You are on page 1of 29

Pagsulat sa Filipino

sa Piling Larang
Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 2:
Akademikong Sulatin:
Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng
Paglalagom
1
Page
Para Saan ang Modyul Na Ito
Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda
para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay
naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba’t ibang sulating lilinang sa mga
kakayahang magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling
larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba’t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan
katangian, layunin at gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba’t ibang
akademikong sulatin sa pamamagitan nang maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang
matamo ang mga kasanayang hinahangad.

Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa


kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip.

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin :


Aralin 1 : Uri ng paglalagom : Abstrak
Aralin 2 : Uri ng Paglalagom : Sinopsis/Buod
Aralin 3 : Uri ng paglalagom : Bionote

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:


I.Pamantayang Pangnilalaman:

Natitiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko.
II.Pamantayan sa Pagganap:
Nakasusulat ng 3-5 na sulatin mula sa nakalistang anyo na nakabatay sa pananaliksik.
III. Laang Oras : 4 na Oras
IV. Competency/Pampagkatuto:
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian
(d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. CS_FAPU-0d-f-93
V. Objectives/Layunin:
Mga Batayang dapat na matamo:
1. Nailalahad ang kahulugan ng abstrak, synopsis at bionote.
2. Nasusuri ang mga element nito.
3. Nakasusulat ng mga halimbawa ng bawat tinalakay.
Paano Mo Matututunan
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Magbigay nang malawak at mahabang panahon sa pagbasa, pag-unawa at


pagsusuri sa nilalaman ng mga aralin.
 Pag-aralan ang mga aralin nang may pagsisikap.
 Manaliksik sa iba pang sanggunian sa loob ng mga aklatan at websites ukol sa aralin
upang maragdagan ang kaalaman.
 Sundin ang mga panuto at patnubay sa anumang gawain upang makuha ang akma
at tumpak na sagot..
 Sagutin ang lahat ng mga gawain o pagsasanay, pagtataya at pagsusulit.
Aralin Uri ng Paglalagom:
1 Abstrak

Baitang : 12 Markahan : Una


Panahong

Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FAPU-0d-f-93

Subukin
Panuto: PAGSUSURI SA PAHAYAG: Suriin ang mga pahayag ,Isulat ang TAMA kung

ito ay nagtataglay ng katotohanan at MALI kung ito’y walang katotohanan.


1.Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang sulatin o akda.
Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang kabuoang kaisipang
nakapaloob sa paksang nilalaman sng sulatin o akda.

2.Isang kakayahang mahuhubog sa mga mag-aaral ang natutuhan ang pagtitimbang-


timbang ng mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na
kaisipan.

3.Ito lamang ang tinataglay ng Abstrak na mahahalagang elemento tulad ng Rasyunali /


Introduksyon, metodolohiya, saklaw at delimitasyon.

4.Kailangan ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat ito ay


nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.

5.Kailangang unahin mong isulat ang Abstrak bago ka magsimula sa pananaliksik.

Balikan
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Panuto: PAGKILALA SA PANGUNAHIN AT PANTULONG NA KAISIPAN.
Tukuyin ang pangunahin at mga pantulong na kaisipan sa teksto. Sa puntong ito, isulat
ang buong pangungusap sa bawat kaisipan. (Ang pangunahing kaisipan ay ang punong ideya na
makikita sa unahan, gitna at hulihan ng talata. Ang pantulong naman na kaisipan ay ang sumusuporta sa
Punong ideya)

Ang mga coronavirus ay iniisip na kumakalat sa hangin sa pag-


ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay o sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong o
mata. Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring
magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit
tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang
bagong uri na hindi pa nakikilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang
natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa
sa mga tao. (https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-facts-tl.aspx)

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pantulong na kaisipan

pangunahing kaisipan

Tuklasin
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Pagsulat ng Abstrak

Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng


isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang
kabuuang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa
nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng
isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral
habang nagsasagawa ng paglalagom. Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng
mga kaisipang nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang
pinakamahalagang kaisipang nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na
kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o
pinakadiwa ng akda o teksto. Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng
kanyang binabasa. Natutukoy niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang
dapat bigyan ng malalim na pansin ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang
hindi gaanong importante. Pangatlo, nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa
pagsulat ng partikular na ideya at ang tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata
sapagkat sa pagsulat ng lagom, mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi
maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin ay nakatutulong sa pagpapaunlad o
pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa pagsulat nito ay importanteng makagamit
ng mga salitang angkop sa nilalaman ng tekstong binubuod.

Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin


ay nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil
sa mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali
sa mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa
ng maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang
babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at
pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba’t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba’t ibang uri ng propesyon. Kaya
naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o
buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.

Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng


mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga
report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng
pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997),


bagama’t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw
at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.

1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.


2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na
kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan
ng pala-isipan kaugnay sa paksa.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng
mga detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig
sabihin, hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa
ginawang pag-aaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi
ito nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba
ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan
mauunawaan ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng
ginawa.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak


Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat
ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya
naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak.

1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.


2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung
sagyang kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang
kaisipang dapat isama rito mabuti ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa, sagutin ang
mga katanungan ukol dito.
1. Ano ang kahulugan ng lagom?
____________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. Ano-ano ang kasanayang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa ng


paglalagom?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

3.Paano nakatutulong sa iba’t ibang larangan ang kasanayan sa paglalagom?


_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

4.Sa paggawa ng isang pananaliksik , bakit kailangang pinakahuling isulat ang isang
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Abstrak ?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

5.Ano kaya ang bunga ng iyong gagawing Abstrak kung hindi ka sumunod sa mga paraan
sa pagsulat nito?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto : ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin
ang elemento nito.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal.  Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa
Sta. Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score
ng anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak
at kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-
aaral at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo
sa estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay


Luntian: Rasyunal
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik

Isaisip

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN: Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang
pangungusap na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang
pangunahing kaisipan.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Isagawa
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang matrix.

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon


Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng
mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng
antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan
sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag
na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
1.Introduksyon/Rasyunal 2.Saklaw At Delimitasyon

Kasanayan sa Pagsasalita ng mga


Mag-aaral sa Ikaapat na Taon

3.Metodolohiya 4.Resulta

Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang kahulugan,
kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat ito sa tasrt.
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Abstrak
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma
)

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Karagdagang Gawain
Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK: Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper mula sa iyong
sariling pananaliksik noong ikalawang semestre sa nagdaang taong-panuruan bilang tugon
sa pangangailangan ng asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik”. Sundin ang mga panuntunan sa pagbuo nito.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Aralin Uri ng Paglalagom:
2 Sinopsis
Baitang : 12 Markahan : Una

Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
Subukin
Panuto: PAGTUKOY SA PAKSA: Kilalanin ang tamang sagot sa mga katanungan.
Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panunuod ,
pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librai
____2. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____3.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____4. Sa pagbubuod, basahin, panuorin o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
_____5. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____6.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
_____7. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____8.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuuan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
_____9. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na
gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____10. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang
makamtan ang layuning makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma

Balikan
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Panuto: PAGSUSURI NG ELEMENTO NG ABSTRAK : Batay sa iyong nagawang
Abstrak mula sa dati mong pananaliksik sa baitang 11 sa asignaturang “Pagbasa at
Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik” suriin ang mga elemento nito.
Isulat sa tsart ang sagot.
Pamagat at Mananaliksik
Elemento ng Abstrak
Introduksyon/Rasyunal

Metodolohiya

Saklaw at Delimitasyon

Resulta

Tuklasin
Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga
akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula,
pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring buoin
ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring 1/3 ng
pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa
pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling
salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling
pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t nararapat na maging payak ang
mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay
ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis
ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di-tuwirang nakalahad
kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang
detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan?
Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging
madali ang pagsulat ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala
sa mga babasa nito kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng
pagbanggit sa pamagat at pinanggalingan ng akda .

Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga


kaisipang iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang
iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag
tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod


Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang
kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay ( gayunpaman,kung gayon,
samakatuwid,gayundin, sa kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga
pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng
dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha
ang orihinal na sipi ng akda.

Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis

1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa
pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan
ng karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino
ang nagkukwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan
ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.

Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom

Ang Alamat ng Ko So Thah


ni : Joaquin Sy

May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai.


