You are on page 1of 9

Lesson Exemplar in FILIPINO 6 Using the IDEA Instructional Process

Learning Area FILIPINO 6


Learning Delivery Modality ONLINE DELIVERY LEARNING MODALITY

LESSON SDO IMUS CITY Grade Level 6


EXEMPLA Name of Teacher MARIA AIZA B. LIM Learning Area FILIPINO
R Teaching Date and Time Quarter IKALAWANG
MARKAHAN

I. LAYUNIN 1. Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at


tagpuan sa binasang kwento.

2. Nauunawan ang tauhan at tagpuan batay sa binasang


kwento.

3. Nakagagawa ng character profile batay sa kwentong


binasa
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng
teksto at napapalawak ang talasalitaan
B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ng character profile batay sa kuwento o
tekstong binasa
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang pinakamahalagang tagpuan sa binasang kwento
kasanayan sa pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN (MELC22) Paglalarawan sa tauhan batay sa damdamin


nito at tagpuan sa binasang kwento
III. KAGAMITAN PANTURO
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro MELC Filipino G6 Q1, PIVOT BOW R4QUBE p.57
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
MISOSA 6809 Katangian ng mga Tauhan sa Kwento
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at Powerpoint Presentation
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Sasabihin ng guro ang mga layunin para sa pagkaunawa ng
mag-aaral.

1. Nailalarawan ang tauhan batay sa damdamin nito at


tagpuan sa binasang kwento.
2. Nauunawan ang tauhan at tagpuan batay sa binasang
kwento.

3. Nakagagawa ng character profile batay sa kwentong


binasa

ALAMIN
GAWAIN 1:

Maglalahad ng mga tanong na sasagutin ng mag-aaral


upang mataya ang kanilang kahandaan sa aralin.

Punan ng pangalan ng iyong kapatid o kaibigan at


ilarawan mo ang kanilang katangian.

Pangalan ng
Katangian
Kapatid/Kaibigan
1.
2.
3.

Pagkatapos sagutan ang gawain, sagutin ang mga tanong.


Isulat ang iyong reaksyon sa kwaderno.

1. Sa anong pagkakataon mo nakita ang katangiang ito


ng iyong kapatid/kaibigan?
2. Gusto mo rin bang taglayin ang katangiang ito ng
iyong kapatid/kaibigan? Bakit?
3. Ano sa iyong palagay ang kahalagahan ng katangian
ng isang tauhan sa kwento?
4. Makakatulong ba ito upang higit na maunawaan ang
kwento? Ipaliwanag.

SURIIN
GAWAIN 2:
Paghawan ng Balakid: Tukuyin ang kahulugan ng mga
salita. Isulat ang letra ng tamang sagot. Gamitin ito sa
pangungusap.
1. gusgusin a. ginastos
2. marangya b. hindi sumunod
3. sumuway c. enggrande
4. ginasta d. pasaway
5. suwail e. marumi

B. Development (Pagpapaunlad) SUBUKIN


GAWAIN 3: Paunang Pagtataya

A. Tukuyin ang mga nawawalang letra upang makuha


ang wastong sagot. Isulat ang iyong sagot sa
kwaderno.

1. Anong K ang katangian ang ipinapakita ng taong


naghahangad ng sobra-sobra?

k_ _ _ k _ _ _ n

2. Anong T ang gumaganap ng mahalagang papel sa


isang kwento?

t__h_n

3. Anong T ang lugar kung saan ginaganap ang isang


kwento?

t_g___n

4. Anong M ang tinatanggap ng isang mayamang


anak kapag namayapa na ang kanyang magulang?

m_n_

5. Anong L ang bahagi ng Bibliya kung saan


matatagpuan ang kwento ng Alibughang Anak?

L_c_ s

6. Anong P ang ibinigay ng ama sa kanyang anak


matapos itong maglayas at bumalik sa kanya?

p__p___t_w__

7. Anong P ang kinahinatnan ng bunsong anak


matapos maubos ang perang nakuha nito sa
kanyang ama?

p__u_i

8. Anong K ang mahalagang sangkap ng isang tauhan


upang maging mabisa ang pagganap nito sa
kabuuan ng isang kwento?

k_t___i_n

9. Anong K ang naramdaman ng ama ng bumalik ang


kanyang anak?

k___g___h_n

10. Anong A ang tawag sa anak na sumuway sa


kanyang ama?
a__b__h_

TUKLASIN
GAWAIN 4:
Ipakita ang sumusunod na larawan at ipalarawan ang mga
katangian ito.

https://www.flickr.com/photos/11541098@N06/9331580571

Katedral ng Imus

http://thecavitevisitor.blogspot.com/2015/01/

Monumento ng Labanan sa Imus

https://www.facebook.com/SocietyOfHistory/posts/heneral-licerio-topaciomakabayan-rebolusyonaryo-isinilang-sa-imus-cavite-
noong-a/1344994352197217/

Heneral Licerio Topacio


PAGYAMANIN

Basahin ang kwento.

Sagutin ang mga tanong habang binabasa ang kwento.

Ang Alibughang Anak


(Hinalaw mula sa Lucas 15:11-32)

Isang mayamang ama ang may dalawang anak. Ang


bunsong anak ay nagsabi sa ama ng ganito, “Ama, ibigay
mo na sa akin ang aking mana!”

Hinati ng ama ang kanyang kabuhayan at ibinigay ang


kalahati sa bunsong anak.

