You are on page 1of 15

Filipino

Ikatlong Markahan Modyul 8


Ikawalong Linggo

1
Ang Modyul na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga edukador
mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

PANIMULA
MODYUL 8

Pagbati! Ito ang iyong unang paglalakbay sa akdang pampanitikan ng Africa at Persia.
Batid ko na maiibigan mo ang mga araling inyong matutunghayan sa Modyul 8. Matututuhan
mo ang mga pagbabago sa panitikan na bunsod ng pagbabago ng panahon. Walang panitikan
na naluluma o nalalaos bagkus mas nagniningning at yumayabong ang panitikan dahil sa mga
kaakibat na pagbabagong ito sa pamamagitan ng pagsasalaysay, paglalahad, paglalarawan
at pangangatuwiran.
Inaasahan kong ganap mong mauunawaan at mapapahalagahan ang mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia gaya ng mitolohiya ng Kenya, anekdota ng Persia, sanaysay
ng South Africa, tula ng Uganda, maikling kuwento ng East Africa, epiko ng Mali, at nobela ng
Nigeria.

Ang layunin ng modyul na ito ay:

⮚ Natututuhan ng mga mag-aaral ang kasanayang pangkomunikatibo;


⮚ Nalilinang ang kakayahan sa pagsasaling-wika;
⮚ Nauunawaan ang diskursong pagsasalaysay;
⮚ Nagagamit ang tuwiran at di-tuwirang pahayag sa paghahatid ng mensahe;
⮚ Nagagamit nang wasto ang simbolismo at matatalinghagang pananalita; at
⮚ Nakapaglalahad ng opinyon at ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon, o damdamin

2
Pagkatapos mapag-aralan ang lahat ng mga ito,malalaman kung paano naiiiba ang
mga akdang pampanitikan ng Africa at Persia sa ibang akda mula sa ibang panig ng mundo
at kung paano nakatutulong ang kaalaman sa gramatika at retorika sa pagpapalawak ng
kaalaman sa kultura sa iba’t ibang bansa. Nakatitiyak akong mapagtatagumpayan mo ang
gawaing ito at lubos mong mapapahalagahan ang panitikan sa buong daigdig.

Alamin Natin
Pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
⮚ Nasusuri ang alinmang nobelasa Africa at Persia
⮚ Naibabahagi ang sariling pananaw, pagpapahalaga at kritik sa akdang
pampanitikan ng mga bansa saAfrica at Persia
⮚ Nabibigayang – kahulugan ang mga salita batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap
⮚ Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa iba pang akdang tuluyan sa mga
bansang Africa at Persia
⮚ Nakasusulat ng isang pagsusuri sa nobela batay sa mga bansa sa Africa at
Persia

Subukin Natin

A. Panuto: Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon.
A. Suring -Basa E. Uri ng panitikan I. Pagkilala sa Akda
B. Estilo F. Balangkas J. Layunin ng May-akda
C. Tema G. Tagpuan K. Tauhan
D. Kaisipan H. Buod

3
_____ 1. Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa
mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.
_____ 2. Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makaotohanan, at mag-aangat o tutugon
sa sensibilidad ng mambabasa?
_____ 3. Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng
pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bias kaya ang istilo
ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
_____ 4.Pagtukoysa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.
_____5.Itoay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa
mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
_____6.Angkarakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang
hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak,
nabubuhay o namamatay.
____7.Pagsusurisa kahalagahan ng akda kung bakit sinulatLayunin ba nitong magpakilos
o manghikayat, manuligsa, magprotesta at iba pa.
_____ 8.Binibigyang-pansin sa panuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at
panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan
ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
_____ 9.Isabang gasgas na pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa
nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo,
anggulo, o pananaw? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula
simula hanggang wakas?
______ 10.Angisang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Maaari ring tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan.

B. Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga sumusunod na salita. Hanapin ang sagot
sa Hanay B at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
_____ 11. makabuluhan a. walang alam
_____ 12. nag-udyok b. magbuo
_____ 13. pabulaanan c. walang saysay
_____ 14. kamalayan d. naglihim
_____ 15. magwasak e. magbago
f. naglihim
g. katotohanan

Modyul
Pagsusuri ng Nobela
8

4
Balikan Natin

Gawain 1. Kaalamang P-B-S


Panuto. Batay sa iyong kaalaman,ibahagi ang sarili mong opinyon.

Buod

Tuklasin Natin

Gawain 2. Nabasa ko… Itatala ko


Panuto.Magtala ng tatlong nobela na iyong nabasa. Gamitin ang talahanayan sa
pagsagot.

