You are on page 1of 1

Sa ating mahal na mga panauhin sa umagang ito sa taunang Brigada Kick Off, Kgg

Congresman Danilo Fernandez, sa ina ng lungsod ng Sta Rosa Kgg Arlene Arcillas,
City Councilor na namamahala sa Edukasyon Kgg. Joel Aala, sa PAUW President Dr.
Rosemarie Alejo, sa ating kapitbahay na napakasipag na kapitan ng brgy Labas Kgg
Ronald Ian De Guzman, sa maasahang SK Chairman ng Kgg Jaypee Adato at sa
ating GPTA mam Novelia Cayetano at pangulo ng SSG Jhon One Cortas sa ating
Punung guro Dr. Alvin Sta. Maria, sa lahat ng mga guro ng Labas Senior High School.

Isang mataimtim na pagbati sa araw na ito.

Taon-taon ating isinasagawa ang Brigada Kick Off bilang paghahanda sa nalalapit na
pasukan sa taong panuruan 2020-2021 na ang layunin ay pag-isahin at pagbukludin
ang lahat para sa ating mga kabataan na maihanda ang mga paaralan. Ngunit sa
panahong ito isang hamon para sa ating lahat kung papaano at saan tayo magsisimula
ngunit sa diwa ng bayanihan kakayanin natin ang lahat. Sa mahal naming mga
stakeholders ng paaralan ng Labas SHS sasalubungin natin ng kapit bisig ang
pagsubok na ito po ang pananalig namin na kaya nating tugunan hindi lamang ang mga
kakulangan; bagkus, kaya nating sama-samang buhayin ang pag-asa ng kinabukasan
para sa bawat batang Rosenean, muli po isang pambungad na pagbati sa inyong lahat
para sa pagbubukas ng Brigada Kick Off 2020-2021.

Maraming salamat po.

You might also like