You are on page 1of 1

Malugod kong pagbati sa ating Supervisor sa Filipino Gng. Maria Veronica Ivy Metrofanous ,Maam….

sa
aking mga kapwa guro, isang magandang araw!

Sa limang-araw na nakabagbag damdamin na trabaho sa Radio Based Instruction(RBI)ay nais kong


ipamahagi ang aking impresyon kaugnay sa aking natututnan at napagtanto sa gawaing ito.

Una,taos puso kong pinasasalamatan at binabati ang ating mga facilitators lalong lalo na kay sir Nelmar
Subsuban.

Sir,Salamat sa pasensya at agarang kasagutan sa aming katanungan,Maraming,maraming Salamat po…

Sa pagbabahagi ng mga kaalaman at kadalubhasaan kaugnay sa nasasabing Gawain o RBI bagamat alam
nating lahat na kinapos po tayo sa oras upang lubos na mapaghandaan pero ng dahil sa kakatagan at
determinasyon ating paring napagtagumapayan.

Pangalawa, NAis ko pong ibahagi sa bilang isang guro ang aking karanasan at nararanasan hanggang sa
oras na ito.Ako ang coach ng Unang TV broadcasting ng Sta. Josefa National High School na kung saan
hindi basta-bastang tungkulin na inatang sa akin, volunteer pa po ako that time pero lagi kong isinasaisip
na laban kaya naming to!Doon ko napagtanto ang kahalagahan ko bilang isang guro nadurog ang aking
puso nang makita ang team ko na kung pwede pa lang ay lumuha ng dugo para sa isang dedikasyon sa
dahil sa patimpalak na sasalihan.Ayaw matulog ni makakain para sa isang matinding paghahanda.Sa
bandang huli luha ng tagumpay ang aming narasan hindi sa kadahilanang hindi kami ang nanalo pero
ang dahilan ay napagtagumpayan naming hanggang maabot naming ang tugatog ng tagumpay na
walang pagsuko.

Pangatlo, Di ko po inaasahan na angroll ko bilang isang coach na gumagabay sa mga estudyante ko,
ngayon ako na ang nasa platform na ang kasama ko ay kapwa ko na mga guro.Sa aking team,Maam
Nove Grace Dalde, MAam Rosela Vista, Maam Mayflor Otacan,Maam Marivel Ramoroso, Sir Christian
Jules Mondano.

Maraming Salamat po na kapit kamay tayong nagtrabaho hanggang sa matapos natin ang ating ouput sa
RBI.

Sa mga kapwa ko guro na naririto ngayon, lagi nating tatandaan na ang ating hirap at pagud ay hindi
mawalang kabuluhan dahil nakikita ng nasa itaas ang laman ng ating mga puso na patuloy nating
isinusulong ang pang- angat ng edukasyon para sa kinabusan ng ating mga kabataan.

Hanggang dito nalang po.Mapagpalang hapon sa inyong lahat.

You might also like