You are on page 1of 1

WORDS OF GRATITUDE

Ako po ay lubos na nalulugod at ako ay nagkaroon ng opurtunidad upang


magsalita sa harapan po ninyong lahat. Hindi po lingid sa ating kaalaman na ang
pag-aaral ay mahirap, ngunit kung ano ang hirap ng estudyante upang mag-aral ay
siya ring hirap ng mga guro sa pagtuturo lalo na sa panahon ng pandemya na halos
lahat ay nag iba. Mga nakasanayan natin na pagpasok araw-araw sa eskwela ay di
na natin magawa ng basta basta. Kundi kailangan muna natin sumunod sa mga
patakaran at pamamaraan ng tama at ligtas na pag-aaral. Dahil sa halos dalawang
taong pandemya na ating kinaharap marami ang pagbabago sa sistema ng
edukasyon at ito ay naging malaking pagsubok sa amin bilang mag-aaral ngunit
dahil sa mga masisipag naming mga guro, naitawid namin ang ganitong sitwasyon
at ngayon, kami ay natutuwa dahil sa unti-unti ng pagbabalik sa normal na
sitwasyon.
Sa araw na ito kami ay magsisipagtapos na. Marami akong natutunan sa
pitong taon kong pag-aaral sa elementarya. Mga aral at kabutihang asal na
kailanman dala dala ko hanggang ako ay mag highschool, kolehiyo at maging sa
pagtanda pa. Kaya lubos akong nagpapasalamat sa aming mga naging guro sa lahat
ng mga naituro nila sa amin, at sa walang sawang paggabay sa amin sa tamang
landas. At laging nilang sinasabi saamin na “Gaano man kahirap ang buhay, piliin
mong mag-aral sapagkat ito ang tunay na kayamanan na kailanman di mananakaw
ninuman”.
Andiyan din ang aking mga kaklase na tumulong sa akin upang mahubog
ang aking personalidad. Mga kapatid at kaibigan ko na kong ituring dahil sa aming
magandang samahan na nabuo sa pitong taon naming pagsasama-sama. Kaya mga
kaklase hiling ko sa Poong Maykapal na magtagumpay tayong lahat.
Sa aming mga magulang at pamilya na laging nariyan, maraming maraming
salamat po. KAKAPROUD PO KAYO! Kayo ang siyang gumagabay saamin. Sa
aking magulang at pamilya, nais kong magpasalamat sa lahat ng sakripisyo,
suporta at pagmamahal na ibinibigay niyo sa akin. Kayo ang naging inspirasyon ko
upang pagbutihin ko pa lalo ang aking pag-aaral. Alam kong responsibilidad ng
magulang na mapag-aral ang kanyang anak ngunit naniniwala ako na mas higit pa
ito sa responsibilidad, ito ay tunay na pagmamahal nila sa atin. Kaya sa mga mag-
aaral na katulad ko, wag po natin ipagsawalang bahala ang suporta at sakrispisyo
ng ating mga magulang para tayo ay mapag-aral.
At higit sa lahat maraming maraming Salamat sa Poong Maykapal sa lahat
ng biyayang ibinibigay nya sa akin, sa ating lahat.
Sa ating pagtatapos na ito, isang pinto na naman ang magbubukas para sa
ating lahat, ito ay ang buhay higschool. Nawa’y baunin natin ang lahat ng ating
mga natutunan dito sa elementarya at magsumikap pa lalo sa pag-aaral. Sapagkat
naniniwala po ako na pag tayo ay nakapagtapos ng pag-aaral, isang magandang
bukas ang naghihintay sa atin sa darating na panahon.
Muli, maraming salamat at maligayang pagtatapos sa ating lahat.

You might also like