You are on page 1of 4

SEMI School: BOHOL NORTHERN STAR COLLEGE Grade Level: V

Teacher: KYRA MAE CURIT Learning Area: FILIPINO


DETAILED
LESSON Teaching Week
PLAN /Day/Time: WEEK 6/ DAY 2/ 1:00-2:30 Quarter: 4th Quarter

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa napakinggan
Pagaganap
c. Mga Kasanayan sa a. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng
Pagkatuto (Isulat ang code paglalarawan F5PT-IVd-f-1.13
ng bawat kasanayan) b. Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong
napakinggan F5PN-IVf-22

II. NILALAMAN Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga

Integrasyon:
Science 5 – Protect and conserve estuaries and intertidal zones (S5LT-Ii-j-
10)
ESP 5 - Pagmamalasakit sa Kapaligiran (ESP5PPP-IIId-27)
Health & Nutrition - Iwasan ang pagkain ng matatamis na pagkain.
(Pangangalaga ng kalusugan)

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Hiyas sa Wika at Pagbasa ph. 38
Gabay ng Guro
2.Mga pahina sa Hiyas sa Pagbasa ph. 74-75, 120
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3.Mga pahina sa Hiyas sa Pagbasa ph.74-75, 120
Teksbuk Pagdiriwang ng Wikang Filpino (Pagbasa) ph.34-42
4.Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resource
B. Iba pang Kagamitang Tsart, diagram, kard ng gawain
Panturo
IV. PAMAMARAAN
A. 1. Pagwawasto ng 1. Pangkatang-gawain
Takdang-aralin *Pumili ng awiting may ugnayang sanhi at bunga na nagpapahalaga sa
ating kapaligiran o kalikasan .
*Awitin ito sa harapan ng mga kaklase nang may kilos o galaw.
* Bibigyan ng 20 puntos ang makakaawit at makapagpapakita ng kilos o
2. Balik-aral sa
galaw.
nakaraang
2. Pag-ugnayin ang mga larawan
aralin at/o pagsisimula
ng bagong aralin

Anu-ano ang mga larawang inyong nakikita?


Bakit kaya umiiyak ang bata?
-Sumakit ang ngipin ng bata dahil lagi siyang kumakain ng kendi.
- Nararapat bang pangalagaan natin ang ating katawan? Bakit?
_Opo, upang hindi tayo magkasakit at malusog palagi..
- Kaya dapat iwasan ang pagkain ng matatamis na pagkain .

Bakit ganito ang kasuotan ng batang babae?


-Nagsusuot ng pananggalang sa ulan ang batang babae upang hindi siya
mabasa sa
ulan.
Ano ang mangyayari sa kanya kapag nabasa siya sa ulan?
-Maaari siyang magkasakit
A. Paghahabi sa layunin ng Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang inilalarawan
aralin sa bawat bilang.
Gumawa ng sariling pangungusap upang ilarawan ang mga salitang nabuo
1Walang dumi o mantsa
M l n i
2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar
p m a m s a l

3. Pag-awas ng tubig sa isang lagayan


U m a p w

4. Natatakot sa anumang mangyari


N n g g a m b

5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay


k m l s

B. Pag-uugnay ng mga Paglalahad


halimbawa sa bagong Tingnan ang larawan ng ilog pasig noon, ano ang masasabi ninyo sa larawan?
aralin Gumawa kayo ng katanungan tungkol dito.

Pakikinig sa babasahing teksto (Ipabasa ito sa piling mag-aaral pagkatapos


ipabasa ng pangkatan)

Noon malinis, malinaw at wala pang amoy ang tubig kaya marami ang
namamasyal at naliligo sa Ilog- Pasig. Kaya nasira ang kagandahan ng
makasaysayang ilog dahil pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng
basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda
dahil sa marumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang
masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat

C. Pagtatalakay ng bagong (Sagutan muna ang mga tanong na ginawa ng mga bata)
konsepto at paglalahad Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig?
ng bagong kasanayan #1 Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig?

