You are on page 1of 13

Panalangin Para sa Magsisipagtapos

Panginoong Hesus, pinupuno ng Espiritu ng Karunungan


ang buong daigdig, at nagtuturo sa atin ng walang hanggang pag-
ibig.
Ibaling Mo nawa Panginoon ang iyong mga mata sa aming
mga magulang, upang hindi sila magsawang gumabay sa amin,
hindi lamang sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, kundi sa
paaralan ng buhay. Nawa’y tumanda silang ipinapasa sa amin
ang pag-ibig nilang walang kapantay.
Titigan Mo ang aming mga tagahubog at guro dito sa Pang-
Alaalang Paaralang Amando S. Dayo. Sa pagpapanday nila sa
kinabukasan ng mga mag-aaral, paniguraduhin Mong hindi ito
gumuho, at palaging manatili sa kanilang puso.
Masdan mo kaming mga magsisipagtapos sa araw na ito,
nawa’y hindi mapawi kailanman ang aming masigasig na
paghahanap ng katotohanan sa aming buhay. Nawa’y hindi kami
magsawang matuwa sa mga bagong matutuklasan sa
kinabukasan.
Sana’y lagi kaming nakamulat sa hiwaga ng buhay upang sa
kahuli-hulihan, kami ay naka-ngangang nakatitig sa hiwaga at
kulay ng malawak at malalim na pagmamahal mo, o Diyos.
Nawa’y baunin naming mga magsisipagtapos ang mga
itinurong pagpapahalaga sa kabanalan at kabutihan, Nawa’y hindi
namin malimutan ang mga alaala ng pagkakaibigan.
Higit sa lahat, nawa’y sa kasuluk-sulukan ng aming puso, at
sa kaila-ilaliman ng iba pang mga puso, matuklasan nawa naming
lahat ang iisa lamang na pagmamahal - ang pagmamahal sa Iyo,
Panginoon namin at Diyos.
Hinihiling namin ito sa pangalan ni Jesus, Amen.
PASASALAMAT NA PANANALITA

Sa panauhing tagapagsalita, Melanie Sanvictores Chen, sa mga pinuno ng ating


bayan, barangay at paaralan, sa mga magulang, sa mga kapwa ko nagsipagtapos,
sa iba pang mag-aaral, at sa lahat ng sumasaksi, magandang araw sa inyong lahat.

Naririto tayong lahat at nagtipon-tipon ngayon upang ipagdiwang ang isang


malaking pangyayari sa aming buhay bilang mag-aaral.  Ito ang araw na ating
pinakahihintay… ang katuparan nang masidhing pangarap na matapos ang ating
pagpupunyagi sa pag-aaral.  Mga hirap na ating naranasan upang matapos natin
ang anim na taon sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa-mag-aaral at mga guro.

Ito ang araw ng katuparang magawaran ng kaukulang pagkilala ang ating pagtitiis,
paghihirap at pagsusumikap.  Ang tagumpay ay hindi lang para sa mga natatanging
mag-aaral.  Hindi lamang sa akin ang karangalan na makapagtapos, kundi ang
karangalan ay para sa ating lahat.

Nais kong pasalamatan ang ating mahal na paaralan, ang Pang-Alaalang Paaralang
Amando S. Dayo s a k a n y a n g p a g- a ar u g a a t pa g b i b i g a y n g pangalawang
tahanan sa akin at sa aking mga kapwa nagsipagtapos.

Tuwing may mga paligsahan akong sinasalihan kasama ang aking mga kamag-
aaral, buong pagmamalaki akong sumasagot ng “sa PASDA ako nag-aaral”, tuwing
tinatanong ako kung saang school kami galing. Bagama’t ang aming paaralan ay
nasa baryo at isang Multigrade School, hindi naman ito nagpapahuli sa ibang mga
paaralan sa distrito at minsan nga’y nangunguna pa sa iba’t ibang paligsahan at
nakapagpapadala ng mga kinatawan hanggang sa panrehiyong paligsahan at
Scouting Jamboree.