Naninirahan sa paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at kapatid. Bagamat
mahirap,may paggalang at pagmamahal sila sa isa’t isa kung kaya’t kuntento at
masaya silang namumuhay.Ngunit heto’t dumating ang matinding tagtuyot hindi
lamang sa bukirin kundi pati sa karagatan. “Wari’y bigla ring naglaho ang isda sa
dagat!” Dahil sa pag-aalala sa kanilang kahihinatnan, matatag ang pagpapasya ni Hai
Seng na humanap ng ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya bangkang may
layag.Humayo siya habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang
isang napakalayong pulo ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang taon na siyang
namalagi roon kahit nangungulila sa asawa at kapatid.

Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai


Seng. Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-araw nila itong
gagawin.Sa bawat akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan nila pataas
para lalo nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang
hinihintay. ,kayat sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy sa
kinagat na daliri. Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang ito sa
kalawakan upang tangayin ng hangin.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila
itong nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may
layag na gawa ng mga kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok
ng bundok at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng
malaking alon ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng
maghipag. Agad silang bumaba ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati sila’y
nilamon ng mabagsik na karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo
sila ng pagoda sa salansan ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito
ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko So Thah.

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan
.
1.Ano-ano ang layunin ng pagbubuod / synopsis:
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2.Bakit kailangang banggitin ang pamagat at pinanggalingan ng akda sa iyong
pagbubuod?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Batay sa paksa ,masasabi mo bang kapaki-pakinabang ang pagsunod sa mga
pamamaran sa paggawa ng Sinopsis / ? Bakit?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
4. Isulat ang paraan o hakbang na ginagamit sa ikalawang pangungusap ng sinopsis ng
Ang Alamat ng Ko So Thah “May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng
Pao Kai. Naninirahan sa paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at kapatid.”
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
5. Bakit kailangang basahin o panoorin ang buong seleksyon ,akda o pelikula bago ka
sumulat ng buod ?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6..Kunin ang mga panghalip na panao na nasa ikatlong panauhan na maaaring( isahan
at maramihan) mula sa halimbawang sinopsis. “Ang Alamat ng Ko So Thah” hal. sila
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

7. Kunin din ang lahat ng pandiwang(verb) nasa pangkasalukuyang aspekto sa “Ang Alamat
ng Ko So Tah” hal. naninirahan -
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
__________________________________________________________________________
________________________
8. Ganoon din ang lahat ng pang-ugnay sa “Ang Alamat ng Ko So Thah”. hal.bagamat
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
___________________________________________

Pagyamanin
Panuto: PANONOOD NG EPISODO SA INTERNET : Pumili ng isang panoooring episodo
o dokumentaryo sa sumusunod na palabas sa telebisyon o internet sa mga pagpipilian sa
ibaba at gumawa ng sinopsis sa tulong nga graphic organizer . Sundin ang mga paalaala
at paraan sa pagsulat nito sa bondpaper.
A.Maalaala Mo Kaya (https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I)
B.Magpakailan Man (https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0)
C.I-Witness Dokumentaryo ni Kara David
(https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY)
Pamagat/

May-akda

Simula/

Tagpuan

Gitna

Mga Tauhan , Banghay

(Panimula,Pataas na aksyon o tunggalian,

Wakas

Kinalabasan/Resolusyon

Isaisip
Panuto: PAGBUBUOD SA NATUTUNAN .Sumulat ng isang talatang may 5 o higit pang
pangungusap na magbubuod sa pangkalahatang natutunan mo sa aralin. Salungguhitan ang
pangunahing kaisipan.

_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Isagawa

Panuto: PAGBUBUOD SA PARABULA: Basahin ang parabula at gumawa ng sinopsis o buod


sa tulong ng pagsunod NG mga hakbang sa pagsulat nito . Isulat ito sa bondpaper.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Ang Alibughang Anak
Lukas 15:11-32
 
Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. 12 Sinabi sa
kanya ng bunso, “Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At hinati nga ng
ama ang kanyang ari-arian. 13 Pagkalipas ng ilang araw, ipinagbili[a] ng bunso ang kanyang
bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya roon sa mga bisyo ang lahat niyang
kayamanan. 14 Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon,
kaya't siya'y nagsimulang maghirap. 15 Namasukan siya sa isang tagaroon, at siya'y
pinagtrabaho nito sa isang babuyan. 16 Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala
namang nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng
mga bungangkahoy na pinapakain sa mga baboy. 17 Ngunit napag-isip-isip niya ang
kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, ‘Labis-labis ang pagkain ng mga alila ng aking
ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! 18 Babalik ako sa aking ama at
sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. 19 Hindi na po ako
karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga
alila.”’ 20 At siya'y nagpasyang umuwi sa kanila.

“Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa ay


patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. 21 Sinabi ng anak, ‘Ama, nagkasala po
ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.’ 22 Ngunit
tinawag ng ama ang kanyang mga alila, ‘Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit
at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya ng singsing at ng sandalyas. 23 Katayin ninyo ang
pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang. 24 Sapagkat ang anak kong ito ay
namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’ At sila nga'y
nagdiwang. 25 “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na
sa bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. 26 Tinawag niya ang isang utusan at
tinanong, ‘Bakit? Ano'ng mayroon sa atin?’ 27 ‘Dumating po ang inyong kapatid!’ sagot ng
alila. ‘Ipinapatay po ng inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay
nakabalik nang buháy at walang sakit.’ 28 Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok
sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang ama at pinakiusapan. 29 Ngunit sumagot siya,
‘Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma'y hindi ko kayo sinuway.
Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para
magkasayahan kami ng aking mga kaibigan. 30 Subalit nang dumating ng anak ninyong
ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo siya
ng pinatabang guya!’ 31 Sumagot ang ama, ‘Anak, lagi kitang kapiling at ang lahat ng
aking ari-arian ay sa iyo. 32 Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat
namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.’

Tayahin
Panuto: PAGTUKOY SA KATANGIAN NG SINOPSIS: Suriin ang kahulugan,
kalikasan , mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa
tsart.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin – Abstrak ayon sa:
a. Layunin b. Gamit c.Katangian d. Anyo CS_FA11/12PN-0a-c-90

Sinopsis
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo(porma)

Karagdagang Gawain
Panuto: PAGSULAT NG KWENTO SA BUHAY: Ang isa sa katangian ang tekstong naratibo
ay ang pagkakaroon ng maayos na banghay na magpapakita sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Gamitin ang bondpaper at sundin ang proseso ng mga pangyayaring bubuo sa banghay
ng akdang “KWENTO AKING BUHAY. Isulat ang pamagat at may-akda nito.

SIMULA

WAKAS SAGLIT NA
KASIGLAHAN

KAKALASAN KASUKDULAN

Aralin Uri ng Paglalagom


3 Bionote
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Baitang : 12 Markahan : Una

Alamin
Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maisasagawa ng mga mag-aaral ang sumusunod:
1. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit
(c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90
2. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92
3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong
sulatin.CS_FAPU-0d-f-93

Subukin
Panuto : PAGKILALA SA PAKSA: Basahin at suriin ang mga katanungan at piliin ang
titik ng angkop na sagot. Isulat ito sa patlang.
_____1.Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Katu-katulad ito sa talambuhay o kathambuhay ngunit ito ay higit na maikli kompara sa
mga ito.
A.Bionote B.Abstrak C.Tesis D. Sinopsis
_____2. Ito ay isang maiksing tala ng personal na impormasyon na kalimitang ginagamit o
pinapahayag tungkol sa isang tao na panauhin, magtatanghal o sinumang ipakikilalala sa
isang kaganapan. Minsan ay maaaring makita rin ito sa likuran ng mga pabalat ng aklat at
kadalasan ay may katabi itong piktyur ng may-akda.
A. Sinopsis B.Abstrak C.Tesis D.Bionote
_____3. Ito ay karerang madalas na makikita o mababasa sa journal , aklat ,abstrak ng
mga sulating papel, web sites at iba pa.
A.Negosyo B. Medikal C.Akademiko D.Arkitektural
_____4.Maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitang ng pagbanggit ng personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay. Ito ay
A.gamit B.layunin C.kahulugan D.Kalikasan
_____5. Ang Bionote ay maikli at siksik ang nilalaman. Ito ay
A.layunin B.anyo C.katuturan D.katangian
_____6.Ginagamit ang hugis na ito tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, talagang inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa bionote  .
A.baligtad na tatsulok B.tatsulok C.bilog D.kwadrado

