Professional Documents
Culture Documents
Self-Learning Kit
Filipino
Quarter 2 - Week 1
LEONISA A. MONTES
Manunulat
Filipino –
Grade 7
Self-Learning Kit
Quarter 2 – Week 1
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Paalaala sa Mag-aaral
Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong kakayahan batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Filipino 7, Quarter 2, Week 1. Ito ay ginawa sa
simpleng paraan para madali mong maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo ng mga
sumusunod na bahagi:
Aking
Kasama rito ang mga gawain at pagsasanay na kailangan
Karagdagang
mong gawin para lalo pang mapahusay ang iyong kaalaman
Magagawa
Aking Nalaman
A. Panuto: Basahing Mabuti ang bawat aytem at sagutin ang mga sumusunod
na katanungan. Titik lamang ang isulat sa Filipino notbuk at maging
matapat ka sana sa iyong pagsagot.
2. Ang panitikang ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kailanman’y
nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Ito ay tinatawag na _____________.
A. Alamat C. Bulong
B. Awiting-bayan D. Epiko
5. Alin sa mga sumusunod na epiko mula sa Bisayas ang nabuo sa kwento ng sampung
magigiting, matatapang at mararangal na datu dahil sa kanilang paglalakbay mula Borneo
patungong Panay?
A. Bantugan C. Maragtas
B. Bidasari D. Tuwaang
1
B. Panuto: Piliin ang angkop na mensahe o kaisipan at paliwanag na nais iparating
ng bawat pahayag. Isulat ang TITIK sa kuwaderno.
2. Ili-Ili tulog anay, Wala diri imong nanay. Kadto tienda bakal papay. Ili-Ili tulog anay.
A. Ang pag-awit para sa sanggol ay paraan upang maging mahusay na mang-aawit
ang taga-alaga nito.
B. Ang pag-awit para sa pagpapatulog ng sanggol ay bahagi ng kulturang Bisaya na
dapat ipagmamalaki at panatilihin.
C. Aawitan talaga ng ina ang kanyang sanggol na anak para hindi malimutan ang kanyang
bosis.
D. Ipinadama ng ina ang pagmamahal sa anak sa pamamagitan ng pag-awit at matandaan
ang himig nito.
5. Isang dalaga na labis ang pagmamahal sa isang tao. Hanggang sa kamatayan, pinatunayan niya
na wagas ang kanyang nararamdaman.
A. Wagas ang katotohanan
B. Damdamin para sa nag-iisang dalaga sa mundo.
C. Tunay na pag-ibig ang umiiral at inialay sa minamahal.
D. Kamatayan lamang ang makapag-hiwalay sa nadarama.
2
Aking Madudugtong
Panitikan Pamagat
Kuwentong -bayan Ang Munting Ibon
Maikling Kuwento Naging Sultan si Pilandok
Mito Ang Puting Usa
Alamat Ang Alamat ng Mindanao
NAALALA MO…
Elemento ng Alamat
1. Simula- ito ay bnubuo ng tauhan, tagpuan at suliranin
• Tauhan- ang mga gumaganap sa isang alamat; ang nagbibigay ng
buhay sa temang nais na iparating ng alamat.
• Tagpuan- ang bumubuo ng imahinasyon ng mga mambabasa;
nagpapakita ito hindi lamang ng lugar at panahon kung kailan
at saan naganap ang alamat kundi naglalarawan din ng
paraan ng pamumuhay o estado ng mga tauhan sa lipunan.
3. Wakas- tinatapos nito at binubuo ang isang kuwento. Ito ang dapat na
tumatak sa bupng kuwento. Narito ang ilang bahagi nito sa alamat:
3
• Kakalasan- unti-unting pagbuti ng kuwento o papalapit na katapusan
• Katapusan-kung saan nagtatapos ang isang kuwento
Aking Malalaman
Hali na… basahin at damdamin ang mensahe at kaisipan na nais ihatid sa mga piling panitikan
mula sa Kabisayaan na nasa ibaba.
