You are on page 1of 34

PANALANGIN:

O Panginoon, na lumikha ng sanlibutan, Ika’y karapatdapat na purihin. Kami ay


buong loob na sumasamba sa iyo sapagkat ikaw ang dahilan ng aming
pagkabuhay.
O Diyos, kami ay nagtitipon ngayon upang gumawa ng mabuti sa ngalan Mo.
Kami ay buong kababaang loob na himihingi ng Iyong awa at kapatawaran.
Patnubayan Niyo po kami sa landas na aming tatahakin.Nawa’y mabiyayaan
ang aming pagsisikap ng mga kabatiran at pag-unawa, karunungan, at pag
galang sa lahat.
Nawa’y pagkalooban mo po kami ng lakas, integridad at husay upang kami’y
kumilos ng maayos sa lahat ng bagay.
Ang aming buong pananampalataya ay para sa Iyo.
Sa ngalan ng Diyos na lumikha. Amen.
Pagsulat ng Filipino sa Piling Larangan ACCOUNTANCY,
BUSINESS AND
MANAGEMENT
(ABM) STRAND
Unang Markahan – Aralin 4:

PAGSULAT NG SINTESIS O
BUOD

BEVERLY FORTALIZA-NICOLAS 1
LAYUNIN:
 Natutukoy ang pagkakaiba ng Sintesis at Sinopsis/Buod

 Naiisa-isa ang hakbang sa pagsulat ng Sintesis at Buod.

 Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng


akademikong sulatin

 Nakasusulat ng isang abstrak batay sa isang pananaliksik 2


AYUSIN MO ANG BUOD
KO…
1. Ang bawat pangkat ay pipili ng 10 miyembro na
siyang magsasagawa ng laro.
2. Bawat pangkat ay bibigyan ng isang sobre na 10
pirasong papel at bawat isa ay naglalaman ng
pangungusap.
3. Bawat 1 ay kukuha ng isang papel at pupunta sa
unahang upuan upang ilapat ang bawat
pangungusap ayon sa pagkakasunod-sunod nito. 3
AYUSIN MO ANG BUOD
KO…
4. Ang unang grupo na matatapos ang
siyang magwawagi at makakakuha ng isang
surpresa mula sa iyong guro 
5. Ang laro ay bubunuin ng 3 minuto
lamang. Kaya’t pabilisan ang labanan dito.
3
AYUSIN MO ANG BUOD
1. Walang sawang lumangoy at naglaro ang mag-ina sa dagat.
2. Pagkadating sa resort ay agad na nagyaya ang kanyang anak na maligo sa dagat.
KO…
3. Bilang pagbawi sa tatlong taong hindi nila pagkikita ng kanyang anak ay
naipangako niyang dadalhin niya ito sa isang mamahaling resort, ang Amanpulo.
4. Masayang-masaya ang mag-ina sa ganoong sitwasyon nang bigla na lamang silang
napahinto sa biglang pagdilim ng kapaligiran.
5. Maagang gumising ang ina upang mag-empake ng mga damit na dadalhin.
6. Niyakap nang mahigpit ng ina ang kanyang anak.
7. Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang malaking ipo-ipong pababa sa gitna ng
dagat.
8. Nakikita nilang Iumalaki ang alon kaya mabilis silang umahon sa dalampasigan.
9. Bagama’t sila ay nakaahon sa dalampasigan, biglang rurnagasa ang higanteng alon
at sila ay sinaklot at tinangay.
10. Matapos ang pangyayari, kasama sila sa mga biktima ng trahedya na laman ng
3
sariwang balita.
BUOD AT SINTESIS
Mula lamang
sa isang Hindi
sanggunian o nangangailangan ng
paksa. BUOD bagong ideya o
opinion.
Mahahalagang punto
lamang ang nilalaman nito.
3
BUOD AT SINTESIS
Syntithenai - Salitang Griyego(Harper 2016)
Pagpapaikli mula Put together o combine
Maaaring
sa iba’t ibang maglaman ng
sanggunian SINTESIS opinion ng
manunulat.
Ito ay pagpapaikli na may
layuning makabuo ng Pinagsama-sama nito ang
bagong kaalaman. magkakatulad o magkakaibang
punto ng iba’t-ibang sanggunian. 4
KATANGIAN NG
MAHUSAY NA
SINTESIS
1. Ang haba ng iyong papel ay lima
hanggang pitong pahinana may palugit.
Hindi kasama rito ang iyong
bibliyograpiya.
5
KATANGIAN NG
MAHUSAY NA
SINTESIS
2. Nag-uulat ng tamang impormasyon mula
sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t
ibang estruktura at pahayag.

