PAGKILALA

You might also like

You are on page 1of 4

I.

PAGKILALA

1.Abstrak
2. Impormatib
3. Syntithenai (sintesis)
4. Katawan
5. Sekwensiyal
6. Kronolohikal
7. Abstrak
8. Prosidyural
9. Abstrahere
10. Sintesis

II. PAGPAPALIWANAG

1. Ito ay pinagsamasamang mga ideya tulad sa iba't


ibang pinagkunang impormasyon upang makabuo
ng sariling pagpapahayag ukol sa isang paksa. Mila
sa paghahasa, pagtitipon ng mga impormasyon at
pagkuha ng inga pangunahing ideya isinusulat ang
mga nahinuha sa isang partikular na palca.
Karaniwang ginagawa ito sa anyong deduktibo.
Makabubuo ng isang kongkhusyon batay sa mga
espisipikong halimbawa, paliwanag at obserbasyon.
Ang ganitong sulatin ay nagbibigay lamang ng
limitadong panahon at pagkakaton na
makapaglahad ng mga kahulugan, kahalagahan,
layunin, kaunting nilalaman at kongklusyon ukol sa
isang paksang nais talakayin. Ang pagkakabuo nito
ay mula sa sariling sikap ng isang manunulat na
makabuo ng isang pinailding tekstong tatalakay sa
napiling paksa nang hindi binabanggit ang
napakaraming impormasyon. Inilalahad lamang dito
ang mga mahinuha sa hindi maligoy na paraan.
Sinusulat ito sa ilang paraan ng pagpapahayag
paglalahad. paglalarawan, pangungumbinsi o
pagsasalaysay ngunit sa pinaikli, pinakapayak at
pinakamagaan na anyo nang hindi nawawala ang
orihinal na kaisipan ng akda. Sa madaling sabi, ito
ay isang anyo ng pagbubuod o paglalagom ng isang
binasang akda. Mag-aanyo ito ng pinaikling bersyon
ng isang orihinal na teksto.

2. Ang abstrak ay ang pagbubuod ng isang pinal na


papel o mga sinaliksik at pinalawak na paksang
pinag-aralan na laging mababasa sa panimula o
introduksiyon ng pag-aaral. Inilalahad ang
nilalaman ng isang pag-aaral sa pamamagitan ng
pagtatanggal ng napakaraming impormasyon at
naglalahad lamang ito ng mga mahahalagang
impormasyon upang maipakita ang kabuuan ng
isang paksang Inaral. Nilalamanan ito ng mga
pagaaral, saklaw ng inaral, mga pamamaraan,
resulta at kongklusyon (Koopman, 1997).
Samakatuwid, ito ay pinaikling anyo ng sulatin mula
sa isang mahabang sulatin (The University of
Adelaide, 2014). Ang abstrak ay mahalagang bahagi
ng mga ulat at pananaliksik at minsan sa iba pang
akademikong sulatin. Madalas ito ay huli na kung
sulatin ngunit unang mababasa kapag gusto ng mga
mambabasa na malaman ang pangkalahatang
nilalaman ng isang pinal na papel. Isinasangguning
isulat ang abstrak pagkatapos mabasa ang kabuuan
ng isang pananaliksik sapagkat magkakaroon ang
mambabasa nang mas malinaw na imahe at
konsepto ukol sa natuklasan at mga konklusyon
(The University of Adelaide, 2014). Sa pag-gawa ng
isang pananaliksik ang abstrak ang laging nahuhuli
dahil ito ay buod ng sulatin. Ang abstrak ay
nabubuo sa pamamagitan ng page-extract ng mga
mahahalagang detalye sa aralin. Tandaan hindi rin
magagawa ang abstrak kung walang mga nauunang
detalye o mga datos na naumpisahan. Ang abstrak
ay makatutulong sa mga mambabasa na makuha
ang kabuuan ng aralin. Ang abstrak ay may
dalawang uri.

3. Nakatutulong ang abstrak sa papel dahil ito ang


nagsisilbing maikling berisyon ng buong artikulo,
dokumento, saliksik, at ulat na sinasabi ring pinakabuod
nito. At dahil pinapalawak nito ang paksang pinag-aralan
na laging mababasa sa panimula o introduksiyon ng pag-
aaral. Inilalahad ang nilalaman ng isang pag-aaral sa
pamamagitan ng pagtatanggal ng napakaraming
impormasyon at naglalahad lamang ito ng mga
mahahalagang impormasyon upang maipakita ang
kabuuan ng isang paksang Inaral. Nilalamanan ito ng mga
pagaaral, saklaw ng inaral, mga pamamaraan,
resulta at kongklusyon (Koopman, 1997).
Mahalaga ang abstrak dahil ito ang nagsisilbing maikling berisyon ng buong
artikulo, dokumento, saliksik, at ulat na sinasabi ring pinakabuod nito.

II. PAGPAPALIWANAG

1. Kailan isinusulat ang sintesis? Ipaliwanag

2. Kailan isinusulat ang abstrak at bakit?


Ipaliwanag

3. Paanong nakatutulong ang abstrak sa papel


pananaliksik?

Good morning ma'am. Some of the students are not able to join due to a lack of a stable internet
connection.

You might also like