Wala siyang magawa sa matigas ang loob na anak. Nang


makuha ng bunso ang kanyang mana, naglayas siya at
nagpunta sa malayong lugar. Doon ay ginasta nang walang
habas sa rangya at luho ang kanyang mana. Nang maubos
ang kanyang minana, nagkaroon ng taghirap sa
pinuntahang lugar. Ang bunsong anak ay namasukan bilang
tagapakain ng mga baboy. Naranasan ang lahat ng hirap.
Kung minsan ang tirang pagkain ng baboy ang kinakain
niya. Para siyang pulubi. Gusgusin ang damit at walang
sapin sa paa.

Naalala niya na sa bahay ng kanyang ama masasarap ang


kinakain ng mga alipin. Nagpasiya siya na bumalik sa
kanyang ama. Humingi siya ng tawad. “Ako’y di na
karapat-dapat bilang iyong anak. Ama, gawin mo na lang
po ako bilang isa sa iyong mga alipin.”

Subalit inutusan ng ama ang kanyang mga tagapamahala.


“Kumuha ng magandang damit at bihisan ang aking anak.
Lagyan ng singsing ang kanyang daliri. Suotan ng
sandalyas ang kanyang mga paa. Katayin ang
pinakamalusog na batang baka. Ipagdiwang natin ang
pagdating ng aking anak!”

Nang dumating ang panganay na anak mula sa bukid


nagtaka siya sa ginagawang paghahanda. Ang sabi niya sa
kanyang ama, “Ako Ama ay hindi sumuway sa mga utos
mo. Sa lahat ng pagkakataon pinagsilbihan kita. Kapag
nagdiriwang ako at mga kaibigan ko kambing lang ang
ipinakakatay mo. Ngayon na dumating ang anak na naging
suwail sa iyo, nagwaldas ng iyong mga ipinamana
ipinaghanda mo pa siya nang marangya.”

Nagpaliwanag ang ama, “Ipinagdiriwang natin ang


pagdating ng iyong kapatid dahil namatay na siya at muli
pang nabuhay! Nawala na siya ngunit ngayo’y muling
nagbalik! Nararapat lang na tayo ay magsaya at
magdiwang!”

C. Engagement (Pagpapalihan)
ISAGAWA
GAWAIN 5:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat mo ang


iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ilan ang mga anak sa kwento?


2. Ilarawan ang tagpuan ng kwento.
3. Sino sa mga anak ang humingi ng kanyang mana?
4. Saan siya nagtungo matapos makuha ang mana?
5. Ano ang kanyang naging karanasan matapos
siyang umalis? Isalaysay.
6. Wasto ba ang ginawang paghingi ng tawad ng anak
sa kanyang ama? Bakit?
7. Ano ang naging reaksyon ng panganay niyang
kapatid?
8. Kung ikaw ang kanilang ama, patatawarin mo ba
ang anak? Ipaliwanag.

GAWAIN 6:

A. Bigyang-pansin ang mga ipinakitang asal ng mga


tauhan sa parabula. Isulat ito sa paraang
talahanayan sa iyong kuwadernong sagutan.

Patunay sa
Tauhan Katangian
kwento

1.

2.

3.
B. Bigyang mukha ang mga lugar na pinangyarihan
ng kwento batay sa inilarawang uri ng pamumuhay
ng mag-aama.

Tagpuan Katangian
1.
2.

LINANGIN
GAWAIN 7:
A. Ilarawan ang inyong tahanan, saan ito yari? Ano-
ano ang makikita sa loob nito?

B. Ilarawan ang iyong sarili, ano-ano ang iyong mga


katangian?

IANGKOP
GAWAIN 8:
Basahing mabuti ang mga talata at sagutin ang tanong.

1. Nanalangin si David bago dumating ang takdang


oras ng pagtutuos nila ng higanteng si Goliath.
Iginayak niya ang mga batong makikinis at ang
kanyang tirador. Ngayo’y handa na siyang
humarap sa higante.

Anong katangian mayroon si David?


________________________________________
________________________________________
2. Hinuli si Bartolome ng mga Romano. Kinuha ang
lahat niyang kagamitan at sinaktan. Hindi man lang
lumaban si Bartolome bagkus ay ipinanalangin
niya pa ang mga ito.

Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan?

Bartolome ________________________
Mga Romano ________________________

D. Assimilation (Paglalapat) ISAISIP


GAWAIN 9:

Exit Card

Pasasagutan ng guro sa mag-aaral ang tatlong katanungan


tungkol sa pinag-aralan.

o Ano-ano ang mga natutunan ko sa aralin?


o Ano ang mga salita na hindi ko pa naiintindihan ng
lubos?
o Ano pa ang gusto kong matutunan sa aralin?

TAYAHIN
GAWAIN 10:
Tukuyin kung TAMA O MALI ang sumusunod na
pahayag.

_____ 1. Naging bukal sa loob ng ama ang pagbabalik


kanyang anak na lumayas.
_____ 2. Natuwa ang panganay na anak sa pagbalik ng
kapatid.
_____ 3. Nagpakita ng hindi magandang ugali ang ama sa
paglayas ng kanyang anak.
_____ 4. Naging masaya ang anak kahit naubos na ang
kanyang pera.
_____ 5. Nagpakita ng pagsisisi sa huli ang anak na
lumayas.
_____ 6. Sa aklat ni Marcos matatagpuan ang kwento ng
Alibughang Anak.
_____ 7. Nagtipid ang anak na nakakuha ng mana.
_____ 8. Pabula ang tawag sa kwento na mula sa Bibliya.
_____ 9. Tagpuan ang lugar kung saan naganap ang
kwento.
_____ 10. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng tauhan
sa kwento.

V. PAGNINILAY Magsususlat ang mga bata sa kanilang kwaderno, journal o


portfolio ng kanilang nararamdaman o realisasyon.

Dugtungan ang parirala upang mabuo ang kaisipan.


Naunawaan ko na ______________________
Nabatid ko na _________________________

You might also like