You are on page 1of 2

PANALANGIN NG PASASALAMAT

O Mahal na Ama, kami po ay nagpapasalamat sa lahat ng biyayang ipinagkakaloob po ninyo sa


amin sa araw-araw. Sa mga di mabilang na pagpapala na aming natatanggap mula sa inyo, isang
pagpapatunay na walang hanggan ang inyong pagmamahal.

Salamat po Panginoon, at kami ay nabigyan ng pagkakataon na makapagsagawa ng birtwal na


paraan ng pagtatapos sa kabila ng pandemyang dinaranas ng aming bansa, ay hindi pa rin ito naging
hadlang upang hindi maisakatuparan ang ganitong uri ng pagpapahalaga. Sa pamamagitan nito ay
maipaaabot din namin ang aming pasasalamat sa mga taong naging instrumento upang marating namin
ang mahalagang araw na ito ng aming pagtatapos. Nawa’y magsilbing sandata namin ang lahat ng
karunungan na aming nalikom mula sa pagpupunyagi at pagsisikap upang suungin ang panibagong
yugto ng pakikipagsapalaran.

Salamat po Panginoon sa pagbibigay ng mga magulang na patuloy na gumagabay at


nagsasakripisyo upang maitaguyod ang aming pag-aaral, kakambal nito ang kanilang marubdob na
pagmamahal na walang kapantay.

Salamat din po Panginoon, sa pagbibigay ng mga kaibigan at kamag-aral na naging kasama


namin sa pakikibaka at paglalakbay upang matapos ang aming pag-aaral.

Panginoon salamat po sa pagbibigay ng mga gurong nagsilbing pangalawang magulang, hindi


matatawaran ang kanilang naiambag para kami ay magtagumpay. Patuloy po ninyo silang gabayan
upang maipagpatuloy pa nila ang pagpapanday ng mga mag-aaral na itinuturing na pag-asa ng bayan.

Sa pamunuan, kabilang ang hanay ng mga non-teaching staff, mga Puno ng Kagawaran,
salamat po Panginoon, at parati silang nandiyan upang magbigay ng serbisyo publiko at pangalagaan
ang departamentong kanilang nasasakupan.

Salamat din po Panginoon sa pagbibigay ng isang huwarang ina ng Departamento ng Senior


High School, sa katauhan ni Gng. Marivic T. Lagman, Katuwang na Punongguro, kasama po kayo parati
sa aming panalangin, upang maipagpatuloy pa po ninyo ang mabuting pamumuno na inyong
napasimulan.

At sa tumatayong haligi ng aming paaralan, G. Rodrigo G, Natividad, nawa’y bigyan po kayo


parati ng Poong Maykapal ng kalakasan upang pamunuan ang ating paaralan. Ipinagpapasalamat po
namin na kami po’y inyong napaglingkuran , sa walang kapaguran pagdidisiplina at pagtuturo ng
kabutihang asal.

Salamat po Panginoon sa dalawang taon ipinagkaloob ninyo sa amin na kami’y maging bahagi
ng minumutya naming paaralan.

Sa araw na ito ng aming pagtatapos, ay buong pagpapakumbaba po naming hinihiling na


tanggapin ng bawat isa sa amin ang aral na mapupulot mula sa mga mensaheng aming maririnig.
Maging bukas ang aming mga isipan sa mga tagubilin at payong hatid ng mga taong nagbigay inspirasyon
na huwag sumuko sa hamon ng buhay.

Dalangin din po namin na basbasan po ninyo ang lahat ng mga desisyon na aming gagawin sa
hinaharap at patuloy na maging instrumento kami sa pagpapaunlad ng lipunan at bansang Pilipinas.

Ang lahat ng ito ay isinasamo po namin sa inyo, Panginoon. Amen.

You might also like