You are on page 1of 11

ABSTRAK

SIMULAIN PARA SA IYO


Isulat ang salitang MAYROON kung ang katangian ng abstrak ang
inilalahad sa bawat bilang at WALA naman kung ang pahayag ay hindi
taglay ng abstrak.

______1. Ang abstrak ay maargumento ang nilalaman.


______2. Inilalarawan ng abstrak ang nilalaman ng isang
pananaliksik.
______3. Maikling paglalahad lamang ang abstrak.
______4. Naglalaman din ito ng proposisyon ng isang
manunulat.
______5. Maaaring deskriptib o impormatib ang abstrak.
ABSTRAK
Ang salitang abstrak (abstract) ay mula sa
salitang Latin na abstrahere (The American
Heritage, 1994) na ang ibig sabihin ay draw
away nangangahulugan namang pull
something away o extract from. Ito ay
pagbubuod ng akademikong sulatin na laging
mababasa sa panimula o introduksiyon ng pag-
aaral.
DALAWANG URI NG ABSTRAK
Deskriptib
Ang deskriptib ay ang paglalarawan gamit ang teksto sa mga
mambabasa ng mga pangunahing ideya. Nakatuon ito sa layunin,
kaligiran at paksa ng papel nang hindi isinasama ang pamamaraan,
resulta at kongklusyon

Impormatib
Ang impormatib naman ay paglalahad ng mga mahahalagang ideya
at punto na nilagom mula sa paksa, layunin, kaligiran, metodolohiya,
kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon
KATANGIAN NG ABSTRAK
 Nagpapakita ng kapayakan ng isang pag-aaral upang
madaling maintindihan.
 Obhetibo at ginagamit ito sa pananaliksik
 Nagbibigay ng mga tiyak na ideya sa inaral
 Naglalarawan ng nilalaman sa pamamagitan ng mga
pangunahing ideya
 May kaisahan at kaugnayan ang bawat bahagi ng
isinulat.
Nabanggit na, na ang abstrak ay unang mababasa ng
mga nais matuklasan ang kabuuang nilalaman ng isang
pananaliksik. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba ng abstrak
sa introduksyon? Ayon sa The University of Adelaide, 2014,
narito ang mga sumusunod na pagkakaiba ng dalawa:
ABSTRAK INTRODUKSYON

Ang kahalagahan ng isang Ipinakikilala ang pananaliksik


pananaliksik
Naglalaman ng mga sumusunod Naglalaman ng mga sumusunod
na pang-akademikong elemento: na pang-akademikong elemento:
 Sanligan  Sanligan
 Layunin at pokus  Layunin
 Metodolohiya  Proposisyon
 Resulta  Balangkas ng mga isyu
 Kongklusyon
 Rekomendasyon o
impllikasyon
Ibinubuod nang daglianang kabuuan Ipinakikilala ang pananaliksik at mga
ng isang pananaliksik kasama ang isyu ukol dito para sa isang
kongklusyon talakayan
KAHALAGAHAN AT KAPAKINABANGANG DULOT NG
PAGSUSULAT NG ABSTRAK
• Mahalaga ang abstrak sa mga mambabasa bilang
gabay sa nilalaman, nais malaman at sinaliksik. Kung
ang isang mambabasa ay isang mananaliksik din ay
mapapadali ang kanyang paghahanap ng mga
kanyang kinakailangang datos mula sa isang
sinaliksik na kapag may abstrak.
• Tumutulong ito sa mabilis na paglalahad ng kaluluwa
ng isang pinal na papel.
KAHALAGAHAN AT KAPAKINABANGANG DULOT NG
PAGSUSULAT NG ABSTRAK
•Natututo ang mga mananaliksik na maging
maingat sa pagkuha ng mga impormasyon para
sa lagom. Inilalabas ng isang mananaliksik ang
hindi niya pagiging maligoy sa paglalahad ng
kanyang paksang sinaliksik.

•Nagiging mapanuri ang mga mambabasa sa


nilalaman ng isang pinal na papel.
MGA HAKBANGIN AT DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG ABSTRAK
Sa pagsulat ng abstrak ng isang pinal na papel, dapat na
tandaan ang mga sumusunod:

1. Sa silid-aklatan, pumili ng isang pananaliksik na


may paksang kinawiwilihan mo.

2. Basahin at unawaing lubos ang mga nilalaman sa


bawat bahagi ng piniling pinal na papel upang maging
malinaw ang mga impormasyong dapat na isali at hindi
dapat isali sa pagsulat ng abstrak.
MGA HAKBANGIN AT DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG ABSTRAK
3. Maging mapanuri sa bawat bahagi at sa mga nilalaman.
4. Piliin o sipiin ang mga mahahalagang
natuklasan sa piniling pananaliksik.
5. Kapag sisimulan na ang pagsulat ng abstrak, sundin ang
balangkas at lagumin na ang mga pinakapaksa o mga
mahahalagang impormasyong nabasa.
6. Iwasang pahabain ang pagsulat ng abstrak at siguruhing
hindi maisasama ang mga hindi kinakailangang mga salita.
7. Iedit ang daloy at ang ekspresyon ng nabuong abstrak
bilang pinal na sulatin.

You might also like