Pamagat ng Pinagmulang Manunulat ng Paksa ng Nobela


Nobela Bansa Nobela

Talakayin Natin
Pagsusuri ng Nobela
Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang
tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sanagbibigay-aliw ay nagpapakilos at
pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.Sa nobela, maraming
pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kwento,iisang pangyayari lamang
ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela at maikling kuwento ngunit nagkakaiba
lamang ito sa nilalaman dahil ang mga pangyayaring isinasalaysay dito ay may
kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng mga mamamayan at naglalarawan ng kultura

5
ng bawat bansang pinanggalingan nito.Ang isang nobela ay may mga katangiang
dapat taglayin. Ito ay ang mga sumusunod:
a) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan;
b) pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan;
c) kawili-wili at pumupukaw ng damdamin;
d) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspeto ng lipunan tulad ng
gobyerno at relihiyon;
e) malikhain at dapat maging maguni-guning paglalahad at
f) nag-iiwan ng kakintalan.
Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa isang
nilikhang sining. Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi ito’y isang
paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan ng
pagsasalita at maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapwa at sa
lipunang kinabibilangan niya. Sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang
pampanitikang napapaloob sa akda (tulad ng elemento ng maikling kuwento); inaalam
din ang aspektong panlipunan,pampolitikal, pangkabuhayan at pangkultural na
nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang gagamitin sa pagsusuri.
Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman (content), kahalagahan
(importance) at ang estilong awtor o may-akda (author’s writing style). Sa
pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o format ng suring- basa
tulad ng mga sumusunod:

Format ng Suring-Basa
May dalawang paraan ng pagsulat ng isang panunuri. Ang una ay sa payak na
pagkakabuod ng mga pangyayari sa akda at ang pangalawa ay sa paraang
pahalagang pagbubuod. Malaki ang magagawa ng istilo sa pagsulat ng isang
manunuri upang mapalutang ang layunin sa pagsusuri sa akda. Ito ay kailangang
kumilala sa taglay na sining at magpapanatili sa sining ng pagsusuri. Sa simpleng
pagpapakahulugan, ipinaliliwanag ng isang panunuring pampanitikan kung bakit
dapat basahin ang isang akda o kung ano ang katangian ng akda na dahilan upang
ito’y pag-ukulan ng panahong basahin. Tingnan kung anu-ano ang mga salik o
elementong napapaloob sa isang suring-basa.
1. PAGKILALA SA MAY-AKDA – Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa
pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na naguudyok sa kanyang likhain ang
isang akda.
2. URI NG PANITIKAN – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o
damdaming taglay nito.
3. LAYUNIN NG MAY-AKDA – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta at iba pa.
4. TEMA O PAKSA NG AKDA – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan,
at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa?
5. MGA TAUHAN / KARAKTER SA AKDA – Ang karakter ba’y anyo ng mga taong likha
ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan
o mga tauhang lumilikha, nagwawasak, nabubuhay o namamatay.
6. TAGPUAN / PANAHON – Binibigyang-pansin sa panuring pampanitikan ang
kasaysayan, kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi
ng kalagayan o katayuan ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa
lipunan.
7. NILALAMAN / BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI – Isa bang gasgas na
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma

6
na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o pananaw? Paano
binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari
mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuan ng
akda? May natutunan ka ba sa nilalaman ng akda?
8. MGA KAISIPAN / IDEYANG TAGLAY NG AKDA – Ang isang akdang pampanitikan
ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at
pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding tinatanggap at
pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga
kaisipang ito ay sasalungatin, pabulaanan, mabago, o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng
mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang
mga kaisipang ginagamit na batayan sa paglalahad ng mga pangyayari.
9. ISTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng
mga salita? Angkop basa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo
ng akda? May bisa kaya ang istilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda? Masining
ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y may kahalagahang tutugon sa panlasa ng
mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?
10. BUOD – Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit
sa mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.
Ang pagsulat ng isang panunuri ay nangangailangan ng sapat na kaalaman,
kahandaan at kakayahan sa panig ng manunuri. Kailangang makita ang pagiging
maingat at lubos na pagkaunawa sa akdang sinusuri. Ang pagiging obhetibo sa
pagsusuri ay kailangang isaalang-alang.
http://binibiningarcie.blogspot.com/2013/07/format-ng-suring-basa.html
Gawain 3
A. Panuto. Pag-unawa sa paraan ng pagsusuring basa
1. Bakit kailangang suriin ang isang akda? _______________________________________
2. Sa iyong palagay, lahat ba ng suring basa ay matagumpay na naisasagawa?Ipaliwanag
_________________________________________________________________________
3. Ilahad ang mga dapat isaalang-alang sa pagsasagawa ng suring -basa?
_________________________________________________________________________

