You are on page 1of 19

Sa isang kaharian ng Berbanya masayang namumuhay at namumuno

sina Haring Fernando at Reyna Valeriana at may tatlo silang mga anak

na sina Don Pedro,Don Diego,at Don Juan.

Ang Berbanya ay isang mayamang kaharian kung saan sagana,tahimik

at payapa ang pamumuhay.Masayahin ang Hari at Reyna at dahil dun

madalas ang nagaganap na pagdidiriwang.

*Ang karamdaman ng Hari

Dinapuan ng malubhang karamdaman ang Hari dulot ng isang

masamang panaginip.Napaniginipan ng hari na pinaslang si Don Juan

ng dalawang buhong at inihulog siya sa ilalim ng balon.Mula noon

hindi makatulog ang Hari at hindi na rin siya makakain hanggang sa

siya ay maging buto’t balat.Walang sinumang makapagpagaling sa

Hari.Hanggang sa dumating ang isang medikong paham.

Mediko:Ang sakit ng hari ay bunga ng panagimpan at ang tanging


lunas lamang ay ang awit ng ibong Adarna ngunit matatagpuan ito sa

ikapitong bundok na bundok ng Tabor nakadapo ito sa puno ng Piedras

Platas.Sa gabi lamang ito matatagpuan sa pagkat sa araw ay nasa mga

burol ito kasama ang iba pang mga ibon


Nang malaman kaagad ito ng hari ay agad niyang inutusan ang kanyang

panganay na anak na si Don Pedro na hulihin nya ang ibong

Adarna.Tatlong buwan ang paglalakbay ni Don Pedro bago nya

matagpuan ang puno ng Piedras Platas.Namangha ito sapagkat

kumikinang ito na tila parang diyamante.

Don Pedro:(namangha sa kagandahan ng puno)

Matagal na naghintay si Don Pedro hanggang sa nakatulog ito .Hindi

niya namalayan ang pagdating ng ibong Adarna.Nagumpisa ng itong

umawit at mag palit ng ibat-ibang kulay ng kanyang balahibo at

nakasanayan ng ibon na dumumi bago ito matulog.Ang ipit ng ibon ay

pumatak sa nakatulog na si Don Pedro.Sa isang iglap ang prinsepe ay

naging bato.

*Hindi na nakabalik si Don Pedro sa kaharian ng Berbanya kaya

inutusan ng Hari ang ikalawang anak na si Don Diego

Don Diego:Pinapatawag ninyo daw ako Ama. Anu po ang


maipaglilingkod ko?

Haring Fernando: Hanapin mo ang iyong panganay na kapatid at


hulihin niyo ang ibong Adarna

Don Diego: masusunod po ama.(BOW)


*limang buwan ang paglalakbay ni Don Diego. Nagpatuloy sa

paglalakbay si Don Diego bitbit ang kanyang pagkin at di inaasahang

narating na niya ang Piedaras Platas. Na mangha siya sa kagandahan

nito.

Nagpahinga si Don Diegosa isang bato naroon hanggang sa dumating

ang ibong Adarn.Nasaksihan niya ang pag-awit ng ibong Adarna at ang

pitong pagpagpalit ng balahibo ng ibon ngunit sa lamyos ng tinig ng

mahiwagang ibon inantok si Don Diego at nakatulog.Napatakan siya ng

dumi ng mahiwagang ibon hanggang siya ay naging bato.

*Ang pakikipagsapalaran ni Don Juan

Tatlong taon na ang lumipas at lalong lumubha ang sakit ni Haring

Fernando.Nag alala ang hari sa kanyang dalawang anak.Nag atubli ang

Hari na utusan si Don Juan na hanapin ang kanyang dalawang kapatid

pati narin ang ibong Adarna.

Don Juan:Pinapatawag niyo daw ako ama(habang nakaluhod)

Haring Fernando:Oo,gusto ko na hanapin mo ang iyong mga


nakakatandang kapatid at hulihin mo ang ibong Adarna.
Humingi ng bendisiyon si Don Juan sa kanyang hari. Hindi siya nagdala

ng kabayo at sa halip ay naglakad siya.

Nagbaon siya ng liamng tinapay at tuwing makaisang buwan lamang

siya kumakain.Panay ang usal niya na panalangin sa mahal na Birhen

upang matagalan ang hirap.Narating ni Don Juan ang bahagi ng Bundok

Tabor.Doon ay natagpuan niya ang isang matandang leproso.

