Professional Documents
Culture Documents
IKATATLONG MARKAHAN
I. Layunin
a. Natutukoy ang kahulugan ng sanaysay at uri nito.
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
1. Tungkol sa ano ang ating tinalakay kahapon?
2. Ano- ano ang mga salitang hudyat ng simula, gitna at wakas?
B. Pagganyak
Magpakita ng mga numero, ang bawat numero ay katumbas ng alpabetong Filipino.
Panuto: Gamit ang mga numero tukuyin kung ano ang salita ang mabubuo.
1. 19,1,14,25,19,1,25
Sagot: Sanaysay
2. 16,15,18,1,12
Sagot: Pormal
3. 4,9,16,15,18,13,1,12
Sagot: Di- Pormal
C. Paglalahad
Sanaysay- ito ay isang uri ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang pumapakita
sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kapupulutan ng mga aral at aliw din ng mga
mambabasa. Sa uring ito ng panitikan maibibilang ang mga sulating pampahayagang gaya ng artikulo,
natatanging pitak o lathalain, at tudling: ang mga akdang pandalub-aral gaya ng tesis. At
disertasyon, diskurso. Gayundin ang mga panunuring pampanitikan at mga akdang
pampananaliksik.
Ang dalawang uring ito ng sanaysay ay parehong nagbibigay kabatiran . ang tanging pagkakaiba
ay nasa layunin ng bawat uri. Ang pormal na sanaysay ay nagnanasang magpaliwanag,
manghikayat, at magturo tungo sapangkaunlarang isip at moral ng mga mababasa.
Samantalang ang pamilyar ma sanaysay ay nagmimithing mangganyak, magpatawa, o kaya
ay manudyo o magsilbing salamin sa lahat ng mga saloobin, kondisyong pansilohikal, at
sosyolohikal ng mga mambabasa.
D. Pagtatalakay
1. Ano ang sanaysay?
2. Ibigay ang dalawang uri ng sanaysay.
3. Ano ang pormal na sanaysay?
4. Ano ang di pormal na sanaysay?
5. Paano nagka-iba ang dalawang uri ng sanaysay?
E. Gawain
Pangkatang Gawain.
Unang pangkat: Gamit ang venn diagram ihambing ang dalawang uri ng sanaysay.
Ikalawang pangkat: Gumawa ng isang di pormal sanaysay tungkol sa pamilya.
F. Paglalahat
1. Ano ang sanaysay?
2. Ano ang pormal na sanaysay?
3. Ano ang di pormal na sanaysay?
G. Paglalapat
1. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang sanaysay?
IV. Ebalwasyon
Panuto: Tukuyin ang bawat pahayag piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot.
V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng isang maikling sanaysay, pumili lamang ng isa sa dalawang uri ng sanaysay.