You are on page 1of 9

Suring Basa

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1.Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang


sinusuri.
2.Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng
sinopsis o maikling lagom.
3.Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan .
4.Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5.Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
Pormat na gagamitin
sa pagsulat ng
suring-basa
Pamagat
I. Panimula
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig
o damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa
pagkatao ng may-akda kundi sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang
likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat.
Layunin ba nitong magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at
iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
• Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa
• Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga
taong likha ng lipunanng ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa
panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha, nagwawasak,
nabubuhay, o namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang
ilarawan.
• Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang
kasaysayan? kapaligiran at panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at
sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng kaniyang kaugnayan sa
kapwa at sa lipunan.
II. Pagsusuring Pangnilalaman
• Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga
pangyayari ang inilahad sa akda? May kakaiba ba sa nilalamang
taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis,
anyo, anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda?
May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga pangyayari mula simula
hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan
ng akda? May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?
• Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng
pamumuhay, paniniwala, kaugalian o kulturang nangingibabaw sa
akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?
III. Pagsusuring Pangkaisipan
• Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang
akdang pampanitikan ay nagtataglay at nagpapaliwanag sa mga
kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak
na sitwasyon o karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito
ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng
kalikasan, sistema ng mga ideya o paniniwalang kumokontrol
sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang
ginamit na batayan sa paglahad ng mga pangyayari.
III. Pagsusuring Pangkaisipan
• Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan
ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas ng pang-
unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bisa
kaya ang estilo ng pagkakasulat sa nilalaman ng akda?
Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang
tutugon sa panlasa ng mambabasa at sa katangian ng isang
mahusay na akda?
IV. Buod

Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda.


Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye ang bigyang tuon.

You might also like