*Ang leprosong Ermitanyo

Humingi ng limos ang matandang leproso kay Don Juan

Leproso: Pahingi po ng inyong tinapay, gutom na gutom na po


ako.(umuubo)

Pinagkalooban ng Prinsipe ang matanda ng natitira nitong tinapay.

Nalaman ng leproso ang pakay ng ni Don Juan salugar na iyon.

LEPROSO:tutungo ka ba sa bundok ng tabor? Lumakbay ka patungo


sa Tuktuk ng bundok makikita mo doon ang puno ng Piedras Platas at

tumanaw ka sa ibaba makikita mo doon ang isang dampa.Pumasok ka

at makikita mo ang bahay ng Ermitanyo na makakatulong sayo.

Don Juan:Salamat po sa inyong tulong,hindi na po ako magtatagal


pa at ako ay lilisan na dahil malayo-layo pa ang aking lalakbayin

Leproso:Sige,mag iingat ka
Laking pagtataka ng prinsepe ng makita niya ang sa loob ng dampa ang

ibinigay na tinapay ng leproso.Sa kabila ng hiwagang nararamdaman

ay buong pagtitiwalang nakinig ang prinsepe sa payo ng

Ermitanyo.Natuklasan niya na ang ibong Adarna ay isang

engkanto.Malalim na ang gabi kung ito ay dumapo sa Piedras

Platas.Pitong beses na umawit ang ibon at pitong beses din itong

magpalit ng balahibo.Sa oras na umawit ang ibon ay kailangan niyang

hiwainang palad at pigaan ng dayap upang malabanan ang antok.Bago

matulog ang ibon ay dumudumi ito at kailangan niya iting iwasan

upang hindi siya maging bato.Ibinigay ng Ermitanyo ang sintas na ginto

para magamit niyang panghuli at panggapos sa ibon.

*Ang kagilas-gilas na Ibong Adarna

Nasa ilalim ng puno ng Piedras Platas si Don Juan humapon na rin sa

wakas ang ibon sa puno.Kahanga-hanga ang taglay na gilas at karikitan

ng ibon na labis na nagpapahiwaga ng daig-dig.Nag simula na itong

umawit at magpalit ng kulay ng kanyang balahibo.


Linalabanan ni Don Juan ang kanyang antok habang umaawit ang ibon

ay hinihiwa din ni Don Juan ang kanyang palad at nilalagyan ng dayap

hanggang sa matapos umawit ang ibon.Nang dumumi ang ibon ay

kaagad iyon iniwasan ni Don Juan.Marahang umakyat ng puno si Don

Juan dala ang gintong sintas.Agad niyang hinuli ang ibon upang matali

sa paa.Dinala ni Don Juan ang ibon sa dampa at natutuwang hinimas

ito ng Ermitanyo at ikinulong sa hawla.

Don Juan:Sa wakas na huli ko na rin ang ibong adarna.

*Ang kaligtasan ng dalawang kapatid

Inutusan ng Ermitanyo si Don Juan na kunin ang banga at punuin ito ng

tubig ito ng tubig at buhusan niya ang dalawang bato na tila puntod na

nasa ilalim ng Piedras Platas

Ermitanyo:Umigib ka ng tubig at punuin mo ang banga

Don Juan:Aanhin ko po naman ang tubig na ito?

Ermitanyo:Umigib ka na lang doon at dalhin mo pabalik sa puno.

Agad naman siyang sumalok ng tubig at nagtungo sa dalawang

bato.Binuhusan ni Don Juan ang batong si Don Pedro at agad itnong

nabuhay. Umayo si Don Pedro at niyakap ang bunsong kapatid.


Don Pedro: salamat aking kapatid buti nalang dumating ka kaagad.

Don juan: walang anuman kapatid

Isinunod na iniligtas ni Don Juan si Don Diego at tulad ng

panganay naging tao itong muli. Masayang ang tatlong

prinsipe labois silang nagalak sa tiyak na kaligtasan

*ANG MAHIWAGANG KATOTOHANAN

NARRATOR: pinahiram ng ermitanyo ng gamot mula sa botelya ang


sugat sa palad ni Don Juan at agad na gumaling. Nabigla nanaman si

Don Juan sa panibagong hiwaga na namalas niya. Naghabilin ang

ermitanyo saq tatlong prinsipe na nawa’y makarating sila ng malugod

at mapayapa sa kahariang berbanya alang alang sa kaharian ng hari.

