You are on page 1of 3

Maraming Salamat sa napakagandang pagpapakilala, Gng. Carylle Lissette Reyes!

Hayaan po ninyo akong magsimula sa pagbati,


Sa ating mga mag-aaral na magsisipagtapos, butihing guro,punong-guro , butihing
barangay captain at kasamang konsehal, PTA officers, at mga minamahal kong
magulang, kabaranggay, isang magandang buhay! At mapagpalang umaga po sa
inyong lahat!

Nang maanyayahan po ako na magsalita para sa araw na ito, ang una ko pong
naisip ay: “Bakit kaya ako ang kanilang napili?” ngunit sa dami po ng tanong na
nasa aking isipan, ay nais ko pong ipabatid sa inyong lahat na ako po ay lubos na
nagagalak na maimbitahan upang magsalita sa paaralan kung saan nakaranas ng
napakaraming katuturan na sadyang di malilimutan kaya’t aking binabalik-balikan ,
kasama na rin ng aking mga kaibigan. Isang prebilehiyo pong maituturing ang
tumayo sa inyong harapan .

Isa po itong espesyal na araw para sa lahat ng naririto. Para sa mga magsisipagtapos,
sa mga magulang na labis ang pagmamalaki, “proud parents” at ang mga guro na
nakahinga na naman ng maluwag sapagkat heto na naman at may napagtapos
nanaman sila. Maghintay lamang na makatapos ng kolehiyo ang mga mag-aaral na
ito at ang mga magulang naman ang makakahinga ng maluwag. 

Sa tingin ko ang mahusay na mga talumpati ay yaong may magandang simula, di


malilimutang katapusan at yaong nasa gitna lamang. Susubukan ko pong magbigay
ng napakamahusay na talumpati.

Ang araw na ito ay isa lamang sa mga mahahalagang okasyon na kung saan
ipinagdiriwang natin ang ating mga kabataan-- ang kanilang nagawa, ang pagti-
tiyaga at ang kanilang tagumpay habang sila’y nagkakaedad. Ito’y isa sa mga
pagkakaton na makapagpahinga at makapagnilay, lasapin ang pagiging mabuting
magulang at tagapagturo, habang iniisip na ang mga batang inaalagaan at
pinahahalagahan ninyo ay maayos at nasa mabuting daan.

Sa inyong mga magsisipagtapos, marapat lamang na inyong mabatid o malaman


na ang inyong mga magulang ay labis kayong ipinagmamalaki. Malaki ang kanilang
pag-asa para sa inyo, naniniwala sila sa inyo, at ginagawa ninyo silang “proud” sa
pagpapakita na kaya ninyong makapagtapos.
Maaari ninyo silang pagmasdan ngayon, at inyong makikita na sila’y nakangiti at
kumukuha ng litrato o larawan upang panghabangbuhay silang may kopya ng mga
sandaling ito.

Today is an important day for you and for them. Today they are very, very, proud
of you. (Pause) Today would be a good day to ask money.
Today would also be a good day to hug them and thank them for supporting you,
because as much as this is your achievement, this is also the achievement of the
people who care about you. That means your mom, your dad, your step mom or
step dad, your grandparents, your sisters and brothers, and all the other people
who care about you. THEY WANT YOU TO BE YOUR BEST AND TO LIVE UP TO
YOUR POTENTIAL.

Sinasabi nilang ang pagtatapos ay isa lamang sa mga senyales ng ating pagtanda,
isang opisyal na daan ng tao na hahakbang at tutungo sa susunod na lebel ng buhay,
at sa inyo na magsisipagtapos, kayo’y patungo na sa susunod na lebel. Baunin ninyo
itong munting kaalaman sa pagtahak sa bagong yugto ng inyong buhay, “YOU
HAVE TO LEARN THE RULES OF THE GAME. And THEN YOU HAVE TO PLAY
BETTER THAN ANYONE ELSE”.

Sa bawat taon, kayo ay nagiging Malaya. Hula ko naaalala pa ninyo ang unang
araw ninyo dito – maaaring ito’y masaya at kapanapanabik o maaari din namang
nakakatakot. Sa tingin ko, sa tuwing tinigtignan ninyo ang mga Kinder or Prep
maging ang grade 1 , maiisip at masasabi ninyo na lang “WOW!”Ang liliit pala nila!
Hindi ako makapaniwala na naging ganyan din pala ako noon! Masanay na kayo.
Iisipin ninyo yun panghabambuhay.