6
KATANGIAN NG
MAHUSAY NA
SINTESIS
3. Nagpapakita ng organisasyon ng teksto
na kung saan madaling makikita ang mga
impormasyong nagmumula sa iba’t ibang
sangguniang ginagamit.
7
KATANGIAN NG
MAHUSAY NA
SINTESIS
4. Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga
pinaghanguang akda at napaialalim nito
ang pag-unawa ngnagbabasa sa mga
akdang pinag-ugnay-ugnay
8
2 ANYO NG
SINTESIS
1. EXPLANATORY SYNTHESIS
- Isang sulating naglalayong tulungan ang
mambabasa o nakikinig na lalong
maunawaan ang mga bagay
natinatalakay.
9
2 ANYO NG
SINTESIS

2. ARGUMENTATIVE SYNTHESIS
- Ito ay may layuning maglahad ng
pananaw ng sumusulat nito.

10
MGA URI NG
SINTESIS
1.BACKGROUND SYNTHESIS.
Ito ay isang uri ng sintesis na
nangangailangang pagsama-samahin ang
mga saligang impormasyon ukol sa isang
paksa at karaniwan itong inaayos ayon sa
tema at hindi ayon sa sanggunian. 11
MGA URI NG
SINTESIS
2. THESIS-DRIVEN SYNTHESIS.
Halos katulad lamang ito ng background
synthesis ngunit nagkakaiba lamang sila sa
pagtutuon sapagkat sa ganitong uri ng sintesis
hindi lamang simpleng pagpapakilala at
paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi
ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa 12
tesis ng sulatin
MGA URI NG
SINTESIS
3. SYNTHESIS FOR LITERATURE.
Ito ay pagbabalik-tanaw o pagrebyu sa
mga naisulat nang literature tungkol sa
paksa. Para maipakita ang malawak na
kaalaman sa paksa. Ito ay tumutuon sa mga
literaturang gagamitin sa Pananaliksik na
isinasagawa.
13
MGA HAKBANG
NG PAGSULAT NG
SINTESIS
• BAGO SUMULAT NG SINTESIS- Ito ang mga
paghahandang kailangan tugunan ng
manunulat sa gagawing pagsulat ng sintesis.
• AKTUWAL NA PAGSULAT NG SINTESIS- Ito
ang mismong pagsulat ng sintesis na
nakabatay sa kayarian ng mga bahaging 14
bumubuo sa isang sintesis.
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

• BAGO SUMULAT NG SINTESIS


1. Pumili lamang ng magiging tuon ng
talakayan hinggil sa paksa.
2. Linawin ang layunin ng gagawing pagsulat.
3. Magsaliksik ng mga sangguniang teksto.
4. Tukuyin ang magkaka-ugnay na kaisipan
mula sa mga nakalap na teksto. 15
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

• BAGO SUMULAT NG SINTESIS


5. Bumuo ng pangkalahatang pananaw
(thesis) ng susulating sintesis.
6. Pagpasyahan kung paano nais gamitin ang
mga nakalap na sanggunian.
7. Sinsinin ang koleksiyon ng mga
sanggunian. 16
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

AKTUWAL NA PAGSULAT NG SINTESIS


 Isaalang-alang ang
Mga bahagi ng Teksto:
• Pamagat – Kinakatawan nito ang
pagkakakilanlan ng sintesis.
• Panimula – Ito ang naglalaman ng
pangkalahatang pananaw na katumbas ng
saklaw ng talakayan ng kabuuan ng teksto. 17
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

