You are on page 1of 5

Filipino V

IKAAPAT NA MARKAHAN
Unang Linggo
Ikatlong Araw

I. Layunin

 Nakagagawa ng dayagrama ng ugnayang sanhi at bunga mula sa tekstong


napakinggan F5PN-IVa-d-22
 Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa
pamamagitan ng paglalarawan F5PT-IVd-f-1.13
 Nabibigyang halaga ang kalinisan ng kalikasan

A. Paksang Aralin

Paggawa ng Dayagrama ng Ugnayang Sanhi at Bunga

B. Sanggunian

F5PN-IVa-d-22
F5PT-IVd-f-1.13

C. Mga Kagamitan

slide decks presentation, ICT, video clips, IMs

D. Pagsasanib: Health, Edukasyon sa Pagpapakatao

Estratehiya: pagpapanuod ng video clips, pangkatang gawain

II. Pamamaraan

Panuntunang Pansilid-aralan

Pagpapanuod ng video clip (I Can Follow The Rules)

1. Pagsasanay

Punan ang nawawalang letra sa loob ng kahon upang mabuo ang salitang
inilalarawan sa bawat bilang. Gumawa ng sariling pangungusap upang ilarawan ang
mga salitang nabuo

1. Walang dumi o mantsa


M l n i

2. Pagpunta o pagbisita sa magagandang lugar


p m a m s a l
3. Pag-awas ng tubig sa isang lagayan
U m a p W
4. Natatakot sa anumang mangyari
N n g g a m b
5. Paggawa ng isang aksyon sa isang bagay
k m l s
2. Balik-Aral
 Ano-ano ang iba’t ibang uri ng pangungusap?

3. Mga Gawain
A. Pagganyak
Pagpapanuod ng video clip.
Magbibigay ang mga bata ng pamantayan sa panunuod.

Unang Video: Mga batang nagtatakbuhan

 Base sa videong inyong napanuod, ano ang maaaring mangyari sa mga


batang nagtatakbuhan?

Ikalawang Video: Mga batang kumakain ng junk foods

 Sa inyong palagay, ano ang maidudulot ng pagkain ng junk foods o d


masusustansyang pagkain sa inyong kalusugan?

Ikatlong Video: Batang naglalaro ng cellphone o gadgets

 Bilang isang mag-aaral, ano ang magiging epekto sa inyo ng labis na


paggamit ng cellphone o gadgets?

B. Paglalahad

 Tingnan ang larawan ng ilog pasig, ano ang masasabi nyo sa larawan?

Pakikinig sa teksto

Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal


at naliligo sa Ilog- Pasig kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog,
pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa
kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahil sa marumi na ang
tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig,
kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat.

C. Pagtatalakay

1. Base sa tekstong inyong napakinggan, ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng


Ilog Pasig? Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig?

Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay.

Sanhi/dahilan Bunga/Epekto
Pagpapahalaga:
1. Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa
dati?
2. Paano mo paproprotektahan ang mga wawa o ilog sa iyong sariling
paraan?

D. Pagpapayamang Gawain

Gamit ang dayagrama. Ipagkit sa loob nito ang mga pangungusap na


nakadikit sa pisara.

SANHI BUNGA

1. Dumudumi ang ilog a. maykaya ang magulang


2. Malinis ang kapaligiran b. basurang itinapon
3. Maraming halaman sa bakuran c. mahusay magpasunod ang magulang
4. Nasusunod ang layaw d. maibigin sa kalinisan ang mamamayan
5. Magagalang ang mga anak e. masipag magtanim ang mga tao

E. Paglalahat

 Ano ang natutunan mo ngayon sa ating aralin?


 Ano ang Sanhi? Ano ang Bunga?

F. Paglalapat
Makinig sa tekstong babasahin ng guro at isulat sa dayagrama ang sanhi at
bunga nito.

Ang kahirapan ay isa sa mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino.


Ito ay isa rin sa problema na hindi matapos tapos at hindi rin mabigyan ng
solusyon.
Isa sa dahilan ng kahirapan ay ang pagkakaroon ng mababang antas ng
edukasyon. Ang kawalan ng malinaw na pagplaplano at malabis na paggatos ay
isa rin sa dahilan ng kahirapan dahil ang ibang tao ay padalos-dalos kung mag
desisyon. Maraming pilipino ang nalululong sa masamang bisyo. Ito ay
maituturing dahilan rin sa kahirapan.
Kung ating susuriin ay nasa ating mga kamay ang kapangyarihan upang
tayo ay magtagumpay dahil kung atin lamang gugustuhin ay maraming paraan
upang tayo ay makaahon sa kahirapan.

SANHI BUNGA

G. Pangkatang Gawain

Pangkatang gawain. Magkakaroon ng 3 pangkat at bawat pangkat ay may mga


gawain na dapat nilang tapusin. Ibigay ang pamantayan sa pangkatang gawain.

Rubrics sa Pangkatang Gawain

Naisagawa ng maayos ang gawain at lahat


ng myembro ay tumulong sa pangkatang
gawain.
Naisagawa ng maayos ang gawain sa
tulong ng guro. May ilang myembro ang
hindi tumulong sa gawain.
Hindi masyadong naisagawa ng ayos ang
gawain at iilan lamang ang tumulong sa
kanilang pangkat.

Pangkat I
Gamit ang dayagram isulat ang magiging sanhi at bunga ng nasa pangungusap.
 Ano kaya ang manyayari kung ikaw ay hindi susunod sa nanay at tatay
mo.

Sanhi Bunga
Pangkat II
Gamit ang camera, kumuha ng mga larawan sa paligid ng paaralan at isulat ang
maaring sanhi at bunga ng mga larawang inyong nakuha.

Pangkat III

Rubrics sa Pangkatang Gawain

PANGKAT KAWASTUHAN KAAYUSAN KOOPERASYON


I
II
III

III. Pagtataya

Gumamit ng dayagram upang pagtambalin ang sanhi at bunga

SANHI BUNGA

1. Paggamit ng dinamita a. Pag-init ng paligid


2. Panghuhuli ng hayop b. Pagdumi ng ilog
3. Pagpuputol ng punongkahoy c.Pagkamatay ng mga isda
4. Pagsunog ng kabundukan d.Pagdami ng tao
5. Pagtatapon ng basura sa mga ilog e. Pag-abuso sa mga hayop
f. Pagkakalbo ng kagubatan

IV. Karagdagang Gawain

Sumulat ng pangungusap na nag-uugnay sa sanhi at bunga

You might also like