You are on page 1of 20

1.

Ano ang pagsubok na


ibinigay ng hari sa
prinsipeng si Don Juan?
2. Ano ang tulong na ibinigay
ni Donya Maria kay Don
Juan?
Sagutin ang mga sumusunod na
puzzle.
Sagutin ang mga sumusunod na
puzzle.
Sagutin ang mga sumusunod na
puzzle.
Nasagot mo ba ng tama
ang puzzle?
Naging madali ba ang
pagsagot nito para sayo?
Muli, obserbahan ang sumusunod na
larawan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sa dalawang grupo ng larawan
na aking ipinakita sa inyo, ano ang
kapansin pansin na pagkakapareho
ng dalawa?
2. Sa unang grupo ng larawan
naging madali ba sa inyo ang
pagsagot nito?
Sagutin ang mga tanong.
3. Mayroon bang bahagi sa mga
larawan ang nakikita ninyo ang
inyong sarili? Ano ito at bakit?
4. Ano sa inyong palagay ang
paksa ng aralin natin ngayong
araw?
PAGPAPATULOY NG
MGA PAGSUBOK
(IBONG ADARNA
SAKNONG 1061-1285)
Sagutin ang mga tanong.
• Bakit hindi tumigil si Haring Salermo sa
paghiling o pagpapagawa ng mga
imposibleng bagay kay Don Juan?
• Sa iyong palagay, alin sa napakaraming
pagsubok na ipinagawa ni Haring Salermo
kay Don Juan ang pinakamahirap? Bakit?
• Sa iyong palagay, sapat na bang batayan
sa pagkilala sa tunay na kalooban ng isang
tao ang pagdaan niya sa pagsubok?
Sagutin ang mga tanong.
• Makatwiran ba ang patuloy na pagtulong ni
Donya Maria kay Don Juan sukdulang
ipagkanulo niya ang lihim ng kanyang ama?
Posible rin kayang mangyari ito sa iyong
buhay bilang isang anak? Bakit?
• Masasabi mo bang ang mga nangyari kina
Don Juan at Donya Maria ay magandang
halimbawa para sa kabataan sa
kasalukuyan? Kung oo sa paanong paraan?
Kung hindi naman, bakit?
Sagutin ang mga tanong.
• Sa iyong palagay, may karapatan ba si Don
Juan na tanggapin ang gantimpala ng hari
gayong alam naman niya na si Donya Maria
ang nagsagawa ng mga pagsubok ng hari?
Ipaliwanag.
• Ano ang kahinaan ni Don Juan na ipinakita
sa kuwento bilang tao. Dapat ba siyang
unawain dahil sa kanyang mga kahinaan?
Bakit?
• PANGKATANG GAWAIN
• Unang Pangkat – Pagbuo ng isang larawan na
nagpapakita ng malalim na kahulugan ng
pakikipagtunggali sa pagsubok sa buhay. Gamitin ang
manila paper at marker na ibibigay ng guro.
• Ikalawang Pangkat – Pagbuo ng isang maikling awitin
tungkol sa pagsubok na nararanasan ng mga kabataan
sa kasalukuyang panahon at mga kahinaan na kanilang
napagtagumpayan. Pag usapan sa inyong pangkat.
• Ikatlong Pangkat – Gumawa ng simpleng dayagram na
nagpapakita ng proseso kung papaano dapat
solusyunan ang problemang nararanasan ng mga
kabataang tulad mo. Pag uusapan ninyo ang ilan sa
mga problema at maglatag ng solusyon
Pamantayan:
• Pagkamalikhain - 5
• Orihinalidad - 5
• Kaakmaan sa paksa - 5
15 puntos
5 minute HD COUNTDOWN TIMER - with
alarm.mp4
• Naniniwala ka bang ang bawat isa
sa atin ay may taglay na kahinaan?
• Bilang kabataan, ano-ano ang
maituturing mong kahinaan? Paano
nagiging kalakasan ang mga
kahinaan mo sa iyong buhay?
