You are on page 1of 14

MGA URI NG PANANALIKSIK

 Basic Research o Theoritical Research

Ito ay pananaliksik na para lamang sa pangkaragdagang kaalaman. Ayon kina

Graziano at Raulin (2000), ito ay nadisinyo upang madagdagan ng pag-unawa sa mga

dating kaalaman ngunit walang partikular na layong praktikal. Dagdag naman ni Fox

(1969), ang isa pang pangunahing layunin ng basic research ay para masubok o

makabuo ng teorya na ang adhikain ay makapagtatag ng prinsipyong pangkalahatan.

Marami ring pagkakataon na kailangan natin ang ganitong uri ng pananaliksik

upang magkaroon tayo ng pundasyong kaalaman sa maraming bagay sa ating

kapaligiran. Hindi man agad na nakikita ang praktikalidad nito, magiging batayan natin

ang mga kaalamang ito sa pagsagot sa mgasuliraning ating kakaharapin.

 Paglalahad na pananaliksik

Ang Paglalahad na pasulat ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong

mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na

maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa pamamagitan ng paglalahad ay nagiging

ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas

ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa

paksang pinag-uusapan. Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng


pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga

gawaing pangkomunikasyon.

Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita

o pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga

sumusunod upang maging epektibo sa pagsusulat:

1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salita at pangungusap namadaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang mga datos at organisado, may magandang
katangian ang pananaliksik, may tamang mikaneks/pormat.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na panimula, kaugnay na literatura at ng
presentasyon at rekomendasyon.
5. Suriing muli ang isinulat na mga datos at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na paksa ng pananaliksik at napapanahon,

 Applied Research O Practical Research

Ang layunin nito ay hindi lamang makakalap ng mga kaalaman, kundi magkaroon

ng aplikasyon ng mga kaalaman o aplikasyon ng pure research. Tumutulong ang

pananaliksik na ito sa paglutas ng mga mabibigat na isyu o suliranin sa lipunan at

maisaayos ang mga di kasiya-siyang kondisyon. Maaari rin namang kasiya-siya ngunit

may mga pagkakataong nagiging lalong maisasaayos pa ang kondisyong ito.

Ayon kay Gay (2006), layunin nitong maisagawa, mabuksan, at mabigyan ng

ebalwasyon ang paggamit ng teorya o kaalamang nabuo para sa paglutas ng problema.

Halimbawa ang pag-aaral kung paano makokontrol ang populasyon.

Kadalasan nakikita agad sa uring ito ang aplikasyon ng natamong resulta sa

pang-araw-araw na buhay o di kaya’y natatamasa mo bilang mananaliksik, ang epekto

ng ginawa mong pananaliksik.


 Aksyong Pananaliksik o Action Research

Ito ang uri ng pananalisik na may mabilisang solusyon ng problema. Dito hindi

naman kinakailangang gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham par mkahanap ng

solusyon. Sa edukasyon, ang aksiyong pananalksik ay kadalasan ginagamit upang

maremedyuhan ang mga problemang pagtuturo-pagkatuto. Ginagamit ang hakbanging

pang-agham na paraan tungkol sa mga suliranin sa loob ng silid-aralan. Ito ang

ginagawang pananaliksik upang agad na mabigyan ng solusyon ang mgasuliranin sa

klasrum.

Ang mga naunang uri ng pananaliksik ay ang pangkalahatang uri ng

pananaliksik na maari mong gamitin. Ang mga sumusunod ay ang tiyak na uri ng

pananalisksik. Dito masusuri, masisiysat mo naman ang ibat ibang tiyak na uri ng

pananaliksik na lalong maglilinaw saiyo upang makapili ka ng angkop na ggamitin mong

pananaliksik ayon sa larangan o interesnaiyong kinabibilangan.

 Palarawan o Descriptive

Ang pananaliksik na ito binibigyan pansin ang mga pangkalahatang ginagawa,

pamantayan, at kalagayan. Nilalayonng mga datos na ilarawan kung ano ang

kasalukuyang nagaganap sa mga suliraning kinakaharap ng mga tao sa kanilang

paligid. Hal. Pag-aaral sa mga suliranin ng mga mag-aaral hinggil sa kahinaan sa

pagbasa at pag-unawa.

 Eksperimental

Bibibigyan diin sa uring ito ang hinaharap at kung ano ang mangyayari.

