You are on page 1of 6

ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT AT AKADEMIKONG PAPEL

Ito ang nagsisilbing libangan sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa kanilang mga ideya at
mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila.

Sa mga mag-aaral ang kalimitang dahilan sa pagsusulat ay ang matugunan ang pangangailangan sa pag-
aaral bilang bahagi ng pagtamo ng kasanayan.

Sa mga propesyonal naming manunulat tulad ng awtor, peryodista, sekretarya, guro, at iba pa, ito ay
kanilang ginagawa bilang bahagi ng pagtugon ng bokasyon o trabaho na kanilang ginagampanan sa
lipunan.

Kaya naman sa limang makrong kasanayang pangwika, ang pagsusulat ay isa rin sa mga dapat pagtuonan
ng pansin na malinang at mahubog sa mga magaaral sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan
at kagalingan sa iba’t ibang disiplina.

Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig, pagbabasa, at panonoos, madalas ang isang indibidwal
na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanang isipan. Subalit, sa
pagsasalita at pagsusulat ang taong nagsasagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at
nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at isinulat.

Anuman ang dahilan sa pagsulat, ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat, sa mga taomg
nakababasa nito at maging s lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga sinulat ay magiging
dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing tulay para sa kabatiran ng susunod na
henerasyon.

Ayon nga kay Mabilin (2012), ang pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi
maglalaho sa isipan ng mga bumabasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat panahon.
Maaaring mawal ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang ibinabahagi a mananatiling
kaalaman.

LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang-
isip, at mga pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat, ,nakikilala ng tao ang kanyang sarili, ang kanyang mga
kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang kaisipan, at ang mga naabot ng kanyang
kamalayan.

Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang mpabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman
at mga karanasan ng taong sumusulat. Kailangan din ang katangiang mpanghikayat upang mapaniwala
at makuha ang atensiyonn ng mga mambabasa

DALAWANG BAHAGI NG LAYUNIN SA PAGSASAGAWA NG PAGSULAT AYON KAY MABINI:

Personal o ekspresibo- layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw. Karanasan, naiisip, o


nadarama ng manunulat. 

Hal. Sanaysay, maikling kuwento, tula, dula, awit, at iba pang akdang pampanitikan.

Panlipunan o sosyal- layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayansa ibang tao o sa lipunang


ginagalawan. Maaari rin itong tawaging transaksiyonal.

Hal. Pagsulat ng liham, balita, korespondensiya, pananaliksik, sulating panteknikal, tesis, disertasyon, at
iba pa.

Maaari rin naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan particular sa mga
akdang pampanitikan naisulat bunga ng sariling pananaw ng may-akda na maaaring magkaroon ng tiyak
na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati na karaniwang binibigkas sa harap ng madla
upang maghatid ng mensahe at manghikayat sa mga nakikinig.
KAHALAGAHAN O BENEPISYO NA MAAARING MAKUHA SA PAGSUSULAT:

1. Masasanay ang kakayahang magorganisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng


obhetibong paraan. 

2.Malinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon


o pananaliksik.

3. Mahuhubog ang isipan ng mga magaaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging


obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipanng isusulat batay sa mga nakalap na impormasyon.

4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng mga


materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa pagsulat.

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng pagkakataong


makapagambag ng kaalaman sa lipunan.

MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA PAGSULAT

1. Wika- Ang wika ang magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin,
karanasan, Impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat. Mahalagang matiyak kung
anong uri ng wika ang gagamitin upang medaling maiakma sa uri ng taong babasa ng akda,
komposisyon, o pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba.

2. Paksa- Mahalagang magkaroon ng isang tiyak na paksa o tema ng isusulat. Ito ang magsisilbing
pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapatnmapaloob sa akda.

3. Layunin- Mahalagang matiak ang layunin sa pagsulat. Ang layunin ang magsisilbing giya sa pagbahagi
ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat.

