You are on page 1of 5

Isang malugod na pagbati sa aming minamahal na

Punong Guro III (tatlo ang basa dito ha wag mo ito isama
hahaha), Bb. Bernadette C. Reyes.

Sa mga tagapanday ng aming isipan, ang aming mga


minamahal na guro. Sa aming mga magulang (na? lagyan
mo naman ng description dito. Unfair hahahaha) at sa
kapwa ko mga mag-aaral na magsisipagtapos ng Junior
High School ngayon. (anong bati mo sa kanila.?
Magandang araw? Magandang gabi? Magandang
umaga? Magandang buhay? Hahahaha)

Ako po si Paul Jhon Mendoza Talucod ng pangkat 10-


Diamond at isa pong malaking prebilehiyo para sa akin
ang makapagsalita ngayon sa inyong harapan.

Parang kailan lang noong tayo ay nagsimula. (redundant


na e alisin mo na.) Parang kailan lamang noong tayo ay
nagsimulang mangarap at humakbang patungo sa
tagumpay. Ngayon ay nandito na, baon natin ang mga
natutunan sa apat na taon. Mula sa pagiging musmos
tayo ay handa na para sa susunod na yugto ng mga
hamon sa pagkamit ng ating mga inaasam. Taglay ang
talas ng isipan, tibay ng pangangatawan, mga karanasan
at moral na asal na humubog sa aking buong pagkatao.
Sinong mag-aakalang ang isang batang tulad ko ay
produkto ng paaralang ito?

Alam kong ang buong taon ay hindi naging madali para sa


atin dahil sa banta ng COVID-19. Tulad ng marami, takot
at peligro sa mga buhay natin ang hatid ng pandemyang
ito. Ngunit sa mga negatibong mga pangyayari pinili kong
maging positibo. Sa pandemyang ito napatunayan kong
walang makapipigil sa pagkatuto. Kahit pandemya pa
yan. Nothing can stop learning. Sa pandemyang ito,
isinabuhay ko ang mga katagang "Pagsumuko ka, talo
Ka." Wala akong karapatang sumuko dahil ako ay may
pangarap. Hindi masama ang magpahinga at lumaban
ulit. Laging tandaan na hindi nakukuha ang tagumpay sa
isang iglap lang. Ito'y proseso ng pagtyatyaga at
pagsusumikap. Ito'y kinakailangan ng dedikasyon sa lahat
ng ginagawa at sakripisyo kung kinakailangan.

Maraming salamat sa aming sintang paaralang Iba


National High School na humubog sa amin. Hindi
matatawarang mga aral at mga ala-ala ang ipinagkaloob
mo sa buhay ng bawat isang mag-aaral mo.

Sa mga guro na nagpanday sa aming mga isipan.


Maraming maraming salamat po!. Sa paghubog sa amin
upang maging mabuting tao. Sa mga naging guro namin
simula sa ika-7 hanggang sa ika-10 baitang.Maraming
maraming salamat po sa aming adviser Ma'am Lea M.
Tumala na tumayo bilang aming pangalawang ina.
Maraming maraming salamat po sa masigasig na pag-
aasikaso sa aming 10-Diamond sa kabila man ng
pandemya. Maraming salamat po sa pag-intindi sa
bawat-isa sa amin. Salamat po sa pagsasakripisyo. Nais
ko din pong pasalamatan ang aming nanay sa scouting
Ma'am Mariel Roque. Maraming salamat po sa mga payo
at aral na itinuro n'yo sa amin. Maraming salamat din po
kay Sir Wilfredo Quiambao sa pagbibigay ng pagkakataon
noon sa akin na makasali sa INHS Dance troupe na isa sa
pinakamasayang karanasang naranasan ko sa Junior High
School. Maraming maraming salamat din po kay Ma'am
Shiela Ongleo at Ma'am Cristina De Guzman. Sa kabuuan
po nito'y wala pong katumbas ang naiambag n'yo kung
nasaan na kami ngayon. Wala po kami kung wala kayo.
Nais kong pasalamatan ang mga taong inspirasyon ko
para magpatuloy, motibasyon ko upang hindi sumuko at
dedikasyon ko na abutin ang tagumpay. Unang-una na
ang aking pasasalamat sa aking mahal na mga magulang,
Nanay Victoria Talucod at Tatay Severiano Talucod.
Maraming maraming salamat sa walang sawang
pagmamahal na handog n'yo sa aming magkakapatid.
Nay, maraming salamat sa paggawa ng mga bagay na
hindi ko naman hiningi at salamat sa pagiging una kong
guro. Tay, maraming salamat po sa pagkayod n'yo sa
araw-araw para lamang kami ay makakain. Tunay nga na
walang katumbas ang pagmamahal ng mga magulang.
Pangako ko po sa inyo na pagbubutihan ko po ang aking
pag-aaral.

Sa aking mga kamag-aral na aking mga naging kaibigan.


Maraming maraming salamat sa pagiging isa pinaka-
masayang nangyari sa aking buhay. Salamat sa pagbuo ng
mga masasayang ala-ala sa loob man o labas ng silid-
aralan. Salamat sa mga tawanan, salamat sa mga asaran
at salamat sa pagiging mabuting kaibigan. Sa aking squad
na sila Adlei, Eric, James, Paul, Kenjie, Earl, Marc at
Crazeann. Sa aking mga maaasahang pinsan Gie Jay at
Marie. Maraming maraming salamat sa pagiging isang
mabuting kaibigan.

Nais kong ibigay ang aking papuri at pagsamba sa


Dakilang Lumikha ng lahat. Panginoon maraming salamat
po sa mga biyaya at pagpapalang ipinagkakaloob mo sa
amin. Salamat sa pag-gabay sa tamang landas. Ikaw po
ang manguna sa bawat isa sa amin.

At sa lahat ng Grade 10 School Year 2020-2021 na


magsisipagtapos ngayon. Sikapin nating magpatuloy sa
ating mga paglalakbay. Ang bawat isa sa atin ay may
kanya-kanyang daang tatahakin. Lagi tayong pumulot ng
mga aral sa daang lalakaran natin. Baon ang mga
natutunan sa ating sintang paaralan. Tayo ay handa na
para sa susunod na kabanata sa pag-abot sa tagumpay.

Maraming salamat po!

You might also like