Nagsasagawa tayo ng pananaliksik dahil gusto nating makita ang bisa ng isang bagay o

kaisipang maaring gamitin sa ating panghinaharap na buhay. Hal. Eksperimentong


gagawin upang malaman kung aling paraan ng pagtuturo ang mas epektibo. Susubok

ng iba’t ibang paraang ng pagtuturo.

 Pangkasaysayan o Historical

Sinasaklaw ng uring ito ang nakalipas, sinusuri rito ang mga pangyayari, ang

pag-unlad, ang mga dahilan ng bagay-bagayat sanhi at bunga. Sa pananaliksik na ito,

tinitingnan natin bilang isang mananaliksik ang pinagmulan, mga dahilan, pinag-ugatan

ng mga pangyayring maari nating iugnaysa mgakasalukuyang nagaganap. Mula sa

kasalukuyan, inuulilkil natin ang mga nakalipas nang pangyayari upang mailatag natin

ang mganaging dahilan o ugat nito.

 Pag-aaral sa Isang Kaso o Case study

Ito ay isang malawak napag-aaral sa isang aklat, pangyayari, karanasan, isang

pasyente, isang usapin o kaso sahukuman, o kaya ay isang mabigat na suliranin. Sa

uri ng pananaliksik na ito, kakunti lamang ang mga sangkot na respondente kung

ihahambing natin sa iba pang uri ng pananalisik.

 Genetic Study

May kaugnayan ito sa agham at kaugaliang pantaodahil sinusuri ang ugnayanng

gene o pag-unlad ng isang tao. Tinitimbang at sinusuri ang mga epekto ng mga anxiaty

chromosome sa paglaki o gawi ng isang tao. Pinag-aaralan at sinusuri nito ang

pagsulong at pag-unlad ng isang paksa.

 Pamamaraang Nababatay sa Pamantayan o Normative

Madaling mkilala ang uri ng pananaliksik naito dahillaging may

pinaghahambinganbatayan o norm sa mgaresult ng isinagwang pag-aaral. Kadalasan

sinusuri kung ang datos ay nakahihigit o kaya’y hindi napapantayan ang


pangkalahatang pamantayan. Dito inihahambing ang resultang isang pag-aaral sa

isang umiiral na pamantayan.

HAL. Paghahambing ng nagampanan sa ingles ng ikasampung baytang sa

sekondarya sa isang dibisyon sa pambansang pamantayan sa Ingles ng mga nasa

ikasampung baitang.

 Hambingang Pamamamaraan o Comparative Study

Sa uring ito, bagamat may paghahambing na magaganap. Ang paghahambing

sa mga resulta ay hindi sa isang pamantayan o norm kundi sa iba pang resulta ng

isinagawang pag-aaral. Maari ring may dalawa o higit pang pinaghahambing, at

sinusuri kung anu ang pagkakaiba ng mga resulta ng mga ito. Kadalasan ginagamitan

ito ng mga talahanayan ng paghahambing ng mga datos.

 Behavioral Research

May kaugnayan ito sa gawi o pag-uugali ng isang tao. Batay sa pag-aaral sa

paniniwala na ang layuning pangkaaalaman nito ay nakukuha sa pamamagitan ng

maingat at sistimatikong pagsukat at obserbasyon ng mga ginagawa ng mga tao. Ito

ay inaasahan sa operasyong pumapaloob ang pagbabago ng mga konseptong

abstrakto sa mga gawing maaaring maliwanagan. Ang layunin nito ay masubukan ang

mga batas na maaring maipaliwanag, o mahulaan, mabigyan ng prediksyon patungo

sakontrol ng gawi. Hal: Pag-aaral tungkol sa gawi ng mga mag-aaral na kumukuha ng

asignaturang Filipino na nasa unang baitang sa tersaryo.

 Phenomenological Research
Itoy pananaliksik batay sa mga paniniwala ng mga tao at ginagawa nila sa

kanilang inisip. Ang pokus nito ay sa internal, sikolohikal na kahulugan bilang gabay sa

kanilang gawi na naglalarawan kung paano ang pag-unawa sa buhay, at karanasan.

Tinatawag din itong theory gen mga perated dahil sa paglinang ng mga teorya.

Tinitingnan dito ang mga nangyayri sa mga phenomenon o pangyayaring may

kaugnayan sa paligid. Hal. Pag-aaral tugkol sa kuturang bikol.

 Communication Research

Isa itong uri ng pananaliksik na nakapokus sa pag-iimbistiga sa limang elemento

ng komunikasyon.

