You are on page 1of 1

Buod

Inutusan na ni Don Fernando si Don Diego para kunin ang Ibong Adarna nang malaman niya na hindi
nakabalik si Don Pedro. Naglakbay siya sa lahat ng parang, gubat, bundok at ilog. Kagaya ni Don Pedro,
nagdala rin siya ng kabayo ngunit pagkatapos ng limang buwan, ito’y namatay rin. Nakarating din si Don
Diego sa Bundok Tabor at takipsilim na nang makaabot niya ang Piedras Platas. Tulad ni Don Pedro,
nagtataka si Don Diego kung bakit walang ibon dumapo sa puno sa dami-daming ibon na lumilipad sa
langit. Ang Ibong Adarna ay dumating din at kumanta siya ulit ng pitong kanta habang nagbibihis ng
pitong beses. Sa pagkaaliw ni Don Diego, siya’y nakatulog. Ang Ibong Adarna ay nagbawas at si Don
Diego’y napatakan rin at siya rin naging bato. Ang mga karanasan ni Don Pedro ay halos pareho lang kay
Don Diego.

Kahalagahan ng Kabanata

Ang Kabanata na ito ay mahalaga dahil ipinapakita dito na kahit hindi bumalik si Don Pedro, parang hindi
pa rin sila nawalan ng pag-asa dahil inutos ni Don Fernando si Don Diego para kunin ang Ibong Adarna.

You might also like