Ermitanyo:Naway,pagpalain kayo ng mahal na Diyos para sa inyong


paglalakbay,at magiingat kayo

Don Juan:Maraming salamat po sa inyong tulong,at kami na po’y

kailangan ng lumisan.
Naunang naglakad si Don Juan habang dala-dala ang hawla.Palihim

namang kinakausap ni Don Pedro si Don Diego,(ACTION).dahil sa inggit

ay binalak ni Don Pedro na patayin si Don Juan.Nabigla si Don Diego at

tumutol sa plano ng panganay na kapatid ngunit sa huli ay nakumbinsi

din.

Don Diego:Tumututol ako sa iyong plano,aking kapatid.

Don Pedro:Huwag kang magalala aking kapatid ako ang bahala.

Don Diego:Paano paghinanap siya ng ating mahal na ama?

Don Pedro:Ako na ang bahala sa ating mahal na ama.

Sumang-ayon naman si Don Diego na bugbugin si Don Juan basta

huwag lang itong patayin.(ACTION)

Pinagtulungan nina Don Pedro at Don Diego ang kanilang bunsong

kapatid.Hindi nanlaban si Don Juan.Gulapay siyang iniwan sa gitna ng

kagubatan saka tumakas ang dalawa tangay ang ibong Adarna.Natuwa

naman si Don Pedro sapagkat iniwan nilang sugatan si Don Juan sa

gitna ng kagubatan kaya tinitiyak niya itong doon na rin ito dadatnan

ng kamatayan at hindi na ito makabalik sa Kaharian ng Berbanya.

*Ang Panalangin ng Prinsepe


Sa libis ng bundok si Don Juan at tila papanawan ng bait sa hirap na

dinanas.Maga ang buong katawan niya,mga pilay sa tadyang,at

matindi ang nararamdamang gutom at pagkauhaw.Wala siyang

makitang kaligtasan o maaring makatulong kaya anumang oras ay

maari siyang mamatay.Tanging panalangin ang huli niyang

pag-asa.Nagdasal siya sa Mahal na Birhen upang humaba pa ang buhay

at iligtas ang amang may karamdaman.

Don Juan:O Mahal na Birhen ako po ay iyong iligtas sakali man na


mamatay ako.Huwag niyo pong pabayaan ang aking ama at ina,at sana

po patawarin niyo po ang aking mga kapatid na nagkasala.

Labis na hindi makapaniwala si Don Juan sa ginawa ng kanyang

dalawang kapatid sapagkat para sa kanya ang karangalan nlang tatlo

ay iisa.Kaya ipinagkaloob ang ibong Adarna sa dalawang kapatid kung

iyon ang mga hangad ng mga ito at hindi niya kailangang pagtaksilan

pa.Naalala niya ang mga magulang lalo na ang kalagayan ng kanyang

mahal na ama sa gitna ng pagnanaknak ng kanyang mga sugat.Naalala

niya sa gitna ng paghihirap ang bayang kanyang sinilangan,ang

palasyong kanyang kinalakihan at ang pag-aaruga ng mahal na ina na

labis na niyang pinananabikan.


*Ang Kaligtasan

Nasa gitna ng kagubatan ay sumulpot ang isang matandang ermitanyo

at natagpuan si Don Juan na nakahandusay sa lupa.Walang malay si

Don Juan at bakas parin ang pakalamog ng katawan.Matinding habag

ang nararamdaman ng ermitanyo sa sinapit ng prinsipe na kulang na

lamang ay dadatnan na ito ng kamatayan sa gubat na iyon.Sa

ikalawang pagkakataon ay muli nitong tinulungan ang

prinsipe,ginamot nito ang mga sugat ng kawawang prinsipe.Iglap na

naglaho ang mga sugat ng prisipe sa katawan.Tila Diyos ang tingin ni

Don Juansa matandang ermitanyo dahil sa isang nasaksihang

himala.Niyakap niya ang matandang ermitanyo at labis siyang nag

pasalamat sa pagliligtas sa kanyang buhay(ACTION)

Don Juan:Salamat po sa inyong tulong ano po ba ang dapat kong


gawin para mabayaran ang utang na loob ko sa inyo.

