You are on page 1of 6

Lesson Exemplar in FILIPINO 6 Using the IDEA Instructional Process

Learning Area FILIPINO 6


Learning Delivery Modality ONLINE DELIVERY LEARNING MODALITY

Sangay IMUS CITY/TINABUNAN Baitang Baitang 6


LESSON ES
EXEMPL Manunulat JULIE QUIMSON Asignatura FILIPINO 6
AR Petsa Markahan Ikalawang Markahan
Markahan

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga mag - aaral ang kakayahan sa pagsasalita nang wasto upang maipahayag ang
kaalaman at ideya sa pagpapaunlad ng pamayanan.
B. Pamantayan sa Pagganap Nagagamit ang uri ng pang-abay upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman.

C. Pinakamahalagang Kasanayan sa (MELC25) Nagagamit ang uri ng pang-abay (panlunan,pamaraan,pamanahon) sa pakikipag-usapsa


Pagkatuto (MELC) (Kung ibat ibang sitwasyon
mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto o MELC
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan (Pantangi at Pambalana) sa
pagpapaganang kasanayan.) pagsasalita at pagsulat tungkol sa mga bagay, hayop, lugar o pangyayari sa paligid.

III. KAGAMITAN PANTURO


A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng - MELC Filipino G6 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide: (p.170)
Guro
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk Hindi gagamit ng teksbuk sa pagtatalakay
d. Karagdagang Kagamitan Pang-abay at ang uri nito kinuha sa https://www.youtube.com/watch?
mula sa Portal ng Learning
Resource
v=mirXebqc1fE&t=1s

B. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa - modyul
Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan - papel/kwaderno
- bolpen

IV. PAMAMARAAN
A. Panimula (Introduction) Ang Napapanahong Pagpapaalala:
 Ipapaalala ng guro sa mga bata ang mga panuntunan sa paggamit at pagsagot ng modyul

Balitaan muna Tayo:


Ano ang pang-uri at ang mga uri nito
Paunang Pagtataya (Pre-Assessment)

1. Larawan at Sagot Mo

Sagutin ang tanong sa sa hanay B gabay ang larawan sa Hanay A


Hanay A Hanay B

Paghahabi sa mga Layunin

Ano ang tawag sa kasuotang


ito?

Saang lugar nakatira ang


mga nagsusuot nito?

Gabay na tanong:
1. Ano ang una mong naiisip kapag narinig mo ang salitang Ivatan?
2. Ano kaya ang pangunahing trabaho ng mamamayan sa lalawigan?
3. Sa iyong palagay maganda bang lalawigan ng Batanes?

B. Pagpapaunlad Pagganyak : Pagbasa ng Talata


(Development)
Ang lalawigan ng Batanes ay matatagpuan sa pinakadulong hilaga ng bansa. Nasa lamang
ito ng Taiwan. Dalawang daan at walumpung kilometro ang layo nito sa Aparri, Cagayan-ang
pinakadulong bahagi ng Luzon. Binubuo ang lalawigan ng Batanes ng sampung maliliit na
pulo. tatlo lamang dito ang pinamahayan – ang isla ng Itbayat ang isla ng Sabtang; at ang isla
ng Batan (kung saan matatagpuan ang siyudad ng Basco; ang bayan ng Ivana ang bayan ng
Mahatao; at ang bayan ng Uyungan.
Ang mga Ivatan o mga mamamayan ng Batanes noon ay manggagawa ng Bangka at mga
manlalayag. Nabuhay sila sa pangangaso,pangingisda, at pagsasaka ng mga halamang-ugat.
Ayon sap ag-aaral ni Maria F. Mangahas, TATAYA ang tawag sa pabilog na ilalim na
Bangka ng mga MATAWS- ang mga sanay na mamimingwit ng mga dorado (dolphin fish).
Napakahalaga raw ng tinuyong laman ng isdang ito lalo na sa panahon ng tagbagyo. Maaari
kasi itong kapalit ng pera. Puwede rin itong pambili ng mga kagamitan;pambayad sa mga
trabahador; at maari ring pambili ng lupain.
Sagutin kung Tama o Mali ang mga pangungusap

_______1. Ang Batanes ay isang siyudad


_______2. Matatagpuan sa dulong timog ng bansa.
_______3. 280 kilometro ang layo nito sa Aparri, Cagayan
_______4. Binubuo ng 10 malalaking pulo ang Batanes.
_______5.Ivatan ang tawag sa kanilang kasuotan.
_______6. Sila ay dating manghahabi ng tela.
_______7.Tataya ang tawag sa kanilang mga bangka.
_______8.Mahalaga sa mga taga Batanes ang pinatuyong laman ng dorado.
_______9. Maaring kapalit ng pera ng mga pamingwit ng mga mangingisda.
_______10. Ang mga Itbayat ay matatagpuan sa Isla ng Batan.

Halungkat Kaalaman:

1. Paglalahad ng Konsepto

Pang-abay,
Tawag sa salita o mga salitang nagbibigay turing o naglalarawan sa pandiwa,pang-uri o
kapwa pang-abay.