4
Dandansoy, bayaan Tabi, tabi po, Rosa ang pangalan ng Maragtas ay tungkol sa
na kita alisin mo po isang dalaga na labis sampung magigiting,
Uuwi na ako sa payaw ang sakit ng ang pagmamahal sa
matatapang at mararangal
pamilya ko. kanyang asawa
Kung sakaling maulila ka na datu.
na si Mario na
sa akin, Tanawin mo Sila ay lumisan sa
mayroong
lamang ako sa payaw karamdaman. Borneo upang iwan ang
Dandansoy, kung Hanggang sa kalupitan ni Sultan
susunod ka sa akin kamatayan, Makatunao. Naghanap sila
Huwag kang pinatunayan niya na ng mga lupain upang doon
magdadala ng wagas ang kanyang
sila manirahan nang
tubig, pag-ibig.
Kung sakaling ikaw ay tahimik at mapayapa.
mauhaw Humukay ka ng
balon sa daan.
Paruparong Bukid at marami pang iba. Ito ay may iba’t ibang uri para sa iba’t ibang pagkakataon na
laganap sa ating bansa.
5
3. Dalit- Awit na panrelihiyon o himno ng pagdakila sa Maykapal
4. Diyona- awitin sa panahon ng pamamanhikan o sa kasal
5. Dung-aw- awit ng mga Ilokano para sa patay.
6. Kumintang-awit ng pakikidigma o pakikipaglaban
7. Kutang-kutang- mga awiting karaniwang inaawit sa mga lansangan
8. Soliranin- awit sa paggagaod o pamamangka
9. Maluway- awit sa sama-samang paggawa
10. Oyayi o hele- awiting panghele o pampatulog ng bata, at
tinatawag na lullaby sa Ingles
11. Pangangaluwa- awit sa araw ng mga patay ng mga tagalog
12. Sambotani- awit ng pagtatagumpay
13. Talindaw- isa pang uri …………..ng awit sa pamamangka
14. Rawitdawit - Ito ay ang awit ng mga lasing.
15. Tingad - awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao sa kapuluan ng
Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang salitang ito ay may iba nang kahulugan sa wikang Tagalog ng
Maynila, subalit nanatili pa rin ang tunay na pakahulugan nito sa ilang mga lalawigan sa
Katagalugan, Kabisayaan at Kabikulan. Isang panalangin ang bulong binuhay dahil sa pagnanais na
makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa hinaharap na mga pangyayari sa kapalaran.
Ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Ito ay
ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang
nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga
engkanto, lamang-lupa, o maligno. Binibigkas ang bulong para mabigyang-babala ang mga nilalang
na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y maapakan o masaktan. Pinaniniwalaan
kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga “nilalang” na ito ay maaari silang magalit,
manakit, o magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman. Gumagamit din ng bulong ang mga
albularyo sa kanilang panggagamot. May bulong na binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang
isang nausog, sumakit ang tiyan at iba pa. May bulong din para sa panggagamot sa isang taong
maaaring nakulam, namaligno, o napaglaruan ng lamang-lupa.
Sa iba’t ibang bahagi ng bansa kasama na ang Kabisayaan ay laganap pa rin ang paggamit
ng mga bulong. Ang sumusunod ay halimbawa ng bulong sa Bisaya salin sa Tagalog.
Buod sa Pangyayari:
Sa epikong ito nakasaad ang paglalakbay ng sampung datung Borneo papunta sa kapatagan ng
Panay. Ang Borneo (Bisya o Bisaya) ng panahong iyon ay pinamumunuan ng isang masama at
sakim na sultan na si Sultan Makatunao.
Isang araw, napag-alaman ng isang datu na balak gawan ng masamang sultan ang kanyang asawa
kaya tinangka nilang manlaban. Nang malaman ni Datu Sumakwel (isang magaling, mabait at
matalino na datu) ang kanilang binabalak, agad itong nagdalawang isip at sumangguni kay Datu Puti
(Punong ministro ni Makatunao).
Sa kadahilang hindi nila kayang talunin ang pwersa ni Makatunao at marami lang ang mamatay,
napagdesisyonan nila na umalis at mamuhay sa ibang lugar.
Sa pamumuno ni Datu Sumakwel at Datu Puti, ang sampung datu kasama ang kanilang mga pamilya
at mga katulong ay naglayag papunta sa pulong
Aninipay(Panay). Dito ay nakilala nila ang hari na si Marikudo (isang Ati at mabuting pinuno), at
kanilang binili ang mga lupain upang kanilang gawing tirahan gamit ang gintong salakot at gintong
batya.