GAWAIN 4- Napapanahong isyu na may kinalaman sa
akda.
1. “Iya’y munting bagay lamang”, kay Donya
Mariang saysay. “Huwag magulumihanan kaydali
tang malusutan.” Ipnakikita sa pahayag na ito na:
A. Ang mga babae ay may taglay ring
natatanging kakayahan tulad ng mga lalaki.
B. Likas sa mga babae ang maging
mapagmataas o mayabang.
C. Higit na mapamaraan ang mga babae
kaysa sa mga lalaki.
D. May taglay na galling ang mga babae sa
lahat ng bagay.
GAWAIN 4- Napapanahong isyu na may kinalaman sa akda.
2. Luha’t lungkot ay tiniis nang dahilan sap ag-ibig, pangiti ri’t
walang hapis na sa sinta’y nagsulit.” Masasalamin sa pahayag na
ito na:
A. Si Donya Maria ay larawan ng ilang kabataang babae sa
kasalukuyan na gagawin o titiisin ang lahat para sa
kanyang taong minamahal kahit pa ito ay pagsuway sa
kagustuhan ng magulang.
B. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa
kasalukuyang nakararanas ng luha at pait dahil sa
pagbakigo sa pag-ibig.
C. Si Donya Maria ay larawan ng kabataang babae sa
kasalukuyan na lagging taglay ang kasiyahan dahil sa puso
nila’y naghahari ang tunay na pag-ibig.
D. Si Donya Maria ay larawan ng mga kabatang babae sa
kasalukuyan na nakararanas ng pagkasawa sa minamahal
kapag nakararanas ng sobrang kahirapan.
GAWAIN 4- Napapanahong isyu na may kinalaman
sa akda.
3. Patuloy na pagbibigay ni Haring Salermo ng mga
napakaimposibleng pagsubok kay Don Juan.
A. Ito ay larawan ng patuloy na pagiging gahaman at
pagsasamantala sa kapangyarihan ng ilang mga
nakaupo sa pamahalaan.
B. Ito ay larawan ng patuloy na pagbibigay ng nakaupo sa
pamahalaan ng tulong sa mga nangangailangan.
C. Ito ay larawan ng patuloy na pagiging makasarili ng mga
taong nasasakupan.
D. Ito ay larawan ng patuloy na pagnanais sa kapangyarihan.
GAWAIN 4- Napapanahong isyu na may kinalaman
sa akda.
4. Ngiting taksil ang lihim na ginagawa ni Haring Salermo sa
tuwing nagbibigay ng pagsubok kay Don Juan. Mabuti ang
sasabihin ngunit may masamang nililihim. Ito ay nagpapahayag
na:
A. Ilan sa mga tao sa kasalukuyan ang nagagawang
magnakaw.
B. Ilan sa mga tao sa kasalukuyan ang nagagawang magtaksil
sa kapwa.
C. Ilan sa mga tao sa kasalukuyan ang nagsasamantala sa
kahinaan ng kapwa para sa pansariling interes lamang
nila.
D. Ilan sa mga tao sa kasalukuyan ang tumutulong sa
nangangailangan.
GAWAIN 4- Napapanahong isyu na may kinalaman
sa akda.
5. Ang paggawa ni Donya Maria ng pagsubok para kay Don
Juan. Ito ay nagpapahayag na:
A. ito ay larawan nating mga tao na may kahinaang taglay na
kailangan natin ng tulong iba upang matuto at
magtagumpay.
B. ito ay larawan nating mga tao na maraming kahinaan na
kailangan umasa sa mga babae para mabuhay.
C. ito at larawan nating mga tao na may kahinaang taglay na
dapat pagsumikapang mapagtagumpayan.
D. ito at larawan nating mga tao na may kahinaang taglay na
dapat ay huwag pansinin bagkus ay patuloy na itago
upang hindi mahusgahan.

You might also like