You are on page 1of 9

Aralin 1

Humihingi ng tulong at lakas ang makata mula sa Mahal na Birheng.


Hinihiling niya na tulungan siya para hindi siya magkamali. Inaamin ng
manunulat na siya ay isang hamak lamang at kailangan niya ang tulong ng
Mahal na Birheng.
Aralin 2
May isang hari na minamahal ng lahat. Lahat ng mga batas na ginagawa niya,
sinusundan ng lahat ng tao, siya ay si Haring Fernando. Ang kanyang asawa
ay si Reyna Valeriana. Meron silang tatlong anak, si Don Pedro ang
panganay na anak, si Don Diego ang pangalawang anak at ang bunso ay si
Don Juan, siya ang pinakamahal na anak ng hari.
Aralin 3
Ang Haring Fernando ay nanaginip na di umano’y si Don Juan ay nililo at
pinatay ng dalawang tampalasan. Dahil dito’y nangayayat at naging parang
buto’t balat ang Hari. Lumala ang sakit ng Hari. Ang Mabisang gamut
lamang nito ay ang awit ng Ibong Adarna.
Aralin 4
Inutusan ng Hari si Don pedro na hanapin ang Adarna. Si Don pedro’y
tumalima sa utos ng Haring ama. Lumakbay siya papuntang bundok Tabor
sa puno ng Piedras Platas para hanapin ang Adarna. Isang araw, umakyat si
Pedro sa isang mataas na puno para hanapin ang Adarna. Ngunit Pagbaba
niya, namatay ang kanyang kabayo. Kaya naglakad na lamang siya.
Nakarating siya sa Bundok Tabor. Naghanap hanap si Don Pedro, hanggang
sya’y napagod at nainip Kaya nakatulog siya sa tabi ng isang puno, sa puno
ng Piedras platas. Hindi niya namalayan na Dumating ang Adarna at
kumanta ito ng magagandang awit. ugali nitong Adarna matapos ang kanyang
awitm ang siya’y magbawas muna bago ito matulog adarna. Sa masamang
kapalaran si Don Pedro’y napatakan at biglang naging batong buhay sa
punong kinasandalan.
Aralin 5
Nang si Don Pedro ay di nakabalik. Si Don Diego naman ay inatasan na
hanapin ang panlunas at ang kanyang kapatid na si Don Pedro. Parang gubat,
bundok, ilog tinahak nang walang takot tinunton ang bundok tabor. Sa lakad
na walang humpay na may mga limang buwan ang kabayong sinasakyan ay
namatay. Siya’y naglakad na lang. umakyat siya sa bundok at doon niya
natunton ang bundok tabor sa puno ng Piedras Platas. ng lumalim na ang gabi
si Don Diego’y namahinga sa batong doo’y di nakita. Biglang dumating ang
Adarna, huhulihin na sana niya ito ngunit umawit ang ibon kaya nakatulog si
Don Diego. Pitong awit bawat isa balahibo ng adarna ay nag iiba, dumumi
ang Adarna at tumama kay Don Diego. Naging bato na rin si Don Diego.
Aralin 6
Hindi pa bumalik si Don Diego sa kanyang paglalakbay patungo sa bundok
tabor at nalungkot ang hari. Gusto ng hari na ipahanap ng panganay na si Don
Juan and kanyang nawawalang kapatid kaso lang natakot siya na baka siya
rin ay hindi babalik. Sinabi niya rin na kung nawala si Don Juan sa kanyang
paglalakbay ay baka patuloy siyang mamamatay. Tatlong taon na hindi
nagbabalik sila kaya nagharap si Don Juan sa kanyang ama at nagpaalam sa
kanya para sa paglalakabay sa paghahanap ng Ibong Adarna. Sa una ay hindi
pinayagan ni hari na ipaglakbay si Don Juan, pero sinabi ni Don Juan na kung
hindi ito papayagan ay maglalakbay siya ng palihim. Dahil narinig ni Haring
Fernando ito ay binigyan ng bendisyon ito upang maglakbay. Hindi gumamit
ng kabayo si Don Juan sa kanyang paglalakbay at limang tinapay lamang ang
kanyang binaon. Habang naglalakbay siya ay nagdasal siya kay birheng
Maria. Ang ginawa niya ay bawat isang buwan, kakain siya ng isang pirasong
tinapay. Apat na buwan na ganap at narating siya sa landas na pasalunga. Sa
itaas ng bundok ay may nakita siyang isang matandang leproso. Ang matanda
ay nang hihingi ng limos kay Don Juan. nagbilin ang matanda kay Don juan
at itinuro ang bahay ng ermitanyo. Doon ay narating niya ang bahay ng
ermitanyo,at nag salo silang kumain. Pagkataos ay nakita nya ang tinapay na
inilimos niya sa matandang leproso inihantulad niya ang ermitanyo kay
hesukristo. Ang bilin at ibinigay ng ermitanyo upang matagalan ang pitong
awit ng Adarna. binigyan siya ng ermitanyo ng labaha na bawat kanta ng
adarna ay susugatan niya ang palad at dayap na pipigain at papatakan ang
sugat, gintong sintas na ipanghuhuli sa adarna, haula, at banga na makakapag
pabuhay sa dalawang kapatid na naging bato. ito ay nangyari. Pito ang sugat
ni Don juan. pagkatapos umawit ang ibon ay nagbawas ngunit hindi
napatakan si Don Juan. natulog na ang adarna nan aka dilat ang mata at ang
pakpak ay nakabuka. Hinuli niya na ang adarna gamit ang gintong sintas.
