You are on page 1of 2

ANG PASKO SA PILIPINAS

Ano nga ba ang pasko? Ang pasko ay ang ipinagdidiriwang ng bawat pamilyang Pilipino
dahil sa araw ng ika dalawampu’t lima ng Decembre ay ang kapanganakan ng ating mahal na si
Hesus.
Ang panahong ito, at ang selebrasyong ito kapag Decembre ay isa sa mga pinakamasaya
at pinakamahalagang panahon na ipinagdidiriwang ng mga Pilipino, kahit nasaang parte ng
mundo. Marami nang mga kaugaliang Pinoy ang nakaligtaan, kaya’t magandang buhayin ang
diwang ito ng pasko sa gitna ng progresong makabago o modern. Pinakamahabang pagdiriwang
ng pasko Setyembre pa lang, abala na ang lahat sa pamimili ng pangregalo, at lahat n g
dekorasyon ay naitaas na. Sa mga bahay bahay siguradong nakasabit ang mga palamuting
nagniningning, kaakit akit at kaaya-aya. Simula na agad ang countdown sa Pilipinas lang talaga.
Kahit saang mall ka magpunta, pamaskong kanta na rin ang tugtog. Pati na rin sa radyo tugtog pa
lang pamasko na. Naging tradisyon na ito kaya’t karamihan sa mga Pilipino sa ibang bansa, dala
pa rin ang ganitong ugali.
Sa ating tradisyon at kultura nagkakaisa ang mga bawat pamilyang Pilipino para maipakita
ang pagmamahalan sa bawat isa. Ating talakayin ang iba pang tradisyon at kultura sa ating bansa.
Tuloy-tuloy na nobela ito sa siyam na misa, na ipinagdiriwang sa madaling araw, alas singko ng
umaga. Sa mga ibang lugar, binubuo ito ng mga deboto dahil naniniwala na kung anumang
hinihiling para sa kapaskuhan ay makam it kung walang makakaligtaang misa. Sa mga paaralan,
tinuturuan ang mga bata na gumawa ng ng tradisyon na parol gamit ang tinabas na kawayan, rice
paper o papel o foil o cellphane o tali. Karamihan recycle ang mga pinapasa ng mga mag-aaral na
parol. Sa mga shopping malls at mga bahay bahay palakihan ng parol at pagandahan. Ang
pagsabit nito sa labas ng bahay ay isang tradisyon na magandang ibahagi sa mga bata, para ito’y
mapahalagahan ang tradisyong Pinoy kapag pasko. Sa mga bahay ng Pilipino, naglalagay ng maliit
na sanggol na Hesus. Hinihintay ang bisperas at saka ilagay ang sanggol sa manger. Ang mga bata
ay ipinaglagay nito para maituro ang tunay na diwa ng pasko. Pamasko ang tawag ng mga Pilipino
sa regaling ibinibigay at natatanggap kapag pasko. Hindi namang kailangang bongga at
mamahalin ang regalo basta galling sa pagmamahal ng puso ating mararamdaman ang hangin ng
pasko. Mahalaga kasi ang diwa ng pagbigayan at pagsorpresa sa mga minamahal. Ang mga bata
naman ay binibigyan ng aginalado o perang malulutong ng mga nakakatnada at mga Ninong at
Ninang. Nakaugalian nang mga pamilya na mabigyan ng regalo kapag Bisperas ng pasko. Pagsabit
ng hatinggabi nagkakasalo ang mga pamilya at magbatihan ng Merry Christmas. Caroling naman
ay isa sa ating kultura. Mga bawat pamilya nagplaplano ng caroling, minsan rin ang mga bata at
mga magbabarkada ay nagplano para sa pangangaroling at nageehensayo na para sila’y handa
na mangaroling sa mga bahay bahay. Misa De Gallo at Noche Buena, ang ibang hindi
nakakapagsimbang gabi ay nagsisimba kapag Bisperas,na ang tawag ay Misa De Gallo. May mga
ibang pamilya naman na nagbubuklod para sa Christmas Party. May mga magkakaibigan,
magkakapamilya naman nagplaplano para lumabas o pumasyal sa ibang lugar para doon nila
ipagdiriwang ang pasko dala naman ang iba’t ibang naihandang pagkain. Pagpaparanas sa mga
kapus palad ay pagbibigayan ng mga gamit tulad ng damit, sapatos, tsinelas at iba pa para sa mga
kapus palad para sila’y mabigyang saya.

Hindi lang sa pasko ang pagkakaisa ng bawat pamilyang Pilipino kundi pati na rin sa araw-
araw. Higit sa lahat dapat nating tandaan ang diwa ng pasko sa ating pang araw- araw na gawain
para tuloy tuloy ang ating pagmamahalan, pagbibigay at pagtutulungan higit sa lahat ang
pagkakaisa ng bawat pamilya.

Ipinasa Ni:
Langbis Carla S.

You might also like