You are on page 1of 4

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

Q4, WK 3

I- Layunin

Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1.nakapagbibigay ng sariling hinuha tungkol sa mga isyung panlipunan,

2. nakapagbabahagi ng sariling karanasan na may kaugnayan sa paksang


binasa,

3. nakabubuo ng maiksing dula-dulaan tungkol sa binasang akda.

Kasanayang Pampagkatuto: Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na


nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyan ng solusyon
(F7PB-IVc-d-21)

II- Paksang –Aralin

Paksa: Suliraning Panlipunan ( Ibong Adarna buod ng Kabanata 9: Ang


Mahiwagang Katotohanan ( saknong 226-256)

Sanggunian:Blazing Stars Publication, https://youtu.be/kWCjVKHk9fQ?


si=sC3bxXUFi3tYdhVK

Kagamitang Pampagtuturo: Laptop, projector

III- Pamamaraan

A. Pagganyak/ Balik-Aral

Panuto: Magbigay ng mga suliraning panlipunan na nararapat


bigyan ng solusyon.

B. Paghawan ng Sagabal

Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salita at gamitin ito sa


pangungusap.

1. inahinan 2. Piging 3. Lunas

4. magiliw 5. Nangabahaw 6.lunong-luno

C. Paglalahad

Ipabasa ang buod ng kabanata 9 ng Ibong Adarna: Ang


Mahiwagang Katotohanan (saknong 226-256)
D. Pagtatalakay

Mga tanong

1.Anong kaugalian mayroon si Don Pedro at Don Diego na


masasalamin natin sa ating lipunan ngayon?

2. Bakit ganoon na lamang ang kasakimang ipinapakita ng dalawa


sa bunso nilang kapatid na si Don Juan?

3. Anong kaugalian ang ipinamalas ni Don Juan sa kuwento?

4. Sa iyong palagay, magtagumpay kaya ang kasamaan


laban sa kabutihan?

5. Sa tatlong magkakapatid sino ang gusto mong tularan?

E. Paglalapat

Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat para magsagawa


ng maiksing dula-dulaan tungkol sa nabasang akda.

RUBRIKS SA PAGTATANGHAL NG DULA-DULAAN


Lebel ng performans

KRAYTERYA 5 4 3
Kasanayan Saulo ang mga May ilang linyang
Iilan lamang ang
linya at ginagawa nakalimutan saulo at halos
hindi alam ang
ginagawa
Tono at Boses Madamdaming- Madamdamin ang Matamlay,
madamdamin paglalahad walang
ang paglalahad at ngunit medyo damdamin at
malakas ang hindi malakas mahina ang
boses ang boses boses
Ekspresyon ng Makahulugan Di gaanong Walang
mukha ang pagpapakita nabigyan ng damdaming
ng damdamin kahulugan ang nabigyang
damdamin kahulugan
kooperasyon Buong pusong Nakikilahok Hindi nakikilahok
nakikilahok sa ngunit medyo at walang paki
gawain nag aatubili
F. Paglalahat

Magbahagi sa iyong mga kaklase ng mga karanasan mo sa buhay


tungkol sa iyong mga kapatid na kailanma’y hindi mo malilimutan.

G. Pagpapahalaga

Gaano ba kahalaga sa iyo ang iyong pamilya at mga kapatid?

IV- Ebalwasyon

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.

1. Ano ang ibig sabihin ng marikit

a. masungit b. maganda c. tamad d. pangit

2. Anong kaugalian mayroon si Don Pedro?

a. mabuti b. masama c. marupok d. mapagkumbaba

3. Alin sa mga sumusunod ang may katumbas na salita sa salitang

a. mga tao b. awitan c. handaan d. sayawan

4. Sino ang nakahuli sa Ibong Adarna?

a. Don Pedro b. Don Diego c. Don Fernando d. Don Juan

5. Siya ang tumulong kay Don Juan

a. Ibong Adarna b. Don Fernando c. Don Diego d. Ermitanyo

6. Sa iyong palagay, dapat ba na patatawarin sina Don Diego at Don


Pedro?

a. Oo, dahil iyon ang kagustuhan ng amang hari

b. Oo, dahil kahit anong mangyari ang kapatid ay mananatiling kapatid


kahit ano paman ang mangyayari

c. Hindi, dahil hindi sila karapat-dapat patatawarin

d. Hindi, para hindi na maulit ang kanilang pang-aalipusta

7. Anong uri ng ibon ang Ibong Adarna?


a. Enkantada b. karaniwang ibon c. ibong mang-aawit d.
ibong manggagamot

8. Ano ang kasingkahulugan ng salitang magiliw

a. mapanuri b. malugod c. malungkot d. marumi

9. Ano ang nangyari kay Don Juan nang iniwan ng kaniyang


dalawang kapatid sa gitna ng kagubatan?

a. malakas b. maligaya c. gulapay d. malungkot

10. Anong uri ng akda ang Ibong Adarna?

a. tula b. korido c. sanaysay d. epiko

V-Takdang-Aralin

Panuto:Isaliksik ang kahulugan ng mga sumusunod:

1. himutok

2. kapanglawan

3. napabadha

4. kaniig

5. gunita

You might also like