Ipinasok sa hawla ang ibon. Kinuha ang banga na may lamang tubig.
binuhusan ni Don Juan ng tubig ang dalawang kapatid na naging bato.
Pagkatapos ay nag tungo sila sa bahay ng ermitanyo at nagdiriwang sa
tagumpay ni Don Pedro. Ginamot ng ermitanyo ang sugat ni Don Juan sa
palad. Sila ay mag tutungo na sa berbanya.
Aralin 7
Naglalakad na ang tatlong magkakapatid ng si Don Pedro ay may masamang
balak. Nag pahuli si Don Pedro kay Don Juan kay Don Diego umagapay ito’y
kanyang binulungan ng balak na kataksilan. Sinabi ni Don Pedro kay Don
Diego na patayin si Don Juan, iwanan at kunin ang Adarna. Si Don Diego ay
nasindak sa mungkahing kahahayag. Tumutol si Don Diego at sinabing
“Tayo;y magkakapatid!” nakahambing ni Don Diego si Bernardo Carpio.
Ang pangalawang inimungkahi ni Don Pedro ay ang umugin si Don Juan, si
Don Diego naman ay pumayag na lamang. At si Don Juan ay inumog na, di
naman lumalaban suntok, tadyak sa katawan. Nang makitang gulapay na’t
halos hindi humihinga, hawla’t ibon ay kinuha na at nag si uwi na sa
berbanya. Amang malubha ang lagay nangiti ng makita ang mga anak ay
hingkan katawa’y gumaan gaan. Ngunit nang kanyang mapuna si Don Jua’y
di kasama nag usisa sa dalawa sagot nito’y ewan nila. Nang Makita ang
adarna ay nagtaka kung bakit hindi ito maganda , ngayo’y ayaw nang
kumanta nalulugo’t pumangit pa! at sa Haring pananabik na ang ibon ay
umawit, hayok na sa di pag idlip pinapatay pa ng inip. Kung ito raw ay
makanta, may sakit ay giginhawa. “ano kaya ang dahilan ng sa ibong
pamamanglaw? Kung ang ibong ito’y ganyan lalo ko lang kamatayan” ibo’y
ayaw pa rin kumanta sapagkat wala pa ang nag mamay ari sa kanya sa
palasyo.
Aralin 8
Si Don Juang lunung luno gagapang gapang sa damo, maga ang buong
katawan. Sa kawalan ng pag asa sa Diyos na tumalaga. Hindi niya nalimutan
tumawag sa Birheng mahal. Nadama ang laking dusa malayo sa isang ina, sa
ilang ay nag iisa katawan ay sugatan pa. hiniling ni Don Juan n asana;y mag
kita pa sila ng Hari. Maging isang katunayan ng ganitong kasabihan, ang
pandinig sa matamang pagdalangin ni Don Juan. sa libis ng isang bundok
may matandang sa-susulpot, mahina’t uugod ugod sa Prinsepe ay dumulog.
paglapit ay hinawakan, tinignan ang kalagayan, saka kanyang dahan dahan,
inihiga ng mahusay. Ang salanta at nalamog na katawan ay hinagod; sugat at
lamang nalasog pinaglalagyan ng gamot. Ang matanda ay masuyong nag
salita. ”o Prinsipe, pagtiisan ang madla mong kahirapan, di na maglalaong
araw ang ginhawa ay kakamtan.” Parang isang panaginip dating lakas ay
nagbalik. Nang magbawas na ang kirot ay bahagyang nakakilos. Di masukat
ang paghanga sa nakitang talinghaga sa sarili ay nawika: “ Tila Diyos ang
matanda” pagtapos ay ipinag madali ng matanda si Don Juan na bumalik na
sa Berbanya.