Pagyamanin Natin

Basahin ang isang halimbawa ng panunuri sa ibaba. Pagkatapos, gawin ang


kaugnay na gawain.
Titser
Liwayway A. Arceo

Pagkilala sa may akda:


Nasa ika-57 taon ng propesyonal na pagsusulat si Liwayway A. Arceo. Malikhaing
manunulat, mananaysay, tagasalinwika at editor. Una siyang nakatawag ng pansin
sa kanyang akdang “Uhaw ang Tigang na Lupa,” na isinulat niya sa gulang na 17, at
nahirang na pangalawang pinakamahusay na

7
Maikling katha ng 1943. Ilan sa marami niyang gawad at parangal ang Doctor of
Humane Letters, honoris causa (1991), mula sa Unibersidad ng Pilipinas at ang
Gawad CCP sa Sining Para sa Literatura.

Uri ng panitikan:
Nobela- Mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing
sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin ng
katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may
kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng dalawa o higit pang mga
tauhan .

Layunin ng May-akda:
Ang layunin ng may-akda ay maipabatid sa mambabasa na hindi lamang materyal
na bagay o mamahaling bato ang kayamanan sa mundo, na maaring
makapagpasaya sa isang tao. Kundi ang totoong pagmamahal, pag-agapay,
pagtulong sa nangangailangan, paninindigan at maging ang mga taong nakapalibot
at patuloy paring nagtitiwala at nagmamahal sa iyo, ay maituturing na isa ng tunay
na kayamanan na higit pang mas mahal kaysa sa hiyas .
Mahal ito dahil hindi ito kailanman mabibili ng bilyun-bilyong salapi.
Nais din ng may-akda na ipakita na hindi mabuti sa isang tao ang manghamak ng
propesyon, dahil ang lahat ng propesyon ay may kaakibat na paghihirap at
pagtitiyaga , makamtan lamang ito.

Kung ating mapapansin, karamihan sa mga pangunahing tauhan ay babae, sa


kadahilanang nais ng may-akda na ipakita ang paninindigan at matatag na
pakikipaglaban sa pinaniniwalaan ng mga kababaihan.

Tema o paksa:
Ang tema o paksa ng nobelang pinamagatang “Titser” ay tungkol sa paninindigan at
pagpapasiya, maging kung paano ito pinanghahawakan:panahon lamang ang
hahatol sa atin, maging ano man ang ating larangan at ang pakikialam ng ina o ng
magulang sa pag-aasawa at propesyon ng anak, pag-iibigan ng dalawang guro sa
kabila ng kahirapan.

Estilo ng pagkakasulat:
Sa aking palagay ang estilo ng pagsusulat na siyang ginamit ng may akda ay isang
malikhaing pagsusulat.
Hindi biro ang Malikhaing Pagsusulat, lalo na kung papasukin pa natin ang talakayan
ng teknikalidad kung saan matututunan natin ang tungkol sa porma at kalamnan –
dalawang elemento ng bawat kasulatang malikhain, mapa kuwento man o tula. Ang
porma sa isang piyesa ng panulat malikhain ay siyang pinakaugat ng teknikalidad;
dito ay pinapansin ang lahat mula sa pagkitil ng mga linya, o ang tinatawag na 'line
cutting' hanggang sa paglagay ng mga tuldok, kudlit, at kung ano-ano pa man. Ang
porma ng isang piyesa ay siyang basihan ng biswal na pananaw ng mambabasa,
katulad ng mga kulay at hatak ng brutsa sa pagpipinta. Ang kalamnan naman ay
kung sa Ingles, tinatawag na 'substance'. Dito pinapansin ang mga ginagamit na

8
mga pangatwan ng wika. Dito mapapansin ang henyo ng isang manunulat sa pag-
gamit ng mga ibat-ibang kasangkapang pampanitikan upang yumaman ang kanyang
gawa.Napunako rin na parehong pormal at di pormal ang mga salitang ginamit sa
nobela, gumamit din ang may akda ng kaunting wika ng mga banyaga na ginawa
namang italisado.