1. CONTROL ANALYSIS (source) tungkol sa pagganap ng tagapagsalita. Pinag-


aralan ang mga salik na nakakaapekto sa kaniyang pagganap ayon sa kaniyang
kredibilidad, kapabilidad, pagiging bihasa, pangangailangan, at suliranin.
2. CONTENT ANALYSIS (message) na tungkol sa katangian ng mesahe,
manipestasyon ng lawak ng paksa, pananaw, at gamit ng teksto;
3. MEDIA ANALYSIS (channel) na tungkol naman sa bentahe ng media at pinansyal
na aspekto;
4. AUDIENCE ANALYSIS (receiver) na tungkol sa gawi ng mga tagapakinig, lebel ng
mga tagapakinig, interes nila, opinyon at ang feedback na manggagaling sa kanila;
at
5. IMPACT ANALYSIS (effect) na tungkol naman sa kasalukuyang tungkulin ng media
sa komunidad, sistema ng pagbibigay impormasyon, epekto ng telebisyon sa mga
bata, motibo ng media, gamit ng media at iba pa.
 Mga ilan pang Uri ng Pananaliksik at Klasipikasyon ng mga ito:

Ayon sa partikular na layuning nais makamit. (Calderon at Gonzales, 2003)

1. Prediktibo o Prognostik. Layunin nitong makita ang operasyon sa hinaharap ng mga


baryabol sa ilalim ng imbestigasyon para sa as maayos na deriksiyon.ito ay para
ibigay ang mga resulta mula sa isang tiyak na edukasyonal na pagsasanay o
pardon, at makapagtatag ng estadistikal na koneksiyon sa pagitan ng mga
katangian ng mga mag-aaral at prediksiyon ng pag-aaral.
2. Direktiba. Isinasaad dito kung ano ang dapat gawin base sa mga resulta ng pag-
aaral. Ito ay binibigyan ng remedyo sa isang hindi kasiya-siyang kondisyon, kung
mayroon man.
3. Iluminatibo (illuminative). Ito ay patungkol sa interaksiyon ng mga bumubuo ng mga
baryabol na iniimbestigahan. Katulad ito sa interaksiyon ng sistema ng edukasyon, o
pardon ng organisasyon sa mga mag-aaral.
 Ayon sa Malawakang Layon. Ito naman ang mga uri ng pananaliksik ayon sa mas

malawakang layunin o pangkalahatang layuning nais makamit. Nasa ibaba ang

iba’t ibang uri nito:

