You are on page 1of 13

Filipino-10

Presented by:
Richard B. Veñas
Magandang
hapon sa Lahat!!
Mga dapat tandaan sa
Pag sasagawa ng
Suring-basa
1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang
sinusuri
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa
muna ng sinopsis o maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan.
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
Pormat na gagamitin sa pagsulat ng
suring basa
I. Panimula
II. Pagsusuring pangnilalaman
III.Pagsusuring pangkaisipan
IV.Buod
Panimula
Uri ng panitikan- Pagtukoy sa mga anyo ng mga panitikang sinulat, sa
himig o damdaming taglay niyo.
Bansang pinagmulan- Pagkilala sa bansa kung saan na isulat ang akda.
Pagkilala sa may akda- Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa
pag katao ng may akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang
likhain ang isang akda.
Layunin ng akda- pag susuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta at
iba pa.
Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda- Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makatutuhan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng
mambabasa.
Mga Tauhan/karakter sa Akda- Ang mga karakter ba’y anyo
ng mga taong likha ng lipunang ginagalawan, mga tauhang hindi
pa nilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumikha,
nagwawasak, nabuhay o namamatay. Kung walang tauhan, ang
persona sa akda ang ilarawan.
Tagpuan/panahon- Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan
ang kasaysayan? Kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang
mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal , ng kanyang
ka ugnayan sa kapwa at sa lipunan.
Balangkas ng mga pangyayari- Isa pang gasgas ng mga pangyayari
ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma
na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo, anggulo, o
pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang
pag kakapit ng mga pangyayari simula hanggang wakas? Ano ang
mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuan ng akda? May katutuhanan ka
ba sa nilalaman ng akda?
Kulturang masasalamin sa akda- May
nakikita bang uri nng pamumuhay,
paniniwala, kaugalian o kulturang
nangingibabaw sa akda?
Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng
ibang tao o bansa.
Pagsusuring Pangkaisipan
Mga kaisipan/Ideyang taglay ng Akda- Ang isang akdang
pampanitikan ay na nag tataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at pinapatunayan ng mga tiyak na
sitwasyon o karanasan. Maari ding ang mga kaisipang ito ay
salungatin, pabulaan, magbago o palitan, Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas na tao at lipunan, mga batas ng
kalikasan, Sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol sa
buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na
batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
Estilo ng pagsukat ng Akda- Epekto ba ang
paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa
antas ng pag unawa ng mga mambabasa ang pag
kakabuo ng akda? May bias kaya ang estilo ng pag
kakasulat sa nilalaman ng akda? Masining ba ang
pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang
tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian
ng isang mahusay na akda?
Buod
Hindi kailangan ibuod nang
mahaba ang istorya ng akda. Ang
pagbanggit sa mahalagang detalye
ang bigyang tuon.
Maraming Salamat
sa pakikinig!!
Sana’y marami
kayung natutunan.

You might also like