_____7.Ang salitang ito ay gamitin upang madali maunawaan at makamit ang totoong
layunin nito na maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
A. matalinghaga B. tayutay C.payak D.idyoma
_____8.Isulat gamit ang panauhan ito upang maging litaw na obhetibo ang pagkakasulat
nito.
A.una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____9.Unang isulat sa bionote upang makita agad ang katauhan ng taong
ipinakilala at unang nakarehistro sa kamalayan ng mga taong ang taong ipinakikilala.
A.kasarian B.natapos C.tirahan D.pangalan
____10. Ang Bionote ay nabibilang sa pahayag na nagbibigay ng kaalaman sa mga
mababasa ukol sa kasanayan ng may-akda at mga parangal at nakamit nito.
A. naratibo B.impormatibo C.ekspresibo D.deskriptibo

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Balikan
Panuto: IPABATID ANG BAWAT TITIK (Akrostik): Malaki ang tulong ng sinopsis sa
pagpapaikli ng isang akda o teksto. Ipinahahayag ito nang buo , maayos at mabisa
anupa’t taglay nito ang mga pangunahin at pantulong na kaisipan. Ngayon, gamit ang
mga letra ilahad ang kabuoang kaisipan ukol sa paksa.

--- S
--- I
--- N
--- O
--- P
--- S
--- I
--- S

Tuklasin
PAGSULAT NG BIONOTE

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat


ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o
tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng
isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli
kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic
Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o
mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.

Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya


ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang
madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili
sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa
sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:


1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa
networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na
pangungusap.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye
tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes.
Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin
lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang
madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang
iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawili-
wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan
na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at
kaayusan nito.

https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-yourself.html.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag
,koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and


Secondary Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino
Language and Literature sa Philippine Normal University . Nakapagturo siya ng
Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang homeroom
chairman , koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at Assistant principal for
Academics sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t ibang
kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika , Singapore ,China
( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa mga
kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng
kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na
pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.

Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools ,


Colleges , and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing
pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing
niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang pagiging
simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa pagsulat ng
mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.

Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:


Pangalan ng may-akda ,  kursong natapos (graduate at post-graduate) ,karangalang
makamit, trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang
nadaluhan,kontibyutor ,angkop na kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa.
Katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya
ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang
ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga
administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang bionote ayon sa kung ano
ang hinahanap nila.

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang  pinakamahalagang impormasyon sa
bionote  .

PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON

MAHALAGANG
IMPORMASYON

DI-
GAANONG
MAHALAG
ANG
IMPORMAS
YON

5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng


mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef
“.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na
kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD
halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung
paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay
kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan
. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.

https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815

Suriin
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Tukuyin at sagutin ang mga katanungan

1.Bakit isinusulat ang Bionote?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2.Sinasabing ang Bionote ay kinikilalang isang marketing tool, ano sa palagay mo ang
dahilan?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3.Sa pagsulat ng Bionote, bakit kailangang sundin ang baligtad na tatsulok?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
4.Bakit kailangang kilalanin ang mga mambabasa o target na market sa pagsulat ng
Bionote?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
5. Bakit pinapahalagahan nang malaki ang katapatan ng isang tao sa pagsulat ng
kanyang Bionote?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Pagyamanin
Panuto : BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA: Buuin sa isang talata ayon sa pagkakasunod-
sunod ang bionote ng isang manunulat ng aklat na “Filipino sa Piling Larangan (Akademik).

 Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
 Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba’t ibang pamatasan at
institusyong pangkultura.
 Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines
-Diliman.
 Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
 Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya
(1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga
Salita Mula sa Iba’t ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of
Translation sa UP Press.

Isaisip
Panuto: PAGHAHAMBING NG BIONOTE AT TALAMBUHAY : Batay sa natutunan mo
sa dalawang salita. Itala kung ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Bionote at
Talambuhay sa pamamagitan ng Venn Diagram.

Bionote Talambuhay
(Pagkakaiba) Pagkakatulad (Pagkakaiba)

Isagawa
Panuto: PAKIKIPANAYAM SA GURO : Kapanayamin /interbyuhin mo ang isa sa iyong
mga guro sa Senior High School tungkol sa kanyang Bionote. Maghanda ng mga
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
makabuluhang tanong na may kaugnayan sa kanyang propesyon bilang guro. Sundin
ang mga pamantayan wastong pakikipanayam at sa wastong pagsulat ng bionote .
Isulat ito sa bondpaper at sikaping lakipan ito ng larawan ng kinakapanayam.

Tayahin
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG BIONOTE : Suriin ang kahulugan, kalikasan,
mga katangian , layunin , gamit , anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa tsart.