4. Pamamaraan ng pagsulat  Paraang impormatibo- pangunahing layunin ay magbigay ng impormasyon


o kabatiran sa mga mambabasa  Pamaraang ekspresibo- ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng
sariling opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman hinggil sa paksa sa kanyang sariling
karanasan o pag-aaral.

Pamaraang naratibo- ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o magsalaysay ng mga pangyayari
batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod-sunod.

Pamaraang deskriptibo- ang pangunahing layunin ng pagsulat ay maglarawan ng mga katangian, anyo,
hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakita, narinig , natunghaan, naranasan, at nasaksihan.

Pamaraang argumentatibo- ang pagsulat ay naglalaong manghikayat o mangumbinsi sa mga


mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong sapat pagtalunan o
pag-usapan.

5. Kasanayang pampag-iisip- dapat taglayin ng manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng


mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga, o maging ng mga impormasyong dapat isama sa
akdang isusulat.

6. Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat ang


pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit ng malaki at
lamiit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng bantas, pagbuo ng makabuluhang pangungusap, pagbuo
ng talata, at masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na
sulatin.

7. Kasanayan sa paghabi ng Buong Sulatin- Tumutukoy ito sa kakaahang mailatag ang mga kaisipan at
impormason sa isang maayos, organisado, obhetibo, at masining na pamamaraan mula sa panimula ng
akda hanggang sa wakas.
MGA URI NG PAGSULAT

 1. Malikhaing Pagsulat  2. Teknikal na Pagsulat  3. Propesyunal na Pagsulat  4. Dyornalistik na Pagsulat


 5. Reperensiyal na Pagsulat  6. Akademikong Pagsulat

ANG AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal sa pagsulat. Ang gawaing ito a nakatutulong sa
pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.

Mahalagang matutuhan ang akademikong pagsulat sapagkat kung marunong sumulat nang maayos at
may kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat sia sa iba dala na rin ng mahigpit na
kmnpetisyon sa kasalukuyan sa larangan ng edukasyon at pagtatarabaho. Sa pag-aaral mahalagang
masagot ng maayos ng mga mag-aaral pagsusulit na nangangailangan ng masusing pagpapaliwanag,
makabuo ng organisadong ulat at iba pa.

Sa mundo naman ng empleyo, ang isang tao ay kailangang marunong sumulat ng liham ng aplikasyon,
may kakayahang gumawa ng project proposal, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pundo ,
sumagot sa mga pakiusap at tanong ng mga kliyente.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT

1. Obhetibo- Una sa lahat ang akademikong pagsulat ay dapat na maging obhetibo ang pagkakasulat.
Kailangang ang mga datos na isusulat ay batay sa kinalabasan ng ginawangn pagaaral at pananaliksik.
Iwasan ang pagiging subhetibo o anfg pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa paksang
tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming hakahaka
o opinyon.

2. Pormal- Dahil nga karaniwang ginagamit sa akademikong pagsulat ay akademikong Filipino,


nangangahulugan lamang ito ng pagiging pormal nito. Iwasan ang paggamit ng mga salitang kolokyal o
balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang pormal na medaling mauunawaan ng mambabasa. Ang tono o
himig ng paglalahad ng mga kaisipan o impormasyon ay dapat maging pormal din.

3. Maliwanag at Organisado- Ang paglalahade ng mga kaisipan at datos ay nararapat na maging malinaw
at organisado. Ang mga talata a kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunod-sunod at
pagkakaugnayugnay ng mga pangungusap na bunuo nito.

4. May paninindigan- Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin
o pag-arala, ibig sabihin hindi maganda ang pagbabago-bago ng paksa. Ang kanyang layunin na
maisagawa ito ay mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapo niya ang kanyang isusulat.

5. May pananagutan- Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay
ay dapat na bigyan na nararapat na pagkilala. Mahalagang maging mapananagutan ang manunulat at
awtoridad ng mga ginamit na sanggunian.