Aralin 9
Pagdating ni Don Juan sa Palasyo humalik sa kamay ng hari. Ang balahibo
ng adarna ay biglang ganda, umawit na nang matamis. Ang awit nito ay
tungkol sa pagtataksil ng dalawa,paghihirap at kadakilaan ni Don juan. nang
matapos ang awit hari ay biglang lakas na tila parang di nagkasakit. Gayon
nalamang ang poot ng hari sa dalawang nagbalakyot at kung walang isang
diyos ang talaga’y pasunog. Inilagda ng Hari na ipatapon at bawian ng lahat
nang karapatan. Ang hatol nang maigawad si Don juan ay nahabag, sa ama
agad humarap at hiningi ang patawad, wag ipatapon ang dalawa. Ang Hari ay
pumayag ngunit ang sabe nito ay “kung kayo’y muling magkasala ay
kamatayan na ang kaparusahan. Nanumbalik ang liwanag na sa palasyo’y
tumakas: Hari at Reynang marilag may ngiti nang masasarap. At ang tatlong
magkakapatid sa dati ring paniniig, pasunara’y anong tamis bahagya ma’y di
nag alit.
Aralin 10
Muling ipinagpatuloy ng Hari ang panunungkol, kaharia’y mahinaho’t ang
lahat na’y umaayon.sa sarili’y di nag kasya nang pagdalaw sa Adarna,
naisipang paggabi na’y pabantayan ang hawla. Di sa iba ibinigay ang
ganitong katungkulan sa tatlong anak. Ang tatlo ayy sunud sunod; sa
magdamag, walang tulog. Tatlong hati sa magdamag bawat isa’y tatlong oras.
Si Don Pedroong pinatawad sa gawaing di marapat, sa sarili’y naging galak
kapatid ay ipahamak! Kapatid na pangalawa niyayang magsabay sila nang
pagtanod sa adarna at sabay ding mamahinga. Si Don juan ay ginising at
sinabing siya na ang magbantay sa Adarna ngunit ito’t antok na antok pa
kaya habang siya’y nag babantay si Don juan ay nakatulog. At ang dalawang
magkapatid ay pinakawalan ang Adarna. Kaya nang magising si Don Juan ay
takot agad ang bumakla. Di takot sa kagalitan o parusa ng magulang, kundi
panong matatakpan ang nangyaring kataksilan. Nang magising yaong Hari
dali daling ibon ang kinaurali. Ang mata’y nanlilisk ng makitang wala ang
Adarna sa Hawla. Nagngangalit na tinawag ang tatlong prinsipeng anak.
Humarap ang dalawang anak at tinangkang huwag siyang paglihiman, sagot
nila’y “Ama, ewan ang bantay po’y si Don Juan.” ipinahanp ng Hari ang
bunso. Ipinahahanap ang bunso ngunit saan masusundo? Matagal nang
nakalayo, di sa hangad na magtago. Saka bakit hahanapin sa kaharap yaong
taksil? Itong anak na suwail, magbulaan ay magaling! Yumao na ang dalawa
nagmamagaling sa ama, pangako’y pag nakita’y iuuwi’t nang magdusa.
Lakad ,tanaw, silip, sipat sa kahuyan at palanas, sa kanilang kahahanap
nangahapo at namayat. Datapwat sila’y may matwid na huwag munang
bumalik. Di nga naman nagtagumpay ang tiyagang pinuhunan; Makita rin si
Don Juan sa Armenyang kabundukan.
Mga Tauhan at katangian
Birheng Maria - Siya ang Manggagamot – ang nang gamut sa
pinagdasalan ng manunulat sa Hari at Sinabi niya na ang Ibong
simula para magiging mabuti ang Adarna ang gamot sa sakit ng Hari
sinulat niyang korido.