Nabgigigay turing sa pandiwa


Mabilis na nagpasiya ang mga ahas.
PA PD
Nabgigigay turing sa pang-uri
Totoong masaya ang mga bata kapag naririnig ang tinig ni Doraemon.
PA PU
Nabgigigay turing sa kapwa pang-abay.
Talagang mahusay magsaliksik ng gamot sa COVID 19 ang mga .
PA PA
2. Isa pang halimbawa ng paglalahad ng Konsepto
Sa pagpapatibay ng konsepto ng aralin ay imumungkahi ng guro na panuorin ng bata ang
link na ito :
https://www.youtube.com/watch?v=mirXebqc1fE&t=1s

Panuto: Suriin ang usapan nina Raquel at ng kanyang giya.

Ito ang konsepto ng Uri ng Pang- abay:


Sa pagpapatibay ng konsepto ng aralin ay imumungkahi ng guro na panuorin ng bata ang link na ito :
https://www.youtube.com/watch?v=mirXebqc1fE&t=1s

C. Pagpapalihan
(Engagement_
1. Panuto:

Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. Isulat sa linya kung ito ay


pamaraan,pamanahon,panlunan.

___________ 1. Masigasig na ipinagpapatuloy sa isla ng mga Ivatan ang kanilang nakagisnang


kaugalian.

___________ 2. Matapat na nakikitungo ang mga naninirahan sa Batanes sa kanilang kapwa.

___________ 3. Payapang namumuhay ang mga mamayan dito.


___________ 4. Nagsisimba ang karamihan sa kanila tuwing Linggo.

___________ 5. Sa mga burol nagtutungo ang mga turista upang mamasyal

___________ 6. Masyang gumagawa ng magagandang basket,sandalyas, at vakul ang mga Ivatan.

___________ 7. Nanlalambat ng isda sa dagat ang mga magsasaka sa Batanes.

___________ 8. Nagtatanim sa mga burol ang mga magsasaka sa Batanes.

___________ 9. Palaging binabalik-balikan ng mga turista ang Batanes.

___________ 10. Pinangangalagaang mabuti ng mga Ivatan ang kanilang kapaligiran.

2. Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-abay sa mga puwang sa talata.

1. ___________ na binantayan ni Aling Lina ang kanyang sanggol na


maysakit. Umiiyak nang 2. ___________ ang sanggol dahil sa mataas na
lagnat. Inawitan ni Aling Lina nang 3.___________ ang anak upang
makatulog. 4. ___________ niyang inilapag ang sanggol sa 5.
___________ . Marahan niyang idinuyan ang bata hanggang sa makatulog
nang 6.___________ . 7. ___________ ay wala nang lagnat ang bata.
Iginalaw niya nang 8. ___________ ang kanyang kamay at paa. 9.
___________ na nagdasal ng pasasalamat si Aling Lina. Muling nagbalik
ang kasayahan sa kanilang 10. ___________ .

 Paglinang sa Kabihasnan

Ipagagawa ng guro sa mga bata ang pagsulat ng maikling dayalog na may paksang pag-
iingat ng kalusugan gamit ang pang-abay at mga uri nito.

D. Assimilation 1. Post test/ pangwakas na pagtataya


(Paglalapat)
Isulat kung ang mga pariralang pang-abay na may
salungguhit ay pamaraan, panlunan o pamanahon.
______1. Tulung-tulong na naglilinis ang mga tao bago magpiyesta.
______2. Umusad nang dahan-dahan ang mga sasakyan.
______3. Sila’y nagtatanim sa mga bukiring may patubig.
______4. Nahuhuli sa dagat na malapit sa Estancia ang maraming isda.
______5. Sa Linggo ng hapon magpupulong ang mga magulang at guro.
______6. Tuwang-tuwa at patalun-talon na sumalubong ang kanyang aso.
______7. Umalis siya na mabigat ang damdamin.
______8. Naglilinis sila ng silid aralan pagkatapos ng pulong.
_______9. Iwinawagayway ang watawat tuwing may pambansang pagdiriwang.
_______10. Ang matitibay na kahoy ay matatagpuan sa kagubatan ng Pilipinas.

2. Karagdagang Gawain
Sumulat ng maikling talata tungkol sa ginagawang pag-iingat ng iyong pamilya sa pagsugpo
ng COVID 19 sa inyong tahanan (gamit ang mga uri ng pang-abay )

3. Paglalahat sa Aralin

Ipapatala ng guro ang tamang sagot sa gawaing ito sa kuwaderno at ipapakita sa kanyang kamag-aral.
Panuto: Umisip at sumulat sa kuwaderno ng 10 pangungusap tungkol sa nagaganap na suliraning
kinakaharap ng ating bansa. Bilugan ang pang-abay Isulat kung anong uri ng pangabay ang napaloob
sa bawat pangungusap.
V. PAGNINILAY Magsusulat ang mga bata sa kanilang kuwaderno, journal o portfolio ng kanilang nararamdaman o
A. (Pagninilay sa mga Uri ng realisasyon gamit ang mga susmusunod na prompt.:
Formative Assessment na
Ginamit sa Araling Ito) Naunawaan ko na _______________________.
Nababatid ko na _______________________.

You might also like