You are on page 1of 3

Ngayon ang Buwan ng mga Kababaihan o Women’s Month

na ang tema sa taong ito ay “We make change for women.”


Gasgas nang masyado kapag sinabi kong mahalaga ang
papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa ating lipunan.
Masyado nang cliche kung baga.
Kaya hindi ko na uulit-ulitin ang katotohanang ito. Kaya nga,
huwag na, lubhang gasgas na kung bibigyan ko pa ng diin
ang kakayahan ng kababaihan sa ating lipunan.
Ang mahalagang dapat ilaman ng munting espasyong ito ay
ang iba pang isyung may kinalaman sa kababaihan.
Dahil ang tema ngayong taon ay “we make change work for
women” ay akmang-akma ang mga nangyayari sa ating
lipunan.
Napakalayo na nang pagtratong ibinibigay ngayon sa mga
kababaihan kumpara noong mga nakalipas napanahon dahil
talaga namang maraming pagbabagong nagawa ang sector
ng kababaihan.
Pero dapat higit pa rito, para sa akin na bilang isa ring babae
ay pahalagahan pa natin lalo ang kalusugan at kaligtasan ng
mga kababaihan lalo sa panahon ng kanilang panganganak.
Pag-aralan dapat ng mga ahensya ng pamahalaan kung
paano pa sila matutulungan sa mga pagkakataong
nagdadalang-tao sila bukod pa sa mga benepisyo nilang
natatanggap sa kasalukuyan.
RELATED POSTS
SAP para sa mga mahihirap nga ba?
Apr 30, 2020

Albay nakiusap na huwag alisin ang ECQ


Apr 30, 2020

Apela ni Poe sa paspasang pagbibigay ng ayuda


Apr 27, 2020

Magandang hakbang din ang ginawang pagpapasa sa ilalim


ng administrasyong Duterte sa 120-araw maternity leave
dahil malaking tulong ito sa mga ina para magabayan ang
kanilang mga bagong silang na mga anak.
Dapat tandaan na ang usapin ng kalusugan at kaligtasang ito
ang nagbunsod upang magkaroon tayo ngayon ng
International Women’s Day at Women’s Month tuwing
Marso.
Noon kasing Marso 25, 1911, naganap ang Shirtwaist
Factory fire sa New York City kung saan namatay sa
trahedya ang mahigit isang daang kababaihang
manggagawa. Naging hudyat ito ng panawagan upang
bigyan sila ng ligtas na working condition.
Mula noon, hanggang ngayon, itinalaga na ang Marso bilang
buwan ng kababaihan.
Samantala, noon pa mang 1988, kinikilala na ng ating bansa
ang Marso bilang Buwan ng Kababaihan sa bisa ng
Proclamation No. 227 s. 1988, at ang Marso 8 ng bawat
taon bilang National Women’s Day sa bisa naman ng
Republic Act (RA) 6949 s. 1990.
Mamulat sana ang mga kababayan natin sa mga
diskriminasyong may kaugnayan sa kasarian. Halimbawa sa
trabaho na may preferential treatment sa kalalakihan.
Simulan natin ang pantay na pagtrato sa kababaihan sa loob
ng ating bahay at sana ay gawin nating pangbuong taon o
panghabang buhay ang pagpapahalaga sa kababaihan.

You might also like