You are on page 1of 4

Ang Buhay Ko Sa Loob ng Paaralan

Sa labin-dalawang taon ko sa paaralan marahil ay tingin ng karamihan ay ako’y


nagsasawa na. Paaralan na ang ating ikalawang tahanan kung saan halos kalahati ng 24 oras ay
tayo’y nasa loob nito. Mga ideya ng kinakabukasan, mga pangarap na aking binuo, at pagmulat
na ako’y nasa kasalukuyang panahon; lahat ng ito’y nabuo sa loob ng ating ikalawang tahanan.
Ako ba’y magsasawa kung ditto ako nakakasalamuha ang mga taong matatawag kong tunay na
kaibigan at sa loob nito’y alam kong makakamit ko ang mga natatngi kong pangarap.
Mula kinder hanggang sa ika-labindalawang baitang na pamamalagi sa paaralan ay talaga
naman na ang buhay ko rito’y naging mahalaga na. Bawat sulok at bawat estudyante’y napupuno
ng makulay at buhay na buhay nag pag-asa. Hindi naging madali ang mabuhay rito. Sa bawat
aktibidad na pinaghirapang gawin, mga hadlang upang makapag-tapos, at mga pagpupuyat ang
nagbibigay paalala sa’kin na malayo na ang aking narating, na ang ang pagsuko’y parang
pagsuko na rin sa nakaraang tagumpay.
Mga paala ng nakaraang buhay sa loob ng paaralan ay nagbibigay ng pag-asang ako’y
malapit na sa aking pangarap. Na ang edukasyong nakakamit dito’y napakahalaga at hindi basta
bastang maitatapon o mananakaw ng kahit sino man. Ang nakaraan na magbibigay sigla sa
kinabukasang pangarap.
PLEDGE OF COMMITMENT

I, Alexander Tyrone Gaoat, commit myself to become a productive citizen, so that, as


citizen I will obey the law and help to government officials enforce the law. I will avoid violence
as a way of confrontation. I pledge to follow traffic rules to avoid accidents and to less traffic
that no one can be late at work or at school. I pledge also to take individual action to help protect
the environment. I pledge to remind my friends, family and others about the importance of
protecting the nature that is essential for future generations. I love peace, but I will fight for the
sake of right actions, freedom, and justice.
Ang Pagsusumikap Ko Bilang Mag-aaral
Sino bang hindi gugustuhing makapagtapos ng pag-aaral kahit mahirap? Lahat tayo’y
gustong matupad ang ating mga pangarap. Kahit maraming hadlang gaya ng kahirapan ay talaga
namang tayong nagsusumikap para lang makapagtapos. Naalala ko pa nga noong ako’y nasa ika-
anim na baiting na nakikisaka at tumutulong sa mga madaling gawain para lang mayroon akong
perang maitatabi. Ang mga pagpupuyat para lang matapos ang mga aktibidad. Ang pagpa-praktis
ng buong araw para lang makabisado ang mga gawain. Lahat ng ito’y halimbawa ng mga
napagdaanan ko bilang mag-aaral.
Sa pagninila-nilay ko’y napagtanto kong hindi pala madaling maging mag-aaral na
napakalaki ng pangarap, na maraming sakripisyo’t pagsusumikap upang makamit ang ninanais.
Minsan ko na ring ninais na sumuko nalang dahil sa dami ng trabahong gagawin sa bahay, sa
bukid at mayroong pang patungkol sa eskwela. Ngunit noong nakikita ko namang lahat ng
pagsusumikap ko’y nasusuklian ay napapawi ang aking pagod. Malayo na rin ang aking narating,
kay raming hadlang na ang nalagpasan, kay rami nang pagsubok ang aking napagdaan at ngayon
pa talaga ako mag-iisip na sumuko.
Mahirap maging mag-aaral ngunit mas mahirap maging mangmang sa mga bagay na may
karapatan at kaya ko namang matutunan. Palagi parin akong lalaban para sa magandang kong
kinabukasan. Kahit mahirap ay hindi ako susuko upang masuklian ang pagod ng aking mga
magulang. Sa napakaraming pagsubok na pinagdaan ay patuloy parin akong babangon at
sisiguraduhin kong tatapusin ang anumang sinimulan.
Ang Pagsisikap ng isang anak upang makakuha ng atensyon sa Magulang at may
mapatunayan sakanila

Sino ba namang anak ang hindi gustong maipagmalaki ng mga magulang, hindi ba? Sino
ba namang anak ang hindi gugustuhin na makita na masaya ang kanilang mga magulang dahil
ikaw ay nakakuha ng parangal o mayroon kang nagawang tama? Lahat naman ng mga anak ay
gustong ipakita sa kanilang mga magulang na sila ay karapatdapat na ipagmalaki sa ibang tao.
Sabi nga ng nakararami “Ang pinakamagandang sukli sa mga magulang ay makitang may
narating ang kanilang mga anak” kaya’t katulad ng lahat gusto ko rin na ipamagmalaki ako ng
aking mga magulang.
Sa totoo lang hindi ang mga magulang ko ang nagpalaki sa akin kundi ang aking lolo at
lola, ang aking ina at ama kasi ay may naghiwalay at may kaniya kaniya ng pamilya kaya
ginagawa ko ang aking makakaya noong ako ay nasa elementarya upang makakuha ng mga
parangal upang isa man lang sa aking mga magulang ang pumunta at magsabit ng medalya para
sa akin, nangyari ang gusto ko noong ako ay nasa ikatlong baitang ngunit isang beses lamang
iyon dahil ultimo noong pagtatapos naming ng elementarya ako ay salutatorian ay wala man
lang pumunta sa kanilang dalawa.
Noong ako ay tumungtong ng sekondarya ako ay kinuha na ng aking mama kaya’t mas
pinag igihan ko ang pag aaral, masarap sa pakiramdam dahil nakakataba ng puso na makita
siyang masayang nagsasabit sakin ng medalya at pumipirma ng aking mga grado, ngunit may
kulang pa rin dahil kahit kailan ay hindi ko pa naransan na papa ko ang pumunta. Ako ay
nasanay na at ayos lang sa akin na ganun pero pinagbubuti ko pa rin ang pag aaral na umaasa na
baka mayroon pang pagkakataon na ang papa ko naman ang pumunta at hindi ako nawawalan ng
pag asa kaya hanggang ngayon na ako ay senior high school na binibigay ko pa rin ang lahat ng
aking makakaya sa eskwelahan.
Ako pa rin naman ay nagpapasakamat na andiyan ang aking mama kahit papano ay
naiibsan ang aking nararamdamang kakulangan. Nahihhirapan man, kakayanin pa rin. Patuloy na
lamang ako na magsisikap upang may marating sa buhay at baka mapansin din ng aking mga
magulang na gusto kong ipagmalaki nila ako sa mga tao. Mahirap man na maging anak ngunit
mas mahirap naman na maging mauling dahil sa tingin ko mas Malala ang nararamdaman ng
mga magulang para sa mga anak dahil sino ba namang magulang ang matitiis ang kanilang anak.

You might also like