Itala ang mga kasagutan sa tamang hanay

Bunga

Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa


dati?
Paano mo paproprotektahan ang mga lawa o ilog sa iyong paraan?
Ano ang gagawin mong paraan para mapanatiling malinis ang tabing ilog
o dagat?
D. Pagtatalakay ng bagong Pangkatang Gawain
konsepto at paglalahad Bago isagawa ay magbigay muna ng mga panuntunan sa pagsasagawa ng
ng bagong kasanayan #2 pangkatang- gawain
Siguraduhing mabuti ng bawat lider:
* na irespeto ang ideya ng iba,
* dapat makilahok ang bawat myembro
* hwag magsalita kapag may nagsasalita
* na magawa ng maayos at tama sa oras
* gawin ito sa tahimik na paraan
* may disiplina sa sarili ang bawat miyembro ng bawat pangkat;
* ang unang makapaglahad ay bibigyan ng dagdag na 5 puntos.

Gumamit ng dayagram para sa pagpapakita ng ugnayang sanhi at bunga:

Pangkat I- Ilahad ang pag-uulat sa pamamagitan ng sabayang pagbigkas


Ano kaya ang manyayari kung ikaw ay hindi susunod sa nanay at tatay mo.
Pangkat II - Ipakita sa pamamagitan ng drama ang nabuong dayagram
Umuulan nang malakas sa buong magdamag. Napuno ng tubig ang mga
estero at kanal

Pangkat III- Ipakita sa pamamagitan ng pagbabalita ang nabuong dayagram


Nakalimutan mong isara ang bahay nyo at pumasok ka na sa paaralan.
E. Paglinang sa Kabihasan Itambal ang Hanay A sa Hanay B
(Tungo sa Formative
Assessment) Hanay A Hanay B
___1. Dumudumi ang ilog a. maykaya ang magulang
___2. Malinis ang kapaligiran b. basurang itinapon
___3. Maraming halaman sa bakuran c. mahusay magpasunod ang mga magulang
___4. Nasusunod ang layaw d. maibigin sa kalikasan ang mamamayan
___5. Magagalang ang mga anak e. masipag magtanim ang mga tao

F. Paglalapat ng aralin sa Paglalapat


pang-araw-araw na Ilahad ang maaring maging bunga nito:
buhay 1. Pagsunod sa payo ng magulang
2. Maling pagsasalansan ng mga basurang nabubulok at di nabubulok
3. Pag-aaral ng mabuti
4. Hindi pagsasabi ng tapat sa magulang
5. Paglilinis ng paligid

G. Paglalahat ng Arallin Paglalahat

Ano ang natutunan mo ngayon sa ating aralin?


Ano ang Sanhi?
Ano ang Bunga?
H. Pagtataya ng Aralin
Pagtataya (Differentiated Instruction)

Group A (Fast Learner)


A. Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sumusunod na sanhi at bunga.

1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid


2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop
f. Pagkakalbo ng kagubatan

Sanhi Bunga
1
2
3
4
5
Group B (Slow Learner)
B. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B

_____1. Paggamit ng dinamita a. Pag-abuso ng mga hayop


_____2. Pagtatapon ng basura b. Pagkakalbo ng kagubatan
_____3. Pagpuputol ng punongkahoy c. Pagkamatay ng mga isda
_____4. Pagsunog ng kabundukan d. Pagdumi ng ilog
_____5. Panghuhuli ng mga hayop e. Pag-init ng paligid

I. Karagdagang gawain Takdang –Aralin


para sa takdang-aralin at
remediation Sumulat ng limang pangungusap na nag-uugnay ng sanhi at bunga tungkol sa ating
kapaligiran.
V. Mga Tala

VI. Pagninilay

INIHANDA NI: KYRA MAE CURIT


PROGRAMA: BACHELOR OF ELEMENTARY 2
IPAPASA NI: LALAINE C. SUMALINOG, LPT

You might also like