Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian kung saan
sagana,tahimik at payapa ang pamumuhay. Madalas na may
piging at pagdiriwang nagaganap sa kaharian sapagkat masayahin ang hari’t reyna. May tatlo silang anak na lalaki na pawang may kakayahan mag mana ng trono, Sila ay sina Don Pedro, Don Diego, at Don Juan. Nakatakda na silang papiliin kung ang pagpapari o paglilingkod sa kaharian ng Berbanya ang tatahaking landas. Walang nakakahigit kaninuman sa tatlong prinsipe kung likas na galing at talino ang sukatan kaya lahat sila ay tinanghal na tagapaglingkod ng palasyo.Nagsanay sila sa paghawak ng patalim at sandata ngunit sa pagsapit ng takdang panahon ay isa lamang ang maaring magkamit ng trono.Hindi maitatwa ng hari na ang Paborito niyang anak ay ang bunsong si Don Juan kaya namayani ang inggit sa puso ng panganay na si Don Pedro. ANG MAHIWAGANG SAKIT NG HARI Dinapuan ng malubhang karamdaman si Don Fernando dulot ng isang masamang panaginip. Nakita ng hari sa panaginip na pinaslang na si Don Juan ng dalawang buhong at inihulog sa malalim na balon.Mula noon ay hindi na nakatulog ang hari at hindi na halos makakain hanggang sa maging buto’t balat.Labis ang naging pag-aalala ng reyna at kanyang mga anak dahil walang sinumang makapagbigay lunas sa hari.Dumating ang isang medikong paham na nagsabing ang sakit ng hari ay bunga ng panagimpan at ang tanging lunas ay ang awit ng isang ibong matatagpuan sa bundok ng Tabor at nakadapo sa kumikinang na puno ng Piedras Platas.Sa gabi lamang daw matatagpuan ang ibon sapagkat sa araw ay nasa mga burol ito upang manginain kasama pa ang iba pang mga ibon.Noon din ay inutusan ng pinuno ng monarka ang panganay na anak na hanapin at hulihin ang ibong adarna. ANG PAGHAHANAP NI DON PEDRO SA IBONG ADARNA Tatlong buwan ang ginawang paglalakbay ni Don Pedro bago natagpuan ang landas paakyat ng Bundok Tabor. Hindi nakayanan ng kanyang kabayo ang hirap kaya nasawi.Hindi naglaon ay natagpuan din ni Don Pedro ang Piedras Platas..Namangha ang prinsipe sapagkat kumikinang itong tila dyamante..Labis ang kanyang pagtataka dahil isa man sa laksa-laksang ibon na nagdadatingan ay walang nagtangkang dumapo sa puno..Matagal na naghintay si Don Pedro hanggang sa nakatulog.Hindi na niya namalayan ang pagdating ng ibong Adarna.Humapon ang mahiwagang ibon sa sanga ng Piedras Platas at agad nagpalit ng balahibo.Pitong ulit itong umawit at pitong ulit ring nagpalit ng kulay ang balahibo.Nakasanayan ng ibong Adarna na dumumi bago tuluyang matulog.Ang ipot ng ibon ay pumatak sa natutulog na si Don Pedro.Iglap lamang at ang prinsipe ng Berbanya ay naging isang bato ANG PAGSUNOD NI DON DIEGO Hindi na nakabalik si Don Pedro sa kaharian ng Berbanya kaya inatasan ng Haring Fernando ang ikalawang anak na si Don Diego na hanapin ang kapatid at hulihin ang ibong Adarna.Limang ang naging paglalakbay ni Don Diego at dahil sa hirap ayt namatay din ang kanyang kabayo.Nagpatuloy sa paghahanap ang prinsipe bitbit ang kanyang baon.Hindi niya inaasahang naratingna pala niya ang Piedras Platas.Namangha rin siya sa kagandahan nito at labis na pinagtakhan kung bakit walang dumadapo isa mang ibong sa kahoy na kumukinang.Nagpahinga si Don Diego sa isang batong naroon hanggang sa dumating ang ibong Adarna.Nasaksihan niya ang pitong beses na pag-awit at pagpalit ng kulay ng balahibo ng ibon ngunit sa lamyos ng tinig ng mahiwagang ibon ay inaantok at napaidlip si Don Diego.Napatakan siya ng ipot ng mahiwagang ibon hanggang sa siya’y naging bato.Nagmistulang libingan ang ilalim ng Piedras Platas sapagkat magkatabi ang dalawang prinsipeng kapwa naging bato. Tatlong taon na ang lumipas at lalong lumubha ang kalagayan ng Haring Fernando.Nag-aatubili ang hari na utusan si Don Juan na hanapin ang dalawang prinsipe at ang ibong Adarna .Nag –alala siyang baka mapahamak ang bunsong anak.Humingi ng bendisyon si Don Juan upang payagan siyang makapaglakbay at hanapin ang lunas ng ama gayundin ang dalawang kapatid.Sa takot ng hari na baka maisipan ni Don Juan na magtanan ay pinhintulutan niya ito.Hindi nagdala ng kabayo si Don Juan at sa halip ay naglakad .Naniniwala ang prinsipe na ang matapat na layunin ang magbibigay sa kanya ng biyaya.Nagbaon siya ng limang tinapay at tuwing makaisang buwan lamang kumakain.Hindi niya alintana ang anumang gutom,pagod at hirap na dinaranas.Panay ang usal niya ng panalangin sa Mahal na Birhen upang matagalan ang hirap.Apat na buwan siyang naglakbay at tumigas na ang natitira niyang tinapay.Narating ni Don Juan ang kapatagang bahagi ng Bundok Tabor.Doon ay natagpuan niya ang isang leprosong matandang lalaki.