You are on page 1of 3

Mga Gamit o Pangangailangan sa Akademikong ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng

Pagsulat argumentong dapat pagtalunan o pag-usapan.


1. Wika - nagsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga 5. Kasanayang Pampag-iisip - dapat taglayin ng
kaisipan, kaalaman, damdamin, karanasan, manunulat ang kakayahang mag-analisa o magsuri ng
impormasyon, at iba pang nais ilahad ng isang taong nais mga datos na mahalaga o hindi gaanong mahalaga,
sumulat maging ng mga impormasyong dapat isama sa akdang
- Mahalagang matiyak kung anong uri nito ang susulatin
gagamitin upang madaling maiakma sa uri ng - Kailangang maging lohikal din ang kanyang pag-
taong babasa ang akda, komposisyon, o iisip upang makabuo ng malinaw at mabisang
pananaliksik na nais mong ibahagi sa iba. pagpapaliwanag o pangangatwiran.
- Mahalagang magamit ang wika sa malinaw,
masining, tiyak, at payak na paraan. 6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat -
dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat na
2. Paksa - nagsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga kaalaman sa wika at retorika partikular na sa mga
ideyang dapat mapaloob sa akda sumusunod:
- Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa  wastong paggamit ng malaki at maliit na titik
paksang isusulat ay napakahalaga upang maging  wastong pagbabaybay
malaman, makabuluhan, at wasto ang mga datos  paggamit ng bantas
na ilalagay sa akda o komposisyong susulatin.  pagbuo ng makabuluhang pangungusap
 pagbuo ng talata
3. Layunin - nagsisilbing giya mo sa paghabi ng mga  masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan
datos o nilalaman ng isang sulatin 
- Kailangang matiyak na matutugunan ng isang 7. Kasanayan sa Paghabi ng Buong Sulatin - kakayahang
sulating isusulat ang motibo ng iyong pagsusulat mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
nang sa gayon ay maganap nito ang iyong pakay maayos, organisado, obhetibo, at masining na
sa katauhan ng mga mambabasa. pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon
hanggang sa wakas nito
4. Pamamaraan ng Pagsulat - mayroong limang
pangunahing pamamaraan ng pagsulat upang mailahad Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong
ang kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa Pagsulat
layunin o pakay ng pagsusulat 1. Obhetibo - Kailangang ang mga datos na isusulat ay
- Maaaring gumamit ng paraang impormatibo batay sa kinalabasan ng ginawang pag-aaral at
kung saan ang pangunahing layunin nito ay pananaliksik. Iwasan ang pagiging subhetibo o ang
magbigay ng impormasyon o kabatiran sa mga pagbibigay ng personal na opinion o paniniwala hinggil sa
mambabasa. paksang tinatalakay. Iwasan ang paggamit ng mga
- Ang paraang ekspresibo kung saan ang pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming
manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling haka-haka o opinyon
opinion, paniniwala, ideya, obserbasyon, at
kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa 2. Pormal - Iwasan ang paggamit ng mga salitang
kanyang sariling karanasan o pag-aaral. kolokyan o balbal. Sa halip, gumamit ng mga salitang
- Ang pamamaraang naratibo kung saan ang pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. Ang
pangunahing layunin nito ay magkuwento o tono o himig ng paglalahad ng mga kaisipan o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa mga impormasyon ay dapat na maging pormal din.
magkakaugnay at tiyak na pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari sa mga ito. 3. Maliwanag at Organisado - Ang mga talata ay
- Ang pamamaraang deskriptibo kung saan ang kinakailangang kakitaan ng maayos na pagkakasunud-
pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan sunod at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap. Ang
ng mga katangian, anyo, hugis ng mga bagay o talata ay mahalagang magtaglay ng kaisahan.
pangyayari batay sa mga nakita, narinig,
natunghayan, naranasan, at nasaksihan. 4. May Paninindigan - Mahalagang mapanindigan ng
- Ang pamamaraang argumentatibo kung saan ang sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o
pagsulat ay naglalayong manghikayat o pag-aralan sapagkat hindi maganda ang magpabago-
mangumbinsi sa mga mambabasa. Madalas, ito bago ng paksa. Ang kanyang layunin na maisagawa ito ay
mahalagang mapanindigan niya hanggang sa matapos
niya ang kanyang isusulat. Maging matiyaga sa - paggawa at pagsusuri ng kurikulum
pagsasagawa ng pananaliksik at pagsisiyasat ng mga - pagsulat ng pagsusulit o assessment
datos matapos ang pagsulat sa napiling paksa. • Mga doctor at nars
- medical report
5. May Pananagutan - Ang mga ginamit na mga - narrative report tungkol sa physical examination
sanggunian ng mga nakalap na datos o impormasyon ay ng isang pasyente
dapat na bigyan ng nararapat na pagkilala. Ang maging 4. Dyornalistik na Pagsulat
mapanagutan ang manunulat sa awtoridad ng mga (Journalistic Writing)
ginamit na sanggunian ay isang paraan ng pagpapakita  Ito ay may kaugnayan sa pamamahayag. Kasama
ng paggalang sa mga taong nakatulong sa iyo bilang rito ang pagsulat ng:
bahagi ng etika ng akademikong pagsulat. Ito rin ay  totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at
makatutulong upang higit na mapagtibay ang kahusayan isyung nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na
at katumpakan ng iyong ginawa o sinulat. kanilang isusulat sa mga pahayagan, magasin, o
kaya naman ay iuulat sa radio at telebisyon.
Mga Anyo ng Akademikong Pagsulat 5. Reperensyal na Pagsulat
1. Malikhaing Pagsulat (Referential Writing)
(Creative Writing) Layunin:
Pangunahing layunin:  bigyang pagkilala ang pnagkunang kaalaman o
 maghatid ng aliw impormasyon sa paggawa ng:
 makapukaw ng damdamin  irekomenda sa iba ang mga sangguniang
 makaantig ng imahinasyon at isipan maaaring pagkalapan ng mayamang kaalaman
 Karaniwang ito’y naisusulat bunga ng malikot na hinggil sa isang tiyak na paksa
isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay  Karaniwang makikita ito sa huling bahagi ng
na pangyayari o kaya naman ay bunga ng isinasagawang pananaliksik o kaya’y sa
imahinasyon o kathang-isip lamang. kabanatang naglalaman ng Review of Related
• maikling kuwento, dula, malikhaing sanaysay, Literature
komiks, iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, Review of Related Literature
pelikula, atb. (Kaugnay na mga Literatura)
2. Teknikal na Pagsulat  mga teoryang pinaghanguan ng mga prinsipyo at
(Technical Writing) batayan upang makapagbalangkas ng mga
Pangunahing layunin: konsepto sa pagbuo ng isinasagawang
 pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay pananaliksik
bumuo ng isang pag-aaral na kailangan lutasin
ang isang problema o suliranin Layunin ng Akademikong Pagsulat
 Bagamat naituturing na malawak ang kaisipang Ayon kay Royo (2001) sa aklat ni
nasasakop nito, ang inaasahang higit na Dr. Eriberto Astorga, Jr. na
makakaunawa lamang ay ang mga mambabasa “Pagbasa, Pagsulat at Pananaliksik”
na may kaugnayan sa tinalakay na proyekto o  malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog
suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na sa damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan
disiplina o larangan. nito, naipahahayag niya ang kanyang damdamin,
• Feasibility Study on the Construction of Platinum mithiin, agam-agam,bungang-isip at mga
Towers in Makati pagdaramdam
• Project on the Renovation of Royal Theatre in Ang pangunahing layunin ng pagsulat:
Caloocan City  mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala,
• Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina kaalaman, at mga karanasan ng taong sumusulat
 magtaglay ng katangiang mapaghikayat upang
3. Propesyonal na Pagsulat mapaniwala at makuha ang atensiyon ng mga
(Professional Writing) mambabasa
 mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na  Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito
larangang natutuhan sa akademya o paaralan. sapagkat masasayang ang mga isinulat kung
Binibigyang pansin nito ang tungkol sa napiling hindi ito magdudulot ng kabatiran at pagbabago
propesyon o bokasyon ng isang tao sa pananaw, pag-iisip, at damdamin ng
• Mga guro makababasa nito.
- lesson plan
Ayon kay Mabilin (2012) ng kaalaman para sa akademikong
“Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong pagsusulat
Filipino”
 Ang layunin sa pagsasagawa ng akademikong
pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang
bahagi:
 Personal o ekspresibo
 Panlipunan o sosyal
Personal o Ekspresibo
Layunin:
nakabatay sa pansariling panananaw, karanasan, naiisip
o nadarama ng manunulat
 maaaring magdulot sa bumasa ng kasiyahan,
kalungkutan, pagkatakot o pagkainis depende sa
layunin ng taong sumusulat
 maikling kuwento, tula, dula, awit, atbp akdang
pampanitikan
Panlipunan o Sosyal
Layunin:
makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan
(transaksyunal)
 Maaaring magkasabay na maisagawa ang
layuning personal at panlipunan partikular sa
mga akdang pampanitikang nasulat bunga ng
sariling pananaw ng may-akda na maaaring
magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan.
 Liham, balita, korespondensya, pananaliksik,
sulating panteknikal, tesis, disertasyon, atbp.

Kahalagahan ng Akademikong Pagsulat


1. masasanay ang kakayahang mag-organisa ng
mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan
2. malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga
datos na kakailanganin sa isinasagawang
imbestigasyon o pananaliksik
3. mahuhubog ang kasisipan ng mga mag-aaral
sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat
batay sa mga nakalap na impormasyon
4. mahihikayat at mapapaunlad ang kakayahan sa
matalinong paggamit ng aklat sa paghahanap ng
materyales at mahahalagang datos na
kakailanganin sa pagsulat
5. magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng
mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa
lipunan
6. mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at
pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap
7. malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng
mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis

You might also like