Agad nman itong ibinigay ng mga Ati sa Bisaya maging ang kanilang mga bahay at sila ay
naninirahan sa kabundukan. Madaling inihatid ni Datu Puti ang mga datu sa kani-kanilang lupain
upang paunlarin ito at bumalik sa Borneo para iligtas pa ang ibang Bisaya sa kamay ng malumit na
Sultan.
7
Katangian sa pagiging lider at iba pang katangian ng mga bida sa kwento:
•Pagpapahalaga sa kanilang dignidad
•Pagiging mapagmalasakit sa nasasakupan
•Pagsasaalang-alang ng buhay ng kanilang nasasakupan
•Pagiging masisiyasat at mahinahong pagtugon sa suliraning di dapat ginagamitan ng dahas
Alamat ng Rosas
Noon ay mayroong magsing-irog na naninirahan sa isang bayan na nagngangalang Rosa at
Mario. Maganda ang pag-iibigan nilang dalawa dahil wagas magpakita ng pagmamahal si Rosa.
Lalong napatunayan ang pag-ibig nila sa isa’t isa nang subukin ng isang karamdaman ang kanilang
pagsasama.
Nalaman ni Rosa na mayroong malubhang sakit si Mario ilang araw bago sila ikasal. Gaano man
kalubha ang kalagayan nito ay hindi naman napigil ang kanilang pag-iisang dibdib at natuloy ang
kanilang kasal.
Nagsama sila kahit hindi na nakikilos nang maayos si Mario at nakahiga na lamang madalas. Hindi
naman naaalis sa tabi ni Mario si Rosa. Palaging nasisilayan ni Mario ang mukha ng kaniyang
pinakamamahal kaya naman lagi itong masaya.
Isang araw ay binawian na rin ng buhay si Mario ngunit nakangiti itong pumanaw. Lahat nang
nakakita sa bangkay ni Mario ay sinabing nasaan man ito ay wagas ang kaligayahan nito. Naging
huwaran para sa marami sa kanilang bayan ang pag-iibigan
Lumipas ang mga panahon at si Rosa naman ang binawian ng buhay dahil sa hindi malamang
rason. Gayunman, nagbilin na si Rosa sa kanyang mga kakilala na ilibing siya sa tabi ng puntod ni
Mario.
Ilang araw ay may tumubong halaman at bulaklak sa puntod nina Rosa at Mario. Mapula ang
bulaklak at may tinik. Tinawag nila itong Rosas bilang pag-alala kay Rosa.
8
Anong sagot mo?
Ngayong alam mo na ang uri ng panitikan gaya ng awiting–bayan, bulong, Alamat ng Rosas at
Epikong Maragtas na mula sa Kabisayaan, sana buo na ang iyong loob at handa ka na sa susunod na
mga gawain.
Ang kaisipan na nakapaloob sa isang akda ay ang ideya o konsepto na nais ipararating
ng manunulat sa mambabasa. Inilalahad ang kaisipan ng isang akda sa isang buong
pangugusap. Hindi ito tuwirang binabanggit bagkus ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda
upang ito’y mailahad. Ang mensahe naman ay ang aral na natutuhan mo mula sa akda.
Aking Masusubukan
9
A. Panuto: Isulat sa Filipino notbuk ang titik na tatapos o bubuo sa pahayag ng
bawat bilang.
5. Ang sumusunod ay mga kaisipang nais iparating ng awiting bayan at ng bulong maliban sa isa
_______.
A. Ang awiting bayan ay sumasalamin sa buhay at Gawain ng mga magsasaka.
B. Ang bulong ay nagpapakita ng paniniwala ng mga Sebuano sa mga anito.
C. Naniniwala ang mga taga-Bisaya na dinggin ang kanilang mga kahilingan.
D. Ang panitikang Bisaya ay dala ng mga Espanyol.
Halimbawa:
Ang mga bata at senior citizen ay bawal magpabakuna laban sa
COVID 19.
Sagot: bawal
Ang mga bata at senior citizen ay hindi bawal magpabakuna
laban sa COVID 19.