1. Basic o Pure Research. Ginagamit ang pananaliksik na ito sa sikolohikal at


sosyolohikal na aspekto.
2. Applied Research. Ito ay aplikasyon ng teorya o prinsipyong nabuo. Halimbawa
nito ang pagsubok sa prinsipyong “ang pagpupuri ay makakatulong sa pagkatuto.”
Para malaman kung ito ay totoo, magsasagawa ng eksperimento sa dalawang
grupo na nasa parehong lebel. Ginagamitan ang unang grupo ng papuri bilang
repwerso ay mas mataas ang nakuhang mga puntos kaysa sa hindi ginamitan ng
papuri, samakatuwid ang prinsipyo ay totoo.
 Ayon sa Lebel o Antas ng Imbestigasyon. Binibigyang-diin sa uring ito ang antas
o lebel ng pag-iimbestiga ng mga datos. Tinitingnan din dito ang paraan ng pag-
iimbestiga ng mga datos na nakalap. Pansinin mo ang mga uri nito:
1. Eksploratori - Pinag-aaralan ng mananaliksik ang mga baryabol na may tuwirang
kaugnayan sa isang tiyak na sitwasyon.
2. Deskriptib - Pinag-aralan ng mananaliksik ang relasyon ng mga baryabol.
3. Eksperimental - Pinag-aralan ng mananaliksik ang epekto ng mga baryabol sa
bawat isa.
 Ayon sa Pagpili ng mga Kasagutan sa Problema. Sa uri ng pananaliksik na ito,
binibigyang- pansin ang paraan ng pagsagot sa mga suliranin sa pananaliksik, o
kung papaano sasagutin ng mga datos ang mga suliraning nais bigyan ng
kasagutan.
1. Ebalwasyon - Ito ang mga posibleng aksiyon sa pag-aaral kung saan pinipili ng
mananaliksik ang pinakamahusay at mabisang aksiyon sa pag-aaral ng paksa.
2. Debelopmental - Ang tuon ng pansin ay sa mga resulta at nililinaw ang
pinakamainam na instrumento o proseso sa pagsagot ng mga katanungan.
 Ayon sa Nilalaman ng Estadistika. Dahil mahalaga rin ang estadistika sa
pagsusuri ng mga datos, mabuti ring suriin ang uri ng pananaliksik sa aspektong ito.
1. Kuwantitatibong pananaliksik (Quantitive research) - Ito ay ginagamitan ng
inferential na estadistika tulad ng chi-square at analysis of variance upang
masubukan ang hypothesis. Isinasama rito ang komparatibong pag-aaaral at
relasyong sanhi at bunga base sa mga pag-aaral.
2. Non-quantative research - Ito ay hindi ginagamitan ng estadistika o quantity na
walang kantidado o zero. Kadalasang nakikita ito sa alternatibong pananaliksik tulad
ng pag-aaral sa antropolohiyang etno-kultural (anthropological ethnocultural),
indigenous, at partisipasyon ng mananaliksik. Kadalasan ding ginagamitan ito ng
paglalarawan sa mga datos na nakakolekta.
 Ayon sa uri ng pagsusuri o analisis. Ang uri ng pananaliksik na ito ay nakaugnay
sa paraan ng pag-atake sa pagsusuri ng mga datos sa pananaliksik, o kung paano
niya tatalakayin ang mga nakalap na datos upang magkaroon ng mabuting
kinalabasan.
1. Analitikong Dulog o Analytical Approach - Sinubukang tukuyin at ihiwalay ng
mananaliksik ang mga component o bumubuo ng sitwasyon ng pananaliksik.
2. Dulog na Holistic o Holistic Approach - Inuumpisahan sa kabuuan ang sitwasyon at
binibigyang- pansin ang sistema muna pagkatapos ay ang relasyong internal.
 Ayon sa inilaang oras o Time Allotment. Mauuri ang pananaliksik na ito sa
aspektong pampanahon kung anong panahon ang pokus ng iyong gagawing
pananaliksik.
1. Historikal - Inilalarawan at binabakas nito ang nakaraang pangyayari o datos upang
Makita ang ugnayan ng mga nakaraang pangyayari sa kasalukuyan.
2. Descriptib - Inilalarawanang “ano” o kaya’y nagbibigay ng kasalukuyang kalagayan
ng datos na ginagawan ng pananaliksik.
3. Eksperimental - Inilalarawan ang hinaharap o kung ano ang mangyayari. Ginagawa
ang pananaliksik na ito para sa panghinaharap na katuparan o kaya’t
kapakinabangan ng mga datos.
 Ayon sa lawak o sakop. Sa uring ito, binibigyang-pansin ang lawak ng paksang

nais gawan ng pananaliksik.

1. Aksiyong pananaliksik o Action Research - Ginagawa ang aksiyong pananaliksik sa

isang maliit lamang na aspekto nito dahil nais mabigyan ng agarang solusyon ang

kasalukuyang kalagayan o sitwasyon.

Sa edukasyon, ang aksiyong pananaliksik ay kadalasang ginagamit para

mabigyan ng remedy ang mga problemang pagtuturo-pagkatuto. Ginagamit ang mga

hakbanging pang-agham na paraan tungkol sa mga suliranin sa loob ng silid-aralan.

Pananaliksik ito sa mabilisang solusyon ng problema na hindi naman kinakailangang

gamitin ang lahat ng prinsipyo ng agham para makahanap ng solusyon sa problema.

Ayon kay Geoffrey E. Mills (2003), ito ay anumang sistematikong pagsisiyasat o

pag-uusisa na pinapangasiwaaan ng mga gurong mananaliksik, punongguro, mga

tagapayo o “ school counselors”, o mga namumuhunan para sa paaralan o

stakeholders. Gumagawa ng pagsisiyasat tungkol sa kapaligiran ng pagtuturo upang

makakalap ng mga inpormasyon kung paano magturo ang mga guro, at kung paano

magturo ang mga guro, at kung gaano natututo nang husto ang mga mag-aaral. Ang

mga impormasyong nakukuha o nakakalap ay sinasamahan ng mga layuning

madagdagan ang mga kamalayan at mapalawak ang pag-unawa, malilinang ang

repleksyon sa mga paraan at gawain ng paaralan, magkaroon ng positibong pagbabago

sa kalagayan ng paaralan maging sa kabuuang larangan ng edukasyon, mapabuti ang


magiging kahihinatnan ng mga mag-aaral, at mapabuti rin ang mga buhay ng mga may

kinalaman sa pagtataguyod ng paaralang pinaglilingkuran.

