You are on page 1of 6

Aralin

Iba’t ibang Akademikong


2 Sulatin
Napag-aralan na natin ang kahulugan ng akademikong pagsulat, palawakin pa
natin ang iyong kaalaman sa pagkilala ng ibat-ibang anyo ng akademikong sulatin.
Upang magabayan sa pag-unawa sa anyo ng akademikong sulatin, mainam na
maging gabay ang sumusunod na katanungan:

Para saan ang akademikong sulatin? Ano ang layunin, gamit, anyo at katangian
ng akademikong sulatin?

Ito ang kasanayang dapat mong matutunan sa modyul na ito.

Tuklasin

Panuto: Hanapin sa kahon ang angkop na bahagi ng Abstrak na inilalarawan sa


bawat bilang. Isulat ang sagot sa sagutang papel

1. Epekto ng Nomophobia sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral sa Ikalabing-


isang Taon
2. Upang mabatid ang epekto ng Nomophobia sa Akademikong Pagganap ng
mga Mag-aaral
3. Ang Nomophobia o No Mo (mobile) phobia (fear) ay isang uri ng pagkabahala na
nararamdaman ng isang tao kapag napawalay sa kanya ang kanyang smartphone.
4. Ang mga mananaliksik ay mamumudmod ng mga kwestyoneyr sa mga
mag-aaral na sangkot.
5. Batay sa mga nakalap na datos, napag-alaman ng mga mananaliksik na may
malaking epekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ikalabing-isang
taon ang Nomophobia.

Layunin Kagiliran at Suliranin Pokus


5

Department of Education ● Republic of the Philippines


Metodolohiya Konklusyon

Department of Education ● Republic of the Philippines


Suriin

Abstrak – Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag -aaral na inilalagay bago ang
introduksiyon. Ito ang siksik na bersiyon ng mismong papel.

Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel


siyentipiko at teknikal, lektyur at report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod
ang mga akademikong papel.
Ito ay karaniwang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat.

Mga Uri ng Abstrak


1. Deskriptibo

 Mas maikli (100 na salita)


 Suliranin at layunin ng pananaliksik, metodolohiyang ginamit at saklaw ng
pananaliksik.
 Hindi tinalakay ang resulta, kongklusyon at mga naging rekomendasyon ng
pag-aaral.

2. Impormatibo

Suliranin

Pagdulog at
Motibasyon Pamamaraan
Impormatibong
Abstak

Kongklusyon Resulta

 Pinakakaraniwan
5

Department of Education ● Republic of the Philippines


 200- 250 na salita
 Ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
 Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.

3. Kritikal
 Pinakamahabang uri ng abstrak
 Bukod sa Impormatibong Abstrak, binibigyang ebalwasyon din nito ang
kabuluhan, kasapatan at katumpakan ng isang pananaliksik

Bahagi ng Abstrak
Kagiliran at Suliranin - Tinatalakay kung kailan, paano at saan nagmula ang
suliranin

Layunin - rason ng pagsasagawa ng pag-aaral at kung paano makakatulong ang


pag-aaral sa paglutas ng suliranin.

Pokus - paksang binibigyang diin o empasis sa pananaliksik

Metodolohiya - maikling paliwanag ukol sa paraan o estratehiyang ginagamit sa


pagsulat ng pananaliksik

Konklusyon - Tiyak na datos na nakuha sa pananaliksik.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


1. Basahing muli ang buong papel.
2. Isulat ang unang draft ng papel.
3. Irebisa ang unang draft upang maiwasto ang anumang kahinaan.
4. I-proofread ang pinal na kopya.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak


1. Lahat ng mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa
kabuoan ng papel- ibig sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos
na hindi binanggit sa ginawang pag-aaral o sulatin

2. Iwasan ang paglalagay ng statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi

Department of Education ● Republic of the Philippines


ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para
humaba ito.
3. Gumamit ng mga simple, malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag
maging maligoy sa pagsulat nito.
4. Maging obhitibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at
hindi dapat ipaliwanag ang mga ito.
5. Higit sa lahat ay gawin itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral na
ginawa.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak


1. Binubuo ng 100-250 na salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap.
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
4. Nauunawaan ng target na mambabasa.

Department of Education ● Republic of the Philippines


6

Department of Education ● Republic of the Philippines

You might also like