Salamat sa PASDA, ang Pang-Alaalang Paaralang Amando S. Dayo kung saan sa


loob ng mahabang mga taon, ay naging kanlungan naming mga nagsipagtapos
upang dito hubugin ng aming mga guro ang aming pag-iisip at ang aming asal at
pag-uugali.
Sa aming mga guro na tumayong mga pangalawang magulang namin, maraming
salamat po sa inyo. Napagtagumpayan po ninyong tuklasin, hubugin at pagyamanin
ang aming mga talino, talento at wastong pag-uugali. Maraming salamat sa palagi
ninyong pagsasabi sa amin na “kaya namin, may ibubuga kami, at magagaling
kami”. Hindi man magkakatulad ang mga kaalaman namin sa mga gawaing pang-
akademiko, palagi naman ninyong ipinapaalala sa amin na may natatangi kaming
katangian at kakayahan at kaming lahat ay mga espesyal na bata.

Salamat sapagkat hindi ninyo kami nakaligtaang paalalahanan sa mga


pagkakataong nagiging tamad at ipinagwawalang bahala namin ang aming pag-
aaral. Hindi rin ninyo nakalimutang sawayin kami sa mga sandaling naging malikot
kami sa klase at naging pilyo at pilya kami sa aming mga kaklase. Ang
magagandang karanasan ko sa aking pag-aaral sa elementarya ay hindi ko
malilimutan sapagkat kakabit nito ay kayong aking mga guro.

Sa sandaling ito, natitiyak ko na ang pinakamasaya sa lahat ay ang aming mga


magulang, ang aking mga magulang, ang aking tatay at nanay.

Ngayon ang katuparan ng pagtupad natin sa kanilang mga pangarap.  Ang


pangarap nilang mabigyan tayo ng tamang edukasyon.  Mapapalad tayo at iginawad
sa atin ng ating mga magulang ang ating karapatang makapag-aral. Ang edukasyon
ang kanilang pamana sa atin na hindi makukuha ng sinoman.

Sa aking mga magulang, ang bunga ng inyong pagpapagod at pagsisikap upang


ako ay makapag-aral ay aanihin n’yo na, sapagkat ang katibayan ng aking
pagtatapos sa elementarya at ang mga medalyang aking tinanggap ay sa inyo ko
ihinahandog. Maraming salamat at nawa’y patuloy ninyo kaming suportahan sa
aming pag-aaral hanggang sa kami ay makapagtapos sa kolehiyo.

Kasama rin sa mga espesyal na taong nais kong pasalamatan ay ang aking mga
kaklase at kaibigan. Batid nating lahat na sa kabila ng mga pagkabigo at tagumpay,
ng pagkakaibigan at hindi pagkakaunawaan, ng mga lungkot at saya, mas may
katuturan ang lahat ng ito kung may kasama at katuwang ka.
Mas madaling matuto kapag ang katabi mo sa upuan ay mabait at nagbabahagi ng
iba pa niyang nalalaman, mas masayang maglaro kung kasama mo ang magagaling
at masayahin mong mga kaklase. Mas mabilis na matatapos ang mga gawain kung
kasama mo ang masisipag at matulungin mong kamag-aaral.

Higit kanino man, ang taos-pusong pasalamat ay para sa Poong-Maykapal, na 


siyang may bigay sa atin ng kalakasan at karunungan.  Kung wala Siya ay wala ang
lahat ng ito. Lahat ng mga bagay na Kanyang ibinibigay sa atin ay patunay ng
Kanyang walang hanggang pagmamahal.

Bilang pagtatapos, nais kong hikayatin ang aking mga kapwa nagsipagtapos na
gamitin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral.  Isa-puso natin ang lahat ng
ating mga natutunan sa paaralan.  Mula sa mga aklat na ating pinag-aralan, mga
kaalamang ibinahagi ng ating mga guro at kaalamang pangkagandahang asal na
ating natutunan, sama-sama nating gamitin sa kabutihan ang mga ito sa
paghakbang pa natin sa mga susunod na bahagi ng ating buhay upang ang ating
tunguhin ay ang maunlad na kinabukasan.