Ginagawa ng mga guro ang action research nang kusa, at hindi ito pinipilit ng

sinuman. May apat na hakbang na sinusunod ang guro sa paggawa ng action

research. Una, kilalanin ang pangunahing pokus ng pag-aaral; pangalawa, mangalap

ng mga datos; pangatlo, magkaroon ng analisis at interpretasyon sa mga datos; at

pang-apat, paunlarin ang action plan.

Ang action research din ay isinasagawang isa o higit pang indibidwal at grupo

para sa layuning masolusyonan ang isang suliranin. Layon nitong makakuha ng mga

impormasyon para sa bentahe ng mga local na gawain o “local practice”. Karaniwang

ninanais ng mga kasangkot sa action research na mabigyan ng solusyon ang mga

pang-araw-araw na suliraning tuwirang nakikita at nararanasan. Halimbawa, ang

nakikitang mga problema ng mga guro ay kung paano mababawasan ang bilang ng

mga estudyanteng lumiliban sa klase, bandalismo, tamang paggamit ng teknolohiya

para malinang ang kakayahan sa pagtuturo ng Filipino, at iba pa.

May mga katanungang maaaring gamiting gabay para sa ganitong pananaliksik

tulad ng: “ano ang pinakamainam na gamiting metodo para sa partikular na estilo ng

pagkatuto ng mga mag-aaral na mabibigyang- pansin o konsiderasyon ang edad,

kasarianat pangkat etnikong kinabibilangan?” “paano mahihikayat ng mga guro ang

mga mag-aaral na bigyang-pansin ang mga pangyayari sa kaniyang kapaligiran?”

Ang ganitong pag-aaral na ginagawa ng isang indibidwal ay nagkakaroon ng

limitasyon para sa tinatawag na “generalizability” o pagbibigay ng kalahatan. Ngunit

kapag ang pag-aaral ay ginawa ng iba pang mga guro sa iba’t ibang paaralan gamit ang
parehong katanungan para maimbestigahan ang nasabing tanong sa kanilang klase

(iyan ay inuulit ang parehong katanungan ng kanilang kasamahan) at anumang

resultang lumalabas, makakalikha sila ng batayang ideya na makapagbibigay ng

pangkalahatang patakaran o tunguhin.

Sa action research, hindi kailangan ang kadalubhasaan sa lahat ng uri ng

pananaliksik, ang dapat tandaan lamang sa ganitong uri ng pananaliksik ay ang

pagpapahalaga sa interes at pangangailangan ng mga praktisyoner (practitioner).

Narito ang iba’t ibang uri ng Aksyon Resirts:

1. Praktikal - Layunin nitong tukuyin ang mga tiyak na suliranin sa silid-aralan, paaralan

o sa kumunidad. Puwede itong gawin a larangan ng edukasyon, serbisyong

panlipunan, at kalakalan. Ninanais din nitong mapabuti o maisaayos ang

pagsasagawa o pagsasakatuparan ng hangarin sa mas maikling panahon at

magbigay ng impormasyon tungkol sa mas malaking isyu; puwede itong gawin ng

isang indibidwal o pangkat. Ang resulta ng ganitong uri pananaliksik ay pagbuo ng

isang action plan na kadalasan ay ipinapatupad at higit pang matatasa.

2. Participatory - Kilala rin itong collaborative research na tumutukoy sa pananaliksik

na naglalayong mabigyan ang mga tao ng mga paraang gumagamit ng

sistematikong aksiyon at mapagsikapang mabigyan ng solusyon ang isang tiyak na

suliranin. Humuhikayat ito sa lahat ng mga kasangkot na magkasundo, maging

Malaya, at makasangkot upang maging masigasig sa pag-iimbestiga hinggil sa

isang suliraning nakaapekto sa kanila. Kaya masasabing ang mga kasangkot sa

pananaliksik na ito ay nabibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag ng kanilang


kalagayan at makalinang ng isang plano na maaaring makapagbigay ng solusyon sa

nasabing suliranin.