Aking Tatayahin
1. Ano ang kaisipang ipinahihiwatig sa ilang linya ng awiting-bayan na ito? “Si Pilemon, si
Pilemon, nangisda sa karagatan Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan”
A. Malawak ang karagatan sa Kabisayaan
B. Maraming isdang tambasakan sa kabisayaan
C. Pangingisda ang libangan ng mga Taga-Bisaya
D. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay ng mga TagaBisaya
3. Anong bulong ang bibigkasin kung mangangahoy sa gubat upang hindi mamatanda
bilang paghingi ng paumanhin?
A. Tabi, tabi po, nuno sa punso.”
B. “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
C. “Aming pinutol lamang, ang sa aming napag-utusan.”
D. “Dagang malaki, dagang maliit, heto na ang ngipin kong sira at pangit. Bigyan mo ng
bagong kapalit.
11
4. Sa kadahilanang hindi kayang talunin ang pwersa ni Makatunao at marami lang ang
mamatay, napagdesisyonan ng sampung Datu na umalis at mamuhay sa ibang lugar.
A. Maging mabuti sa iyong nasasakupan para ikaw ay kanilang mahalin bilang kanilang
pinuno.
B. Igalang ang mga kababaihan katulad ng iyong paggalang sa iyong ina, asawa at anak na
babae.
C. Huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon lalo na kung may mga ibang buhay ang
nakasalalay.
D. Maging matigas sa iyong kapwa lalo na sa mga nangangailangan ng tulong.
5. Nagsama kahit hindi na nakakilos nang maayos si Mario at nakahiga na lamang. Hindi naman
umaalis sa tabi ni Mario si Rosa. Palaging nasisilayan ni Mario ang mukha ng kaniyang
pinakamamahal kaya naman lagi itong masaya.
A. Dapat tanggapin ang taong may kapansanan man o wala lalong-lalo na kung alam mong
sa taong iyon ka sasaya dahil lahat ng tao ay may karapatang magmahal at mahalin.
B. Hindi porket pangit ang naging istorya ng pag-ibig ng ibang tao, ay ganoon na rin ang
mararanasan mo.
C. Matutong mag magmahhal dahil walang magandang maidudulot ang marunong
magmahal sa kapwa.
D. Wag saktan ang damdamin ninuman dahil lang sa karamdaman.
12
A. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan at isulat ang TITIK sa
iyong kuwaderno. Piliin ang angkop na sagot.
5. Kailan sinasabi ang bulong na ganito: “Tabi, tabi po apo, baka po kayo mabunggo.”
A. kapag ikaw ay nasa gubat habang naglalakad
B. kung ikaw ay nasa loob ng bahay habang naglalakad
C. kapag ikaw ay nasa kalye habang naglalakad
D. kung ikaw ay nasa loob ng mall habang naglalakad
Hanay A Hanay B
13
F. pagpapaalam sa di
nakikitang madaanan
Susi sa Pagwawasto
14
AkingMasubukan
Aking Nalaman
Aking Karagdagang Magawa
A. points
A. 5 points
1. C
A. 1.
5 points
C
2. C
1. 2. B
3. B
2. D 3. A
4. 4.
3. AD
D
5. 5.
4. DC
C
5. A
B.B.105 points
1.1.Bituin
B. 5Cpoints
2.2.Bituiin
B
3.3.Fawiting-bayan:
1. A bulong
4. pinagmulan…
4.
2. D A
kabayanihan
3.5.B C
5. Bituin
4. C
6. A
5. Rosa: Rosas
7. Bituin
Sanggunian
15
Websites:
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Awiting-bayan_sa_Pilipinas
• https://quizlet.com/421960969/awiting-bayan-sa-visayas-flash-cards/
• https://philnews.ph/2019/07/15/ano-ang-panitikan-kahulugan-ng-panitikanmga-halimbawa/
• Maragtas (Epikong Bisaya) . (n.d) Retrieved August 30,2016, fromh
ttp:/www.kapitbisig.com.ph/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-maragtasepikong-
bisayas_603.html
• https://pinoycollection.com/epiko/
• https://www.panitikan.com.ph/alamat-ng-rosas-buod
• https://lrmdskocitydiv.wordpress.com/learning-resources/
• Google search.brainly.ph/question/151637. Elemento ng Alamat
16