Isang mainit na pagbati para sa pagtatapos nating lahat.  Nawa’y magtagumpay ang
bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at higit sa lahat sa mata ng
Diyos.

Maraming-maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.


BATING PAGTANGGAP

Sa panauhing tagapagsalita, Konsehal Marvin S. Torres, sa Education


Committee Chairman Konsehal Mayleen C. Dayo, sa mga namumuno sa
ating bayan, sa pamunuan ng Brgy. Bataan sa pangunguna ni Kapt. Edison
J. Dayo, sa pamunuan ng School PTA sa pangunguna ng pangulo nito,
Gng. Ninia B. Pellada, sa mga iginagalang naming guro, sa pamamahala ni
Ma’am Lily O. Magno, sa ating tagamasid pampurok, Sir Nolan L. Santoalla
sa mga mahal naming magulang, sa mga kapwa ko magsisipagtapos, sa
mga mag-aaral na pagkakalooban ng pagkilala, at sa lahat ng sumasaksi,
magandang umaga sa inyong lahat.

Ngayon ay isang espesyal at natatanging araw. Nasabi ko ito sapagkat, sa


ilang sandali ay tatanggapin na naming magkakaklase sa ikaanim na
baitang ang katibayang sumisimbolo na nakatugon kami sa mga itinakda
ng Kagawaran ng Edukasyon sa aming pag-aaral sa elementarya.

Hindi namin inaasahan na sa kabila ng aming mga kakulitan, katigasan ng


ulo at kaingayan, kaming mga mag-aaral sa ikaanim na baitang ay
pagkakalooban na ng katibayan ng pagtatapos.

Sa ngalan ng lahat ng mga magtatapos sa Pang-Alaalang Paaralang


Amando S. Dayo, Taong Panuruan 2017-2018, maraming salamat sa
inyong pagdalo. Mainit ko kayong tinangtanggap sa bulwagang ito upang
saksihan ang isang mahalagang seremonya, ang araw ng aming
pagtatapos.

Maraming salamat at muli magandang umaga sa inyong lahat…


ANG PAGTATAPOS
Sa anim na taong aming inilagi
Sa silid aralang hasikan ng binhi
Nabutil nang dunong at wastong ugali
Kami ay lilisang may lungkot at ngiti.

Sa anim na taong tiyaga’t pagtitiis


Ay dumating na ang pinakamimithi’t nais
Ang pagtatapos na wari’y kay bilis
Ang saya sa loob ko’y walang kawangis.

Ako’y nagpapasalamat sa mga magulang ko


Sa mga suporta at mga pangaral n’yo
Lagi kong iisipi’t pagyayamanin ito
Hindi iwawaglit bagkus ipagmamalaki ko.

Sa ama’t ina kong laging nasisikap


Upang bigyan ako ng baong masarap
Pambili ng gamit sa proyekto’t gawain
Pag-asa at gabay at iba pang mga bilin.

May ngiti sa labing nagpapasalamat


Sa lahat ng gurong nagturo nang tapat
Ng mga araling liwanag sa landas
Na aming patnubay sa araw ng bukas.

Sa paslit na diwang limit magkamali


Sa kilos na lisyang walang pamimili
Sa ugaling haros na minsang masidhi
Aming mga guro, may unawang lagi.

Salamat sa inyo, mga kaibiga’t kaklase ko


Kayo’y aking nakasalo sa mga aralin upang matuto
Sa mga kulitan, saya at pagsubok
Kayo’y karamay ko salamat sa inyo
PAGSASALIN NG SUSI NG KATUNGKULAN / PANANAGUTAN

Kgg. na panauhing tagapagsalita, sa mga pinuno ng ating bayan at brgy.


Sa mga iginagalang naming guro, sa minamahal naming mga magulang ,
mga kapwa ko nagsipagtapos, sa iba pang mag-aaral, magandang araw po
sa inyong lahat.

