You are on page 1of 3

FILIPINO REVIEWER 101

KABANATA III
PAGSULAT NG BUOD AT SINTESIS

ANO BA KAHULUGAN NG BUOD?


Tala ng isang indibidwal, sa sarili niyang pananalita, ukol sa kanyang mga narinig o nabasang artikulo, balita, aklat,
panayam, isyu, usap-usapan at iba pa.

MGA KINAKAILANGAN SA PAGSULAT NG BUOD:


• Kailangan ang isang buod ay tumatalakay sa kabuuan ng orihinal na teksto.
• Kailangang nailalahad ang sulatin sa pamamaraang nyutral o walang kinikilingan.
• Kailangan ang sulatin ay pinaiksing bersyon ng orihinal at naisulat ito sa sariling pananalita ng gumawa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA BUOD:


• Nagtataglay ng obhetibong balangakas ng orihinal na teksto.
• Hindi nagbibigay ng sariling ideya at kritisismo. Hindi nagsasama ng mga halimbawa, detalye, o
impormasyong wala sa orihinal na teksto.
• Gumagamit ng mga susing salita
• Gumagamit ng sariling pananalita ngunit napapanatili ang mensahe.

MGA HAKBANGIN SA PAGBUBUOD:

• Habang binabasa ang akda, salungguhitan ang mga mahahalagang punto o detalye.

• Ilista o igrupo ang pangunahing ideya, ang mga katulong na ideya, at ang pangunahing paliwanag sa bawat
ideya.

• Ayusin ang pagkasunod-sunod ng mga ideya sa lohikal na paraan.


• Kung gumamit ng unang panuhan ang awtor, palitan to ng kanyang apelyido, ng “Ang manunulat”, o “siya”. •
Isulat ang buod.

ANO BA ANG SINTESIS?


Ito ang paggawa ng koneksyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda o sulatin.

2 ANYO NG SINTESIS:
• EXPLANATORY SYNTHESIS:
Isang sulating naglalayong yulungan ang mambabasa o nakikinig na lalong maunawaan ang mga bagay na
tinatalakay.
• ARGUMENTATIVE SYNTHESIS:
Ito ay may layuning maglahad ng pananaw ng sumusulat nito.

MGA URI NG SINTESIS:


• BACKGROUND SYNTHESIS
Nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa.
• THESIS-DRIVEN YNTHESIS
Halos katulad lamang ito ng background synthesis ngunit magkaiba lamang sila ng pagkatuon.
• SYNTHESIS FOR THE LITERATURE
Ginagamit ito sa mga sulating pananaliksik.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA SINTESIS:


Nag-uulat ng tamang impormasyon mula sa mga sanggunian at gumagamit ng iba’t ibang estruktura at pahayag.

Nagpapakita ng organisasyon ng teksto na kung saan madaling makikita ang mga impormasyong nagmumula sa
iba’t ibang sangguniang ginagamit.


Nagpagtitibay nito ang nilalaman ng mga pinaghanguang akda at napaialalim nito ang pag-unawa ng
nagbabasa sa mga akdang pinag-ugnay-ugnay.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:


• Linawin ang layunin ng pagsulat.
• Pumili ng mga naayong sanggunian batay sa layunin at basahin ang mabuti ang mga ito.
• Buuin ang tesis ng sulatin.
• Bumuo ng plano sa organisasyon ng sulatin.

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SINTESIS:


• Isulat ang unang burador.
• Ilista ang sanggunian.
• Rebisahin ang sintesis.
• Isulat ang pinal na sintesis.

KABANATA IV:
PAGSULAT NG ABSTRAK

KAHULUGAN AT KABULUHAN NG ABSTRAK:


• Ito ay isang maikling buod ng artikulong nakabatay sa pananaliksik, tesis, rebyu o katitikan ng
komprensya.

• Inilalagay ang abstrak sa unahang bahagi ng manuskrito na nagsisilbing panimulang bahagi ng ano mang
akademikong papel.

TATLONG URI NG ABSTRAK:


IMPORMATIBONG
ABSTRAK
Ito ay nagbibigay-alam sa mga mambabasa at nagbibigay ng pangunahing impormasyon mula sa bawat seksyon ng
ulat.
• DESKRIBTIBONG ABSTRAK
Ito ay nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing paksa at layunin, kasama na ang pangkalahatang ideya ng mga
nilalaman.
• KRITIKAL NA ABSTRAK
Ito ay nagbibigay ng mga karagdagang paglalarawan ng mga natuklasan o mga impormasyon.

MGA NILALAMAN NG ABSTRAK


• Motibasyon
• Suliranin
• Pagdulog at Pamamaraan
• Resulta
• Kongklusyon

KABANATA V:
PAGSULAT NG TALUMPATI

ANO BA ANG TALUMPATI?


Isang pormal na pagsasalita sa harap ng mga tagapagkinig o audience.

DALAWANG URI NG TALUMPATI:


• IMPORMATIBONG TALUMPATI
Naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang, pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto, at iba pa.
• MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI
Ito ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.

MGA KRITIKAL NA PAGTANONG MAPANGHIKAYAT NA TALUMPATI:


• Pagkwestyon sa Isang Katotohanan
• Pagkwestyon sa Pagpapahalaga
• Pagkwestyon sa polisiya

DALAWANG PARAAN NG PAGTATALUMPATI:


• IMPROMPTU O BIGLAANG TALUMPATI:
Isinasagawa ang talumpating ito ng walang paghahanda.
• EKSTEMPORANYO O PINAGHANDAANG TALUMPATI
Ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan, at ineensayo bago isagawa.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI:


• Piliin ang isang pinakamahalagang ideya.
• Magsulat kung paano ka magsalita.
• Gumamit ng kongkretong salita at halimbawa.
• Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na ginagamit sa talumpati.
• Gawing simple ang pagpapahayag sa buong talumpati.

You might also like