Ngunit inutusan lamang ito ng ermitanyo na umuwi sa kanilang

kaharian upang iligtas ang buhay ng kanyang mahal na

ama.Nagmadaling tinahak ng prisipe ang daan pauwi sa Kaharian ng

Berbanya.

*Ang Pagbabalik ni Don Juan


Nagbalik sa kaharian ng Berbanya si Don Juan. Namutla sina Don Pedro

at Don Diegonang makita ang bunsong kapatid. Agad lumuhod sa

harapan ng hari si Dob Juan, habang nakaratay parin sa higaan ang

ama. Umawitang Ibong Adarna at inilahad ang buong katotohanan.

Pitong ulit itong nagpakitang gilas ng nagpapalit ng balahibo habang

isinasalaysay ang mga pinagdadaanang hirap ni Don Juan hanggang sa

pagtaksil ng dalawang sukab na prinsipe. Matapos ang ikapitong awit

ng ibon ay tila hindi man lamang nagkaroon ng karamdaman ang hari

at bigla itong nakatayo. Sa labis na kagalakan ay niyakap si Don Juan at

hinagkan pati ang ibon. Pinatipon ng hari ang kanyang mga kagawad,

Hari:Tawagin ninyo ang mga kawal upang hatulan at ipatapon si Don


Pedro at Don Diego bilang parusa.

Don Pedro at Don Diego: Wag po aming ama!!

Nahabag si Don Juan sa mga kapatid kaya agad lumuhod sa harap ng

ama. Ihihingi nya ang kapatawaran ng dalawang kapatid.


Don Juan: O aking ama huwag niyo po itong gawin sa kanila, gusto
lang naman nilang maging huwaran sa inyo kaya nila ginawa iyon sa

akin, kung ipapatapon niyo po sila ipatapon niyo nalang rin ako.

Haring Fernando: Wag aking anak, kung yan ang gusto mo.

Don Juan: Hihingin ko nalang ang kanilang kapatawaran.

Haring Fernando: Magpasalamat kayo sa inyong kapatid dahil


binigyan niya kayo ng pagkakataon upang mabuhay.

Don Pedro at Don Diego: Salamat aming kapatid, patawad po


Ama.

Lumambot ang puso ng hari dahil sa kababang loob ng kanyang

bunso.Pinatawad ng hari ang dalawang prinsipe sa pangakong hindi na

mauulit ang kataksilang iyon sapagkat sa susunod ay kamatayan na

ang magiging kapalit.Labis ang kagalakang niyakap ni Don Juan ang

dalawang kapatid.Nagbalik ang kasiyahan sa buong palasyo dahil sa

tuluyang paggaling ng hari na naging aliwan ang pag-awit ng Ibong

Adarna.

*Ang Muling Pagtataksil


Labis na nalugod ang hari sa Ibong Adarna. Gabi-gabi nitong dinadalaw
ang mahiwagang ibon sa hawla. Maging ang reyna ay nakadama ng
panibugho dahil sa labis na kaluguran ng hari sa ibon. Upang hindi na
mawalay ang ibon ay nagpasya ang hari na pabantayan ito sa mga anak.
Nagbilin ang hari na mananagot sa kanya ang sinumang magpabaya sa
tatlo.

Don Pedro, Don Diego at Don Juan: Ipinatawag nyo po kami


ama.

Hari: Kayo ang magbabantay sa ibon, kung sinuman sa inyong tatlo


ang magpapabaya, mananagot at makakatanggap ng parusa.

Don Pedro, Don Diego at Don Juan: Opo. Masusunod po,


aming ama.

Ikinainis ni Don Pedro na naging tagapagbantay lamang siya ng ibon


gayong isa siyang prinsipe. Si Don Diego ay madalas antukin at naiinip
sa bagal ng oras habang nagbabantay. Kinausap naman ni Don Juan
ang Ibong Adarna sa tuwing siya ang tagapagbantay uoang hindi
dalawin ng antok. Muling nagplano ng kataksilan sina Don Pedro at
Don Diego. May pag-aalinlangan si Don Diego subalit nangako si Don
Pedro na ito ang magiging kanang kamay sakaling siya ang maging hari.

