang dahil sa pag-ibig sa isa’t isa. Iuulat ito sa loob ng
klase. (10 puntos)
MGA KAKAILANGANING KAGAMITAN
 Laptop
 Projector
 Speaker
 Kagamitang Biswal
 Mga larawan
 Pintura at pinsel
Inihanda ni:

Bb. Haizel Mayen A. Escol

Binigyang-pansin nina: Nagsasanay na Gurong Mag-aaral

Gng. Rowena D. Mangapot

Gurong Tagapagsanay

Gng. Maria Elisa D. Olchondra Nabatid ni:

Head Teacher II, Filipino G. Joel Apoderado Cruz

Punong Guro III

Pinagtibay ni:

Renato DL. Godoy, Ph. D.

Guro sa Filipino

You might also like