You are on page 1of 12

PAGSULAT

NG ABSTRAK
Bb. Marielle Angela B. Cruz
Layunin
✘ Naisasagawa nang mataman ang mga
hakbang sa pagsulat ng mga piniling
akademikong sulatin.
✘ Nakakasunod sa istilo at teknikal na
pangangailangan ng akademikong
sulatin.
✘ Nakakasulat ng isang abstrak batay sa
isang pananaliksik. 2
LAGOM/buod
Ang LAGOM ay ang pinakasimple at
pinakamaikling bersiyon ng isang sulatin o
akda. Sa pamamagitan ng Lagom nahuhubog sa
mga mag-aaral ang mga sumusunod na
kasanyan.
1. Patitimbang ng kaisipan
2. Pagsusuri ng nilalaman
3. Paghahabi ng mga pangungusap sa talata.
4. Pagpapayaman ng bokabularyo
ABSTRAK
Ito ay isang uri ng lagom/buod na
karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
akademikong papel tulad ng tesis,
siyentipiko at teknikal lektyur at mga
report.
Ito ay madalas makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o
pahina ng pamagat.
4
ABSTRAK
DESKRIPTIBO IMPORMATIBO
1. Inilalarawan sa mga 1. Binibigyang kaalaman ang mga
mambabasa ang mambabasa sa lahat ng punto ng
pangunahingnideya ng pananaliklsik.
pananaliksik.
2. Kabilang ang 2.Nilalagoim ang background,
background,layunin at pokus ng layunin,pokus,pamaraan resulta at
papel ngunit hindi na kabilang kongklusyon.
ang metodolohiya result at
kongklusyon.

5
ABSTRAK
Ayon kay Philip Koopman (1997) sa kanyang
aklat na HOW TO WRITE AN ABSTRACT, taglay
ng abstrak ang mga sumusunod na element:
INTRODUKSYON
SAKLAW AT LIMITASYON
METODOLOHIYA
RESULTA
KONGKLUSYON
6
PAMANTAYAN SA PAGSULAT
NG ABSTRAK
✘ Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat
makikita sa kabuuan ng isang papel.
✘ Iwasan ang statistical figures o table.
✘ Iwasan ang paggamit ng sariling opinyon sa pagsulat ng
abstrak.
✘ Dapat ito ay naka dobleng espasyo
✘ Gumamit ng malinaw at direktang mga pangungusap.
✘ Maging obhetibo sa pagsulat.
✘ Gawin itong maikli ngunit komprehensibo
✘ Maaring maglaman ng 100-200 na salita.
7
197

8
INTRODUKSYON
METODOLOHIYA
SAKLAW AT
LIMITASYON
RESULTA
KONGKLUSYON

9
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod

Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong General Education Curriculum(GEC)


alinsunod sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng kontrobersyal naCommission on
Higher Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of2013. Bunsod ng
nasabing CMO, burado na ang espasyo ng wika at panitikang Filipinosa kurikulum ng
kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ng mga grupongmakabayan sa bansa,
nagsasagawa ng konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidadna magkaroon pa rin ng
asignaturang Filipino sa kolehiyo, at puspusang gamitin bilangwikang panturo ang wikang
Filipino. Layunin ng papel na ito na ilahad ang pagsulong atpagbura sa mga tagumpay ng
wika at panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula1996 hanggang 2014. Saklaw nito
ang pagbabalik-tanaw sa mga polisiya noongpanahong kolonyal bilang batayan ng
malalim na pagsusuri sa mga kaugnay nakontemporaryong polisiya sa panahong
neokolonyal. Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa paggigiit ng espasyo
para sa wika at panitikang Filipino sakurikulum ng kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalim
na pag-iral nito sa panahongneokolonyal na walang ipinag-iba sa karimlang tinatanglawan
ng sulong aandap-andapman ay hindi naman namamatay
10
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang paksa ng pananaliksik?
2. Bakit pinag-aralan ng mananaliksik ang paksa?
3. Ano ang suliranin ng pananaliksik?
4. Paano kumalap ng datos ang mananaliksik?
5. Ano ang nagging resulta ng pananaliksik?
Ano ang implikasyon ng pananaliksik?

11
Ito ay isang pahapyaw na buod ng mga pangunahing puntos ng isang argument o teorya. Ito ay isang talatang
nagbubuod ng kabuuan ng isang natapos na pag-aaral.
Layunin nitong maipakilala sa mambabasa ang rasyunal ng pananaliksik, pangkalahatang dulog
na ginamit sa pananaliksik, mahahalagang resulta o kinalabasan at mahahalagang kongkusyon o bagong mga
katanungang maaaring nabuo matapos ang pananaliksik. Higit na mainam na maisulat ang abstrak kapag
natapos na ang pananaliksik upang mailahad ang kumpletong detalyeng hinihingi rito.Mahalaga rito ang
pagiging payak at tuwid ng mga pahayag yamang limitado lamang ang espasyo para dito. Ang kabuuan ng
abstrak ay kailangang maglaman ng mga sumusunod na detalye

a. layunin ng pag-aaral

b. modelong organism o deskripsyon ng hulwaran ng pananaliksik

c. kinalabasan, kasama na ang mga tiyak na datos tulad ng sa mga pananaliksik na kwantitatibo

Ang isang mahusay na abstrak ay kinakailangang naipapahayag lamang sa isang buong talata. Bilang
isang buod ng natapos na gawain, kailangang gumamit ng mga panandang pangnakaraan.

12

You might also like