Hawak ko ngayon ang susing ito na sumasagisag ng pananagutan sa


paaralan. Isinasalin ko sa mga kamag-aaral kong nasa ikalimang baitang,
sa pangunguna ni Renniel, upang sa darating na taong panuruan 2018-
2019, kayo naman ang siyang manguna sa iba’t ibang larangan ng mga
gawaing pampaaralan para sa Pang-alaalang Paaralang Amando S. Dayo.

Nais naming iwan sa inyo ang pangangalaga sa kanyang simulain,


adhikain at misyon, sa kanyang pangalan, sa mga nakababatang mag-
aaral at gayundin sa kanyang kapaligiran.

Kung ano man ang karangalan o kabutihang aming nagawa sana ay


magawa rin ninyo o malampasan pa ninyo. Kung mayroon naman kaming
mga pagkukulang ay kayo ang bahalang magpuno.

Kami ay lilisan at tutungo sa bagong tungkulin sa mataas na paaralan.


Subalit kami ay babalik upang alalahanin ang masasayang taon na inilagi
namin sa ating paaralan.

Kaibigang Yvonne, tanggapin mo ang susing ito at patnubayan nawa tayo


ng Poong Maykapal….Maraming salamat po!
PAGTANGGAP NG KATUNGKULAN / PANANAGUTAN

Sa ating mga panauhin, mga kamag-aral, mga magulangin na nandito at


sumasaksi sa okasyong ito, magandang araw po sa inyong lahat.

Sa ngalan ng ikalimang baitang, tinatanggap ko ang susing ito na


simbolo ng mga tungkulin at gampaning iiwan ninyo sa amin para sa
susunod na taong panuruan. Nangangako kami, kaming nasa mababang
antas ay sama-samang magsisikap at magtutulungan upang sa amin
namang kakayahan ay may maisagawa at maitulong kami sa aming guro
sa aming paaralan.

Wala man kami sa kabayanan patutunayan namin ang pag-unlad ng


karunungan at kaalaman ay nasa pagsisikap sa pag-aaral sa tulong ng
mga magulang at mga guro at wala sa lugar na kinatatayuan ng paaralan.

Kaibigang Renniel, sa loob na anim na taong inilagi ninyo sa ating


paaralan ay marami kayong naging karanasan, malulungkot man o
masasaya subalit sa lahat ng iyon ay marami kayong natutunan. Maraming
pangarap na nagiging inspirasyon upang mag-aral nang mabuti.

Ngayon ay lilisanin na ninyo ang ating paaralan, nawa sa inyong pag-alis


ay magsimula ang bagong hakbang tungo sa inyong mga pangarap na
makaapos sa pag-aaral, nawa ay kayong lahat na nagsipagtapos ay
makapag-aral sa mataas na paaralan hanggang sa kolehiyo. Asahan ninyo
na lahat ng mabubuting nagawa ninyo ay tutularan namin.

Muli po magandang araw at maraming salamat po!


Republic of the Philippines Department of Education Region IV-A CALABARZON

Pang-Alaalang Paaralang Amando S. Dayo Sampaloc District

CERTIFICATE OF GOOD MORAL CHARACTER

To Whom It May Concern:

This is to certify that RON ANDREI A. ALIOLA is a legitimate graduate

of Pang-Alaalang Paaralang Amando S. Dayo, Sampaloc District, Quezon, SY 2016-

2017. This further certifies that he/she is pupil of good moral character and has shown

good attitude and behaviour satisfactorily to the teachers and administrators of the

above named institution.

Issued upon request of the interested party this 7 th day of April 2017 at Sampaloc

Pang-alaalang Paaralang Amando S. Dayo for whatever legal purpose this may serve

him/her.
LILY O. MAGNO
Elementary School Head Teacher I

Naririto tayong lahat at nagtipon-tipon ngayong araw na ito upang ipagdiwang ang isang
malaking pangyayari sa ating buhay bilang isang mag-aaral.  Ito ang araw na ating
pinakahihintay… ang katuparan ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating
puspusang pagpupunyagi sa pag-aaral.  Mga hirap na ating naranasan upang matapos
natin ang anim na taon sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa-mag-aaral at mga guro.