Bionote
Kahulugan
Kalikasan
Katangian
Layunin
Gamit
Anyo(porma)

Karagdagang Gawain
Panuto: BIONOTE UKOL SA SARILI: Sumulat ng iyong sariling bionote .Sundin ang
wastong pamaraan sa pagsulat ng bionote . Isulat ito sa bondpaper at sikaping lakipan ito ng iyong
larawan .
Lagom

Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Isa sa mga dapat matutuhan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo


ng isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng
isang sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang bumabasa o nakikinig ang
kabuoang kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda .Bukod sa
nahuhubog ang mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng
isang teksto ay marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral
habang nagsasagawa ng paglalagom,
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng
mga akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal,lektyur,at mga
report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan
ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman
ng pinakabuod ng akdang akademiko o ulat.

Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga


akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula,
pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo ng panitikan. Ito ay maaaring
buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang. Maaaring
1/3 ng pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis
o buod. Sa pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda
gamit ang sariling salita. Ang pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong
makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng seleksyon o akda, kung kaya’t
nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din nitong maisulat
ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa
pahayag ng tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa
akda o minsan naman, ito ay di tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng akda,
mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit?
Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang
pagsulat ng buod.

Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito


kung anong akda ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa
pamagat , at pinanggalingan ng akda .
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang
iyong inilahad ay hindi galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong
nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong sariling pananaw o paliwanag tungkol
sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng


personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag
sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o
biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito ay higit na maikli kompara sa mga ito.
Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for Health
Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng
mga sulating papel, websites, at iba pa.

Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya


ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang
madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social
network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na maipakilala ang sarili sa
madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili
at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Susi sa Pagwawasto

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Modyul 2
Panimulang Pagtataya Modyul 2
1.D Aralin 1
2.B Subukin (p.1)
3.C 1.TAMA
4.A 2.TAMA
5.A 3. MALI
6.C 4. MALI
7.B 5. MALI
8.D
9.B
10.B
11.C
12.A
13.B
14.A
15.C
Modyul 2
Balikan (2)
Pangunahing kaisipan - .
Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng
sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East
Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV).
Pantulong na Kaisipan _
***Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit
na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw
at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata.
***Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao.
***Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan
ay maaari ring makahawa sa mga tao.
Isagawa (p.6)
Rasyunal - Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-
aaral sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo.
Saklaw at Delimitasyon- Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-
aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-
aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating
impromptu,ekstomperenyo.

Metodolohiya- Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng


Maricel Laforteza
mga mag-aaral Magdato
sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana”
maricel.magdato@deped.gov.ph
na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu
at ang09 389186565
paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa
pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. 
Resulta-Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga
Modyul 2
Aralin 3
Subukin (p.15)
1.A
2.D
3.C
4.B
5.D
6.A
7.C
8.C
9.B
10.B
Pagyamanin (p.19)

Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, at tagasalin. Nagtapos siya ng


kaniyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines-Diliman. Dito rin siya kasalukuyang
nagtuturo ng mga kurso sa panitikan, wika, at araling Filipino. Nakapaglathala na siya ng
mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999), at nakapag-edit ng
serye ng Sawikaan: Mga Salita Mula sa Iba’t Ibang Wika sa Filipinas na kapuwa proyekto
ng Filipinas Instirute of Translation at UP Press. Aktibo rin siyang contributor sa mga
akademikong journal sa iba’t ibang pamantasan at institusyong pangkultura.

Pangwakas na Pagtataya
1.D 8.D
2.B 9.B
3.C 10.B
4.A 11.C
5.A 12.A
6.C 13.B
7.B 14.A
15.C

Mga Sanggunian
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Aklat

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan


(Akademik )Phoenix Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex Book
Store 2016 Edition
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.
2016

Corazon L. Santos ,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng


Mag-aaral Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Republika ng
Pilipinas

Internet Sites

https://www.youtube.com/watch?v=6eSvZR23G7I
https://www.youtube.com/watch?v=3rDFyzUMZs0
https://www.youtube.com/watch?v=3THuUnF2LCY
https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+15%3A11-32&version=SND;FSV
https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/coronavirus-
factstl.aspxhttp://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng
abstrak.html

Journal

LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2
September 2015

Maricel Laforteza Magdato


maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565
Maricel Laforteza Magdato
maricel.magdato@deped.gov.ph

09 389186565

You might also like