You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SAFILIPINO 7

IKATLONG MARKAHAN

I. Layunin
a. Napaghahambing ang mga katangian ng mga tauhan sa napakinggang maikling kwento.
(F7PN – IIIh – I – 16)

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Sandaang Damit
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma P.372-373, Panitikang Rehiyonal P. 251-253
https://youtu.be/LI8CO-59rUM,
https://youtu.be/RpM14jBUieE
c. Kagamitan: Powerpoint Presentation, Video Presentation, Figure stick, Venn diagram, Emoji
d. Pagpapahalaga: Pagiging kontento sa kung ano ang mayroon ka.

III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
1. Ano ang hinuha?
2. Magbigay ng mga salitang ginagamit sa paghihinuha.

B. Pagganyak
Panuto: Magpanood nang bidyu tungkol sa bullying.
Emping Negro
https://youtu.be/RpM14jBUieE

Gabay ng tanong
1. Ano ang inyong napansin sa bidyung napanood?
2. Tama ba ang ginawa ng mga tao kay Impeng?
3. Naranasan niyo rin bang makutya?

C. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga salita sa hanay A.

Hanay A Hanay B
1.nakagiray a.kama
2.pupitre b.masalapi
3.mahirap c.sulatan
4.mayaman d.walang pera
5. teheras e.nakatagilid

D. Paglalahad
Maikling kwento-Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng
mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga
mambabasa.

Uri ng tauhan ng maikling kwento


1. Tauhang Bilog( round Character)-ito ay tauhang nagtataglay ng makatotohanang katangian
tulad din ng isang totoong tao. Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuoan ng akda. Maaring
magsimula siyang mabait, masipag, at masunurin subalit dahil sa sa ilang mga pangyayari ay
nagbago ang kanyang katauhan. Mahalagang maging epektibo ang paghabi ng mga tauhan sa
maikling kwento o sa iba pang akda upang ang tauhan ay maging makatotohanan o maging isang
tauhang bilog.

2. Tauhang Lapad(Flat Character)-ito ay tauhang hindi nagbabago ang pagkatao mula sa simula
hanggang sa katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng ganitong uri ng tauhan sa mga akda
subalit minsan ay kinakailangan maglagay nito upang higit na lumutang ang tauhang binibigyang-
pansin. Mahalaga sa maikling kuwento ang hindi pagbabago ng katangian partikular ng
pangunahing tauhan upang maipakitang may dahilan nga ang pagbabagong tauhn ng iba pang
tauhan sa akda.

Kuwento ng tauhan-ito ay isang uri ng kuwento na nakatuon sa pag-unawa sa kaugalian, kilos, at


gawi ng mga tauhan sa akda. Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng
mambabasa.

(Magpanood ng video ng Sandaang Damit)


https://youtu.be/LI8CO-59rUM

E. Pagtatalakay
1. Ano ang maikling kwento?
2. Ano ang uri ng tauhan ng maikling kwento?
3. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
4. Ilarawan ang pangunahing tauhan bilang isang mag-aaral.
5. Ano ang ginawa ng pangunahing tauhan upang hindi siya tuksuhin ng kaniyang mga kaklase?
6. Paghambingin ang katangian ng tauhan sa kuwento.

F. Gawain
Pangkatang Gawain
Unang Pangkat
Panuto: Gamit ang figure stick Ilarawan ang pangunahing tauhan sa binasang maikling
kwento.

Ikalawang Pangkat
Panuto: Gamit ang figure stick Ilarawan ang mga kaklase sa binasang maikling kwento.
Ikatatlong Pangkat
Panuto: Gamit ang Emoji ilarawan ang damdamin ng tauhan habang nagkukuwento sa kanyang mga
kaklase tungkol sa sandaang damit.

G. Paglalahat
1. Ano ang paksa ng maikling kuwento?
2. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Paano napaglabanan ng pangunahing tauhan ang panunukso ng kaniyang mga kaklase?
4. Ano ang nakita ng mga mag-aaral sa bahay ng batang babae?
5. Nagtagumpay ba ang batang babae sa kaniyang ginawa upang hindi na siya tuksuhin ng
kaniyang mga kaklase?
6. Ibigay ang dalawang uri ng tauhan ng maikling kuwento.
7. Ano ang kwento ng tauhan?

H. Paglalapat

1. Ano ang mensaheng inyo natutuhan sa napakinggang kuwento?


2. Bilang isang mag-aaral ano ang maaring maging epekto ng bullying?

IV. Ebalwasyon
Panuto: Ihambing ang katangian ng mga tauhan sa kuwentong napakinggan o binasa, gamit ang
venn diagram.Isulat lamang ito sa isang kalahating papel.

Batang babae Mga Mag-aaral

V. Takdang Aralin
Panuto: Sa isang Short bond paper, iguhit ang inyong paboritong damit.

You might also like