Ito ang araw ng katuparan.  ito ang araw na ating pinakahihintay, ang pinakaaasam-
asam nating lahat…  ang magawaran ng kaukulang pagkilala ang ating pagtitiis,
paghihirap at pagsusumikap.  Ito ang tamang araw upang ipagdiwang natin ang
matagumpay na maisakatuparan ang pagsusunog ng ating kilay alang-alang sa ating
kinabukasan.  Ang tagumpay ay hindi lang para sa mga natatanging mag-aaral.  Hindi
lamang sa akin ang karangalan na makapagtapos nang may natatanging pagkilala,
kundi ang karangalan ay para sa ating lahat.

Una na nating pasalamatan ang ating mahal na Paaralan na naging ikalawang tahanan
nating lahat.  Sa loob ng mahabang anim na taon, naririto tayo upang hubugin ng ating
mga dakilang guro ang ating pag-iisip, ang ating puso at ang ating pananamplataya,
upang sa darating na panahon ay maging isang kapaki-pakinabang na mamamayan ng
ating bayan sa isang tuwid na daan.  Pinanday ang ating pagkatao sa loob ng tamang
panahon at sa angking-talino ng mga tumayong ikalawang-magulang natin.  Sa
pamamag-itan ng tamang pag-gabay ay matagumpay nating naisakatuparan ang nais
na igawad sa atin ng ating mga guro.  Walang katapusang pasasalamat sa aming mga
guro sa kanilang dakilang tungkulin sa mga mag-aaral.

Ang araw na ito ay ang katuparan ng pagtupad natin sa pangarap ng ating mga
magulang.  Ang pangarap nilang mabigyan ng tamang edukasyon ang kanilang mga
anak.  Mapapalad tayo at iginawad sa atin ng ating mga magulang ang ating
karapatang makatanggap ng tamang edukasyon at mainit nating natanggap ang
kanilang walang-sawang suporta sa ating pag-aaral.   Mga magulang at guro na
magkatuwang na humubog at gumabay sa ating wastong asal.  Sa kanilang mahabang
panahon na ginugol, kaalamang itinuro at pagtuklas sa ating talino na kanilang nilinang,
nakarating tayo sa espesyal na raw na ito.  Ang lahat ng ito, na ating tinatamasa
ngayon ay isang malaking tagumpay sa lahat ng mga taong naghirap para sa atin
upang marating natin ang araw na ito.

Ngunit hindi dito nagtatapos ang lahat, hindi ito ang wakas.  Ang bahaging ito ng ating
buhay-mag-aaral ay pasakalye pa lamang ng ating mas malaking buhay.  Inihanda
lamang tayo ng ating mga guro at magulang upang maging matibay, malakas at
matatag tayo sa mga darating na pagsubok at hamon sa ating buhay – maging ito man
ay tungkol sa pag-aaral o personal na pakikibaka.  Papunta pa lamang tayo sa isang
mas mabigat na pakikipagsapalaran.  Ngunit dahil sa tulong ng mga taong naghirap
para makapagtapos tayo ng pag-aaral ay taas-noo at buong-tiwala nating haharapin
ang anumang pagsubok.   Ang edukasyon ay ang sandata na ibinigay sa atin upang
mapagtagumpayan natin ang mga darating na hamon ng buhay.

Para sa malaking bahagi ng aming tagumpay, maraming salamat sa aming mga


magulang na naririto ngayon upang saksihan ang paunang-tagumpay ng kanilang mga
anak.  Kaya sampu ng aking mga kapwa-mag-aaral na magsisipagtapos, nais po namin
kayong pagpugayan sa inyong kadakilaan.  At higit kangino man, ang taos-pusong
pasalamat natin sa Poong-Maykapal, na  siyang may bigay sa atin ng ating kalakasan
at karunungan.  Kung wala Siya ay wala ang lahat ng ito.