Don Pedro: Alam mo siya na lang palagi ang hinahangaan ng lahat


pati ang ating ama.

Don Diego: Eh! Ano naman? May binabalak ka naman noh? Wag mo
na yan ituloy baka tuluyan na tayong palayasin ng ating ama.
Don Pedro: Ako ang bahala sayo aking kapatid, tingnan natin kung
magugustuhan pa siya ng lahat lalo na ang ating mahal na ama .

Sa dalawang magkasunod na iskedyul ng pagbabantay sa Ibong Adarna


ay nakatulog si Don Juan sa labis na puyat at pagod. Hindi niya
namalayan nang pakawalan nina Don Pedro at Don Diego ang Ibong
Adarna.

*Ang Muling Paglisan ng Bunsong Prinsipe

Hindi pa man nagliliwanag ay nagpasya nang lumisan si Don Juan


sapagkat nabatid niya ang naging pagkakamali at kailangan niyang
magtago. Sa paggising ng hari sa umagang iyon ay agad nagtungo sa
silidna kinaroroonan ng Ibong Adarna. Laking panggigilalas niya nang
malamang wala ang ibon sa hawla. Agad ipinatawag ng hari ang
tatlong anak subalit dalawa lamang ang humarap.

Haring Fernando: Don Juan, Don Pedro, Don Diego!!!

Don Pedro: Ipinatawag nyo po kami.

Haring Fernando: Nasaan dito ang ibon at asan si Don Juan?

Don Pedro: Hindi po namin alam.

Don Diego: Baka naman po tumakas siya dala ang Ibon.


Muling humabi ng kasinungalingan ang dalawang bahong na prinsipe.
Subalit hindi agad sila pinaniwalaan ng hari. Ipinahanap ng hari ang
bunsong anak ngunit hindi na ito natagpuan sa loob ng palasyo. Sinabi
ni Don Diego at Don Pedro na nagtaksil si Don Juan at kanilang
hahanapin upang iharap sa ama para mapatawan ng parusa.

Don Pedro: Aming ama, hahanapin namin si Don Juan kung saan
man siya nagtatago at aming ihaharap sa inyo para mapatawan na ng
parusa.

Haring Fernando: Mag-ingat kayo!

Umalis ang dalawa upang hanapin ang nagtatagong si Don Juan.


Nilakbay nila ang bukid, burol at bundok subalit hindi nila matagpuan
ang bunsong kapatid. Hanggang sa narating nila ang kabundukan ng
Armenya kung saan naroon si Don Juan.

*Ang Bagong Paraiso

Isang paraiso sa kagandahan ang kabundukan ng Armenya.Napakaganda


ng paligid.Maraming hayop at mga pananim dito gaya ng mga puno,at
bungang kahoy.Napakarami ng ibon dito gaya ng maya,pugo,at kalaw
may pandaggo at kumintang,may mga limbas ng uwak at
lawin.Napakalinaw ng tubig sa batis at napakaraming suso na nakakapit
sa mga batuhan.Walang magugutom sa pook na iyon dahil sa mayamang
kalikasan doon na nanirahan si Don Juan upang mapagtakpan at huwag
maparusahan ang tunay na may sala sa pagkawala ng ibong Adarna.
Nahihiya si Don Diego kay Don Juan dahil sa nagawa na namang
pagkakasala subalit dahil sa panunulsol ni Don Pedro ay nag pasya silang
manirahan na rin doon kasama si Don Juan.

Don Diego:Paumanhin aking kapatid kung ako ay nagtaksil sa


iyo,napilitan lang ako.

Don Juan:Wala iyon,kung wala man kayong matitirahan pwede muna


tayong magpalipas ng gabi dito.

Hindi na nagawang tanggihan ni Don Juan sa pagmamahal sa mga


kapatid.Isang magandang bahay na nagawa sa kahoy ang naging tahanan
ng tatlong prinsipe at maligaya silang nanirahan sa Armenya.Napaka
amo ng mga hayop sa kanila at tila mga panginoon sila kung ituring.Sa
paglipas ng panahon,nagpasya ang tatlo na tuklasin ang bahagi ng
kabundukan na hindi pa nila nararating.Sa katanghaliang panahon tapat
ay naglakbay ang tatlo para maghanap ng bagong kapalaran.

