You are on page 1of 11

SINTESIS AT BUOD

AKADEMIKONG SULATIN
ANO NGA BA ANG SINTESIS

• Ang sintesis ay nagmula sa salitang Griyego na “Syntithenai” na ang ibig sabihin ay put
together or to combine(Harper 2016).
• Ito ay paggawa ng koneksyon sa dalawa o higit pang mga akda o sulatin.
• Maari itong maglaman o lahokan ng opinyon ng isang manunulat.
• Ito ay pagpapaikli na may layuning makabuo ng bagong kaalaman.
• Maaari ding pagsama samahin ang magkakatulad o magkakaibang punto mula sa iba’t
ibang
Sanggunian sa pagsulat ng sintesis.
DALAWANG ANYO NG SINTESIS

• EXPLANATORY SYNTHESIS
- Isang sulating naglalayong tulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan
ang mga bagay na tinatalakay
•ARGUMENTATIVE SYNTHESIS
-Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumulat nito.
MGA URI NG SINTESIS

√BACKGROUND SYNTHESIS
-nangangailangang pagsama-samahin ang mga sinilang impormasyon ukol sa isang paksa.
√THESIS-DRIVEN SYNTHESIS
-Halos magkatulad lamang ito ng background sintesis ngunit magkaiba lang sila ng
pagkakatuon.
√SYNTHESIS FOR THE LITERATURE
-ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.
MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS.

• Nag uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang
estruktura at pahayag.
• Nagpapakita ng mga organisasyon ng teksto kung saan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang sangguniang ginagamit.
• Nagpapatibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napailalim nito ang
pag-unawa ng nagbabasa sa mga akdang pinag uugnay-ugnay.
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS

1.Linawin ang layunin ng pagsulat.


2.Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahing mabuti
ang mga ito.
3.Buuin ang tesis ng sulatin.
4.Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.
ANO NAMAN ANG BUOD?

• Ang buod ay isang uri ng pagpalagom na mula lamang sa isang sanggunian o paksa.
• Hindi nangangailangan ng bagong ideya at opinyon.
• Mahalagang punto lamang ang nilalaman ng buod.
MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD

1. Tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto


2. Nailalahad sa pamaraang nyutral o walang kinikilingan.
3. Pinaikling bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA
BUOD
• Nagtataglay ng obhentibong balangkas ng orihinal na teksto.
• Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo,hindi nagsasama ang mga
halimbawa,detalye o impormasyong wala sa orihinal teksto.
• Gumagamit ng mga susing salita.
• Gumagamit ng sariling pananalita ngunit mapapanatili padin ang mensahe.
HAKBANGIN NG PAGBUBUOD

1. Habang binabasa ang akda,salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.


2. Ilista o igrupo ang pangunahing ideya,ang mga katulong na ideya at ang pangunahing
paliwanag sa bawat ideya.
3. Ayusin ang pagka sunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.
4. Kung gumamit ng unang panauhan ang awtor,palitan ito ng kanyang apelyido ng” Ang
manunulat”o”sya”.
5. Isulat ang buod.
DAPAT TANDAAN SA BUOD AT SINTESIS

• Ang buod at sintesis ay paraan ng paglalagom


• Ang buod ay paglalagom mula sa isang sanggunian lamang.samantalang mula naman sa
ibat ibang sanggunian ang sintesis.
• Ang paglalagom ay dapat na higit na maikli kaysa sa pinaghanguan.

You might also like