You are on page 1of 35

Pagsulat ng Buod at

Sintesis
•Ang buod ay tala ng isang
indibidwal, sa sarili niyang
pananalita, ukol sa kanyang
mga naririnig o nabasang
artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-
usapan, at iba pa.
Tatlong Pangangailangan sa
Pagsulat ng Buod:
Swales at Feat (1994)
•Kailangang ang isang buod ay
tumatalakay sa kabuoan ng orihinal
na teksto.
•Kailangang nailahad ang sulatin sa
pamamaraang nyutral o walang
kinikilingan.
•Kailangang ang sulatin ay
pinaiksing bersyon ng orihinal at
naisulat ito sa sariling pananalita ng
gumawa.
Katangian ng Mahusay na Buod
1. Nagtataglay ng Obhetibong
balangkas ng orihinal na teksto
• Sumasagot sa tanong na Ano, Sino,
Saan, Kailan, Bakit at Paano.
Halimbawa:
Ano ang pangunahing ideya ng
teksto?
Ano-ano angpangunahing ebidensya?
2. Hindi nagbibigay ng sariling
ideya at krisitismo
•Tanging ang orihinal na teksto
lamang ang dapat isama o
isulat.
3. Hindi nagsasama ng mga
halimbawa, detalye o
impormasyong wala sa orihinal na
teksto.
•Sa ganitong uri ng sulatin ay ang
paglalahad ng mga
mahahalagang impormasyong
nabanggit sa isang akda sa mas
maiksi at katulad na linaw ng
orihinal.
Gumagamit ng mga susing salita

•Dapat gamitin ang mga susing


salita na ginamit sa orihinal na
teksto. Ang mga susing salita
ay ang pangunahing konsepto
na pinagtutuunan ng teksto.
Gumagamit ng sariling pananalita
ngunit napapanatili ang orihinal na
mensahe
•Ang paggamit ng sariling
pananalita ay makatutulong ng
malaki upang maihayag ang
katulad na mensahe mula sa
orihinal na teksto sa mas
maikling pahayag.
Mga Hakbangin sa Pagbubuod
•Habang binabasa ang akda,
salungguhitan ang mga
mahahalagang punto at
detalye.
•Ilista o igrupo ang
pangunahing ideya, ang mga
katulong na ideya, at ang
pangunahing paliwanag sa
bawat ideya.
•Kung kinakailangan, ayusin ang
pagkakasunod-sunod ng mga
ideya sa lohikal na paraan
•Kung gumagamit ng unang
panauhan ang awtor, palitan ito
ng kanyang apelyido, ng Ang
manunulat o siya.
•Isulat ang buod.
Kahulugan at Anyo ng Sintesis
•Pagsasama-sama ng dalawa o
higit pang buod.
•Pagsasama-sama ng iba’t ibang
mga akda upang makabuo ng
isang akdang nakapag-uugnay
sa nilalaman ng mga ito.
•Ginagamit ang sariling
pananalita ng sumulat.
•Explanatory Synthesis
•Argumentative Synthesis
Mga Uri at Katangian ng
Mahusay na Sintesis
Background Synthesis

•Kailangang pagsama-samahin
ang mga sanligang
impormasyon ukol sa isang
paksa at karaniwan itong
inaayos ayon sa tema at hindi
ayon sa sanggunian.
Thesis-driven Synthesis
•Hindi lamang simpleng
pagpapakilala at paglalahad
ng paksa ang kailangan
kung hindi ang malinaw na
pag-uugnay ng mga punto
sa tesis at sulatin.
Synthesis for the literature
1. Nag-uulat ng tamang
impormasyon mula sa mga
sanggunian at gumagamit ng
iba’t ibang estruktura ng
pagpapahayag;
2. Nagpapakita ng iba’t ibang
organisasyon ng teksto na kung
saan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba’t
ibang sangguniang ginamit;
3. Napagtitibay nito ang nilalaman ng
mga pinaghanguang akda at
napalalalim nito ang pag-unawa ng
nagbabasa sa mga akdang pinag-
uugnay-ugnay.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng
Sintesis
1. Linawin ang layunin sa
pagsulat

•Dapat masagot ang tanong


na:
•Bakit ito susulatin?
•Para saan ba ito?
2. Pumili ng mga naaayong
sanggunian batay sa layunin at
basahin nang mabuti
3. Buuin ang tesis ng sulatin
•Tiyakin ang sintesis na
gagawin. Ito ang
pangunahing ideya ng
isusulat.
4. Bumuo ng plano sa
organisasyon ng sulatin
• Ang balangkas na ito ay nakaayon sa
iba’t ibang mga teknik sa pagdebelop
ng sintesis.
• Kasama sa mga teknik na ito ang
pagbubuod, paggamit ng halimbawa o
ilustrasyon, pagdadahilan, konsesyon
o komparison at kontrast.
Pagbubuod

•Pinakasimple at ‘di-
komplekadong paraan ng
pagsulat ng sintesis.
Pagbibigay halimbawa o
paggamit ng ilustrasyon
• Isang teknik na ginagamit sa
pagtukoy ng isang partikular na hal.
inilahad sa isang sanggunian o
ilustrasyon na ginamit dito. Tiyakin
lamang na ilagay ang pinagmulan
nito upang malinaw na makita kung
sino ang nagsasabi o saan ito
nanggaling.
Pagdadahilan
• Inihahayag ang tesis at iniisa-isa
ang mga dahilan kung bakit ito ay
totoo o mahalaga.
Komparison at Kontrast
•Pahihimay-himay ng
pagkakatulad at pagkakaiba
ng mga akda o sanggunian.
Isulat ang unang burador
Ilista ang mga sanggunian
•Gamit ang pormat na
pinepreskrayb ng guro, ilista at
ayusin ang mga ginamit na
sanggunian.
Rebisahin ang sintesis
•Basahin muli, hanapin ang
mga kamalian, isulat muli ang
sintesis para maisama ang mga
nakitang punto na dapat
baguhin.
Isulat ang pinal na sintesis

You might also like