*Ang mahiwagang balon ng Armenya

Isang balon ang nakita ng tatlong magkakapatid na prisipe.Ang bunganga


ng balon ay batong marmol na makinis at ang mga lumot sa paligid ay
gintong nakaukit.Namangha ang tatlong prinsipe habang nakatingin sa
napakailalim na balon gayong wala itong tubig.

Don Pedro:Anu kaya ang laman ng balon na ito?at bakit ang lalim at
may lubid na naroon upang magamit ng sinumang nais magtangkang
bumaba?

Don Juan:May lubid,gamitin natin ito upang matuklasan natin kung


anu man ang mayroon sa balon na ito.
May lubid na naroon upang magamit ng sinumang nais magtangkang
bumaba sa balon .Naunang bumaba ng balon si Don Pedro sapagkat siya
ang panganay.Tatlumpung dipa lamang ang nalusong ni Don Pedro
sapagkat hindi niya magawang tagalan ang labis na kadiliman sa loob ng
balon.Ang sumunod na bumaba ng balon ay si Don Diego ngunit hindi rin
niya nagawang tagalan.Natulala sa takot ang pangalawang prinsipe ng
tangkaing niyang tuklasin ang lalim ng balon.Bagama’t napakadilim sa
loob ng balon.buong tapang na hinarap ni Don Juan ang malaking takot
na hindi magawang harapin ng kanyang dalawang kapatid.

Don Diego:Mag-iingat ka aking kapatid,ang lalim pala nitong balon.

Don Juan:Sige,salamat aking kapatid.

Malalim na ang narating ni Don Juan at patuloy pa rin siya sa


pagbaba.Naiinip na si Don Pedro sapagkat hindi pa umaahon si Don Juan
samantalang nababahala na si Don Pedro sapagkat baka napahamak na
ang kanyang bunsong kapatid.

*Ang kaakit-akit na si Donya Juana

Narating na ni Don Juan ang pinakamalalim na bahagi ng


balon.Namangha siya dahil isang napakagandang hardin ang tumambad
sa kanyang paningin.

Don Juan:Napakaganda pala ang sa ilalim ng balon na ito.


Natuklasan niyang may nakatagong paraiso sa pinakaubod ng lupain ng
Armenya.Mabulaklak ang paligid at humahalimuyak sa bango.May
palasyo itong kumikislap na yari sa ginto at pilak.Nakita niya ang isang
babaeng diyosa sa kagandahan.Hindi naman mapakaniwala ang
prisesang si Donya Juana na narating ni Don Juan ang pook na iyon.
Lumuhod si Don Juan sa harapan ni Donya Juana at nagpakilalang
prinsipe ng Berbanya. (Action)

Don Juan: (Lumuluhod) Ako nga pala si Don Juan, ang prinsipe ng
Berbanya.

Donya Juana: (Bow) Ako si Donya Juana ang nakatira sa malalim na


balon na ito.

Inihingi ng paumanhin ng prinsipe ang kapangahasang makarating sa


pook na iyon. Makita lg ang kagandahan ng prinsipe.

Don Juan: Paumanhin po aking mahal, dahil sa pangahas na pagpasok ko


sa inyong tirahan.

Donya Juana: Ayos lang iyon, mabuti’t dumating ka dahil gusto ko nang
umalis at makalaya sa balon na ito.

Sumamo si Don Juan na sana’y tanggapin ni Don Juana ang kanyang


pag-ibig. Hindi naman siya nabigo sapagkat umibig din sa kanya ang
prinsesa.

*Ang Higanteng Bantay


Ipinagtapat ni Donya Juana kay Don Juan na ang bantay sa hardin ay
isang malupit na higante.

Donya Juana: Aking prinsipe may ipagtapat sana ako sayo.

Don Juan: Ano iyon?

Donya Juana: Ang nagbabantay sa hardin na ito ay isang higante, kaya


kung magkasagupa man kayo ng higanteng iyon wag mo nang labanan
dahil mapahamak ka lang.

Don Juan: Wag mo akong alalahin aking mahal. Kaya kong protektahan
ang sarili ko pati ikaw.

Hindi magtagal ay dumating na rin ang higante at sinabi na may naamoy


na tao. Kinilabutan ang prinsisa sa lakas ng tinig ng higante. (Umaandog
action)

Higante: Parang may naamoy akong tao, at parang nakapasok siya sa


aking hardin.

You might also like