At bilang pagtatapos sa aking talumpati, nais kong hikayatin ang aking mga kapwa
magsisipagtapos na gamitin natin ang tinamasang karunungan sa ating pag-aaral.  Isa-
puso natin ang lahat ng ating mga natutunan sa paaralang ito.  Mula sa mga libro na
ating pinag-aralan, mga kaalamang ibinahagi ng ating mga guro at kaalamang pang-
relihiyon na ating natutunan, gamitin natin sa kabutihan ang mga ito upang mapanatili
natin ang tuwid na daan tungo sa tagumpay ng ating bayan.   Mayroon tayong
mahalagang papel na gagampanan para sa ating bayan.  Bagamat nasa murang isipan
pa lamang ay huwag tayong magsawalang-bahala dahil sa darating na panahon ay tayo
ang mamamahala ng ating bayan.   Kung kaya ngayon pa lamang ay maging isang
mamamayan tayo na makatao at maka-Diyos upang makamtan natin ang
kaginhawahan sa dulo ng tuwid na daan.

Isang mainit na pagbati para sa pagtatapos nating lahat.  Nawa’y magtagumpay ang
bawat isa sa atin sa ating buhay, pag-aaral, gawain at higit sa lahat sa mata ng Diyos.

Maraming-maraming salamat at magandang umaga sa inyong lahat.


PANUNUMPA NG MGA NAGSIPAGTAPOS
Sa ngalan ng aking dangal, ako’y taimtim na nangangakong, itatanim kong lagi
sa aking puso, ang kadakilaan ng Diyos, at tatalimain ko ang kanyang banal na aral.
Pagsusumakitan ko nang buong katapatang ibigin at paglingkuran ang aking
bayan.
Ilalakip ko sa aking mga gawai’t tulay bulay ang mga kaisipang nagpapatimyas
ng pagmamahalan sa aking tahanan.
Itatampok kong buong ningning ang mga saligang simulain ng wastong
pamumuhay gaya ng dapat gawin ng isang huwarang mamamayan.
Pangangalagaan ko ang aking kalusugan, payayabungin ko ang aking kaisipan,
itatalaga ko ang aking gawain sa kasaganaang pang-industriya at pangk abuhayan.
Ang lahat ng ito ay gagawin ko sa abot ng aking makakaya. Kasihan nawa ako
ng Maykapal.

PANUNUMPA NG MGA NAGSIPAGTAPOS


Sa ngalan ng aking dangal, ako’y taimtim na nangangakong, itatanim kong lagi
sa aking puso, ang kadakilaan ng Diyos, at tatalimain ko ang kanyang banal na aral.
Pagsusumakitan ko nang buong katapatang ibigin at paglingkuran ang aking
bayan.
Ilalakip ko sa aking mga gawai’t tulay bulay ang mga kaisipang nagpapatimyas
ng pagmamahalan sa aking tahanan.
Itatampok kong buong ningning ang mga saligang simulain ng wastong
pamumuhay gaya ng dapat gawin ng isang huwarang mamamayan.
Pangangalagaan ko ang aking kalusugan, payayabungin ko ang aking kaisipan,
itatalaga ko ang aking gawain sa kasaganaang pang-industriya at pangk abuhayan.
Ang lahat ng ito ay gagawin ko sa abot ng aking makakaya. Kasihan nawa ako
ng Maykapal.

PANUNUMPA NG MGA NAGSIPAGTAPOS


Sa ngalan ng aking dangal, ako’y taimtim na nangangakong, itatanim kong lagi
sa aking puso, ang kadakilaan ng Diyos, at tatalimain ko ang kanyang banal na aral.
Pagsusumakitan ko nang buong katapatang ibigin at paglingkuran ang aking
bayan.
Ilalakip ko sa aking mga gawai’t tulay bulay ang mga kaisipang nagpapatimyas
ng pagmamahalan sa aking tahanan.
Itatampok kong buong ningning ang mga saligang simulain ng wastong
pamumuhay gaya ng dapat gawin ng isang huwarang mamamayan.
Pangangalagaan ko ang aking kalusugan, payayabungin ko ang aking kaisipan,
itatalaga ko ang aking gawain sa kasaganaang pang-industriya at pangk abuhayan.
Ang lahat ng ito ay gagawin ko sa abot ng aking makakaya. Kasihan nawa ako
ng Maykapal.

You might also like