Ngunit sa tuwing nakakakita tayo ng mga nakababatang mag-aaral, masasabi mo


na gaano na ang iyong paglaki, gaano na ang iyong karanasan at gaano na rin ang
iyong pinagbago. Pagbabago, kaydaming pagbabago.
Halimbawa na lamang, noong kami’y nasa ika-anim na baitang, paunahan kaming
makapagtanim at makapagpatubo ng mga mustasa at kung ano-ano pang gulay
doon sa likod ng Grade 6 Room, tandang-tanda ko pa ang habulan ng babae at
lalaki dahil sa siraan ng tanim. Mabuti na lamang at mayroon ng bagong building
na nakatayo doon at tanging alaala na lamang ang natitira sa aming isipan sa tuwing
daraanan namin ito. Ang EPP room noon na kilala ding H.E room na kinukuhanan
at hinahatiran ng mga tray na pinamumunuan pa noon ni Ma’am Nabong na
ngayon ay Principal na ng school. Thank You ang Congratulations po ma’am!
Napakadami na pong improvements ng school!
Isa pa, tandang-tanda ko pa na isa pala ako sa mga unang mag-aaral na hinawakan
ni Ma’am Carylle noong unang taon niya dito na ngayon ay Presidente na ng
Teachers association, 6 Sapphire 2008-2009 batch, kasama ng ilan sa mga kilalang
personalidad rito sa Capaya, Si Chief Jonas Torres, Tom Meneses , Matthew Canlas,
Mikaela Yanes, Ang Fabian Twins at Albert Basco na kilala na ngayon bilang
“Divine” mula sa Bahaging ito ng Capaya 2. Sa bahaging likod ng Capaya na sina
Jenica Dayrit at Rachelle Ann Rivera. Mga basketball players mula sa buklod boys
na sina Kim Paolo David, , Aldayce Dayrit, Angelo Quiazon at ang ating SK
CHAIRMAN na si Arnoah Prince Mandani. Ilan lamang kami sa mga proud
graduates mula dito sa AGTES na patuloy pa ring nagsasama-sama at inaalala ang
aming mga karanasan mula noon hanggang sa ngayon,at patuloy ang pasasalamat
sa mga guro na humubog sa amin upang maging matagumpay sa aming buhay. Isa
po kayo sa mga dahilan kung bakit ko rin tinahak at hinaharap ngayon ang buhay
ng isang guro. Hindi madali ngunit masarap sa pakiramdam. Muli po, maraming
salamat sa inyong lahat!

Kayo rin ay nagkaroon ng mga magagandang karanasan sa taong ito at sa paaralang


ito, at siguro’y dumaan din kayo sa mga pagsubok, ngunit kayo ay nakalagpas at
heto na at kayo’y nagtagumpay.
Handa na kayo para sa susunod na lebel! Hinihiling ko na habang naghahanda kayo
para sa susunod na lebel ay gawin ang mga sumusunod na bagay na ito:
Una, huminto sa pagtetext ng inyong kaibigan patungkol sa hiling mo na dalian na
ng speaker at tapusin na niya ang sinasabi niya para makapunta ka na sa Marquee
Mall at makakain na

Pangalawa, hinihiling ko na kunin mo ang pagkakataong ito na ialay ang iyong sarili
na gawin ang susunod na taon ng mas mabuti. Tandaan na hindi mo kailangang
sumunod sa nakararami. Gawin ang tama , kahit na walang nakatingin. Mag-aral
nang mabuti at tandaan na namumuhunan ka sa iyong sarili mula sa mga pagsusulit
na ginagawa mo at sa bawat libro na iyong binabasa. At huli, huwag kang
masyadong magmadali na tumanda. Ito’y bahagi lamang ng mga mahahalagang
pangyayari sa iyong buhay. Huwag magmadali, daanan mo sila.
Wika nga ni Confucius, It doesn’t matter how slowly you go as long as you do not
stop.

Maraming pang mga magagandang bagay na darating sa inyong buhay, at kung


gaano ka-Proud ang inyong mga magulang o tumatayong magulang ninyo sa inyo,
kayo rin ay maging proud sa inyong mga sarili.

So Congraulations to all of the graduates, congratulations to the parents, and finally,


congrats to the teachers, and everyone else who helped our graduates reach here
today.

I’ll leave you with this quote from a great philosopher and a speaker with whom I
imagine you are all familiar, Tito Boy Abunda, he quote,
“Create the highest, grandest vision for yourself because you become what you
believe.”
Graduates, kindly repeat after me:
If you can dream it. You can do it! Believe in yourself! Always!

CONGRATULATIONS AGAIN, and thank you for your attention and participation.

You might also like