AKTUWAL NA PAGSULAT NG SINTESIS


• Katawan – Ito ang naglalaman ng mga
pangunahing ideya, kasama ang mga susog
na paliwanag at mga kalakip na patunay na
nagsisilbing suportang impormasyon at
paglalahad upang mapagtibay ang
kawastuhan ng pangkalahatang pananaw. 18
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

AKTUWAL NA PAGSULAT NG SINTESIS


• Pangwakas – Nilalaman nito ang
kahalagahan at kaugnayan ng paksang
tinalakay sa kasalukuyang panahon,
kalagayang panlipunan, at/o buhay ng
mambabasa.
19
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

AKTUWAL NA PAGSULAT NG SINTESIS


 Isaalang-alang ang mga
Uri ng paglalahad ng detalye:
• Sekwensiyal - pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang salaysay na ginagamitan
ng mga panandang naghuhudyat ng
pagkakasunod-sunod tulad ng una,
pangalawa, pangatlo, susunod, at iba pa. 20
MGA HAKBANG NG PAGSULAT
NG SINTESIS

AKTUWAL NA PAGSULAT NG SINTESIS


Uri ng paglalahad ng detalye:
• Kronolohikal—pagsusunod-sunod ng mga
impormasyon at mahahalagang detalye ayon
sa pangyayari.
• Prosidyural—pagsusunod-sunod ng mga
hakbang o proseso ng pa gsasagawa.
21
MGA DAPAT
TANDAAN!

1
Ang buod at sintesis ay parehong
paraan ng paglalagom.

22
MGA DAPAT
TANDAAN!

2
Ang buod ay paglalagom mula sa
isang sanggunian lamang,
samantalang mula naman sa iba’t-
ibang sanggunian ang sintesis
23
7
MGA DAPAT
TANDAAN!

3
Ang alinmang paglalagom ay higit
na maikli kaysa sa orihinal na
pinaghanguan nito.
24
7
8
MGA URI NG BUOD
1. Presi – galing sa salitang precis na ang ibig
sabihin sa lumang Pranses ay pinaikli.
- Ito ang buod ng buod.
- Ito ang pinakaikling buod ng
mahahalagang :
◦ 1 punto ◦ 2. pahayag
25
◦ 3. ideya ◦ 4. impormasyon
MGA URI NG BUOD
1. Presi - Katangian:
- Malinaw ang paglalahad.
- Kompleto ang mga ideya
- May kaisahan ng mga ideya
- May pagkakaugnay-ugay ang mga ideya
- Siksik sa dalawa hanggang tatlong
26
pangungusap ang pangkalahatang puntos
MGA URI NG BUOD
2. Hawig - Galing ito sa salitang Griyego
(Latin) na paraphrasis na ang ibig sabihin ay
dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.
- Katulad ito ng buod kung saan
ipinapahayag sa sariling pangungusap ang
mga pangunahing ideya ngunit nagkakaiba
27
ito sa pinipiling pahayag.
MGA URI NG BUOD
2. Hawig - Pinipili rito ang pinakamahalagang
ideya at sumusuportang ideya o datos.
- Ginagamit ang ang mga kataga at pandiwa
na paraangg nag-uulat ng sinassabi ng may
akda ngunit nilalagyan ng panipi.
28
MGA URI NG BUOD
3. Lagom o Sinopsis - Isa itong pagpapaikli ng
mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
- Karaniwang di-lalampas sa dalawang pahina.
- Ginagamit sa mga panloob o panlabas ng
pabalat ng isang nobela na tinatawag na jacket
blurb.
29
Katanungan:
Sa sariling pananalita at batay sa sariling
pagkaunawa, ano ang sitesis?

Bakit nakasalalay sa kakayahang umunawa at


magsuri ng manunulat ang kabisaan ng isang
sintesis?
13

You might also like