MGA IBA’T IBANG URI NG AKADEMIKONG SULATIN

 1. abstrak

 2. sintesis/buod

 3. bionote

 4. panukalang proekto

 5. talumpati

 6. agenda

 7. katitikan ng mga pulong

 8. posisyong papel

 9. repliktibong sanaysay
 10. pictorial –essay

 11.lakbay-sanaysay

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik

Malaki ang papel mo bilang mananaliksik sa paggawa ng pananaliksik.Nakasalalay sa iyo ang kredibilidad
ng iyong gagawin/ginagawa. -Dahil sa malaki ang papel mo bilang mananaliksik, may mga inaasahang
katangian na dapat mong angkinin.

Matiyaga

- sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang mapagkukunan maging ito’y sa aklatan, upisina,
institusyon, tao, media, komunidad at maging sa Internet

Maparaan

Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi ▪ mdaling kunin at nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang
mga ito

Sistematiko

- Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento dito at sa pag-iiskedyul ng mga gawain


tungo sa pagbubuo ng pananaliksik. Kailangang 19 nakaprograma ang mga gagawin para hindi masayang
ang panahon. Sa kursong ito, halimbawa, isang semestre lang ang panahong ibinibigay sa iyo para
matapos mo ang pananaliksik

Maingat

-Maingat sa pagpili ng mga datos batay sas katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro
na lahat ng panig ay sinisiyasat; at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon, komento at
rekomendasyon

-Ang katotohanan ay mahirap pasubalian kung ito’y napatunayan ng mga ebidensya. Halimbawa, ang
isang pangunahing dokumento na may awtentikong pirma ay mas solido at matibay na patunay kaysa sa
sekondaryong dokumento ng pahayag ng isang tagamasid lamang;

-Ang kredibilidad ng pinagkunan ng datos ay napapatunayan sa motibo, awtoridad, at realidad (pagiging


totoo) ng datos. Halimbawa, lalong may kredibilidad ang sinulat ng isang historyan kaysa ng isang
matematisyan kung tungkol sa yugto ng kasaysayan ang datos;

-Lahat ng panig ay sinisiyasat kung matiyagang hahanapin ang lahat ng datos ukol sa paksa kahit na may
makitang negatibong epekto sa ginagawang pananaliksik;

-Ang mga konklusyon, interpretasyon, puna at rekomendasyon ay hindi mo basta gagawin o ibibigay
kung hindi mo pa nabibistay, natitimbang, at nasusuri ang mga argumento at mga batayang datos.
Hlimbawa, hindi ka basta gagawa ng konklusyon naTV ang dahilan ng bayolenteng pagkilos o karahasan
ng kabataan ngayon kunghindi ito napatunayan ng mga datos at hindi mo nasuri ang mga argumento

Analitikal

-Analitikalsa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay na paksa. Halimbawa,
analitikal ka kung malinaw mong nakita na ang isyu ng rape ay may iba’t ibang 20 dimensyon – pisikal,
emosyonal, moral, ekonomiko, sosyal at politikal.
Kritikal

Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa paksa. Hindi lahat ng datos at


mga pagaaral ay basta mo tinatanggap kung hindi sinusuri muna at tintingnan ang mga implikasyon,
kabuluhan, pinagmulan, at kaugnayan ng isang ideya sa iba pang ideya o kaya’y ng mga partikular na
ideya sa kabuuang ideya. Halimbawa, magiging kritikal ka kung makikita mo na ang EDSA Revolution ay
hindi lamang isang pangyayaring naganap noon Pebrro 25, 1986 kungdi bunga ito ng matagal na
panahon ng paninikil sa karapatan, kolonyalismo, at iba pang mga kadahilanan;

Matapat

Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang pinag-aaralan mo; sa pagkuha ng
mga datos nang walang itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa kinunan;
at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik. Halimbawa, dapat mong banggitin na may nagawa nang
pag-aaral ukol sa iyong paksang “Isang Pag-aaral sa Persepsyon sa Kababaihan sa mga Nobela ni Amado
V. Hernanadez” kung kaya ang aspektong hindi pa natatalakay ang siya mo na lang talakayin.Banggitin
mo din kung sino ang gumawa ng gayong pag-aaral kasama ang ibang impormasyon ukol dito.

-Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao/institusyong pinakunan mo ng mga ito, at
sa pagsisigurong maayos at mahusay ang mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman
at sa prosesong pagdadaanan.

Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik

1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya. -Anumang hindi iyo ay ipaalam mong hindi iyo sa pamamagitan
ng mga tala at bibiliograpiya.

2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso.

-Sa mga bukas na salansan ng libro sa aklatan, dyaryo, magasin, programa sa radio, TV, pelikula at
teatro,hindi kinakailangang hingin ang permiso ng mga sumulat/may-ari para banggitin, sipiin o magamit
na materyal sa pananaliksik.Kailangan lang silang kilalanin sa bibliograpiya

-Gayunpaman, may mga materyal na kailangang ihingi ng permiso ng mayari.Halimbawa, may mga
pribadong koleksyon ang mga indibidwal o kaya’y mga kumpidensyal na dokumento na hindi basta
ipinahihiram ng may-ari.Hingin din ang permiso sa pag-teyp ng mga interbyu.Kung ayaw ng iniinterbyu
na mai-video siya o kaya’y mai-teyp ay huwag pilitin.Pero huwag namang gawin ito nang patago.

-Ang hindi pagsunod sa hinihingi ng etika ay maaring humantong sa di ninyo pagkakasundo ng taong
kinukuhanan ng materyal.Mas malala, maaaring humantong ito sa korte.Iwasan mong mangyari ito para
hindi makaabala sa iyong pag-aaral.

3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung negatibo ang mga ito o
makakasirang-puri sa taong iniinterbyu.

Maging obhetibo at maingat sa pagbibigay ng obserbasyon, kung kinakailangang gawin ito.Pero kung
maiiwasan, manatili sa paksa ng interbyu.

4. Huwag kang mag-shortcut.

-Anumang pag-shortcut ay masasabing - bunga ng katamaran.Ayaw nang magpagod pa.Tinatamad


na.Gusto na agad matapos.Pero anumang pag-shortcut ay magbubunga rin ng di-kasapatan ng datos na
magreresulta sa di rin sapat na pagsusuri.Bitin, ika nga.Paano nga ba ginagawa ang pag-shortcut? Narito
ang ilang halimbawa: Kulang/hindi tapos ang paghahanap ng materyales. Hindi na sinusuri nang malalim
ang materyales. Mabilisang nagbibigay ng konklusyon/rekomendasyon para matapos lang.

5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.

Sa mga grabeng sitwasyon, maaring maging dahilan ito ng pagpapatalsik sa iyo bilang estudyante.Sa
susunod na seksyon, mas detalyado mong makikita ang mga uri ng pandaraya sa pananaliksik.Tandaan
mo na hindi ito ipinapakita sa iyo para gayahin kundi para hindi gawin nang makaiwas ka rin sa anumang
problemang idudulot nito.

Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik

Plagiarism ang teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay ng pangongopya ng gawa ng
ibang nang walang pagkilala.

Uri ng Plagiarism

1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba

2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap at hindi
kinilala ang awtor.

3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba

ABSTRAK

Ang abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad
ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikallektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.
Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat.

Ayon kay philip koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng introduksyon, mga kaugnay na literatura,
metodolohiya, resulta at konklusyon

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK

1.lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat makikita sa kabuoan ng papel; ibig sabihin,
maaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin.

2. Iwasan ang statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito nangangailangan ng detalyadong
pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

3. Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng abstrak

4. Dapat ito ay naka dobleng espasyo

5. Gumamit ng mga malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging maligoy sa pagsulat nito.

6. Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi dapat ipaliwanag
ang mga ito. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan ng
babasa ang pangkalahatang.

You might also like