You are on page 1of 1

JOCEL G.

BUENAOBRA ABM 12-1


Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1.Ano ang abstrak?
- Ito ay pagbubuod ng isang pinal na papel o mga sinaliksik at pinalawak na paksang pinag-aaralan na
laging mababasa sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral. Inilalahad ang nilalaman ng isang pag-aaral
sa pamamagitan ng pagtatanggal ng napakaraming impormasyon at naglalahad lamang ito ng mga
mahahalagang impormasyon upang maipakita ang kabuuan ng isang paksang inaral.
2. Ibigay ang pagkakaiba at pakakapareho ng abstrak at introduksiyon gamit ang dayagram.

ABSTRAK PAGKAKAPAREHO INTRODUKSIYON

-Ibinubuod nang daglian ang kabuuan ng -Parehong mababasa sa unahang -Ipinakikilala ang pananaliksik at mga isyu
isang pananaliksik kasama ang bahagi ng pananaliksik. ukol dito para sa isang talakayan.
kongklusyon
-Naglalaman ng mga sumusunod na -Mahalang bahagi ng pananaliksik na -Naglalaman ng mga sumusunod na
pangakademikong elemento: naglalahat ng pangunahing ideya. pangakademikong element. Sanligan,
Sanligan,Layunin at pokus, Layunin, Proposisyon at Balangkas ng mga
Metodolohiya,Resulta, Kongklusiyon at isyu.
Rekomendasyon o implikasyon.

3. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano nagkakaiba ang dalawa?


- Nauuri sa dalawa ang abstrak, ito ay ang deskriptib at impormatib. Ang deskriptib ay ang
paglalarawan gamit ang teksto sa mga mambabasa ng mga pangunahing ideya. Nakatuon ito sa layunin,
kaligiran at paksa ng papel nang hindi isinasama ang pamamaraan, resulta at kongklusyon. Ang
impormatib naman ay paglalahad ng mga mahahalagang ideya at punto na nilagom mula sa paksa,
layunin, kaligiran, metodolohiya, kinalabasan ng pag-aaral at kongklusyon.
4. Bakit nangangailangang basahin nang maigi ang buong pananaliksik bago magsulat ng isang abstrak?
- Dahil ang Abstrak ay naglalaman ng mga tiyak na ideya sa inaral. Ito rin ang maglalarawan sa
nilalaman pananaliksik sa pamamagitan ng mga pangunahing ideya at kapayakan ng isang pag-aaral
upang madaling maintindihan. Ang abstrak ay mahalagang bahagi ng mga ulat at pananaliksik at minsan
saiba pang akademikong sulatin

5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng abstrak?


-Para mabilis na maunawaan ang paglalahad ng kaluluwa ng isang pinal na papel.
Mahalaga rin para sa mga mambabasa bilang gabay sa nilalaman, nais malaman at sinaliksik. Kung ang
isang mambabasa ay isang mananaliksik din ay mapapadali ang kanyang paghahanap ng mga
kinakailangang datos mula sa isang sinaliksik na kapag may abstrak. Natututo ang mga mananaliksik na
maging maingat sa pagkuha ngmga impormasyon para sa lagom. Inilalabas ng isang mananaliksikang
hindi niya pagiging maligoy sa paglalahad ng kanyang paksang sinaliksik.

You might also like