Ano ang ipinagkaiba nito sa praktikal na action research? Masasabing walang

gaanong ipinagkaiba ito sa practical research, bukod sa ito ay may dalawang

karagdagang layunin. Una, mabigyan ng kakayahan ang isang indibidwal at grupo

upang maisaayos ang kanilang pamumuhay; at ikalawa, magdala ng pagbabagong

panlipunan sa paaralan o sa lupunang kinabibilangan. Sa pananaliksik na participatory,

kadalasang ang mga kasangkot ay nasa malalaking grupo ng mga tao na may iba’t

ibang karanasan at may iba’t ibang paniniwala o punto de vista, ngunit lahat ay

nakatutok o nakapokus sa isang problema. Ang intensiyon ay magkaroon ng

puspusang pakikisangkot ang lahat ng mga kasapi sa organisasyon.

Mga Hakbang

Kadalasan, may isang bihasang mananaliksik na bubuo ng problema na

kaniyang ipapakita sa mga kasangkot at sila ay magbibigay ng tulong-pinansiyal para

sa pagsasakatuparan ng ganitong pananaliksik. Ang mga sumusunod ay mga hakbang

sa action research:

1. Kilalanin ang suliranin at katanungan.


2. Kunin ang mahahalagang impormasyong upang masagot ang mga tanong.
3. Suriing mabuti at bigyan ng pangkahulugan ang mga impormasyong nakalap.
4. Bumuo ng action plan.

Mapapansin na ang mga hakbang ng action research na ginagawa ng isang guro

ay katulad din sa panggrupong gawain.

Ang Mananaliksik

Pagmasdan ang iyong kapaligiran. Hindi ka ba nagtataka kung paano nagkaroon

ng elektrisidad? Paano nabuo ang telebisyon? Noon, ito ay black and white, hangang
naging colored, tapos may CD, hangang naging DVD. Ngayon, mayroon ng tinatawag

na flat TV.

Sa komunikasyon, noon ay nagpapadala ang mga tao ng sulat. Di naglaon

nadiskubre ang telepono kaya’t puwede nang tawagan ang mga kakilalasa ibang

bansa. Hangang sa nagkaroon na ng cellphone. Iyan ay dahil sa mga magagaling na

mananaliksik. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi nagawa ng isang gabi lamang.

Kailangan sa pananaliksik ang sapat na panahon upang maging matagumpay ito.

Hindi magtatagumpay ang isang pananaliksik kung wala ang mga masigasig na

mga mananaliksik. Sabi nga sa pelikulang “spiderman”, “with great power comes great

responsibility.” Nangangahulugang ang bawat kakayahan ay may kaakibat na

resposibilidad at tungkuling dapat gampanan.

Gayundin sa mga mananaliksik, may mga tungkuling dapat gampanan at mga

responsibilidad na dapat balikatin sa ikatatagumpay ng isang gawain. Tulad mo, isa

kang mag-aaral na may kaakibat na responsibilidad. Tungkulin mong mag-aral nang

mabuti at maging masaya sa bawat kaalamang natutuhan sa araw-araw. Ang mga

kaalamang ito ay dapat gamitin sa pangkabuluhang paraan upang makatulong sa

kapwa at bayan.

Ano nga ba ang mga responsibilidad ng mga mananaliksik?

 Katangian ng Mananaliksik

Kailangan mong malaman kung sino ka bilang isang mananaliksik, upang

maisaisip mo ang mga katangiang dapat mong taglayin. Bago mo suungin ang isang

bagay, kailangan munang may sapat na kamalayan ka tungkol dito para alam mo ang

iyong ginagawa.
Ayon kina Alejo, et al. (2005), ang mananaliksik ang sadyang nakikisangkot.

Dapat alam mo ang nangyayari sa paksang iyong pinag-aralan upang maintindihan mo

ang kalikasan nito. Halimbawa, para maunawaan ang buhay ng mga taong-grasa,

kailangan mong maging taong-grasa mismo, namamaluktot matulog sa mga basurahan,

nakukupulan ng dumi, nagdidikit-dikit ang buhok, nag-aamoy burak, pinandidirihan, at

itinatatwa sa lipunan.

Ang isang reporter ay mapursige, malakas ang loob, mapanuklas, nag-iikot,


naglilibot, kahit pa walang pamasahe. Di siya natatakot mag-isa sa gitna ng mga
estranghero at sa kakaibang trato ng mga tao. Sa isang salita, adbenturero. At wika
nga, hindi nag-iiwan ng munti mang baton o hindi binungkal. Samakatwid, siya ay
mapanabik, mapagmasid, mausisa, at sinusubukan lahat.

You might also like