Pagsusuri sa mga tauhan at tagpuan:


Mga tauhan:

Aling Rosa- ina nila Norberto, Jose, Lourdes, Felisa at Amelita. Isang ordinaryong
ilaw ng tahanan na na mataas ang pangarap para sa kanyang mga anak. Ngunit
dahilan sa mga matatayog na pangarap na ito, ay magagawa niyang maging
mapagmataas at manghamak ng propesyon.

Mang Ambo- isang tahimik at maunawaing haligi ng tahanan, isa rin siyang mabait
na asawa kay aling rosa at ama sa kanilang mga anak.

Amelita - ang protagonista sa nobela, bunso sa limang magkakapatid, isang mabait


at magandang guro sa pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon,
larawan siya ng isang babaeng may sariling pagpapasya at matapang na
paninindigan.

Mauro- isang guro ng pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, ang


lalaking iniibig ni amelita, may sariling paninidigan at pagpapasya, bagama’t
hinahamak ang kanilang propesyon ay hindi parin ito nagsisisi sa napiling larangan,
dahilan sa likas at tunay ang hilig nito sa pagtuturo.

Aling Idad- isang maunawain at maalalahaning ina nila Peping, Dado at Mauro,
bagama’t anak-dalita ang kanilang pamilya, hindi parin ito naging hadlang upang sila
ay sumaya.

Rosalida/ lida- panganay na anak nila mauro at amelita, isang pantas at bibong bata.

Lety- siya ang batang pinalaki sa layaw ng mga magulang at paboritong apo ni aling
rosa. Kung ikukumpara kay Lida, maituturing na higit na nakakaangat si Lety sa
material na bagay, subalit taglay naman ni Lida ang pinakamahalagang bagay na
nagbubuklod sa kanilang pamilya.

Osmundo Olivarez- manliligaw ni Amelita, isang mayamang binata, taga pagmana


ng lahat ng kayamanan ng kanilang pamilya, kompromiso ni Aling Rosa para sa
kanyang anak na si Amelita, isang magandang lalaki at sikat sa kanilang bayan,
ngunit siya ay arogante, makamundo at may kayabangan.

Norberto Martinez- kapatid nila Amelita na isang inhinyero.

Jose Martinez- dikong nila Amelita na isang abogado.

Lourdes Martinez- kapatid nila Amelita na isang parmasiyutika.

9
Felisa Martinez-Castro- ditseng nila Amelita na isang doktora.

Peping- kapatid ni Mauro.

Dado- bunsong kapatid ni Enteng at Mauro.

Nena- kaibigan ni Amelita.

Enteng- dating nakakulong sa bilibid na tinulungan ni Osmundo na makalaya,


inutusan siya ni Osmundo na patayin si Mauro, subalit hindi niya ito nagawa, dahil
utang niya sa kabaitan ni Mauro ang pagpapa-aral sa anak.

Aling Tinay- matagal nang kusinera ni Osmundo, at itinuturing na din siyang pamilya
ng mayamang binata.

Cesar- anak ni Aling Tinay, at pinag-aral ni Osmundo hanggang maging


manananggol.

Mister Batac- isang punong guro na ang maybahay ay kamag-anak ni Osmundo.

Doktora Cruz- isang mahusay na doktora sa kanilang nayon.

Bien Castro - isang doktor na napangasawa ni Felisa.

Estela Martinez- isang abogada tulad ng kanyang kabiyak na si Jose.

Mariana Martinez- isang propesora at ang maybahay ni Norberto.

Poleng- kanayon nina Mauro at Amelita.

Bastian- engkargado ni Osmundo.

Tagpuan:

Isang hindi sibilisadong pamayanan sa kanayunan

II.Puna/Rekomendasyon:

Napaka ganda ng nobelang pinamagatang “Titser” ni Liwayway A. Arceo,


Mahusay niyang naibigay ang mga aral at ang mga kahalagahan ng bawat isa,
Mababatid din na hindi lamang tungkol sa paninindigan, pagkakaisa at
pagmamahalan ang makikita sa nobela, kung ating sisiyasatin ng maigi ang ating
kalagayang sosyo-ekonomiko.

Gawain 4
Panuto. Panoorin ang pelikulang “Wings of Imagination” sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=qJI5q0l0LC4, gumawa ng panunuri gamit ang
pormat na inilahad sa talakayan.

10
Maaring ipasa sa messenger ng guro ang natapos na Gawain para sa kaukulang
pagmamarka.

Tandaan Natin
GAWAIN 5
PANUTO: Share Mo Lang (S-M-L)
Sagutin ang mga sumusunod, batay sa akdang “Wings of Imagination”.Isulat ang
iyong sagot sa loob ng kahon.