Matandang Leproso- ang nanlimos
Haring Fernando - ang hari ng kay Don Juan na uugod-ugod at
Berbanya. Kilala ng ibang tao na nagturo ng bahay ng ermitanyo.
siya ay isang maginoo.
Ermitanyo- Isa siyang tao na
Reyna Valeriana – asawa ni Haring naninirahan sa bundok. Siya ang
Fernando siya ay mabait at walang Tumulong kay Don Juan upang
kasing maganda. hulihin ang Ibong Adarna.
Don Pedro - ang panganay ni Don Donya Juana - ay isang magandang
Fernando Sa tatlo, siya ang princesa sa Armenya. Humahanga
pinakamacho ang katawan at ang prinsipe sa kanyang
kaiman ang postura. kagandahan.
Don Diego- Siya ang pangalawang Leonora- Katulad ni Donya Juana,
anak ni Don Fernando Sa tatlo, siya siya ay isang magandang princesa
ang pinakatahamik. Lagi siyang sa Armenya. Siya ang kapatid ni
sumusunod sa mga utos ni Don Donya Juana.
Pedro.
Donya Maria - Siya ay isang
Don Juan - ang bunso ni Don magandang princesa sa Reyno De
Fernando Sa tatlo, siya ang Los Cristales. Gumagamit siya ng
pinakamahal ni Don Fernando dahil puting mahika. Siya ang tinukoy ng
siya ay puno ng kabaitan Ibong Adarna kay Don Juan.
Higante- Siya ay isang dambuhala Haring Salermo- Siya ang ama ni
na nagbabantay kay Donya Juana. Donya Maria. Gumagamit siya ng
Pitong ulo serpyente- Nag babantay itim mahika.
kay Leonora. Kapag pinutol mo
Lobo- pagmamayari ni Leonora
ang ulo nito ay tutubo muli.
Talasalitaan
Malihis- pasalungat Lunos- lungkot
Hamak- Nahapis- nag aalala
Pasaliwa- pakaliwa Mayamungmung- mayabong
Pahidwa- Maakit- marahuyo
Nalilimping- Nangupiling- nahimlay
Dukha- mahirap Takipsilim- madilim
Napaglining- napag isipang Pagkakaidlip- Pagkatulog
mabuti
Naparawal- naligaw
Kapilas- kabiyak
Napagbulay-bulay-
Mapugto- maputol; tumigil
Manuynuy- malaman
Malumanay- mahinhin;maingat
Nakadatal- nakarating
Naiidlip- nakakatulog Nililo-
Nagulaylay- nakatulog
pinagtaksilan
Naiidlip- nakakatulog
Matarok – malaman
Nagaalapaap- nag aalinlangan Yumao-umalis
Subyang- tinik Naghilom- gumaling
Paglilibot- paglalagayag
Mapalisya- magkamali Namayagpag- pumagaspas
Kauukilkil- katatanong Tumbaga- kulay ginto
Umugin- bugbugin Nasaungadngad- nangudngod
Mapagsukab- mapagtaksil Poot- galit
Napabadha- napakita Nabagbag- naawa
Linsad- - wala sa wastong Halinhinan- palitan
pagkakalagay
Nag agapay- nag tabi
Lumalawig- umaalis
Napalulong- naakit;naadik
Sinadlak- mapunta;tinungo
Sinalugsog- sinaliksik
Paglililo- pagtataksil
Kinaurali- kinaulayaw
Napalungayngay-

Gintong Aral
Maging matapat sa lahat ng tao.
Mahalin ang kapatid at dapat ay
mag tulungan. Maging matatag
sa anumang pagsubok ang
tatahakin.dapat ay wag maiinggit
ngunit gawin itong inspirasyon.
Pagkakaroon ng mababang loob.
Pagtanaw ng utang na loob.
Pagsasakripisyo para sa kapanan
ng ibang tao.
Preposition
1. Behind- The car is parked behind the store.
2. Inside- My notebook is inside the bag.
3. Under- She was hiding under the table.
4. Between- There were sparks between them from the start.
5. Above- The sun is above the clouds.
6. Below- We’ve got a few suggestions in the list below.
7. Beside- She sat beside Marie.
8. On- The food was placed on the table.
9. In- We are running in the gym today.
10. Infront- My friend’s boyfriend waited two hours infront of
her house.

You might also like