You are on page 1of 12

Kahulugan ng Abstrak

Ito ay tumutukoy sa isang talatang


nagbubuod ng kabuuan ng isang
natapos nang pag-aaral. Ito rin ay
kabuuang nilalaman ng papel, nandirito
ang pangunahing kaisipan ng bawat
kabanata sa pananaliksik.
Layunin sa Pagsulat ng Abstrak
- Mahalagang bahagi ng mga ulat at
pananaliksik
- Nagbibigay ng malinaw na larawan ng mga
nilalaman ng pananaliksik
1. Rasyunal ng pananaliksik
2. Pangkalahatang dulog na ginamit sa pananaliksik
3. Mahahalagang resulta o kinalabasan
4. Mahahalagang konklusyon o bagong mga
katanungang maaaring nabuo matapos ang
pananaliksik

Kailan Ito Isinusulat?


Kadalasang huling isinusulat, ngunit ito ang
unang makikita ng mga mambabasa upang
malaman ang pangkalahatang ideya ng
pananaliksik. Isinusulat ang abstrak na may
pandiwang nasa aspetong nagdaan o past tense
Mga Bahagi o Nilalaman ng Isang Abstrak
Kagiliran at Suliranin
Tinatalakay kung kailan, paano at saan nagmula ang
suliranin
Layunin
Dahilan ng pagsasagawa ng pag-aaral at kung paano
makakatulong ang pag-aaral sa paglutas ng suliranin
Pokus
Ibinabahagi dito ang paksang bibigyang diin o
emphasis sa pananaliksik
Metodolohiya
Maikling paliwanag ukol sa paraan o estratehiyang ginamit
sa pagsulat ng pananaliksik
a. Pangkasaysayan ( Historical )
b. Eksperimental ( Experimental )
c. Paglarawan ( Descriptive )
d. Kaso ( Case study )
e. Serbiyon ( Survey )
f. Pagsubaybay na pag-aaral (Follow-up studies)
g. Pagsusuri ng Dokumento
h. Kalakarang Pagsusuri ( Trend Analysis )

Kinalabasan at Konklusyon
- Tiyak na datos na
nakalap sa pananaliksik
- Kwantiteytib o Kwaliteytib
- Matagumpay o hindi
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
1. Basahin muli ang papel upang magkaroon ng
pangkalahatang-ideya
2. Pagkatapos, paikliin o mas gawing payak ang
impormasyon ng bawat seksyon sa isa o dalawang
pangungusap
3. Tignan at balikan kung nakuha ang lahat ng
mahahalagang punto ng papel
4. Bawasan ang mga salita upang ito ay sumakto sa
limitasyon ng pangungusap o salita
5. I-edit upang magkaroon ng maayos na daloy
Dalawang Uri ng Abstrak
1. Deskriptibo
- Nagbibigay ng paglalarawan sa pangunahing
paksa at layunin
- Sanaysay, editorial, libro
- 50-100 na salita
- Hindi isinasama: Metodolohiya,
Konklusyon, Resulta, at Rekomendasyon
2. Impormatibo
- Paggawa ng malinaw na pananaliksik
- Pagbigay ng pangunahing impormasyon
- kadalasan ginagamit sa larangan ng
siyensya, engineering, sikolohiya
- 200 na salita lamang
Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Maganda at Epektibong Abstrak
1. Sumulat lamang ng isang talata na magkakaugnay at
maigsi subalit malaman ang mga pangungusap.
Maisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng
pangatnig. Dapat may pagkakaisa sa talata.
2. Ilagay lahat ng mahahalagang elemento na makikita sa
buong papel
3. Dapat walang impormasyon na ilalagay na hindi naman
matatagpuan sa pananaliksik
4. Gumamit ng payak na salita upang maintindihan ng lahat ng
mambabasa
5. Gumagamit ng tamang gramatika sa wikang napili

You might also like