Isyung Pandaigdig namakikita Kaugnayan nito sa buhay ng


sa akda tao
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
________________________________________ ______________________________________
______________________________________ _______________________________

Isabuhay Natin
GAWAIN 6

Panuto: Bumagsak ang turismo sa Pilipinas bunsod ng pandemya, kaya naman


ikaw ay lilikha ng isang patalastas pantelebisyon na magtatampok batay sa
nabasa mong nobela. Ang patalastas na ito ay tatagal ng dalawa hanggang
tatlong minuto at ito’y ipalalabas sa iba’t ibang panig ng mundo.

PAMANTAYAN
Kasiningan- 40 puntos
Kaangkupan- 30 puntos
Kawastuhan- 15 puntos
Kawilihan- 15 puntos
KABUOAN- 100 puntos

11
TayahinNatin
A. Panuto: Basahin mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat sa himig o damdaming taglay nito.


A. Banghay C. Pagkilala sa akda
B. Panunuring pampelikula D. Uri ng Panitikan
2.Ang karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang
hindipa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak,
nabubuhay o namamatay.
A. Tauhan C. Kaisipan
B. Tema D. Tagpuan
3.Binibigyang-pansin sa panuring pampanitikan ang kasaysayan, kapaligiran at
panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan
ng isang indibidwal, ng kanyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
A. Tauhan C. Kaisipan
B. Tagpuan D. Tema
4. Ito ay isang madali at maikling pagbubuod at maaaring maglaman ng sariling ideya at
emosyon ng nagsusuri. Para mabuo ang buod, magsimula sa mga tauhan at isulat
lahat
mga mga pangyayari o impormasyon.
A. Tagpuan C. Buod
B. Panunuring pampelikula D. Balangkas
5. Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa
mahahalagang detalye ang bigyang-tugon.
A. Tema C. Kaisipan
B. Banghay D. Buod
6. Ito ba’y makabuluhan, napapanahon, makatotohanan, at mag-aangat o tutugon sa
sensibilidad ng mambabasa.
A. Tagpuan C. Kaisipan
B. Tema D. Estilo
7. Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga kaisipang
umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. Maaari
ring tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan
A. Tauhan C. Estilo
B. Tagpuan D. Tema
8. Ito ay hindi nangangahulugan ng pagsusuri sa pagkatao ng may-akda kundi sa mga
bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
A. Pagkilala sa akda C. Estilo ng akda
B. May-akda D. Layunin ng akda

12
9. Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-
unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bisa kaya ang istilo ng
pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
A. Istilo C.Tema
B. Banghay D. Balangkas
10.Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong magpakilos
o manghikayat, manuligsa, magprotesta at iba pa.
A. Tema C. Kaisipan
B. Banghay D. Layunin ng May-akda

B. Panuto:Lagyan ng tsek ang patlang na nagpapakita ng mga dapat isaalang-alang


sa pagsasagawa ng pagsusuri ng nobela.

____ 11. Isulat at banggitin ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa akda.


____ 12. Ang uri ng akda na binibigyan ng suring-basa.
____ 13. Gumamit ng mga salitang madaling mauunawaan.
____ 14. Magbigay ng sariling palagay.
____ 15. Magbigay ng aral para sa mga susunod na magsasagwa ng pagsusuri.

Gawin Natin
Paggawa ng Pagsusuring Basa
Panuto. Batay sa pinanood na pelikulang “Wings of Imagination” sa Gawain 4, ilahad ang
kaugnayan nito sa sitwasyon nating mga Pilipino sa panahon ng pandemya.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mula sa akdang “Wings of Imagination”,sumipi ng piling sabi sa iyong natutuhan mula


sa iyong napanood. Isulat ang sagot sa loob ng puso.

13
Sanggunian
Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas (2015). Filipino-IkasampungBaitangModyul
para sa Mag-aaral. Vibal Group Inc.,
http://binibiningarcie.blogspot.com/2013/07/format-ng-suring-basa.html
https://www.youtube.com/watch?v=qJI5q0l0LC4,
http://cherieapple.blogspot.com/2010/01/suring-aklati.html

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE


Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: RICHELLE B. MACARUBBO
Editors: VIRGINIA V. BAYANI
JOSEPHINE MENDEZ - PAGALING
Content Evaluator: MARIBEL B. SINGSON
Language Evaluators: JHON LESTER SANDIGAN
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA,EPS-FILIPINO
Illustrator: CAMILLE JEWEL L. GARCIA
Layout Artist: LEO U. PANTI
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

14
For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

15

You might also like